You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
ANILAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Badiang, Anilao, Iloilo

LAGUMANG PAGSUSULIT
(IKALAWANG KWARTER)
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan:_____________________________Baitang/Pangkat:______________Iskor:_______________
Petsa: ____________________________________________ Lagda ng Magulang __________________
MARAMING PAGPIPILIAN. Piliin ang tamang sagot sa mga pahayag. Isulat ang TITIK LAMANG ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ano ang susi sa pagkamit ng epektibong pamumuno?
a. sikat sa lipunan b. disiplina sa sarili
c. bagong mga kaibigan d. estado ng pamumuhay
_____2. Paano ka makatutulong sa pagkamit ng kaunlaran sa pamayanan?
a. gaganap bilang isang tagapagmasid
b. piliin lamang ang may magandang programa
c. iwasan ang mga programang hindi mahalaga
d. makilahok at makikipag-ugnayan sa programa ng gobyerno
_____3. Ano ang magiging bunga kapag magaling na lider ang namamahala sa isang pangkat o pamayanan?
a. may maayos na patakaran b. hindi lahat sumasang-ayon
c. hati ang opinyon ng tagasunod d. mas uunlad pa siya bilang lider
_____4. Sino-sino ang may tungkuling dapat gampanan sa lipunan?
a. tanging tagasunod lamang b. tanging namumuno lamang
c. ang mga namumuno at tagasunod d. mamamayang may mataas na pinag-aralan
_____5. Sino sa mga sumusunod ang may mabigat na responsibilidad?
a. Artista b. Lider c. Manunulat d. Tagasunod
_____6. Paano mo maipapakita na ikaw ay isang mapagpakumbabang pinuno?
a. pagpapatuloy sa pamumulitika b. nakapagbigay ng proyekto sa mga tao
c. marunong makisama sa lahat ng uri ng tao d. pagtingin sa sarili na hindi nakalalamang sa iba
_____7. Ano ang mahihinuha mo sa katagang “walang pinipili ang batas”?
a. madaling gawin ang mga batas b. pinipili lamang ang gustong batas
c. hindi maaaring sumunod lagi sa batas d. ang lahat ay pantay-pantay sa mata ng batas
_____8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng PAGKAKAISA ng isang organisasyon?
a. Sinasalungat ang opinyon ng nakakarami.
b. Pakikibaka ang laging solusyon upang mapansin ang nais.
c. Salungat ang opinyon ng lider sa opinyon ng kanyang nasasakupan.
d. Binigyang pansin ang mga programa ng gobyerno sa pakikilahok ng mamamayan.
_____9. Sa bayan ang pamumuhay ay pagsasaka, isinasalang-alang ng lider ang mga programang agrikultural na
magpapadali at magpapaginhawa sa buhay ng mga magsasaka. Anong tungkulin ang nagampanan ng
lider?
a. pagsabatas ng proyektong panturismo
b. inuuna ang interes ng mga dayuhan sa bayan
c. pagsawalang bahala sa kalagayan ng magsasaka
d. inuuna ang pangangailangan ng mga tagasunod at nasasakupan
_____10. Ano ang hakbang upang matuto at malinang ang sarili bilang tagasunod?
a. pagbabasa ng mga aklat
b. pagtugon sa mga tanong ng iba
c. panonood ng telebisyon araw-araw
d. paglahok sa mga gawaing pansibiko
______11. Paano natin masasabing ang isang lider ay may kahusayan ?
a. naging sikat sa lipunan b. panay ang interbyu sa telebisyon
c. gumagawa ito ng may tamang pagpapasya d. kapag minsang naging isang mabuting tagasunod
Para sa bilang 12 – 14.
Nagsimula si Joseph bilang tagalinis sa kompanyang kasalukuyan niyang pinamamahalaan.
Kinagigiliwan siya ng mga nasasakupan dahil sa maayos niyang pagganap sa kanyang tungkulin.
“Diyan ako galing, kaya alam ko ang pakiramdam kung nasa mababang posisyon.” saad ni Joseph.
Hindi nakapagtatakang maganda ang estilo niya sa pamamahala sa kompanya at mga katrabaho nito.
______12. Bakit tinitingala si Joseph sa kompanyang pinangangasiwaan?
a. malaki ang sahod niya b. minsan siya naging tagalinis
c. maayos ang kanyang pamamahala d. tunay ang kanyang pagmamahal sa trabaho
______13. Nagampanan kaya nang mabuti ni Joseph ang kanyang tungkulin na maging tagapamahala? Bakit?
a. Oo, dahil naging tagalinis siya noon.
b. Hindi, dahil maraming may ayaw sa kanya.
c. Hindi, dahil maluwag siya sa mga kasama niya.
d. Oo, dahil kinagigiliwan siya ng kanyang nasasakupan.
