You are on page 1of 31

"KUNG BUHAY PA ANG

LOLO KO”

Bienvenido A. Ramos
Sino nga ba si Bienvenido A. Ramos?
• “Ben” o “BAR”
• Enero 15, 1934, Sitio Apugan Atlag, Malolos, Bulacan
• Makata at Manunulat (Filipino, Ingles)
• 2nd year HS (Ilang-ilang, Bulaklak, Liwayway) tula nalathala sa magasin.
• “Liwayway” – unang maikling kwento
• “Kagawad ng Pamatnugan”
• “Poet Laureate” (1979)
• “My First Detective Experience” tinaguriang Best Theme IV
• 78 taong gulang, Abril 24, 2012
• “Ganap ko ng natapos ang aking layunin sa aking hiram na buhay.”
TAGPUAN
MAYNILA
-Lugar kung saan may bus ban, jeepney ban, paninigarilyo, pagdadala ng baril
ARABAL
-Nagyayaot na maliliit na bus
TUTUBAN
-Lugar kung saan hindi pa binaban ang pagtitinda ng tamban
PAMPASAHERONG BUS
-Nakasakay ang may akda
KALYE LAGUNA
-Unang bumaba ang pasaherong babae
CAVITE
-Binabaan ng nagdadalang taong pasahero na animo’y hiyang hiya sa pangyayari.
SIMBAHAN NG QUIAPO
-Nanggaling ang mga estudyanteng walang galang at animo’y bastos ang mga salitang
lumalabas sa bibig.
SIMBAHAN NG TONDO
-Kinumpilan ang may-akda
-Kung saan sila naligaw
1679 Int. 3,Tayuman
-Tinuluyan ng may akda
TAUHAN
MAY AKDA
- Apo ni lolo bino
- Kinumpara ang buhay na kanyang nakasanayan sa probinsya at maynila
-mapagmasid
LOLO BINO
“Mahalaga sa tao'y matuto ng urbanidad. Madali,amang, maging tao, ang mahirap ay magpakatao.”
MATABANG BABAENG PASAHERO
-ayaw paupuin ng lalakeng animo’y nag bibingi-bingihan at nakamasid lamang sa bintana.
LALAKI NA NAGMAMASID SA BINTANA
-nasusuklam at nababagot sa mga dati nang nakikita sa Maynila.
-nagbulaglagan sa realidad ng buhay.
BABAENG NAG DADALANTAO
-Nakipagsiksikan sa mga nasa bungad ng pinto.
-Hirap sa buhay.
• MGA ESTUDYANTENG NAKAPUTI
-Nag mura at animo’y nandiri at ikinatuwa pang may napapahiya sa kanilang harapan.
-Hindi marunong rumespeto.
• LALAKING PAYAT NA MUKHANG HIKAIN
-Nakandungan ng babaeng napasaldak sa kandungan nito
• SARO
-Kapit bahay ng kamag anak ng may akda
-Pinagkailang wala roon ang taong hinahanap
-Puno ng poot at galit sa kapwa
• BATANG HALOS MAY GATAS PA SA LABI
-siyam na taong gulang
-marungis ang mukha at marumi ang suot na iskiper
-hindi marunong gumalang sa nakatatanda
AMA NG DALAGANG HINARANA
-nagalit dahil may kumain ng natirang ulam na adobo at war’iy may nag silid ng pusa sa loob ng
paminggalan
-wais (hindi madaling maloko)
ANG DALAWANG NAGHARANA
-nanguha at kumain ng adobo
- hindi marunong mahiya

