You are on page 1of 21

FILIPINO 2

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larangan
MAGBIGAY NG MGA LUGAR SA
PILIPINAS NA MADALAS PUNTAHAN
NG MGA TURISTA?
ARALIN 9

Pagsulat ng
Lakbay
Sanaysay
SANAYSAY
• Ang sanaysay ay tinatawag na
“essay” sa wikang ingles.
• Ito ay isang uri ng sulatin na
nagpapahayag ng pananaw o opinyon
ng nagsulat nito.
LAKBAY
SANAYSAY
Ang Lakbay Sanaysay ay isang
sulating tumatalakay sa karanasan sa
paglalakbay. Ito ay tinatawag ding
"Travel Essay" sa Ingles.
LAKBAY
SANAYSAY
Pumapaksa sa mga magagandang
tanawin, tagpo at iba pang mga
karanasan sa paglalakbay.
LAKBAY
SANAYSAY
Maaari ding pumapaksa sa tao o
mamamayan ng lugar, katangian, ugali o
tradisyon ng mga natuklasan sa isang lugar,
katangian, ugali tradisyon, mga natuklasan
sa isang lugar.
LAKBAY
SANAYSAY
Ginagamit ng pandama:
paningin, pakiramdam, panlasa,
pang-amoy at pandinig.
Mga Mungkahi
o Gabay sa Pagsulat ng
Lakbay Sanaysay
• Sa Bago magtungo sa lugar
na balak mong puntahan ay
dapat magsaliksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito.
2. Buksan ang isipan at
damdamin sa paglalakbay,
lawakan ang isipan at
damdamin.
3. Magdala ng talaan at ilista
ang mahahalagang datos na
dapat isulat.
4. Kung susulat ng
lakbay-sanaysay, huwag
gumamit ng mga kathang-isip na
ideya.
5. Gamitin ang unang
panauhang punto de bista at
isaalang alang ang organisasyon
ng sanaysay sa pagsulat.
6. Tiyakin na ma pupukaw ang
kawilihan ng mambabasa sa
susulating lakbay-sanaysay.
Halimbawa ng
Lakbay Sanaysay
BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalonglalo na
ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibangbansa o
yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa itoupang
magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga baganoon ang
tawag sa lugar na iyon.At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ngmga turista. Masayamg gawin ito
pag kasama mo ang mgamahal mo sa buhay lalong lalo na angPAMILYA. Dahilang pamilya ay isang
pinakamahalaga at magandangregalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya angsiyang
masasandalan mo sa oras na ikaw ay mayproblema.Isa sa napuntahanko kasama ang akingpamilya ay
ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga sikat nalugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North
Luzon, kilala itobilang Summer Capital of the Philippines hindi dahil mainit ditongunit dahil
napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak angtemperatura dito kapag sumasapit na ang
kapaskuhan. Talaga namangdinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarapipagdiwang
ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sabuhay.Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong
panahon ngkapaskuhan bagkus noong unang araw ng Enero taong 2015. Dahilpagkatapos naming
ipagdiwang ang BAGONG TAON aynagsimula na kaming gumayak mula Pampanga hanggang
samakarating kami sa Baguio.
Pumunta kami doon dahil doon naisng aking pinsan na ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan.At
dahil FIRST TIME naming magpipinsan na pumunta doonkung kaya’t mas lalo kaming naexcite na
makarating na doon.Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay angBurnhamPark na kung saan dito kamI
gumala ng ilang oras, dito sa lugar naito ay matatagpuan ang isangDancing Fountain at isang parang
ilogna kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot. Isa rin samga napuntahan namin ay ang
Botanical Garden, dito sa lugar naito ay may mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang
magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan silanagmula
kahit na ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami saMines View , ngunit kahitmalayo at
maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga namang nakakarelax atmapapahanga
ka sa ganda ng view na iyong nakikita.At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, atang huling araw na
rin namin doon ayang Strawberry Farm. Dito mo matitikman angmasasarap na strawberry na tinatawag
dinna Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin saBaguio ay marami akong nalaman sa lugar naiyonat dito
ko rin nalaman kung bakit nga itotinatangkilik ng mga turista.
katangian ng LaKbay
Sanaysay
• Hinihikayat ang mga manlalakbay upang puntahan ang isang
nasabing lugar.

• Naglalahad ng mga mahahalagang impormasyon bilang


patnubay o guide sa pagpunta sa isang lugar.
Subukin natin ang iyong natutunan:
• Ano ang Lakbay Sanaysay?
• Ibgay ang mga mungkahing gabay sa
pagsulat ng Lakbay Sanaysay.
• Ano ang llayunin ng Lakbay Sanaysay?
Katapusan ng Aralin
9

You might also like