______14. Kung ikaw ang isa sa mga tagasunod ni Joseph, magugustuhan mo kaya ang kanyang pamamahala?
Bakit?
a. oo, dahil alam niya na kaya niya
b. hindi, dahil nagiging gusto siya ng lahat
c. oo, dahil nakapanghihikayat siyang maging masipag
d. hindi, dahil ipinaparamdam niya na mahirap tahakin ang kanyang tagumpay
_____15. Alin sa sumusunod na halimbawa sa pagganap sa mga gampanin ang nagpapakita ng pag-unlad sa
tungo sa makabuluhang buhay?
a. Pagbabahagi ng impormasyon sa mga kasapi na makapagbabago sa kanilang sariling paniniwala.
b. Paggamit sa kapangyarihan bilang lider sa pagpapasunod ng miyembro na walang pagsaalang-alang sa
kanilang opinyon.
c. Pinapangunahan ni May sa pagdedesisyon ang lider ng kanilang pangkat upang maipakita ang pakikiisa
at suporta.
d. Aktibong nakiisa si Danny sa adbokasiya ng kanilang pangkat tungkol sa kalinisan kung kaya’y
napapahalagahan niyang lalo ang pagkakaroon ng malinis na tahanan.
_____16. Nawalan ng gana si Joey na pumasok sa araw na iyon. Wala kasi siyang perang maibigay sa kagrupo na
pambili ng kagamitan na kakailanganin sa kanilang pangkatang gawain. Alin sa mga sumusunod na patunay
na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ikinikilos ni Joey?
A. Si Joey ay may maraming pera.
B. Si Joey ay nawalan ng ganang pumasok.
C. Si Joey ay hindi pumasok sa araw na iyon.
D. Si Joey ay nangungutang ng pera sa kaklase.
_____17. Likas na mahiyain si Jade at wala siyang kumpyansa sa sarili ngunit inatasan siya ng kanyang guro na
maging tagapag-ulat sa isang pangkatang gawain. Napapayag man siya ngunit nang magpaliwanag sa
awtput ng kanyang pangkat ay nagkautal-utal siya sa pagsasalita. Alin sa mga sumusunod ang patunay na
naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos ni Jade?
A. Si Jade ay hindi tumayo dahil nahihiya siya.
B. Si Jade ay mahusay magpaliwanag sa kanilang awtput.
C. Si Jade ay nakautal-utal sa pagpapaliwag sa kanilang awtput.
D. Si Jade ay umiyak dahil pinilit siyang magpaliwanag sa kanilang awtput.
_____18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kakikitaan na naimpluwensiyahan ng emosyong pagiging
mahinahon ang pagpapasiya?
A. Si Mel ay napaiyak sa takot na baka mahawa sa sakit na COVID-19.
B. Si Mel ay nataranta nang malamang may nagpositibo sa sakit na COVID-19 na kanyang kapitbahay.
C. Si Mel ay nagalit sa kapitbahay dahil sa hindi dinoble ang pag-iingat nito kaya nahawa sa sakit na
COVID-19.
D. Si Mel ay kalmadong sumunod sa health protocols, nag-ehersisyo at kumain ng masustansiyang pagkain
para maging ligtas ang sarili laban sa sakit na COVID-19.
_____19. Ano ang magiging palatandaan sa gawi ng tao kapag siya ay malungkot?
A. masayang kausap B. mahilig magkuwento
C. nagagawa nang maayos ang gawain D. walang ganang kumilos at mapag-isa
_____20. Habang naglilinis si Lea sa loob ng klasrum ay aksidenteng nasagi ng kanyang bag ang masetera sa
mesa ng kanyang guro kaya nabasag ito. Sa takot niya ay naisipan niyang hindi sabihin ang kanyang
nagawa. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang pasya ni
Lea?
A. Naisipan ni Lea na huminto nalang sa pag-aaral.
B. Binilisan ni Lea ang paglilinis para makauwi na siya.
C. Naisipan ni Lea na hindi sabihin ang kanyang nagawa.
D. Sasabihin ni Lea sa guro na ang kaklase niya ang may gawa.
_____21. Napapayag si Alex sa alok ng kakilala na maging kasosyo sa negosyo nito. Nang matanggap ng kasosyo
ang perang tatlong milyon ay kinabukasan lumayas ito at hindi na nagpakita pa. Dahil dito iniwan siya ng
kanyang asawa kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkalugmok, panay ang kanyang pag-inom ng alak
at tila wala sa sarili. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong kawalan ng
pag-asa ang ikinikilos ni Alex?
