You are on page 1of 14

PAGSULAT NG

BIONOTE
FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK)
BIONOTE
Maikling talambuhay na karaniwan ay patalata.
Ang talatang ito ay naglalaman ng
impormasyon hinggil sa mga personal na
detalye at mga propesyonal na karanasan ng
may-akda.
Karaniwang ginagamit sa pagpapakilala ng
tagapagsalita sa isang seminar, o kaya ay sa
pagpapakilala ng may-akda sa sarili sa aklat na
kaniyang isinulat.
MGA HAIMBAWA
NG BIONOTE
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG
BIONOTE
1. Tiyakin ang layunin.
▪ Ang layunin ang magsisilbi mong gabay kung
ano ang mga impormasyon ang mahalagang
isama at mula rito ay matutukoy mo rin ang
magandag paraan upang mailahad ito.
▪ Kapag tiyak na ang layunin, matutumbok mo
ang mga detalyeng nararapat na mabasa o
marinig ng mga tao.
2. Pagdesisyonan ang haba ng
susulating bionote.
▪ Mahalaga ang pagdedesisyon sa haba ng
bionote sapagkat kadalasan ay may
kahingian ang mga organisasyong
humihingi nito.
3. Gamitin ang ikatlong
panauhang pananaw.
 Ito ang makakatulong upang ipakilala nang
obhetibo ang paksa ng bionote.
 Nababalanse ng paggamit nito ang tila
pagbubuhat ng sariling bangko dahil dito
inilalahad ang pinakamahahalagang
tagumpay na natamo.
4. Simulan sa pangalan.
▪ Kapag pangalan ang unang nakita sa bionote,
mayroon na agad katauhan ang taong
ipinakikilala, at unang mairerehistro sa
kamalayan ng mga tao ang pangalang ng
ipinakikila.
▪ Mahalaga ito dahil ang pangalang ang
pinakaimportanteng matandaan ng mga tao
bilang isang propesyonal at sinusundan naman
ng mga ginawa at natamo na paksa.
5. Ilahad ang propesyong
kinabibilangan.
▪ Kung angpagpapakilala ay sa komunidad ng mga
inhinyero, mahalagang banggitin na ang
ipinakikilala ay kabilang din sa naturang
komunidad; o kung hindi man, kabilang sa isang
larangan na may kaugnayan sa kanila.
▪ Importanteng mabanggit na kabilang ka sa
larangan na may kinalaman sa komunidad ng
iyong kikilala. Sa pamamagitan nito, maitataas mo
ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.
6. Isa-isahin ang mahahalagang
tagumpay.
▪ Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na
may kinalaman sa audience ang kailangang
isama sa iyong bionote.
▪ Dapat piliin lamang ang mga impormasyong
ibibilang na maaring makapagpataas ng antas
ng pagkilala sa iyo.
6. Isa-isahin ang mahahalagang
tagumpay.
▪ Hindi naman sa walang halaga ang gawad ng
iyong natamo ngunit, hindi ito esensyal sa
pagkakataon.
▪ Kadalasang limitado ang espasyo sa pagsulat
ng bionote, krusyal ang pagdedesisyon sa mga
impormasyong ilalagay dito.
7. Idagdag ang ilang di-
inaasahang detalye.
▪ Kung mayroong mga detalye ukol sa paksa ng
bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong
target audience o reader, idagdag ito sa
bionote.
▪ Mahalaga na may element of surprise ang
pagpapakilala. Ito ay magandang teknik upang
mapukaw ang interes, basta tiyakin na ito ay
maiuugnay sa okasyon o pangangailangan ng
pagpapakilala sa iyo.

You might also like