You are on page 1of 12

Modyul sa

Pagkatuto KWARTER 1/ UNANG LINGGO


FILIPINO 8

Modyul 1:
Karunungang-Bayan

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
Tungkol sa Guro

Si CHARLENE ROSALES TORREJAS ay


dalawampu’t isang taong gulang. Nakatira sa
Purok 4, San Agustin Talibon, Bohol.
Nakapagtapos ng Bachelor of Sciece in
Secondary Education medyor sa Filipino sa
Bohol Island State University-Bilar Campus
(BISU-BILAR) sa taong panuruan 2018-2019.
Naipasa niya ang Licensure Examination for
Teachers (LET) noong Setyembre taong 2019.
Nagsimulang magturo ng asignaturang Filipino sa baiting 7, baiting 9, baitang 10
at baitang 11 sa NORTH COAST BOHOL INSTITUTE INC. sa taong panuruan
2019-2020 at naging tagapayo sa Baitang 11 pangkat Luna.

Sa kasalukuyan, siya pa rin ang tagapayo sa Baitang 11 pangkat Luna at guro sa


asignaturang Filipino sa baitang 8, baitang 10, at baitang 11. Naniniwala siya na
ang pagbabahagi ng kanyang kakayahan bilang guro ay isang paraan ng
paglilingkod sa Panginoong Diyos.

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
institusyon ng pribadong paaralan ng NORTH COAST BOHOL INSTITUTE INC. (NCBII). Upang
magsisilbing gabay sa mga mag-aaral sa paglinang ng kanyang kakayahan sa panitikan ng ating bansa.
Para sa mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Bahagi ng Modyul

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan at mga paksang nakapaloob
sa modyul na ito.
Alamin

Sa gawaing ito, susubukin namin ang inyong dating kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin
sa modyul na ito.
Subukin

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Balikan

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Tuklasin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Suriin

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Isagawa

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng


natutuhang kompetensi.
Tayahin

Sa bahaging ito, magkakaroon ka ng pagtataya sa iyong sarili at sa mga paksang nakapaloob


sa modyul na ito. Ito ay makatutulong sa amin upang malaman ang inyong mga kakayahan at
Sariling kahinaan, upang kami ay makagawa ng paglilinang sa aming mga gawain. Tandaan na dapat
Pagtataya panatalihin ang katapatan sa pagsagot dito.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

PANGKALAHATANG PANUTO
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag magaalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Modyul na ito bilang kagamitan sa pag-aaral nitong panahon
ng bagong normal. Sa kabila ng krisis na ating hinaharap sa kasalukuyan, ang iyong pagkatuto ay dapat
maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong modyul sa pag –aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto
at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapwa at magiging kaakibat sa
papapaunlad ng bansang Pilipinas.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at interes. Ito ay
naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo o damdaming
makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at
kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay
akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.
Ito ay naglalaman ng dalawang kompetensi para sa unang linggo at ito ang sumusunod:
Quarter/Week Paksa Kompetensi Layunin

Q1/Week1 Karunungang- Nahuhulaan ang  Nakilala ang mga


bayan mga mahalagang karunungang-bayan
(Pagtukoy sa kaisipan at sagot sa  Nahuhulaan ang mga
mga karunungang mahalagang kaisipan at
Mahalagang
baying sagot sa mga
Kaisipan) napakinggan(F8PN- karunungang-baya.
Ia-20)  Nakasusulat ng sariling
karununang-bayan

` Karunungang- Naiuugnay ang  Nahihinuha ang mga


bayan mahahalagang mahahalagang kaisipan
(Pang-uugnay ng kaisipang sa karununang-bayan
kaisipan sa nakapaloob sa mga  Napahahalagahan ang
karanasan sa karunungang-bayan mga karunungang-
kasalukuyan) sa mga pangyayari bayan na minana natin
sa tunay na buhay sa sa mga ninuno.
kasalukuyan (F8PB-  Naiuugnay ang
Ia-c-22) mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa
mga karunungang
bayan sa ibaba sa mga
pangyayari sa tunay na
buhay sa kasalukuyan.
Karunungang- Nabibigyang  Nakikilala ang mga
bayan kahulugan ang ma talinghagang salita
(Pagbibigay talinghagang ginamit  Napahahalagahan ang
Kahulugan sa mga (F8PT-Ia-c-h22) mga talinghagang salita
matalinghagang bilang sangkap sa
salita) masining na
pamamahayag
 Nabibigyang kahulugan
ang mga talinghagang
ginamit na diyalogo.

