You are on page 1of 3

Republi ka ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG MGA PAARALAN SA ILOILO
ANILAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Badiang, Anilao, Iloilo

Banghay- aralin
(FILIPINO 8)
Kwarter: Unang Kwarter Guro: RAMEL B. GARCIA
Sesyon: Unang Sesyon Petsa: February 10, 2020
Baitang/Seksiyon
8- STE, SPA, ANTHURIUM Remarks:
na Tinuturuan:

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman  Naipamamalas ng mag- aaral ang pag- unawa sa mga akdang
pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.
B. Pamantayan  Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
sa Pagganap
C. Mga Kasanayan  Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
sa Pagkatuto (Kompetensi) karunungang- bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22).

D. Tiyak na Layunin 1. Natutukoy ang kahulugan ng mga karunungang- bayan (Cognitive)


2. Nakapagpapaliwanag ng kahalagaan ng mga karunungang-
bayan. (Affective)
3. Nakagagawa ng sariling halimbawa ng mga karunungang- bayan
na maiuugnay ang mahahalagang kaisipan nito sa mga pangyayari
sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (Psychomotor)
II. Paksang Aralin
A. Paksa  Panitikang Pilipino (Karunungang- bayan)
B. Sanggunian  Baisa- Julian G. et. al., Pinagyamang Pluma(Ikalawang Edisyon)
 Sanayang Aklat sa Filipino 8
C. Mga Kagamitan  Laptop, TV monitor, ppt presentation, speaker
III. Pamamaraan
A. Aktibidades  Ipanood ang video clips

 Ang pahayag na
binanggit sa video clip ay isang makabagong karunungang-bayan
na nagbibigay paalala sa mga mamamayan na huwag magbigay
o iabot ang papel “paper bill” na may malalaking halaga dahil ang
mga drayber ng PUJ ay kadalasan wala pang panukli sa
anumang pamasaheng iniaabot sa kanya tuwing unang pasada
sa umaga.

 Itanong:
1. May alam ka bang mga karunungang- bayan? Magbigay ng
halimbawa.

B. Analisis
1. Pagtalakay sa Nilalaman  (Tatalakayin ang Mga Karunungang- bayan sa Panahon ng mga
Katutubo gamit ang ppt presentation)

 Pamprosesong Tanong:
1. Ano- ano ang mga itinuturing na karunungang- bayan sa
panitikang Pilipino? Isa- isahin ang mga ito. (Numeracy Skills)
2. Naririnig mo pa bang ginagamit ang mga ito sa kasalukuyan?

C. Abstraksiyon  Itanong:
1. Bakit mahalaga ang mga nasabing karunungang- bayan sa
pag- aaral ng kulturang Pilipino? (Across Curriculum- AP)
2. Bilang kabataan at kasapi ng lipunan, ano ang iyong misyon
para mapahalagahan ang kayamanang iniwan sa atin ng
ating mga ninuno? (Across Curriculum- ESP)

D. Aplikasyon  Itanong:
1. Paano magagamit ang karunungang- bayan sa pang- araw-
araw na pamumuhay?
2. Bakit kailangang pag- aralan at pahalagahan ng mga
kabataan ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain,
sawikain, at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa
kasalukuyang panahon?

IV. Ebalwasyon  Pangkatang Gawain:


PANGKAT SALAWIKAIN
 Gumawa ng isang Salawikain na may kaugnayan ang
kaisipan nito sa tunay na buhay sa kasalukuyan
PANGKAT BUGTONG/ PALAISIPAN
 Gumawa ng limang bugtong/ palaisipan na may kaugnayan
sa tunay na buhay sa kasalukuyan
PANGKAT BULONG
 Gumawa ng tatlong Bulong at iarte sa harap ng klase.
PANGKAT KASABIHAN
 Gumawa ng isang Kasabihan na may kaugnayan ang
kaisipan nito sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
PANGKAT SAWIKAIN
 Magtala ng limang sawikain at iugnay ang kaisipan nito sa
tunay na buhay sa kasalukuyan

V. Takdang Aralin/ Kasunduan  Magtanong sa mga matatanda sa inyong lugar ng mga


halimbawa ng karunungang-bayan na alam nila. Gawing
gabay ang graphic organizer. (Localized)

Mga Karunungang- Bayan

Salawikain/ Bugtong/ Bulong/


Kasabihan Palaisipan Kasabihan

Kaugnayan ng mga Kaisipan Nito


sa Tunay na Buhay sa Kasalukuyan

VI. Mga Tala


VII. Pagninilay

Inihanda ni:
RAMEL B. GARCIA
Teacher I

Pinansin nina:
SUZETTE C. LAMPREA RHEA A. TALAMAN
Filipino Koordineytor Master Teacher II- Filipino

You might also like