You are on page 1of 28

FILIPINO AKADEMIK PILING

LARANG
ARALIN 6: BIONOTE AT TALUMPATI
LAYUNIN
 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian
ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
CS_FA11/12EP-0a-c-39

 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong


pagsulat. CS_FA11/12PB-0a-c-101
Ang PA G L A L A G O M
• Ang LAGOM ay ang pinakasimple at pinaikling bersyon ng isang
sulatin o akda.
• Nahuhubog ang kasanayang maunawaan ang pinakanilalaman
ng isang teksto
• Natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa akda
• Nahuhubog ang kasanayan sa pagsulat partikular ang tamang
paghabi ng mga ideya
• Nakatutulong sa pagpapayaman ng bokabularyo
Mga uri
n g PA G L A L A G O M

• Bionote
• Abstrak
• Sintesis
• Buod
ANO ANG PAGKAKAIBA NG
AUTOBIOGRA
PHYBIOGRAP
HYBIONO
TE
Pinagkaiba
 Awtobiograpiya - Ito ay isang mahaba at detalyadong sulatin.
Naglalaman ito ng mga mahahalagang impormasyon at pangyayari
sa buhay ng isang tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa
kasalukuyan.
 Biograpiya ay tungkol sa talambuhay ng isang tao at ito ay isinulat
ng isang may-akda sa pamamagitan ng interbyu at iba pang uri ng
pangangalap ng datos tungkol sa talambuhay ng taong kaniyang
isinusulat.
 Bionote - Ito ay siksik at mas maikli kumpara sa autobiography. It
ay isang impormatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung sino ka o kung ano ang iyong propesyon. Ito rin
ay naglalaman ng mga bagay na iyong nagawa bilang propesyonal.
Saglit Lang : Talambuhay? Bionote?

Talambu
hay
Ang talambuhay ay isang anyo ng akdang pampanitikan
tungkol sa buhay ng isang tao. Isinusulat ito hindi para
suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay
magamit na huwaran ng iba.
Uri ng Talambuhay
A. PANSARILI - tungkol sa buhay ng may-
akda
B. PANG-IBA - naglalahad ng makukulay
na pangyayari sa buhay ng hinahangaan o
iniidolo
BIONO
TE
Magpakilala sa madla
gamit ang personal na
impormasyon at mga
nagawa o ginagawa sa
buhay
Ang bionote ay maikling tala ng personal na
impormasyon sa isang awtor na maaaring
makita sa likuran ng pabalat ng libro na
kadalasan ay may kasamang litrato.
Ang Bionote ay impormatibong talata o sulatin
na nagpapaalam sa mga mambabasa kung
sino ka o ano-ano na ang mga nagawa mo
bilang isang propesyunal.
Ang isang bionote ay maikling paglalarawan ng
manunulat gamit ang ikatlong panauhan na
madalas ay inilalakip sa kaniyang mga naisulat.
BIONOTE
P I N A K A M A L A K I

PINAKAMALIIT
A
Nilalaman ng Isang
Bionote
Ano ano ang bumubuo at
nilalaman ng isang Bionote
Nilalaman ng Isang Bionote

Ikalawang
Unang Talata
pangalan, araw ng
Talata
mga katangian, mga hilig,
kapanganakan, lugar ng paborito, libangan, mga
kapanganakan, tirahan,
magulang, kapatid.
bagay na natuklasan sa sarili
Ikatlong Talata
mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap,
ambisyon, inaasam sa darating na panahon, mga
iba pang gagawin upang makamit ang tagumpay
Mga Dapat Tandaan sa Pagsusulat ng
B I O N O T E
● Sikaping maisulat ito nang maikli.
● Banggitin ang pangalan kasunod ng mga tagumpay o karangalang nakamit.
Kung marami ang mga ito, magbanggit ng hanggang tatlo na
pinakamahalaga para sa iyo.
● Isunod ang iba pang detalye, kung saan nagtapos (o nag-aaral pa), ano ang
trabaho, ilang taon na sa trabaho, mga posisyong hawak o hinawakan at iba
pa.
● Isunod ang higit na personal na detalye tulad ng saan nakatira, ilan ang anak
at isang “aral” na maiiwan sa mambabasa.
● Isulat ito sa ikatlong panauhan. Gumamit ng mga payak na salita.
● Basahing muli ang binuo at isulat itong muli kung kailangan.
BIONOTE
P I N A K A M A L A K I

