1. Mapanghikayat na layunin Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng manunulat na mahikayat ang kaniyang mambabasa na maniwala sa kanyang mambabasa namaniwala sa kanyang posisyon hinggil sa paksa. 2. Mapanuring layunin Tinatawag din itong analitikal na pagsulat.Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. 3. Impormatibong layunin
Ipinaliliwanag ang mga posibleng sagot sa isang
tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Tungkulin o gamit ng akademikong pagsulat • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang sa mapanuring pag- iisip • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang sa pagpapahalagang pantao • Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon Katangian ng akademikong pagsulat • Kompleks • Pormal • Tumpak • Obhetibo • Eksplisit • Wasto • Responsable • Malinaw na Layunin • Malinaw na pananaw • May Pokus • Lohikal na Organisasyon • Matibay na Suporta • Malinaw at Kompletong Eksplanasyon • Epektibong Pananaliksik • Iskolarling Estilo sa Pagsulat Karaniwang Anyo ng Akademikong Pagsulat • Sintesis- ang sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod. • Buod- ito ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat atbp. • Abstrak- ito ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu, o katitikan ng komperensya. • Talumpati- ito ay pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience. • Rebyu- ito ay isang akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang- sining. Pansariling Anyo ng Akademikong Pagsulat • Replektibong Sanaysay- ay pasulat na presentasyong kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa. • Posisyong Papel- isang detalyadong ulat ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag • Lakbay-sanaysay- mula sa mga positibong pag-aaral at karanasan sa paglalakbay humahalaw ang maraming bahagi ng panitikan. • Pictorial essay- ito ay kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan.