Sa aking pag-iisip biglang pumasok ang tanong ng aking kapatid. Sabi
niya, “ Kuya ano kaya ang buhay mo sampung taon mula ngayon.” Bigla akong natigilan sa kanyang sinabi.
Noon, ako ay tambay lang sa aming bahay. Walang ginawa kundi
bumarkada, magkompyuter, manigarilyo at uminom ng alak sa madaling salita sakit sa ulo ng aking mga magulang. Isang araw, niyaya ako ng aking kaibigan na mag-aral sa ALS at ako’y sumama sa kanya. Nagustuhan kong pumasok dito dahil nakita ko ang sagot sa katanungan ng aking kapatid. Matutupad ko na ang pangarap sa akin ng aming mga magulang.
Ako sampung taon mula ngayon ay magiging isang matagumpay na
mamamayan ng ating bansa na mayroong trabaho o may negosyong matatatag na bubuhay sa aking pamilya at bubuo ng iba ko pang mga pangarap sa buhay. Ito ang hamon ko para sa aking sarili. Kaya kailangan kong makatapos at makapasa sa ALS.
Noong una hindi ko maunawaan ang programa ng ALS kaya di ko ito siniseryoso. Ngunit ng kausapin ako ng aming guro at tinanong kung disidido pa akong mag-aral ay napaisip ako hanggang sa mabasa ko ang pamagat ng sanaysay na kanyang isinulat sa board, “Ako Sampung Taon Mula Ngayon.” Ano nga ba ako mula ngayon?
Matapos isipin ang sinabi ni sir ay kaagad akong sumulat ng aking
sanaysay. Ito ang aking sinulat: Sampung taon mula ngayon ay nakapasa na ako sa ALS. Mayroon na akong trabaho sa ibang bansa sa tulong ng aking kapatid na naroroon. Mayroon na rin akong pamilya at sariling bahay sa abroad o di kaya’y sa ating bansa. Nakabili na rin ako ng kotse at iba pang kagamitan.
Sa ngayon ay disidido na akong pumasok sa ALS at gumawa ng mga
gawain. Gagawin ko ang lahat upang makapasa sa ALS. Pipilitin ko ito hanggang sa abot ng aking makakaya nang sa gayon ay matupad ko ang aking mga pangarap sa loob ng sampung taon.