PANGALAN, ACADEMIC AWARDS AND


RECOGNITIONS, NATAPOS NA KURSO

KASALUKUYANG POSISYON,
UNANG
MEMBERSHIP SA MGA ORGANISASYON TALATA
AT IBA PA
KASALUKUYANG
PINAGKAKAABALAHAN
KAUGNAY NG
PROPESYON
MGA DETALYE SA
IKALAWANG PERSONAL
NA BUHAY
TALATA
IBA PANG
DETALYE

P I N A K A M A L I I T
Nilalaman ng Isang Bionote
TALUMPA
TI
Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko
na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap
ng mga tagapakinig.
HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI

Pumili ng paksa

Pagtitipon ng mga materyales

Pagbabalangkas ng mga Kaisipan

Paglinang sa mga kaisipan


MGA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG
TALUMPATI UPANG ITO’Y MAGING
MABISA
Panimula Paglalahad
Dito inilalahad sa mga Dito nakapaloob ang
tagapakinig ang paksang pinakadiwa ng talakayan.
tatalakayin upang mapukaw ang Nagsisilbi itong katawan ng
kanilang interes. talumpati na naglalaman ng
mga kaisipan o mga detalye
ukol sa paksa.
MGA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG
TALUMPATI UPANG ITO’Y MAGING
MABISA
Paninindigan Pamimitawan

Kinakailangang Dito nilalahad ang buod ng


mapatunayan ng nilalaman ng talumpati.
mananalumpati ang Nagsisilbing wakas at
kanyang gustong ipunto o
pangsara sa talakayan na
linawin na susuporta ng
naglalaman ng
kahalagahan ng kanyang
maindayong kaisipan.
paksa.
PARAAN NG TALUMPATI
● Mga katangian ng isang magaling na mananalumpati

● 1. Magsalita nang may angkop na lakas ng boses na maririnig ng


lahat ng tagapakinig.

● 2. Isaalang-alang ang paghina at paglakas ng boses o pagbibigay


diin sa mga kaiisipan na nakapaloob sa iyong talumpati.

● 3. Lakasan ang iyong loob at maniwala sa iyong kakayahan na


kaya mong magsalita sa harap ng maraming tao.

● 4. Tumayo nang maayos, huwag magpakita ng anumang kaba


kapag nagsimula nang magsalita.
PARAAN NG TALUMPATI
● Mga katangian ng isang magaling na mananalumpati

● 5. Huwag masyadong gumalaw nang gumalaw. Huwag din


namang hindi ka na gumagalaw. Katamtaman lamang. Ang lahat
ng sobra ay nakasasama.

● 6. Iwasan ang hindi kinakailangang paggalaw ng mga kamay


katulad ng paghawak sa ID, laylayan ng damit, panyo at iba pa.

● 7. Bukod sa paglakas ng boses, maaari ring gumamit ng angkop


na pagkumpas ng mga kamay upang mabigyang diin ang iyong
pinaninindigan o katuwiran.

● 8. At higit sa lahat humingi ng gabay sa Poong Maykapal.


Konklusyon
Sa aralin ating natuklasan at natutunan ang tungkol sa Bionote at
Talumpati.

Ang Bionote ay isang tulong sa mga awtor at mambabasa upang makita


ang kredibilidad, makilala ang awtor at upang makapagbasa ng ibang
likha ng nasabing awtor, ito rin ay tumutulong sa manunulat upang ang
kanyang likha ay mabasa ng nakararami.

Ang talumpati ay isa sa mga malikhain at epektibong paraan sa


pagbibigay ng ating opinyon, magbigay ng pagpapaliwanag, at upang
marinig ang ating boses.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!
Mula kay:

Ma’am Jho
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/445366

You might also like