You are on page 1of 4

TALAKAYIN NATIN:

Marahil, minsan ka nang naimbitahan upang maging tagapagsalita sa isang pagtitipon o 'di naman kaya ay
naatasan ka nang magbigay ng kritik o reaksyon s isang tagapagsalita. Sa mga pagkakataong ito, ipinakilala ka
sa mga tagapanood o tagapakinig upang magkaroon sila ng kamalayan sa iyong pagkatao.

May mga pagkakataon ding hinihingian ka ng pagpapakilala sa iyong sarili dahil sa kahingian ng sitwasyon.
Kabilang sa mga sitwasyong nangangailangan nito ay kung nagnanais na maging myembro ng mga online
network tulad na lamang ng Linkedin at iba pa. Maging sa iba't ibang mga social media ay naglalagay tayo ng
mga byline o tagline na nagpapakilala sa ating mga sarili. Ang pagpapakilalang ito ay tinatawag na biographical
note, o mas kilala bilang bionote.

A. KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE

Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala
siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang- diin ng bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon,
mga parangal o nakamit, mga paniniwala at mga katulad na impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal
hindi lamang upang ipabatid ito sa mga mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang
kredibilidad. Dahil dito, napakahalagang maisulat nang mabuti ang isang bionote. Dapat ding tandaan na
maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat, maaari itong magbago nang mabilis dahil sa mga naidaragdag
na impormasyon sa isang indibidwal.

Marahil, sa karanasan mo bilang estudyante ay wala pa o madalang ang pagkakataong hihingian ka ng isang
bionote, subalit dapat mong malaman na sa darating na panahon kung kailan ikaw ay isang propesyonal na,
darami ang mga pagkakataong kakailanganin mong iprepara ang iyong sariling bionote, o kaya naman ay
maatasan kang isulat ang bionote ng isang indibidwal. Dahil dito, isang mahalagang kakayahan na magkaroon
ng kaalaman sa epektibong pagsulat nito Sa katunayan, maraming mga rason kung bakit kailangan ang isang
bionote pagtalakay ng http//www.theundercoverrecruiter.com sa mga dahilang inilahad ni Levy (2015),
kabilang sa mapaggagamitan nito ang sumusunod:

1. aplikasyon sa trabaho;
2. paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog;
3. pagsasalita sa mga pagtitipon; at
4. pagpapalawak ng network propesyonal.

Kapag ang isang indibidwal ay naghahanap ng trabaho, maging sa kanyang liham aplikasyon ay may bahaging
ipinakikilala niya ang kanyang sarili. Kung tutuusin, ito ay isang anyo ng bionote. Ginagawa niya ito upang
makapukaw-pansin at mabigyang-diin ang kanyang kwalipikasyon sa trabahong inaaplayan. Tulad ng
pagbebenta ng isang produkto, kapag hindi mahusay ang pagkakasulat ng liham na ito, para na rin itong isang
adbertisment na walang kadating-dating. May mga pagkakataon ding maliban sa liham aplikasyon, hinihingian
ng mga kompanya ang mga napupusuang aplikante ng isang komprehensibong bionote upang mas makilala at
mataya ang kanilang kakayahan.

Samantala, rekwayrment naman ang isang bionote kapag ililimbag ang artikulo, aklat, blog o iba pang sinulat
ng isang indibidwal. Ang pablisher ay humihingi ng personal na bionote mula sa may-akda ng sulatin. Kung
ikaw ang may-akda ng sulating ililimbag, maaari mong ipasulat ang iyong bionote o ikaw mismo ang gumawa
nito. Ang kalamangan lamang ng pagsulat ng sariling bionote, kung mayroon ka namang kakayahang gawin ito,
ay ikaw mismo ang lubos na nakakikilala sa iyong sarili. Kadalasan, kasama talaga sa paglilimbag ang bionote
ng mga may-akda upang mas maipakilala sila sa mga tagabasa. Dahil malawak ang nararating ng mga limbag
na sulatin, mahalagang mahusay ang pagkakasulat ng bionote ng may akda nito, sapagkat isa rin itong
promosyon para sa kanyang propesyon.