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
Pagiging totoo, may  Nakilala ang mga
batayan o kathang karunungang-bayan na
isip lamang (F8PD-c- ginamit sa pelikula
20)  Napahahalagahan ag
sariling gawang
Naisusulat ang karunungang-bayan
sariling bugtong  Nakasusulat ng sariling
salawikainn o karunungang-bayan
kasabihan na batay sa sariling isip at
angkop sa sa kasalukuyang
kasalukuyang kalagayan
kalagayan (F8PS-Ia-
20)

Nakikilala ang
bugtong, salawikain
o kasabihan na
ginamit sa napanood
na pelikula o
programang
pantelebisyon
(F8PD-Ia-c-19

Aralin 1 Karunungang-bayan (Pagtukoy sa Mahalagang Kaisipan)

SUBUKIN
Gawain 1.1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.
lupa.
1. Ano ang dapat nating pagyamanin at linangin dahil ito ay itinuturing na yaman ng ating bayan?
a.Karunungang-bayan b. dula
c.mga sanaysay d. dula
2. Ang pahayag na “ Isda ko sa marivilis nasa loob ang kaliskis „‟ ay isang halimbawa ng anong uring
karunungang- bayan?
a.salawikain b.sawikain c. kasabihan d. bugtong
3. Ano ang mahalagang kaisipang ipinahiwatig nito? „‟ Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.”
a. Kung kaylan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos.
b. Kailangan magtrabaho upang may makain.
c.Maagang magtrabaho upang umasenso ang buhay.
d. Ang masarap na kanin ay masarap kunin
4.Ano ang ipinahiwatig ng kasabihang “ Pag may isinuksok,may madudukot”?
a.Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag dumating ang oras ng
pangangailangan tiyak na may magagasta.
b.Umunlad ang mga bangko dahil sa pera na inipon ng mga tao.
c.Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghihirapan.
d.Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
5.Uri ng palaisipan na nasa anyong patula, na binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may
sukat at tugma ay tinatawag na___________________.
a. bugtong b.kasabihan c.salawikain d.sawikain
6.Isang maikli ngunit makabuluhang pahayag , karaniwang may matulaing katangian naglalaman ito ng
mga aral o mensaheng nagsisilbing gabay o patnubay sa buhay.
A. bugtong b. salawikain c.kawikaan d.bugtong

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
7. Si Ana ay isa sa mga matalinong mag-aaral sa klase ni Mrs. Cruz. Di niya akalain na marunong pala
itong magnakaw ng pera sa kanyang mayamang kaklase sa kadahilanang siya ay nagigipit lamang.
Anong karunungang-bayan ang angkop na naglalarawan sa ugali ni Ana? A. Ang sakit sa
kalingkingan
b.Natutuwa kung pasalop dama buong katawan kung singili‟y napopoot
c.Anak na di paluhain
d.Ang taong nagigipit Ina ang patatangisin Sa patalim kumakapit
8. Ano ang maaring maging bunga sa paggamit ng mga matalinghagang pahayag sa pag-uusap?
a.Nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming kaibigan
b.naghahatid ng saya sa kausap.
c.Nagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
d.Napapakilala sa tao sa kanyang kapwa.
9. Mabuti na iyong makatindig sa sarili mong paa. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. matutong magsarili sa buhay c.maging matatag sa buhay
b.magbyahing mag-isa d.matutong tumayo na mag-isa
10.Akala ko‟y totoo na,____________________lang pala.Anong sawikain o idyoma ang angkop na
isulat sa patlang?
a. bungang-araw b. bungang-kahoy c. bungang-tulog d.pusong-mamom

SUBUKIN
Gawain 1.2
BALON NG BUGTONG
Panuto:Sagutin ang mga bugtong na nasa loob ng mahiwagang balon. Mayroon itong
tiglilimang (5) puntos bawat katanungan.

