You are on page 1of 5

FILIPINO SA

PILING
LARANG
AKADEMIK
Quarter 1, Week 6
ACTIVITY SHEET
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FAPU-0d-f-93
Uri ng Paglalagom
BIONOTE
Tuklasin
PAGSULAT NG BIONOTE
Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat
ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o
tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang
tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga
ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health
Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang
academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga
sulating papel, websites, at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang
kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin
ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa
madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at
maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.
Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:

1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang
maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site,
sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong
buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga
tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong
(3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat
nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali
itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba
sa maikli at tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa
mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang
mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna
ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.

Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag ,koordineytor at may-
akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education


magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine Normal
University . Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod bilang
homeroom chairman , koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at Assistant principal for Academics sa
St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa
tulad ng Amerika , Singapore ,China ( Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan
niya sa mga kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at
kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro sa iba’t ibang panig ng
bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools , Colleges , and Universities o
PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at journal na
pangguro. Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay
ang pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga
aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino.

Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:


Pangalan ng may-akda , kursong natapos (graduate at post-graduate) ,karangalang makamit, trabaho
bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang nadaluhan,kontibyutor ,angkop na
kasanayan , akreditor , manunulat at iba pa.

Katangian ng Bionote

1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon,
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan, laging gumagamit ng
pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay
kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador
ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote.

Pinakam ahalagang im porm asyon

M ahalagang Di
Im pormasyon
gaano
ng
m ahal
agang
impor
m asyo
n

5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang ng mga


kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat, negosyante, environmentalist at chef “.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa hindi na kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD halimbawa at
nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,mahalagang isulat sa
bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung paminsan-
minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap
sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang
impormasyon.

Gawain 1
Panuto: BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA: Buuin sa isang talata ayon sa
pagkakasunod-sunod ang bionote ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling
Larangan (Akademik).
 Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling
Filipino.
 Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang
pamatasan at institusyong pangkultura.
 Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines
-Diliman.
 Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
 Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at
Antolohiya (1999) ,at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at
Ambagan : Mga Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto
ng Filipinas Institute of Translation sa UP Press.

Gawain 2
Panuto: Basahin ng maayos ang tanong at pilihin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang bionote ay ________ sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng
kanyang academic career.
a. tula c. tala
b. talumpati d. awit
2. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat
ito sa loob ng __________________ na pangungusap.
a. 4 hanggang 5 c. 8 hanggang 10
b. 7 hanggang 9 d. 5 hanggang 6 na
3. Sa pagsulat ng bionote kailangang gumamit ng _____________ upang
maging malinaw at madali itong maunawaan.
a. talasalitaan c. idyoma
b. payak na salita d. character ketch
4. Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat
ng ________________ng isang tao.
a. Personal Profile c. maikling kuwento
b. tula d. epiko
5. Sa pagsulat ng bionote, isulat ito gamit ang _______________ upang maging
litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
a. Unang Panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang Panauhan d. Ikaapat na Panauhan

Karagdagang Gawain
Panuto: BIONOTE UKOL SA SARILI: Sumulat ng iyong sariling bionote. Sundin ang
wastong pamaraan sa pagsulat ng bionote . Isulat ito sa Sagutang papel at sikaping lakipan
ito ng iyong larawan.

You might also like