Gayon din, hinihingian ang isang tagapagsalita o panauhin sa isang pagtitipon ng kanyang bionote. Minsan,
hinihihingi lamang ang curriculum vitae o resume ng panauhin at mula rito ay isinusulat ang bionote na
babasahin para siya ay ipakilala, ngunit may mga pagkakataong mismong bionote ang hinihingi mula sa
tagapagsalita o panauhin. Ginagawa ito upang maipakilala siya ayon sa nais niyang pamamaraan ng
pagpapakilala. Dahil dito, maging ikaw man ang panauhin, tagapagsalita, o ang tagapag-organisa, mahalagang
may kaalaman ka sa pagsulat ng isang bionote.

Panghuli, magagamit ito sa pagpapalawak ng network-propesyonal. Kapag ikaw ay humihiling ng membership


o subskripsyon sa isang organisasyon o network, lalo na't pampropesyonal ito, hinihingian ka ng iyong bionote.
Tulad nang nabanggit sa unahan, ang bionote na LinkedIn ay may kahingiang sulatin mo ang iyong bionote
bilang pagpapakilala sa iyong sarili. Mahalaga ito upang magkaroon ng akmang network Sa mga taong kabilang
sa iyong propesyon, o sa mga taong may katulad na linya o interes ng sa iyo. Naipapakita rin ng iyong personal
na bionote ang iyong kakayahan at personalidad, kung kaya't nagiging repleksyon ito ng iyong pagkatao. Dahil
dito, dapat matutunan ang maayos na preparasyon ng sulating ito.

B. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote ang iminungkahi sa artikulong Guidelines
in Writing Biographical Notes (sa http://www. kaowarsom.be). Ito ay kinabibilangan ng sumusunod:

1. Balangkas sa pagsulat. Bago ka pa man sumulat ng bionote, kailangang maging malinaw sa iyo ang
balangkas na iyong susundin. Tinutukoy ng pagbubuo ng balangkas ang prayoritisasyon ng mga impormasyong
isasama sa bionote. Bagamat mahalaga ang lahat ng detalyeng iyong isasama, maging estratehiko sa paglalagay
sa mga impormasyong ito. Itanong sa sarili: Ano ang aking uunahin o ihuhuli? Alin sa mga impormasyon ang
kailangang bigyan ng higit na elaborasyon? Makatutulong ang mga tanong na ito, upang maging mahusay ang
daloy at maging higit na komunikatibo ang iyong bionote.

2. Haba ng bionote. Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong
talata, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang bionote. Ayon kay Brogan (2014),
isang kilalang social media guru, may tatlong uri ng bionote ayon sa haba nito: micro-Bionote, maikling
bionote, at mahabang bionote.

Ipinaliwanag ni Brogan (2014) na isang magandang halimbawa ng micro-bionote ang isang impormatibong
pangungusap na inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng iyong ginagawa, at tinatapos sa mga detalye kung
paano makokontak ang paksa ng Bionote. Karaniwang makikita ito sa mga social media bionote o business card
bionote. Ang maikling bionote sa kabilang banda ay binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng
mga impormasyon ukol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ang bionote ng may-akda sa isang aklat.
Karaniwan din ang ganitong uri sa mga journal at iba pang babasahin. Samantala, ordinaryo ang isang
mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang natatanging panauhin. Ito ay dahil may sapat na oras para sa
pagbasa nito o espasyo para ito ay isulat. Mahalagang maghanda, kung gayon, ng iba't ibang haba ng sariling
bionote upang mayroong nakahandang kopya na magagamit sa ano mang pagkakataon.

3. Kaangkupan ng nilalaman. Dapat mong malaman na hindi lahat ng mga natamo at mahahalagang
impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong isama sa bionote. Ang bionote
ay isinusulat para sa isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon, Dahil dito,
mahalagang isiping mabuti ang mga impormasyong kailangang isama sa iyong bionote.

Unang dapat bigyang-pansin ang pag-alam sa konteksto ng okasyon o sitwasyon. Kung alam mo kung para saan
ang pagsulat ng bionote, magiging konsidersyon mo ito sa pagpili ng mga impormasyon o detalyeng isasama
rito. Halimbawa, kung ang Bionote ay gagamitin sa pagpapakilala sa tagapagsalita ukol sa tungkulin ng
kabataan sa globalisadong komunidad, mahalaga sigurong bigyang-pansin ang listahan ng mga imbitasyon sa
ipapakilala na may katulad na tema, ang kanyang mga adbokasiya, mga asosasyong kinabibilangan na
nakatutulong sa mga kabataan, mga aktuwal na serbisyong kinabilangan bilang kabataan, at iba pa.