ANG ISA SA BABAE SA DYIPNI


- maganda at bilugan ang mukha na halos masilipan na sa masyadong maiksing damit.
-nagkaroon ng boses para punahin ang lalaking bastos.
LALAKING SAKAY NG DYIPNI
-bastos
-nagkunwaring duling
-nangangatwiran kahit ito’y mali
IBA PANG TAUHAN:
• Dalagang hinaharana
• Ama ng hinarana
• Isa sa babae sa dyipni
• Bata
• Amang natutulog
SUMMARY (BUOD)
”Madali ang maging tao, ang mahirap ay magpakatao.” ang minsa’y sinabi sa akin ni Lolo Bino na
ngayo’y pumanaw na. Dagdag pa nya, ang pinakamahalaga sa tao’y matuto ng urbanidad. Sa ating
makabagong panahon maitatanong natin:Ano ba ang urbanidad? O kaya’y nakakain ba iyon?
Ito’y halos syang unang itinuturo sa isang bata, kasabay ang pag-aaral niyang bumasa’t sumulat ng
pangalan. Ngunit pagkatapos ng pag-aaral ng bata ay tila nakalimutan na nya ito.
Sa pagmamadali sa wari ng daigdig, ang urbanidad ay isinaisang tabi na.
Sa sakayan palagiang masasaksihan ang “Panahon ng Imoralidad.” Sa sasakyan na tila punong puno na
na nagyayaot sa Manila at Arabal ay hinto pa rin hinto kahit halos ay umapaw na. At mawari pa ay
sakay naman ng sakay ang iba. Sakay. Hinto. Ang isang matabang babae na sumakay. Ang nasa bungad ay
malapit sa estribo ay dalawang lalaki. Nakita nila ang babae. Hindi ba’t hinihingi ng urbanidad na
paupuin nila ang babae?
Ang nagdadalang tao na animo’y hirap na hirap na may dalang isang lumang basket na sa ayos ay
maghapong nagtinda ng isda sa palengke. May upuang pawang lalaki ang nakaupo, ngunit walang
nagpapaupo sa babae. Sa kadahilanan nito, ang babae ay nakabitiw sa pagkakahawak at napatulak sa
katabing lalaki na nagsanhi ng paghagis sa nangangamoy na ayungin.
Mga tao na hindi marunong makisalamuha sa iba, na animo’y mga hayop na ilang sa tao. Noon
kapag ika’y at nag tanong ika’y sasagutin ng maayos at baka samahan ka pa patungo sa iyong
pupuntahan.
Ang mga kabataan na pag-asa ng bayan. Subalit datapwat, makikita mo ngayon sa kanila ang
kawalan ng disiplina dahil miski bata ay hindi na marunong gumaling sa nakakatanda.
Sa aming probinsya kahit marami ng umusbong na teknolohiya ang harana ay hindi pa rin
nawawala. Maraming bagay na natabunan dahil sa mga bagay na umusbong. Noong minsan kami’y
nangharana ang aking mga kasama ay patagong kumuha ng adobo sa bahay ng aming hinaharana.
Walang sawa kami nanghingi ng paumanhin dahil sa dinulot nilang kahihiyan.
Hindi mawala sa isipan ko ang pag sakay ko sa dyip. May isang babaeng nakapukaw sa aking
atensyon at hindi ko maitatangging maganda siya. Kaya’t ang mata ng katabi kong lalaki ay
nakapukol sa litaw na hita ng babae. Ngunit nang mapansin ito ng babae, ang lalaki ay tila bang
nagpanggap na duling.Anak ng pating na katwiran!
Kung buhay pa si Lolo, baka nasaykopatik sya sa kunsumisyon. Mabuti na ngang patay na si Lolo sa
panahong ito.
PLOT (BANGHAY)
I. INTRODUCTION (PANIMULA)
“Sa panahong ito ng mga telebisyon, apollo, shorts o pants, at iba pang “kakuwanan”
ng bagong panahon, maitatanong natin: Ano bang klase ng hayop ang tinatawag na
urbanidad? O kaya’y nakakain ba iyon?” Ito’y halos siyang unang itinuturo sa isang bata,
kasabay ang pag-aaral nyang bumasa at sumulat ng pangalan; ngunit pagkatapos ng
pag-aaral ng bata, ang urbanidad na itinuro sa kanya sa loob ng paaralan ay nalimutan
na nya, matapos ibigay ng guro ang sertipikong patunay na siya’y nakapasa. Patay na
si Lolo Bino, ngunit naiwang buhay ang minsa’y sinabi nya sa akin: “Ang
pinakamahalaga sa tao ay matuto ng urbanidad. Madali, amang, ang maging tao, ang
mahirap ay magpakatao.”
RISING ACTION (PAPATAAS NA AKSYON)

