You are on page 1of 3

Republi ka ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG MGA PAARALAN SA ILOILO
ANILAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Badiang, Anilao, Iloilo

Banghay- Aralin
(FILIPINO 8)
Kwarter: Unang Kwarter Guro: RAMEL B. GARCIA
Sesyon: Unang Sesyon Petsa: Marso 26, 2021
Baitang/Seksiyon
8- STE Remarks:
na Tinuturuan:

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman  Naipamamalas ng mag- aaral ang pag- unawa sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.
B. Pamantayan  Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
sa Pagganap
C. Mga Kasanayan  Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
sa Pagkatuto (Kompetensi) karunungang- bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22).
D. Mga Tiyak na Layunin A. Nakikilala ang mga karunungang- bayan sa panahon ng mga
Katutubo (Cognitive)
B. Nakauugnay ng mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang- bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. (Affective)
C. Nakagagawa ng presentasyon sa pamamagitan ng pangkatang
gawain.(Psychomotor)
II. Paksa/ Nilalaman: Panitikang Pilipino (Karunungang- bayan)
III. Mga Kagamitang Panturo:
A. Mga Sanggunian  Baisa- Julian G. et. al., Pinagyamang Pluma(Ikalawang Edisyon)
 Sanayang Aklat sa Filipino 8
B. Mga Kagamitan Laptop, TV monitor, ppt presentation, speaker
IV. Pamamaraan
A. Pagganyak/ Pagtuklas/ Picture Analysis
(Pagbabalik- aral sa nakaraang
aralin/ o pagsisimula ng bagong
aralin)

Pamprosesong Tanong:
 Pansinin ang nasa larawan
 Napansin niyo ba ang pagiging simple ng pamumuhay noon?
 Sa iyong palagay, ano ang nagging gabay at patnubay ng mga
Pilipino noon sa ganitong klaseng pamumuhay?
 Nakatulong kaya ang karunungang- bayan?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin  Ilalahad ng guro ang akdang pampanitikan na lumaganap sa


Panahon ng mga Katutubo.
(Note: Gamit ang powerpoint presentation)

Bago pa dumating ang mga Espanyol, marami nang mga


pananaliksik ang naisagawa na nagpapatunay na mayroon ng
“balon” ng pasalitang panitikan ang mga katutubo sa bansa. Ito
ay tinatawag na Pasalitang Panitikan dahil isinalin- salin sa mga
salinlahi sa pamamagitan ng pasalindila.
Karunungang- bayan
ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisiping nabibilang sa bawat kultura ng
mga tao. Nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang
tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.

C. Paglinang (Pagtalakay gamit ang powerpoint presentation)


(Pag- uugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin Mga Halimbawa ng Karunungang- bayan:
 Salawikain- Isa itong nakagawian o nakaugalian nang sabihin at
sundin bilang tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno
na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa
kabutihang-asal.
Halimbawa:
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo

Ang hindi lumingon sa pinggalingan, di makararating sa


paroroonan
 Kasabihan- tinatawag sa Ingles na Mother Goose Rhymes,
karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang
tao.
Halimbawa:
Putak, putak Tiririt ng ibon
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad Hanap ay asawa.
 Sawikain- nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may
nakatagong kahulugan.
Halimbawa:
bagong- tao- binata
bulang- gugo- gastador, galante
 Bugtong- pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawab]n.
Binibigkas nang patula.
Halimbawa:
Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat (banig)
Dalawang katawan, tagusan ang tadyang (hagdan)
 Palaisipan- nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa
isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si
Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
 Bulong- Mga pahayag na may sukat at tugman a kalimitang
ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at
masamang espirito.
Halimbawa:
Huwag magagalit kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa
ami’y napag- utusan.
D. Pagpapalalim  Pangkatang Gawain
(Pagtalakay sa bagong konsepto 1. Ipangkat ang mga mag- aaral sa apat na pangkat (depende
at paglalahad ng bagong sa kanilang Multiple Intelligence)
kasanayan 2. Bibigyan ng 15 minuto para sa paghahanda.
3. Ipagawa ang sumusunod na gawain (Differentiated Learning)
Pangkat I- Poster/ Islogan
(Halimbawa ng Kasabihan o Salawikain)
Pangkat II- Dula- dulaan
(Pagtuturo ng magagandang asal ng mga matatanda sa mga
bata gamit ang mga halimbawa ng mga karunungang- bayan)
Pangkat III- Mag- isip ng mga halimbawa ng sawikain
Pangkat IV- Gumawa ng mga bugtong at palaisipan.

Rubrik sa Pagmamarka:
Kooperasyon- 10
Pagkamalikhain- 15
Kaugnayan sagawaing iniatas-10
Nilalaman- 15
Kabuuan- 50

E. Paglinang sa Kabisaan ng  Panonood ng video clips


Aralin (Tungo sa Formative ((65) Tugmang De Gulong | Knowledge On The Go: Filipino -
Assessment) YouTube)

F. Paglalapat ng aralin sa pang-  Itanong:


araw- araw na pamumuhay 1. Paano magagamit ang karunungang- bayan sa pang- araw-
araw na pamumuhay?
G. Paglalahat ng Aralin  Itanong:
1. Bilang estudyante sa kasalukuyang panahon, bakit
mahalagang pag-aralan ang mga panitikang lumaganap sa
Panahon ng mga Katutubo?

H. Pagtataya ng Aralin Panuto: Kilalanin kung anong karunungang- bayan ang sumusunod
(Formative na Pagsusulit) na pahayag.

1. Butas ng karayom
2. Ang tunay na kaibigan, Karamay kailanman
3. Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin
4. Maitim ang galagid
5. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
6. Hinipang lobo
7. Malakas ang loob, mahina ang tuhod
8. Nagsusunog ng kilay
9. Taong nanunuyo, Dala- dala’y bukayo
10. Tulak ng bibig kabig ng dibdib
V. Karagdagang Gawain para sa
Kasunduan at Remediation

VI. Mga Tala

VII. Pagninilay

Inihanda ni:
RAMEL B. GARCIA
Teacher I

Pinansin nina:
SUZETTE C. LAMPREA RHEA A. TALAMAN
Filipino Koordineytor Master Teacher II- Filipino

You might also like