Ang mga iba pang impormasyong walang kinalaman sa okasyon ay hindi na kailangan pang isama. Ibig sabihin,
Isama lamang ang mga detalyeng may direktang kinalaman sa okasyon at sekondarya na lamang ang iba pang
walang direktang kaugnayan dito.

Alamin din kung sino ang makikinig o magbabasa ng bionote. Sa pamamagitan nito, maibabagay mo ang mga
impormasyon at mga salitang gagamitin sa bionote. Sa larangan ng audience psychology, kailangang naaayon
ang mga salitang gagamitin sa propayl ng iyong audience. Kung kilala mo sila, maibabagay mo ang nilalaman
at mga salitang gagamitin mo upang mapukaw ang kanilang interes at makuha ang kanilang pagtitiwala.

4. Antas ng pormalidad ng sulatin. Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang gagamitin
sa bionote. Nakadepende ang pormalidad/ impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa mismong audience
at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan nito. Mahalagang isaalang- alang ang
pormalidad/impormalidad ng sulatin sapagkat kahit gaano ito kahusay, kung hindi naikonsidera ang lebel ng
sensibilidad ng mga tagapakinig o mambabasa, hindi ito magiging epektibo sa paghahatid ng mga
impormasyong ukol sa ipinakikilala.
5. Larawan. Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng larawan at
hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan. Iminumungkahing
maglagay ng larawang kuha ng isang propesyonal na potograpo.

C. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

Paano mo nga ba dapat isulat ang bionote?

Sa pagtalakay ni Brogan (2014), nabanggit nang isang social media guru, at ni Hummel (2014), isa namang
nobelista, inilahad ang iba't ibang hakbang sa pagsulat ng bionote. Bagamat hindi naman permanente ang mga
hakbang na ito, makatutulong ito sa mga estudyante at manunulat na bago pa lamang sa larangan ng pagsulat ng
bionote.

Narito ang mga ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto para sa pagsulat ng bionote (Brogan, 2014;
Hummel, 2014):

1. Tiyakin ang layunin. Tulad nang nabanggit na sa unang pagtalakay mahalagang malinaw sa iyo ang layunin
kung bakit kailangang isulat ang bionote, Gagabayan ka ng iyong layunin kung anong mga impormasyon ang
mahalagang isama aat mula rito'y matutukoy mo rin ang magandang paraan upang ilahad ang mga ito. Kapag
tiyak ang layunin, matutumbok mo ang mga detalyeng nararapat na mabasa o marinig ng mga tao at dahil dito
mas mapabubuti mo ang kanilang pagkilala sa paksa ng bionote at mapatataas din nito ang kanyang kredibilidad
bilang isang propesyonal o indibidwal.

2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote. Maykro, maikli o mahaba ba ang isusulat na bionote?
Nakadepende rin sa layunin ang magiging haba ng bionote. Kung tiyak na ang iyong layunin, matutukoy mo na
rin ang dapat na haba ng iyong bionote. Mahalaga rin ang pagdedesisyon sa haba ng bionote sapagkat kadalasan
ay may kahingian ang mga organisasyong humihingi nito. Halimbawa, kung ito ay gagamitin sa isang journal,
kadalasang itinatadhana na ng editor nito ang bilang ng salitang gagamitin sa pagsulat ng bionote. Dahil ito sa
limitadong espasyo na mailalaan sa sulating ito. Kung ito naman ay sa online gaya ng facebook at twitter,
kadalasang limitadong bilang lang din ng karakter ang magagamit. Kung gayon, kailangang matiyak mula sa
gagamit ng bionote kung ano ang kahingiang haba nito.

3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib. Ang paggamit ng ikatlong panauhang perspektib o third
person perspective ay makatutulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote. Kahit pa nga personal
mong bionote ang iyong isinusulat, iminumungkahing gamitin ang perspektibong ito dahil nanunyutralays nito
ang tila pagbubuhat ng sariling bangko dahil inilalahad sa bionote ang mga pinakamahahaagang tagumpay na
natamo. Sa social media naman, ginagamit ang unang panauhan o first person dahil personal na account ang
mga ito at inaasahang ikaw ang nagpapakilala sa iyong sarili at hindi ang ibang tao.