“Sa sasakyan nagsisipagmadaling makasakay ang tinanghali ng gising, nag-aalala na


magalit ang boss. Nagsisipagmadali ring umuwi ang kanginang umaga ay
nagsisipagmadaling makarating sa opisina. Mahirap ang sumakay, marahil ay dahil sa
mabilis na pagdami ng tao lalo na ngayon sa kung anu-anong ban sa Maynila. Puno
na ang maliliit na bus na nagyayao’t dito sa Maynila at Arabal. Pero hinto pa rin ng
hinto, kahit halos umaapaw na. At mangyari pa sakay naman ng sakay ang
nagsisipagmadaling umuwi. Sakay. Hinto.”
CONFLICT (TUNGGALIAN)
• TAO LABAN SA TAO
-Ang babaeng pasahero sa dyipni na masyadong maiksi ang damit kaya’t nasilipan ng lalaking kanyang
katabi.
• TAO LABAN SA LIPUNAN
-Ang nagdadalang tao pasahero na nakatapon ng ayungin sa mga estudyante na nagdulot sa kanya ng
kahihiyan at masasamang salita mula sa mga pasahero.
• TAO LABAN SA SARILI
- Tinitimbang timbang ng may akda ang kanyang mga karanasan at nasaksihan sa mga pangyayari.
CLIMAX (KASUKDULAN)
• “Matulin ang takbo ng bus, at biglang, may pumara. Ang babae ay nakabitiw sa
pagkakahawak at napatulak ito sa katabing lalaki at napasadlak sa kandungan ng
isang lalaking payat at mukhang hikain, Ang basket ng babae ay tumilapon, ang
lamang nangangamoy na ayungin ay humagis sa mga estudyanteng nakaputi at may
mga takip na panyolito sa ilong. Ang ay, aba, ale, ang baho! ay sumalit sa irihan at
arayan ng mga pasahero. Matalim ang tingin ng mga estudyante sa babaeng noo’y
hiyang-hiyang tumayo sa pagkakasadlak sa kandungan ng lalaking inihit ng ubo.“
FALLING ACTION (KAKALASAN)
“Matalim ang tingin ng mga estudyante sa babaeng noo’y hiyang-hiya tumayo sa
pagkakasadlak sa kandungan ng lalaking inihit ng ubo. Maraming nag mura sa
drayber na walang pakielam sa kaguluhan sa loob ng bus. Muling hinirit nito ang bus
ngunit pumara na ang babae at hindi na pinulot ang tumapong ayungin, walang
lingong-likod na bumaba, habang hatid na hagikgikan ng ilang tilang ikinatuwang
may napapahiya sa kanilang harap.“
ENDING (RESOLUSYON)
“Nakaibis na ako sa dyip na iyon ay hindi pa mawala sa isip ko ang
nasaksihan. At nagunita ko si Lolo Bino. Kung buhay si Lolo, baka
nasaykopatik siya sa kunsumisyon. Mabuti na ngang patay na si Lolo sa
panahong ito.”
SIMBOLISMO
• telebisyon, apollo, shorts o pants “Bagong Panahon”
• hayop “Urbanidad”
• nangangamoy na ayungin “Urbanidad”
• sasakyan “Panahon ng Imoralidad”
TEORYANG PAMPANITIKAN
MORALISTIKO
“Ang nagsalita sa amin ng “…baka takpan kayo ng dyaryo…” ay isang batang marahil ay siyam
na taong gulang, marungis ang mukha at marumi ang suot na iskiper. Ibig naming matawa, pero
hindi kami natawa. Umuwi kaming nag-iisip. Kami, hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, noong
kami’y nasa gayong edad, pagkagat ng dilim ay nagmamano na kami kahit sa sinong matandang
makita namin sa daan. Ang batang iyon…, A, ang batang iyon…”

“May paghihinalang tinignan naming ang dalawang kasamang nahuling pumasok sa bahay.
Nangingintab kapwa ang labi ng dalawa. Madali naming tinapos ang haranang iyon at hindi
matapos-tapos ang paghingi ng naming ng paumanhin sa maybahay.”
FEMINISMO
“Ang katabi kong lalaki ay mababa ang pukol ng tingin- sa litaw na tuhod ng babaeng
may maganda at bilugang mukha. Masyadong maigsi ang damit ng babaeng iyon. Maya-
maya, narinig kong nagsalita ang babae: “Hoy, mama, baka maduling kayo sa katitingin!
Malisyoso kayong masyado.”
SIKOLOHIKAL
“Nagkataong nasa harap ng pinto, na kinakabitan ng numerong hanap naming, nang lumabas
ang isang lalaki. Nagtanong kami, sinabi namin ang pangalan ng taong aming hanap. “Aba,
walang ganyang tao rito. Baka naligaw kayo!” Iginiit namin na gayon ang numerong bigay sa
amin, at hindi naman kami nagkakamali ng bahay na tinungo. “Wala sabi, e!” galit nang sabi
ng kausap namin.”