Maliit pa si Nene, marunong Tandang ko sa parang, Tungkod ni Apo hindi ma hipo


nang manahi namumula sa tapang

Sagot: Sagot: Sagot:

SURIIN
Karunungang-Bayan
(salawikain,sawikain, kasabihan, at bugtong)
Ang karunungang-bayan ay isang anyo ng panitikan a nagsisilbing daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nabibilang sa kultura ng isang bayan. Mayaman na ang Pilipinas sa mga karunungaang-
bayan bago pa man dumating ang mg Kastila sa bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang salawikain,
kasabihan, at bugtong.

Salawikain- isang maikli ngunit makabuluhang pahayag, na karaniwang may matulaing katangian.
Naglalaman ito ng mga aral, at mensaheng maaring magsilbing gabay o patnubay sa buhay.
Hal. Kung tubig ay magalaw Anhin pa ang damo,
Ang ilog ay mababaw. Kung wala na ang kabayo.

Ang taon walang kibo, Gustong umakyat ng bundok,


Nasa loo bang kulo. wala mang kukong ikamot.
Sawikain- isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasang
makasakit ng loob. Ito ay masasabing salitang idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang
paraan ng pagpapahayag.

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
Hal. Itaga mo sa bato (pakatandaan)
Parang natuka ng ahas (natulala)
Bugtong- uri ng palaisipan na nasa anyong patula.
Hal. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis Sagot: sili
Kasabihan-Tumutukoy at naglalarawan ng kilos,ugali,at gawi ng isang tao.Karaniwang ginagamit sa
panunukso o pagpuna ng kilos o pagbibiro.
Hal. 1. Putak, putak, batang duwag, matapang, ka’t nasa pugad
2. Ubos-ubos biyaya, maya-maya nakatunganga
3. Pili ng pili, sa pinagpipilian, sa bungi nauwi

TUKLASIN
Gawain 1.3
HULA-KAISIPAN
Panuto: Hulaan ang sagot o kaisipan ng mga sumusunod na karunungang- bayan.

Sagot:
Sagot:

Sagot: Sagot:

Gawain 1.4
Pamprosesong Tanong:
1. Nakatutulong ba ang mga karunungang-bayan sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal?
Ipaliwanag.
2. Batay sa iyong karanasan, aling karunungang-bayan ang maiuugnay mo sa iyong buhay? Bakit? 3.
Sa iyong palagay, dapat ba nating ipagpatuloy ang pagsasabuhay ng karunungang bayan? Bakit?

ISAGAWA
Gawain 1.5
Panuto:Bumuo ng tigtatatlong (3) karunungang-bayan mula sa bawat larawan.
1. 2.

Aralin 2 Karunungang-bayan (Pag-uugnay ng kaisipan sa karanasan sa


kasalukuyan)

BALIKAN
Ang mga salawikain, sawikain o kasabihan at bugtong bilang karunungang bayan ay
kinapaluooban ng mensahe na nagagamit at naiuugnay sa mga pangyayari sa buhay. Kadalasan ang

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
mga mensaheng nakapaloob dito ay may hatid na aral na nagiging gabay o panuntunan sa araw-araw
na pamumuhay.

TUKLASIN
Gawain 2.1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Paano mo ilalarawan ang panitikan sa panahon ng mga katutubo? At sa panahon ngayon?
2. Bilang isang kabataan, mag-aaral ng NCBII at mamamayang Pilipino, paano mo mapahahalagahan
ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno?

ISAGAWA
Gawain 2.2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Mayroon itong limang (5) puntos bawat bilang.
Mga karunungang Mensaheng Nakapaloob Mga pangyayari sa tunay
bayan buhay
1. Ubos-ubos biyaya,
pagkatapos nakatunganga.
1.Kapag may tiyaga, may nilaga
3. Walang matimtimang birhen
sa matiyagang mananalangin.
4. Ang taong nagigipit, sa
patalim kumakapit
5. Hindi lahat ng kumikinang ay
ginto.
Aralin 3 Karunungang-bayan

SURIIN
Basahin ang isang kwento kung paano ginawang libangan ang isa sa mga karunungang bayan noong
sinaunang panahon ang “bugtungan”. Isipin kung gaano ito kahalaga at paano ito naging bahagi ng ating
kultura, nararapat ba itong iwaksi o kailangan bang panatilihin.
Hindi tao, Hindi Hayop
Huling gabi ng paglalamay sa patay ng pamilya Dinabe sa nayon ng Palumpong,isang bayan sa
lalawigan ng Quezon. Nakaugalian na ng mga kabataan sa pook na iyon na umagahin sa huling araw
ng paglalamay nila. Kalimitan sa okasyon na ito nagkakatagpo tagpo at nagkakasama-sama ang mga
dalaga‟t binata. Upang hindi antukin, ginagawa nilang libangan ang pagbubugtungan sa pangunguna ng
isang nakakatanda sa kanila.Sa kanilang paglalaro , kapag hindi nahulaan ang sagot, ang biktima ay
gagawaran ng parusa. Maaring siya ay magdasal para sa kaululuwa ng namatay,umawit,tumula o
sumayaw ayon sa hinihingi ng mga kalaro. „‟ Ka Jose, ikaw na kaya ang mamumuno sa amin. “Pakiusap
ni Jun. “ Sige, umupo kayo nang pabilog at ako ay gagawi sa kalagitnaan ninyo,” ayon sa matandang
binata. At gumagawa ng isang bilog ang mga kalahok sa bugtungan. Dahil sa may kasikipan ang
kabahayan, napagkaisahan nilang gawin ang pagbubugtungan sa isang panig ng bakuran. „‟ Narito ang
tuntunin natin, ha. Bibigyan ng limang minuto upang mag-isip ang sasagot sa bugtong.Kapag hindi siya
kumibo sa loob ng limang minutong iyon, bibilangan natin ng tatlo. Pagkatapos ng bilang na tatlo at wala
pang sagot, parurusahan na siya. Sang-ayon ba kayo? Tanong ni Ka Jose. „‟ Sang ayon kami ,” panabay
na sagot ng mga manlalaro. Parang ayoko nang makipaglaro, nangangambang bulong ni Dory sa
Katabing si Sita. „‟ Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. Madali lang iyan, aliw ni Sita. “ Ikaw , Cely,
ang unang sumagot. Pagkatapos ay sunod-sunod kayo sa pagsagot. Hindi ko na tatawagin. Basta ang
kasunod ni Cely ang tatayo kaagad pagkaupo niya kung nasagot o pagkatapos ng parusa kung hindi
nasagot.Narito , Cely ang bugtong mo. Hindi tao, hindi hayop, butot balat lumilipad, „‟ panimula ni Ka
Jose. Tumayo si Cely, „‟ Saranggola .Ang dali!” At kinuha ni Ka Jose ang inihanda niyang bugtong upang
siyang pahulaan sa mga manlalaro. Sunod-sunod na sumagot ang mga kalahok. „‟ Hindi hari, hindi pari,
ang damit ay sari-sari.” “ Sampayan “ “ Ulong-ulo‟t paa lamang walang pagod sa pagsasayaw.” „‟‟
TRUMPO‟‟ „‟ Ang dalawa‟y tatlo na, ang maiitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.” „‟ Matanda” „‟
Ako ay may kaibigan, kasa-kasama saanman. Mapatubig ay hindi ay di nalulunod, mapaapoy ay di
nasusunog.‟‟ „‟ Anino‟‟ „‟Nagtanim ako ng isip sa ilalim ng tubig.Dahon ay pagkakikitid, bunga‟y
pagkatutulis.‟‟ Si Dory na ang sasagot. Matagal na siyang nakatayo ay wala pa siyang imik. Palihim
niyang sinisipa si Sita pero hindi rin yata nito alam ang sagot. At binilangan siya siya ni Ka Jose.
“ Isa….dalawa…tatlo… „‟ Sabi ko nga. Sige ano ang ipapagawa ninyo sa akin? Unlak naman ni Dory.
Tila handang handa siyang maparusahan. “ Paawitin siya. Maganda ang tinig niya.” Kakatapos lamang
gampanan ni Dory ang parusa nang……. “ Ka Jose, ano ho ang sagot sa bugtong? Usisa ni Jun. „‟ Palay.
NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,
FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
Hala, magpatuloy kayo. May puno , walang sanga.May dahon walang bunga.” “Sandok.” “ Kitang –kita
ang nakamatay, ngunitdi matalian.” “Hangin.” May tatlo pang naparusahan. Sumisilay na ang araw sa
silangan nang matapos ang bugtungan sa kasiyahan ng lahat.

TUKLASIN
Gawain 3.1
Panuto: Sagutin ang mga tanong;
1. Bakit kaya noon lalo na sa paglalamay ng patay ginagawa ang bugtungan?
ang iyong sagot.
3. Ano-ano pang ibang paglalaro ang alam mong ginawa sa mga pagtitipon? Ilarawan ito.
4. Sa panahon ngayon tuwing may paglalamay totoo bang ginagawa pa ito? Bakit?

ISAGAWA
Gawain 3.2
Panuto: Sagutin ang tanong na may limang (5) pangungusap.
1. Ikaw ay isang makabagong kabataan at bahagi ng mabilis na paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ang
paggamit ba ng salawikain o matalinghagang pahayag, kasabihan ay isang paraan ng mabisang
komunikasyon? Isulat ang iyong paliwanag sa sagutang papel.

Aralin 4 Karunungang- Bayan(Pagbibigay Kahulugan sa mga


matalinghagang salita)

SUBUKIN
Gawain 4.1
WORDS IN A BOTTLE
Piliin mula sa kahon ang mga salitang kahulugan ng nasa loob ng bote.

Sagot: Sagot:

Sagot: Sagot: Sagot:

SURIIN
Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan naghahatid ito ng
hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong
palagay, nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon?

ISAGAWA
Gawain 4.2
Panuto: Basahin ang usapan at sagutan ang talahanayan sa ibaba.
Lef: Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon. Halos di kita makilala para kang hinipang
lubo.
Joan: Mabuti naman. Naku, Oo nga eh napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba! Iba na rin naman
ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang
lakas ng dating mo.
Lef: Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong
Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya mo
ang kursong pinapangarap mo.
Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y
hinahangad ko na.

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong
pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong
mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.

Panuto: Ibigay ang sarling pagpapakahulugan sa mga salawikain o talinghaga.


Mga Salawikaing ginamit Kahulugan
Hal. Matamis ang bunga Masarap
1. hinipang lubo
2. napabayaan na kasi ako sa kusina
3. ipinanganak na may gintong kutsara sa
bibig.
4. may utak
5. nagsusunog ng kilay
6. butas ng karayom
7. Matamis ang bunga
ARALIN 5 Karunungang-bayan

BALIKAN
Ang mga karunungang-bayan ay isa sa mga akdang pampanitikan na minana pa natin sa ating
mga ninuno. Sumibol ang mga ito sa panahon ng katutubo, Kastila, at Hapon. Binubuo ang karunungang-
bayan ng mga salawikain, kasabihan, at bugtong. Ang mga ito ay tanda ng katalinuhan na umiiral sa mga
Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito ay kinagisnan ng mga Pilipino na magpahanggang
ngayon ay Gawain at bukambibig pa rin nang marami. Isa sa mga layunin sa pagbuo nito ay upang
linangin ang pag-iisip at sanayin ang kasanayan sa pagsasalita ng isang tao. Ang mga karunungang-
bayan din ay nakatutulong upang pukawin at paunlarin ang imahinasyon at kakayahang mag-isip ng
kabataan tungkol sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Hal.
BUGTONG
Dalawang batong itim, Hinila ko ang baging
Malayo ang nararating Nagkakara an Matsing
Sagot: Mata Sagot: Batingaw
SALAWIKAIN
Ang maniwala sa sabi-sabi, May taynga ang lupa
Walang Bait sa sarili May pakpak ang balita
SAWIKAIN
Itaga mo sa bato Hindi lahat ng kumikinang ay ginto
KASABIHAN
Pili ng pili
Sa pinagpipilian
Sa bungi
Nauwi

TUKLASIN
Gawain 5.1
Panuto: Bumuo ng tigdadalawang (2) sariling Karunungang- bayan na nagpapakita ng mga pangyayari
na kadalasang naganap sa kasalukuyang panahon.
A. Bugtong
1.
2.
B. Salawikain
1.
2.
C. Sawikain
1.
2
D. Kasabihan
1.
2.