A. Mas lalong yumaman si Alex. B. Lumago ang negosyo ni Alex.
C. Masaya si Alex kasama ang asawa. D. Panay ang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili si Alex.
_____22. Nagbabalak si Mat na sa Maynila mag-aaral ng kolehiyo ngunit nag-aalinlangan siya dahil ayaw niyang
malayo sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot
ang ikinikilos ni Mat?
A. Ayaw ni Mat sa Maynila mag-aral dahil mahal ang bayarin doon.
B. Ayaw ni Mat sa Maynila mag-aral dahil hindi niya kabisado ang lugar.
C. Nag-aalinlangan si Mat na sa Maynila mag-aaral dahil ayaw niyang malayo sa pamilya.
D. Ayaw ni Mat sa Maynila mag-aral dahil hindi niya kayang makipagsabayan sa mga estudyante doon.
_____23. Paano masasabing naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang pagpapasiya ng isang taong may
suliranin?
A. kapag masayang kausap B. kapag umiiyak kung tinatanong
C. kapag naguguluhan kung tinatanong D. kapag iritado at sarkastikong sumagot
_____24. May pag-aalinlangan si May na sabihin sa kanyang guro na si Oscar na kanyang kaklase ang nambulas
sa kanya. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang kilos ni
May?
A. Masaya si May na kaklase niya si Oscar.
B. Umiiwas si May kapag nakikita niya si Oscar.
C. Ipinagsawalang-bahala ni May ang ginawang pambubulas ni Oscar.
D. Nag-alinlangan si May na sabihin sa guro na binubulas siya ni Oscar.
_____25.Si Peterson ay may ginawang proyekto sa asignaturang Matematika ngunit hindi niya tinapos dahil
nawalan siya ng konsentrasyon nang malamang nagkasakit ang kanyang ina. Alin sa mga sumusunod ang
patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ginawa ni Peterson?
A. Dinalaw niya ang may sakit na ina.
B. Natapos niya ang kanyang proyekto sa tulong ng ina.
C. Naisumite niya ang kanyang proyekto sa kanyang guro.
D. Hindi niya tinapos ang proyekto dahil nawalan siya ng konsentrasyon nang malamang may sakit ang
kanyang ina.
_____26. Habang sinasagutan ni Zue ang online summative test ay biglang humina ang signal na dahilan kung
bakit hindi niya natapos ang pagsagot at naabutan na siya ng oras. Ngunit hindi siya sumuko at nakiusap
siya sa kanyang guro kaya nabigyan siya ng isang pang pagkakataon na sagutan ito ulit. Alin sa mga
sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong may pag-asa ang ginawa ni Zue?
A. Ipinagkibit-balikat nalang ni Zoe ang nangyari.
B. Nagalit si Zoe sa kanyang guro dahil hindi siya binigyan ng pangalawang pagkakataon.
C. Umiyak nalang si Zoe dahil hindi niya natapos ang pagsagot sa summative test.
D. Hindi sumuko si Zoe at nakiusap siya sa kanyang guro na bigyan ng pangalawang pagkakataon na
sagutan muli ang kanyang summative test.
_____27. Bakit may mga taong nakagagawa ng masama kapag sobrang galit?
A. dahil hindi nag-iisip
B. dahil ginusto lang ng tao na gawin
C. dahil pinipilit ang tao na gawin
D. dahil hindi napamahalaan ng tama ang sariling emosyon
_____28. Panay ang iyak ni Mariel at nawalan ng ganang tapusin ang kanyang takdang-aralin dahil dinig na dinig
niya ang pag-aaway ng kanyang mga magulang. Alin sa mga sumusunod na patunay na
naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang kilos ni Mariel?
A. Masaya si Mariel habang ginagawa ang takdang-aralin.
B. Nahihirapan si Mariel sa pagsagot sa katanungan sa takdang-aralin.
C. Panay ang iyak ni Mariel at nawalan ng ganang tapusin ang takdang-aralin.
D. Humingi ng tulong si Mariel sa magulang para masagutan ang takdang-aralin.
_____29.Hindi inimikan ni Jazzy ang kaklaseng si Loren dahil sa ipinagkalat nito sa buong klase na di umano ay
nangongopya siya kahit hindi naman totoo. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng
emosyong pagkagalit ang kilos ni Jazzy?
