You are on page 1of 2

Aralin 2: Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Pamagat ng Gawain: BIONOTE: TALA NG BUHAY

Target sa Pagkatuto: 1. Nakasusulat nang maayos na bionote batay sa


pakikipanayam sa kaibigan o kapamilya,
2. Nagagamit ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang
bionote.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ni Alma


Dayag et al.

S AMA-SAMANG PAGLIKHA…

LIKHAIN MO!

Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag
na auto biography o kaya kathambuhay o katha ng buhay ng isang tao o biography.

PANUTO

1. Isagawa ang gawain ng magkapareha.


2. Magsagawa ng panayam sa taong gagawan ng bionote.
3. Ang napiling kakapanayamin ay maaring nakapagtapos ng pag-aaral o kaya ay
naging matagumpay sa buhay.
4. Ang panayam ay dapat tungkol sa personal na buhay.
5. Bilang patunay na nagkaroon ng panayam, gumawa ng isang transcription at
magkaroon ng screen shot (kung online ginawa ang panayam) o larawan ng
naganap na panayam (kung face to face ang panayam). Ilagay ito sa ilalim ng
isinulat na bionote.
6. Sa mga nakuhang impormasyon sa panayam, dito ibabase ang isusulat na bionote.
Gabay sa Pakikipanayam:
7. Maglagay ng pormal na larawan ng taong kinapanayam sa kaliwang taas na bahagi
ng papel.
8. Kailangan isaalang-alang ang mga bagay na dapat tandaan at mga hakbang sa
pagsulat ng bionote.
9. Gawin ito sa isang short bond paper.

 Pangalan:
 Edad:
 Ano ang iyong talento o natatanging kakayahan?
 Ano ang kinahihilagan/interes mong gawin?
RUBRIK:
Angkop ang nilalaman sa mga kinakailangang 10
impormasyon sa bionote kasama ang larawan
Kasapatan ng haba at organisasyon ng mga detalye at 10
impormasyon
Kawastuhan ng pagbuo ng pangungusap at pormal ang 5
wikang ginamit
Kalinawan ng ginawang transkripsiyon ng panayam 5

KABUOAN 30

Halimbawa ng transkripsiyon:

Tagapanayam: Magandang Umaga po.


Nakapanayam: Magandang Umaga rin.
Tagapanayam: Maari ko po ba kayong tanungin tungkol sa mga mahahalagang
impormasyon sa inyong buhay?
Nakapanayam: Oo naman, maari.
Tagapanayam: Ano po ang inyong buong pangalan?
Nakapanayam: Ang aking buong pangalan ay Maria Leonora Rivera at ako ay
dalawampu’t walong taong gulang.
Tagapanayam: Ma’am Leonora maari ko po bang malaman kung ano ang natapos
niyo sa inyong pag – aaral? ……………………………………….

You might also like