“Kahit hindi ako ang pinagsabihan, nag init ang pisngi ko. Pero, nagulat ako ng tumugon ang
lalaking katabi ko: “Aba, ale, kung ayaw n’yong matingnan, sa eroplano kayo sumakay. Saka,”
at nagtawa pa itong nakakasalbahe. “paano pa ako maduduling, e sa talagang duling na
ako…”Tawanan.Anak ng pating na katwiran!”
“Isang matabang babae ang sumakay. Babae. Ang nasa bungad sa malapit sa estribo,
ay dalawang lalaki, Nakita nilaang babae. Hindi bat hinihingi ng urbanidad na
paupuin nila ang babae? Ipinaririnig sa babae at sa iba pang pasahero.”
SOSYOLOHIKAL
“Para bang hindi nag aral… ganyan ba ang tinuro sa iyo ng maestro mo?” Natisod ng bata ang amang
natutulog sa gitna ng bahay, natapakan ang paang may rayuma. Hindi sinasadya ng bata ang nangyari
(sino ba namang anak ang sasadyaing tapakan o tisurin ang amang natutulog?) ngunit nang minsan
ang bata ang natutulog at ito naman ang natisod ng ama, sinabi sa kanya ng ama: “kakalat kalat ka
kasi …”

“Mabilis ang galaw ng buhay, tunay na waring ang lahat ay nagmamadali. Sa sasakyan nagsisipag
madaling makasakay ang tinanghali na ng gising, nag aalala na magalit ang boss kung dumating sya ng
break time na. Puno na ang maliit na bus na nagyayao’t dito sa maynila at arabal. Pero hinto pa rin ng
hinto kahit halos umaapaw na. at mangyari pa, sakay naman ng sakay ang nagsisipagmadaling
makauwi. Sakay. Hinto.”
“Ngayon, kahit nasusuklam at nababagot na siyang magmamasid sa mga dati nang nakikita sa
maynila sa araw araw, sa labas pa rin ng bintana siya nakatingin. Ayaw niyang tumingin sa
harap niya, ayaw niyang tumingin sa harap niya, ayaw niyang Makita ang babaeng “nakabitin” at
hirap na hirap sa pagkakatayo sa kanyang tabi Haaay, urbanidad.”

“Isang matabang babae ang sumakay, Babae. Ang nasa bungad sa malapit saa estribo, ay
dalawang lalaki, Nakita nilaang babae. Hindi bat hinihingi ng urbanidad na paupuin nila ang
babae? Ipinaririnig sa babae at sa iba pang pasahero.”
IMAHISMO

“Matulin ang takbo ng bus, at biglang, may pumara. Daig ng bus ang ipinako. At
nasugunson pagawi sa unahan ang mga sakay na nangakatayo.”

“Maliwanag ang buwan nang gabing iyong pauwi kami kaya panatag ang aming loob na
naglakad. Ilang batang halos may gatas pa sa labi, wika nga, ang naraanan naming
nagpapatintero, Nagdaan kami sa kanilang ginawang guhit, sapagkat ang buong kalsada
ay nasakop nila sa paglalaro.“
HUMANISMO
• “Sa sasakyan nagsisipagmadaling makasakay ang tinanghali ng gising, nag-aalala na
magalit ang boss. Nagsisipagmadali ring umuwi ang kanginang umaga ay
nagsisipagmadaling makarating sa opisina. Mahirap ang sumakay, marahil ay dahil sa
mabilis na pagdami ng tao lalo na ngayon sa kung anu-anong ban sa Maynila. Puno na
ang maliliit na bus na nagyayao’t ditto sa Maynila at Arabal. Pero hinto pa rin ng hinto,
kahit halos umaapaw na. At mangyari pa sakay naman ng sakay ang
nagsisipagmadaling umuwi. Sakay. Hinto.”

You might also like