A. Pangongopya ni Jazzy sa kaklase. B. Hindi pag-imik ni Jazzy sa kaklase.
C. Pakikipag-away ni Jazzy sa kaklase. D. Pakikipagkaibigan ni Jazzy sa kaklase.
_____30. Nakita ni Anthony na naupo si Rodel sa gilid ng kalsada at naiiyak na ito sa kahihingi ng tulong para may
maipakain sa pamilya. Kaya binigyan niya ito ng bigas, mga de-latang ulam at pera para kahit papaano may
maiuuwi si Rodel sa kanyang pamilya. Alin sa mga sumusunod na patunay na naimpluwensiyahan ng
emosyong pagmamahal ang ginawa ni Anthony?
A. Naawa si Anthony kay Rodel nang makita niya ito.
B. Ipinagdasal ni Anthony na may tumulong kay Rodel.
C. Tumawag ng ibang tao si Anthony na tutulong kay Rodel.
D. Binigyan ni Anthony si Rodel ng bigas, mga de-latang ulam at pera.
_____31. Paano mailalarawan ang tunay na pakikipagkaibigan?
A. bunga ng pagmamahal at pagpapahalaga
B. bunga ng atraksyon ng isang tao sa kanyang kapwa
C. naglalarawan sa bawat taong iyong makasasalamuha sa araw-araw
D. isang relasyon na nabuo dahil sa pangangailangang moral at pisikal
_____32. Bakit kailangang kilalaning mabuti ang isang kaibigan? Dahil;
A. lahat ng kaibigan ay may lihim na tinatago
B. may kaibigang tapat lang kapag ikaw ay nakaharap
C. hindi ito nanatili na pang habambuhay tulad ng pamilya
D. importante ang mahabang panahon para makilala ng lubusan ang kanilang kalakasan at kahinaan
_____33. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
A. lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B. Ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa.
C. Makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito.
D. Ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa.
_____34. Nasusukat ba ang pagkakaibigan sa haba ng panahong magkasama?
A. Hindi dahil wala namang kaibigang panandalian lamang.
B. Oo, dahil ang pagkakaibigan ay mas lalong lumalalim kung kayo ay magkababata.
C. Oo, dahil ang tunay na pagkakaibigan ay nasusukat kapag matagal na kayong magkakilala.
D. Hindi, dahil ayon sa kasabihang quality over quantity, mas mahalaga pa rin ang lalim ng inyong
pagkakaibigan higit pa sa panahong ginugol dito.
_____35. Ang paglalagay ng sarili sa sitwasyon ng ibang tao ay mabisang paraan upang maintindihan ang
damdamin ng bawat isa. Ito ay isang kilos na nagpapakita ng _______________________
A. Pakisama B. Pag-unawa C. Pakiramay D. Pagtanaw ng Utang na Loob
_____36. Sa panahon na nararanasan natin ang the new normal, hindi man madalas nagkakausap, mahalaga pa
rin na magkaroon ng bonding sa pamamagitan ng paggamit ng social media o kaya naman ay manood ng
paboritong pelikula at pag-usapan ito pagkatapos. Anong kilos ang ipinapakita rito?
A. pagdamay B. pag-unawa C. pakisama D. utang na Loob
_____37. Ipinapakita ang kilos ng maunlad na pakikipag kaibigan sa pamamagitan ng wastong paggabay sa
tamang pag uugali.
A. pagdamay B. paggabay C. utang na Loob D. gawin ang bagay nang magkasama.
_____38. Hindi matutumbasan ang kasiyahang nararamdaman sa panahong kasama mo ang iyong kaibigan. Ito ay
nagpapakita ng anong kilos?
A. pagdamay B. presensya C. pagtanggap D. gawin ang bagay nang magkasama.
_____39. Ano ang ibig sabihin ng empathy?
A. pakikisama sa kaibigan B. pagbibigay oras sa kaibigan
C. paglagay ng sarili sa damdamin ng kaibigan D. pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan ng kaibigan
_____40. Paano makatutulong ang pagtukoy ng mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pagkakaibigan? Sa
pamamagitan ng;
A. nagtagumpay na kaibigan
B. matukoy kung sino ang totoo.
C. mapanatiling buo ang pagkakaibigan mapanatili ang pagmamahal at katatagan ng pakikipagkaibigan

Inihanda nina:
KAVEN PAUL A. SEGURA
KATHY JANE A. SILVA
RAMEL B. GARCIA
ARLENE A. MATUTINO
GRACE Z. GIMOTEA
Answer key
1. B
2. D
3. D
4. C
5. B
6. D
7. D
8. D
9. D
10. D
11. D
12. C
13. D
14. C
15. D
16. B
17. C
18. D
19. D
20. C
21. D
22. C
23. D
24. D
25. D
26. D
27. D
28. C
29. B
30. D
31. A
32. D
33. D
34. D
35. C
36. C
37. B
38. B
39. C
40. D

You might also like