You are on page 1of 17

Paalala

● Panatilihin ang katahimikan habang nasa klase. lwasan ang


paglikha ng anomang tunog na makaaabala sa klase.

● Kung nais sumagot o kung may nais sabihin.

● l -type sa chat box ang mga katanungan.


Mga Layunin
1. Natukoy ang kahulugan ng Biographical
Note o Bionote.
2. Naisa-isa ang mga pamantayan sa pagsulat
ng Bionote.
3. Nakasulat ng sariling Bionote gamit ang
mga pamantayan sa pagsulat nito.
Biographical
Note
● Kahulugan ng Biographical Note

● Pamantayan sa Pagsulat ng Bionote

● Mga Dapat Tandaan


● Kahulugan ng Biographical Note

Ang biographical note o bionote ay isang


maikling tala ng personal na impormasyon
ukol sa isang awtor na maaaring makita sa
likuran ng pabalat ng libro at kadalasang may
kasamang litrato ng awtor o may-akda ng
nasabing aklat.
● Kahulugan ng Biographical Note

Ito ay tala sa buhay ng isang tao na


naglalaman ng buod ng kanyang academic
career na madalas ay makikita o mababasa
sa mga journal, aklat, abstrak ng mga
sulating papel, websites at iba pa. (Deunas at
Sanz, 2021
Bio data Resume
Social Networking
Aklat
Sites
Digital Communication Sites

Artikulo Blog
Pamantayan sa
Pagsulat ng
Bionote
● Pamantayan

1. Sikaping maisulat ito nang maikli. Kung ito


ay gagamitin sa resume kailangan maisulat
ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay
gagamitin para sa networking site, sikaping
maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na
pangungusap.
● Pamantayan

2. Magsimula sa pagbanggit ng personal na


impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong
mga interes, itala ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin
lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.
● Pamantayan

3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan


upang maging malinaw at obhetibo.
● Pamantayan

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.


Gumamit ng mga payak na salita upang madali
itong maunawaan at makamit ang totoong
layunin na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa
maikli at tuwirang paraan. Tandaan na ito ang
mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
● Pamantayan

5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na


sipi nito. Maaaring ipabasa muna ito sa iba
para matiyak ang katumpakan ng wika at
konteksto.
● Mga Dapat Isaalang-alang

❏ Personal (Buong Pangalan, Lugar at Taon


ng Kapanganakan)
❏ Educational Background
(Elementarya-Sekundarya-Kolehiyo)
❏ Karangalan at Karanasan
Halimbawa ng
Bionote

You might also like