You are on page 1of 20

AKADEMIKONG

SULATIN:
BIONOTE
Mga nilalaman
UNA IKALAWA IKATLO

Kahulugan at Mga dapat tandaan Mga hakbangin sa


halaga ng Bionote sa pagsulat ng pagsulat ng
Bionote Bionote
Kahulugan ng Bionote
Mula sa Bernales, et al. (2017) ang bionote ay isang sulating nagbibigay
impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga
tagapakinig o mambabasa. Binibigyang diin nito ang mga bagay-bagay tulad
ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga paniniwala at mga katulad na
impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal hindi lamang upang
ipabatid ito sa mga mambabasa o tagapakinig kundi upang pataasin ang
kanyang kredibilidad. Maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat,
maaari itong mabago nang mabilis dahil sa mga naidaragdag na
impormasyon sa isang indibidwal
Ayon muli sa
Bernales, et al. pagsulat ng aplikasyon sa trabaho;

(2017) paglilimbag ng mga artikulo, aklat o


blog;
Mahalaga ang kakayahan na pagsasalita sa mga pagtitipon
magkaroon ng kaalaman sa
epektibong pagsulat nito, kabilang sa
at pagpapalawak ng netwok
mapaggagamitan nito ang propesyonal.
sumusunod:
Mga dapat tandaan sa
pagsulat ng BIONOTE

Ayon sa Bernales, et al. (2017), narito ang


dapat alamin sa pagsulat ng bionote mula sa
Guidelines in Writing Biographical Notes, ay
ang
1. Balangkas ng pagsulat
Tinutukoy sa pagbuo ng balangkas ang
prayoritisasyon ng mga impormasyong
isasama sa bionote. Kailangan alamin kung
alin sa mga impormasyon ang kailangang
bigyan ng higit na elaborasyon. Maging
estratehiko sa paglalagay sa mga
impormasyong ito. Alamin ang kailangang
bigyan ng higit na elaborasyon.
2. Haba ng bionote binubuo
Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong talata. Subalit
depende sa pangangailangan nagbabago ang isang bionote.
Mula kay Brogan (2014), may tatlong uri ang bionote:
micro- bionote, maikling bionote, at mahabang bionote.
• Una, ang micro-bionote. Ito ay inuumpisahan ng pangalan, sinusundan ng mga
ginagawa/ nagawa, at tinatapos sa kung paano makokontak ang paksa ng
bionote. Karaniwang makikita sa social media bionote o business card bionote.
• Samantala ang maikling bionote ay binubuo ng tatlo hanggang limang talata
tungkol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ang bionote ng may-akda sa
isang aklat. Makikita din ito sa mga journal o iba pang babasahin.
• Ang huli, mahabang bionote, ginagamit ito sa pagpapakilala ng natatanging
panauhin. Mahalagang maghanda, kung gayon, ng iba't ibang haba ng bionote
upang may magagamit sa anomang pagkakataon.
3. Kaangkupan ng nilalaman
Ang bionote ay isinusulat para sa isang
tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang
tiyak na pagkakataon. Dapat mong
malaman hindi lahat ng natamo at
mahalagang ipormasyon tulad ng
propesyonal, trabaho, o edukasyon ay
kailangan mong isama sa pagsulat nito.
4. Antas ng pormalidadng
sulatin
Mahalagang isaalang-lang ang
pormalidad/impormalidad ng sulatin
sapagkat kahit gaano ito kahusay, kung hindi
naikonsidera ang lebel ng sensibilidad ng
mga taga pakinig o mambabasa, hindi ito
magiging epektibo sa paghahatid ng mga
ipormasyong ukol sa ipinakikilala.
5 Larawan
Tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng
larawan para sa bionote kung
kinakailangan. Hanggat maaari ay
propesyonal at pormal ang dating ng paksa
ng bionote sa larawan. Iminumungkahing
maglagay ng larawang kuha ng isang
propesyonal na potograpo.
Mga hakbang sa
pagsulat ng Bionote

Matatagpuan sa aklat nina Bernales, et al.


(2017), ang hakbangin sa pagsulat bionote
mula kay Brogran (2014) at Hummel
(2014). Narito ang panukala ng dalawang
eksperto, ay ang sumusunod:
i. Tiyakin ang layunin. Kapag tiyak ang
layunin, matutumbok ang
impormasyong nararapat na mabasa o
marinig ng mga tao. Mapataas din ang
kredibilidad ng taong ipinakikilala.
ii.Magdesisyon kung anong haba ng
bionote ang isusulat sapagkat kadalasan
ay may kahingian ang mga
organisasyong hmihingi nito.
iii.Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib.
Kahit na personal na bionote ang iyong
isinusulat, iminumungkahi ang perspektibong
ito dahil na nanunyutralays niya ang
pagbubuhat ng sariling bangko dahil sa
paglalahad ng tagumpay na natatamo.
Samantalang sa social media, ginagamit ang
panauhan dahil sa personal akawnt mo ito at
inaasahan na sarili mo mismo ang
nagpapakilala.
iv. Simulan sa pangalan. Magkakaroon na
agad ng katauhan ang ipinapakilala at
ang pangalan ang pinakamahalagang
matandaan bilang propesyunal at
malaman ang mga tagumpay nito.
v. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Sa
pamamagitang nito, maitataas mo ang
antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.
vi. Isa-isahin ang mahalagang
tagumpay. Pipiliin mo lamang
ang mga impormasyong ibibilang
na maaaring makapagpataas ng
antas ng pagpapakilala sa iyo at
mahalagang naaayon ito sa iyong
mga tagapakinig o mambabasa.
vii. Idagdag ang di inaasahanag detalye.
Mahalaga may surpresa. Tiyakin na
may kaugnayan ito sa okasyon o
panganganilan ng pagpapakilala sa iyo.
viii. Isama ang impormasyon kung
paanong posibleng ma kontak ng mga
tao. Sa ganitong paraan, mapadadali
ang iyong ugnayan sa kanila.
ix.
Basahin at isulat muli. Basahin nang malakas
ang isinulat na bionote. Sa pagbasa malalaman
mo ang mga dapat pang ayusin, tanggalin o
dagdagan. Masusuri ang epektibo ng
paglalahad at iyong mabibigyan ng personal
na puna ang pagsulat. Sa huli, muli itong
isulat.
"Hindi mo maiintindihan ang anuman hangga't hindi
mo ito natutunan ng higit sa isang paraan."
~Marvin Minsky
Maraming Salamat sa inyong pakikinig
~pangkat 4
Mga miyembro
 Analyn Caña
 Andrei Lata
 Benedict De Belen
 Charlotte Sophia Elumba
 Dave Ian Cahulogan
 Jessie Cleofe
 Jharriza Deduque
 Maryrose Naga
 Princess Mabingnay

You might also like