ISAGAWA
NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,
FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
Gawain 5.2
Bawat isa sa atin ay nakalakihan na ang panonood sa telibisyon.Sa totoo nga, noong ipinasara ang ABS-
CBN halos lahat tayo ay nagluluksa dahil sa lungkot na nararamdam. Araw- araw , gabi-gabi ibat-ibang
programa ang ating inaabangan sa bawat paborito nating estasyon, mapa GMA o ABS-CBN.Ngayon
subukin nating sukatin ang impluwensya ng iyong panonood, tingnan natin kung may mga karunungang
bayan bang isinasaad sa programan pantebisyong napanood. Mga karunungan bayan na naghahatid ng
aral sa ating buhay na minsan ating ginawang gabay sa ating pang-araw araw na pakikisalamuha sa
kapwa.Halimbawa, sa programang Eat Bulaga , sa bawal judgemental segment, bago mag umpisa ang
panghuhula nagbibigay muna sila ng mga kasabihan. Mga kasabihan na kanilang ginawang batayan sa
kanilang pamumuhay. Hindi lang sa programang iyon ating maririnig ang mga karunungang bayan, na
minsan atin ng nakaligtaan. Subuking manood at suriin ayon sa hinihingi sa ibaba
Panuto; Sa bahay, habang nilalasap natin ang quarantine, manonood ng DALAWANG (2) programang
pantelibisyon at sagutin ang mga katanungan sa talahanayan.
Programan Mga Ano-ano Ano-anong Anong Sino ang mga Kung ikaw ay
g tauha ang bahagi Ng kaugalian tauhan ang papipiliin ng isang
Napanood n kanilang programa na ang gusto mong karunungangbaya
katangian gusto mo? masasalami tularan at n na masasalamin
? Ipaliwanag n sa hindi dapat sa napanood, ano
… programang tularan?Bakit ito at bakit?
napanood? ?

1.

2.

TAYAHIN
Gawain 5.3
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag na ito, Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
a. Magreklamo kapag hindi naibigay o nabili ang gusto
b. Magtiis habang gipit
c. Magtipid para makaipon
d. Maging magasto sa lahat ng pagkakataon
2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Di makakarating sa paroroonan
a. Pagtanaw ng utang na loob c. masakit ang leeg
b.Kalimutan ang taong tumulong sa iyo d. Huwag titingin sa likoran
3. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
a.Palaging humingi ng awa sa Diyos c.Magsikap ka at ikaw ay tutulungan ng Diyos
b.Kahit na hindi gumawa ang tao, siya ay aasenso d. Huwag humingi ng tulong
4. Kapag tanghali kang magising, Maging dumi ng manok, Wala kang mapupulot.
a. Maging maagap at masipag b. Pagwawalang bahala c. Pag-aaksaya ng oras d. Maging matapat
5. Sa panahon ng kagipitan, Makikilala ang kaibigan.
a.Pagtanggi ng kaibigan sa pagtulong
b.Naghihintay ng kapalit o kabayaran sa ginawang pagtulong
c.Pagbibigay ng tulong sa kaibigan sa oras ng pangangailangan
d. Maging handang tumulong
6. Uri ng karunungang bayan na naglalarawan sa kilos , ugali at gawi ng isang tao. Karaniwang ginagamit
sa panunukso o pagpuna ng kilos o pagbibiro.
a. Bugtong b. kasabihan c. salawikain d.sawikain
7. Isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng marahas na salita upang maiwasang makasakit
ng loob.Ito ay masasabing salitang idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag. .Ano ang tawag sa karunungang-bayan na ito?
a.kasabihan b.bugtong c.sawikain d. salawikain

