100% found this document useful (1 vote)
13K views25 pages

Bionote

Ang dokumento ay tungkol sa kahulugan, layunin at gamit ng bionote. Binigyang-diin nito ang maikling format ng bionote at ang mga mahahalagang detalye na dapat isama tulad ng edukasyon, trabaho, interes at tagumpay. Binigyang halimbawa ang bionote ni Alma Dayag bilang modelo.

Uploaded by

Jean Rose Llagas
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
13K views25 pages

Bionote

Ang dokumento ay tungkol sa kahulugan, layunin at gamit ng bionote. Binigyang-diin nito ang maikling format ng bionote at ang mga mahahalagang detalye na dapat isama tulad ng edukasyon, trabaho, interes at tagumpay. Binigyang halimbawa ang bionote ni Alma Dayag bilang modelo.

Uploaded by

Jean Rose Llagas
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

BIONOTE

KAHULUGAN, LAYUNIN AT GAMIT NG ABSTRAK


ANO-ANO ANG IYONG MGA
NATAMO SA BUHAY?
LAYUNIN
◦nakikilala ang bionote bilang akademikong
sulatin
◦naiuugnay sa buhay ang kahalagahan ng
pagsulat ng bionote
◦nakasusulat ng mahusay na bionote
BIONOTE
◦Ito ay maituturing ding isang uri ng lagom na
ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng
isang tao.
◦Marahil ay nakasulat ka na ng iyong
talambuhay o tinatawag sa Ingles na
autobiography o kaya ng kathambuhay o
katha sa buhay ng isang tao o biography
BIONOTE

◦Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay


higit na maikli kompara sa mga ito.
BIONOTE
◦Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang
aklat na Academic Writing for Health Sciences,
ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang academic
career na madalas ay makikita o mababasa sa
mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating
papel, websites, at iba pa.
BIONOTE
◦Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa
ng bio-data, resume, o anumang kagaya
ng mga ito upang ipakilala ang sarili para
sa isang propesyonal na layunin.
BIONOTE
◦Ito rin ang madalas na mababasa sa
bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na
makikita sa mga social network o digital
communication sites.
BIONOTE
◦Layunin din ng bionote na maipakilala ang
sarili sa madla sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng
mga nagawa o ginagawa sa buhay.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE
1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito
ay gagamitin sa resume, kailangang maisulat ito
gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin
para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob
ng lima (5) hanggang anim (6) na pangungusap.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE

2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na


impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga
interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin
lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na
pinakamahalaga.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang
maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit


ng mga payak na salita upang madali itong
maunawaan at makamit ang totoong layunin
nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at
tuwirang paraan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE
5. May ibang gumagamit ng kaunting
pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa
mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa
paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong
maglalarawan kung ano at sino ka.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng
iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito sa iba
bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang
katumpakan at kaayusan nito.

https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-
short-bio-on-yourself.html.
Katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote
at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon.

2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan


,laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA
Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo
ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .
Katangian ng Bionote
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market -
kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng
bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga
administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang
bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.

4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat


ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna
ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
Katangian ng Bionote
Katangian ng Bionote

5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o


katangian - mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng bionote.

Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante


,environmentalist at chef “. Kung ibig pumasok bilang
guro sa panitikan , halimbawa hindi na kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef.
Katangian ng Bionote

6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan


- Kung may PhD halimbawa at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang
isulat sa bionote ang kredensyal na ito.

7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon –


Walang masama kung paminsan-minsa ay magbubuhat ka
ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang
matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang
kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang
impormasyon.
https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815
Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni
Gng. Alma Dayag ,koordineytor at may-akda ng aklat
“Pinagyamang Pluma”

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and


Secondary Education magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching
Filipino Language and Literature sa Philippine Normal University . Nakapagturo
siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod
bilang homeroom chairman , koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at
Assistant principal for Academics sa St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya
sa iba’t ibang kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng
Amerika , Singapore ,China ( Macau) at Thailand. Ang mga makabagong
kaalamang natutuhan niya sa mga kumperensyang ito ay nakatulong nang
malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging
trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro sa iba’t ibang panig
ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of
Schools , Colleges , and Universities o PAASCU. Kontribyutor din
siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at
journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang
pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay
ang pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya
niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay
sa lahat ng mga batang Pilipino.
Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga
sumusunod:
Pangalan ng may-akda , kursong natapos (graduate at post-
graduate) ,karangalang makamit, trabaho bilang guro, mga
tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang
nadaluhan,kontibyutor ,angkop na kasanayan , akreditor ,
manunulat at iba pa.
PAGSASANAY
Panuto : BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA: Buuin sa isang talata ayon sa
pagkakasunod-sunod ang bionote ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa
Piling Larangan (Akademik).
➢ Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at
araling Filipino.
➢ Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang
pamatasan at institusyong pangkultura.
➢ Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas
sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the
Philippines - Diliman.
➢ Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
➢ Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at
Antolohiya (1999) ,at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon
at Ambagan : Mga Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa
proyekto ng Filipinas Institute of Translation sa UP Press.
MGA SANGGUNIAN
LARAWAN
◦ https://www.google.com/search?q=abstract+art&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=
2ahUKEwiS5qb79bD9AhVPgVYBHeG4BUoQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=657&d
pr=1#imgrc=wRg0hzkg6Usk9M
AKLAT
Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik
)Phoenix Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016
Edition
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016
Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
DepEd CDO SHARED Options Learning Activities
MGA SANGGUNIAN
Internet Sites
https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I
https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-32&version=SND;FSV
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirusfactstl.aspxhttp://filipinosapiling
laranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng abstrak.html
Journal
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September
2015

You might also like