4. Simulan sa pangalan. Bagamat kadalasang binabanggit sa dulo ang pangalan kapag binabasa lamang ang
bionote, kung nasa pasulat na anyo, iminumungkahing ang pangalan ang unang makikita. May mahalagang
dahilan kung bakit ginagawa ito. Una mayroon na agad katauhan ang ipinakikilala at ikalawa ay unang
mairerehistro sa kamalayan ng mga tao ang pangalan ng ipinakikilala. Mahalaga ito dahil ang pangalan ang
pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at sinusundan naman ng mga ginawa at
natamo ng paksa.

5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Kung ang pagpapakilala ay sa isang komunidad ng mga inhinyero,
mahalagang banggitin na ang ipinakikilala ay kabilang din sa naturang komunidad; o kung hindi man, kabilang
sa isang larangan na may kaugnayan sa kanila. Halimbawa, kung ikaw ay sumusulat ng aklat sa arkitektura,
mahalagang mabanggit mo na ikaw ay isang arkitekto. Napatataas nito ang iyong kredibilidad kaya ka
nagsusulat ng naturang aklat sa disiplina. Kung ikaw naman ay tagapagsalita, halimbawa sa total quality
management, importanteng mabanggit na kabilang ka sa larangang may kinalaman dito. Sa pamamagitan nito,
mas maitataas mo ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.

6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay. Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na may kinalaman
sa audience ang kailangang isama sa Iyong bionote. Kung sumusulat ka ng aklat sa computer science, huwag
nang isama pa ang mga bagay na walang direktang kinalaman dito. Halimbawa, dahil ikaw ay isang advocate
ng anti-graft and corruption practices at naparangalan ka dito, hindi ito mahalagang detalye ng iyong bionote sa
likod ng aklat. Ibig sabihin, pipiliin mo lamang ang mga impormasyong ibibilang na maaaring makapagpataas
ng antas ng pagkilala sa iyo bilang awtor ng aklat sa computer science. Hindi naman nangangahulugang walang
halaga ang gawad na iyong natamo, subalit hindi ito esensyal sa pagkakataon. Dahil nga madalas limitado ang
espasyo sa pagsulat ng bionote, krusyal ang pagdedesisyon sa mga impormasyong ilalagay dito.
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye. Kung mayroong mga delatye ukol sa paksa ng bionote na wala
pa sa kamalayan ng iyong target audience o reader, idagdag ito sa bionote. Mahalaga na may element of
surprise ang pagpapakilala sa iyo. Bagamat magandang teknik ito upang mapukaw ang interes nila, tiyakin na
maiuugnay ito sa okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo. Halimbawa, kapag ang bionote ay sa
isang guro ng values education hindi lamang ang kanyang edukasyon at gawad sa pagtuturo ang mahalaga.
Kapag mayroon siyang mga serbisyong pangkomunidad kahit hindi ukol sa literasi ay maaaring niyang isama sa
bionote sapagkat ang aktuwal na pagtulong ay isang uri ng pagtuturo ng pagpapahalaga o values.

8. Isama ang contact information. Upang mapalawak ang network sa propesyon at upang makonsulta ang
paksa ng bionote ukol sa ekspertis na larangan, makabubuting isama ang mga impormasyong kung paano
posibleng makipag-ugnayan sa kanya ang mga tao. Kabilang dito ang iyong e-mail, social media account, at
numero ng telepono sa trabaho o personal na numero. Sa ganitong paraan, napadadali nito ang ugnayan niya sa
ibang tao. (Hindi na ito iminumungkahi ng mga may-akda ng aklat na ito.)

9. Bahasahin at isulat muli ang bionote. Kapag tapos nang isulat ang bionote basahin mo ito nang malakas, Sa
pagbasa mo nito, makikita mo ang mga dapat pang ayusin, tanggalin man o dagdagan. Masusuri mo rin kung
epektibo ang paglalahad nito. Mula sa iyong personal na mga puna, muli itong isulat.

You might also like