8.. Ano ang mahalagang kaisipang ipinahiwatig nito? „‟ Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
a. Kailangan magtrabaho upang may makain.
b.Maagang magtrabaho upang umasenso ang buhay.
c. Ang masarap na kanin ay masarap kunin
d. Kung kaylan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos.
9. Ayon sa kwento na pinamagatang “ Hindi Tao,Hindi Hayop,‟‟kapag hindi nahulaan ang sagot sa
kani- lang pagbugtungan , ano ang parusa na maaring igawad?
a. Maaaring siya ay magdasal para sa kaluluwa ng namatay,umawit,tumula o sumayaw
NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,
FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003
ayon sa hinihingi ng mga kalaro.
b. Magbigay siya ng abuloy sa namatayan.
C. Maaring siya ay paluin.
d. Maaring siya ang bagong pinuno sa kanilang paglalaro.
10. Isa sa mga layunin ng bugtungan ay para____________________________.
a. aliwin ang madla c.mahasa ang ating isipan
b. dalhin tayo sa kapana-panabik na tagpo d.bigyang puna an gating kilos at gawi
Karagdagang Gawain
Magsagawa ng isang panayam sa inyong mga magulang o mga nakatatanda sa inyo.Isulat ang mga bugtong,
sawikain, salawikain na kanilang nakagisnan o nalalaman sa inyong lokal na pamayanan.Maaring gumamit kayo
ng mga lokal na diyalikto para lubos itong mauunawaan . Tandaan, gumamit ng lokal na diyalekto at kailangan
nagpapahiwatig ito ng pagpapahaga sa ating kulturang Pilipino.

Tandaan: Isulat ito sa short bondpaper at lagyan ng desinyo.

SARILING PAGTATAYA
Lagyan ng tsek (/) ang hanay na nagpapakita ng iyong kahusayan sa pagsagawa ng mga kasanayan sa aralin.
Pamantayan:
3 – Naintindihan ko at makakayanan kong ituro sa iba.
2 – Naunawaan ko ngunit hindi ko kayang gawin nang mag-isa.
1 – Naunawaan ko ang ilang bahagi ngunit mayroon pa akong mga tanong.
0 – Hindi ko naintindihan! Kailangan ko pa ng ibayong pagsasanay.
Paano mo ipinakita ang iyong kakayahan sa paksang ito?

3 2 1 0

KARUNUNGANG-BAYAN

Pagtukoy sa Mahalagang Kaisipan

Pag-uugnay ng kaisipan sa karanasan sa kasalukuyan

Pagbibigay Kahulugan sa mga matalinghagang salita

SANGGUNIAN

 Pintig Ng Lahing Pilipino/Modyul Sa Filipino-Florante c. Garcia, Myra P. De Leon et al


 Modyul Sa Filipino 8
 Largo, Rowena C., et al. Hinirang 8 (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon). Quezon City:
The Inteligente Publishing, Inc., 2019, pahina 2-7
 https://www.google.com/search?q=filipino+8+cover+page+picture&tbm=isch&ved=2ahUKEwji8feYj6brAhUixosBH
fIfBX8Q2-
cCegQIABAA&oq=filipino+8&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgQIIxAnMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAM
gIIADICCAA6BAgAEEM6BQgAELEDOgcIIxDqAhAnOgcIABCxAxBDUMKRAVjDuQFgt-
IBaAFwAHgFgAH9BYgBkCWSAQ4wLjE4LjIuMS4wLjEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEKwAEB&sclient=img&
ei=uIA8X-K1GaKMr7wP8r-U-
Ac&bih=664&biw=1222&hl=en&hl=en#imgrc=BruLUJRP9nfu0M&imgdii=rehz535UmjQ7bM

NAME:CHARLENE R. TORREJAS Changing Lives,


FB: Charlene Rosales Torrejas
FILIPINO 8 EMAIL:Charlene.torrejas22@gmail.com Bridging the Future.
CONTACT NO: 09519319003

You might also like