You are on page 1of 13

MODYUL SA PAGKATUTO

FILIPINO
(Baitang 10)

IKALAWANG MARKAHAN – IKALABINLIMANG LINGGO

ARALIN 6: SANAYSAY

PAKSA
(Your Topic)

Paksa: Pagsulat ng Talumpati

Pansuportang Akda: Talumpati ni Dilma Rousseff
Kagamitan: Mga babasahin, papel at pluma, at iba pa.

TUNGUHING P
AMANTAYAN
(Your Target Competencies)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga estudyante ay inaasahang:

 Naipahahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa
isang talumpati.
 Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu.

PANGUNAHING GAWAIN
(Your Initial Task)

Pagbabalik-tanaw:

Panuto: Gamit ang concept map punan ng mga paksain na iyong nauunawaan tungkol
sa naging talumpati ng Pangulong Dilma Rousseff sa kanyang inagurasyon.

Ang Talumpati ni Dilma Rousseff

PAGTALAKAY SA ARALIN
(Your Text)
Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10
Magandang buhay mga mag-aaral!

Sa pagkakataong ito, ating tatalakayin ang tungkol sa

pagpapahayag ng opinyon ukol sa paksa ng talumpati sa
pamamagitan ng pagsulat.

Sa pagsulat ng talumpati, mahalagang isaalang-alang ang pagpili ng

paksa. Nakasalalay sa isang mahusay na paksa ang epektibong talumpati at
mananalumpati.

May iba’t ibang pamamaraan upang ilahad ang talumpati:

1. Daglian o Biglaan (Impromptu) – ang pag-alam at pag-unawa sa paksang

tatalakayin ay sa mismong oras ng talumpati.
2. Maluwag (Extemporaneous) – naghahanda ng balangkas o outline ng simula
at wakas ng kaniyang sasabihin.
3. Handa (Prepared) – Nakahanda at naisaulo para bigkasin ang piyesang
nagawa.

Mga Bahagi ng Talumpati sa pagsulat:

a. Simula – inilalahad ang paksa ng kabuuang piyesa. Sa simula pa lamang ay

naipakikita na ang panig at pangunahing layunin ng nagtatalumpati.
b. Katawan – tinatawag ding gitna, sa bahaging ito tinatalakay ang mga datos na
nakalap mula sa mga ebidensiya upang pangibabawin ang mga argumento at
punto na nais suportahan.
c. Wakas – kumakatawan sa kongklusyon ng piyesa na pinagtitibay ang mga
punto. Maaaring isang hamon na pag-iisipan ng tagapakinig ang paraan ng
pagwawakas (Domingo, 2017).
Ito ang sarili
Halimbawa: Paksa: No Homework Policy niyang pamagat.

Kakaunting Pahinga
SIMULA
by: Talumpati.info

Ang usapin ng hindi pagbibigay ng homework o takdang aralin ay

napakahalagang talakayan hindi lamang sa mga mag-aaral bagkus ay sa
mga magulang na rin.

Kadalasan, ang mga takdang aralin na ibinibigay ng mga guro

ngayon ay hindi lamang mga simpling gawaing pampaaralan.

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

Mayroong mga homework na kinakailangan ang tulong at gabay ng
mga magulang lalo na sa antas ng elementarya.
Para sa akin, ang walong oras na ginugol ng isang bata sa loob ng
paaralan ay sapat na para malinang ang kanyang kaalaman at kaisipan sa
kaniyang asignatura. Hindi kabawasan sa katalinuhan ng isang mag-aaral
ang hindi pagkakaroon ng homework.
KATAWAN Ang hindi pagkakaroon ng takdang aralin ay magandang
pambalanse sa buhay ng isang bata. Nagkakaroon ito ng sapat na
panahon upang makapagpahinga ang kanyang utak sa mga gawaing
pampaaralan. Sa ganitong paraan ay magiging kondisyon ang kanyang
utak at hindi siya papasok ng puyat.
Sa aking palagay, bakit hindi natin subukang isakatuparan ito at
tignan ang positibong maibibigay nito lalo na sa ating mga mag-aaral.
Ang gawaing pampaaralan ay iwan natin sa paaralan. Ibigay natin
ang kalayaan sa pamamagitan ng “No Homework Policy” sa mga bata.

WAKAS Alalahanin natin na minsan, tayong lahat ay naging bata rin. Alam
nating lahat na mga nakakatanda ang hirap na kailangangang daanan
upang makakuha ng magandang marka (Talumpati.Info., 2020).

PANGMIDYANG SANGGUNIAN
(Your Techno-time)

sa dagdag na impormasyon, panoorin ang bidyo sa inyong flash drive na may file name na: Bidyo 27 – Pagsulat ng Talump

PANLINANG NA GAWAIN
(Your Practice Test)

Gawain
Panuto: Maglahad ng opinyon o kaalaman tungkol sa mga sumusunod na paksa na
makikita sa akdang “Talumpati ni Dimal Rousseff”, sa pamamagitan ng pagsulat ng
maikling talumpati. Isulat ang iyong ideya sa loob ng kahon.

1. Paksa: Kahirapan

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

2. Paksa: Pagbabago

PAGTATAYA
(Your Final Task)

Performance Task: Pagsulat ng sariling talumpati

Panuto: Bumuo ng talumpati tungkol sa kontrobersiyal na isyu ngayon ng bansa.

Mekaniks:

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

 Maglahad ng mga kaalaman o opinyon ukol sa paksang gawan ng talumpati.
 Sundin ang proseso ng pagsulat ng talumpati: Simula, Katawan, at Wakas.
 Sariling gawang talumpati.
 Gumawa ng sariling pamagat ng iyong talumpati.
 Ang palugit ng pagsumite ng proyekto ay pag-uusapan pa.

Paksa: Ang Pag-shutdown ng Istasyon ng Abs-Cbn

Rubrik:
Pagsulat ng Talumpati Marka
Wastong pagbabaybay, pagbabantas, at 10
balarila
Pagkasusunod-sunod ng mga kaisipan/punto 10
Paggamit ng mga datos/pruweba o ebidensiya 10
ng inilahad na ideya
Pagsunod sa paraan ng pagsulat 10
Makabuluhan ang ideyang inilahad / Orihinal 10
Kabuuan: 50

Paalala: Isulat ang sagot sa sagutang papel na makikita sa hulihang bahagi nito.

PAGPAPAHALAGA
(Your Thoughts)

Sa aming leksyon, natutunan ko/napagtanto ko…

______________________________________________________________________

COR JESU COLLEGE PAGTATAYA:

Performans Task

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

Basic Education Department

Sagutang Papel sa Filipino 10

(Pagsulat ng Talumpati)

PANGALAN:__________________________ BAITANG AT SEKSYON: _________________

GURO: EMIE D. AMPONG (EDA) PETSA NG PAGPASA: ___________________
Panuto: Bumuo ng talumpati tungkol sa kontrobersiyal na isyu ngayon ng bansa.

Paksa: Ang Pag-shutdown ng Istasyon ng Abs-Cbn

___________________________
Pamagat

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10
MODYUL SA PAGKATUTO
FILIPINO
(Baitang 10)

IKALAWANG MARKAHAN – IKALABINLIMANG LINGGO

ARALIN 6: SANAYSAY

PAKSA
(Your Topic)

Paksa: Salitang Di-Lantad ang Kahulugan

Kagamitan: Mga babasahin, papel at pluma, at iba pa.

TUNGUHING P
AMANTAYAN
(Your Target Competencies)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga estudyante ay inaasahang:

 Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong
ng iba pang salita (word association).
 Natutulungan ang mag-aaral sa pagbibigay-kahulugan sa mga salitang di-
lantad.

PANGUNAHING GAWAIN
(Your Initial Task)

Talasalitaan:
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salita sa bawat bilang.

1. Lumikha –
2. Panunungkulan –
3. Inabandona –
4. Pesante –

PAGTALAKAY SA ARALIN
(Your Text)

Magandang buhay mga mag-aaral! Sa araw na ito, tatalakayin natin ang

tungkol sa pagbibigay kahulugan ng salitang di-lantad ang kahulugan.

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

Ang gawain na nasa pangunahing bahagi ng modyul ay isang halimbawa
ng pagbibigay-kahulugan ng mga salitang di- lantad ang kahulugan.

Ang mga salitang di-lantad ang ang kahulugan ay sinasabing mga di-pamilyar at hindi
pangunahing ginagamit sa wikang Filipino (Filipino-words, n.d.).

Sa pagbibiggay-kahulugan ng mga di-pamilyar na salita ay natutulungan ng ibang

salita na may kaugnay sa kahulugan na makikita sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:
1.) Salumpuwit
-Ito ay nangangahulugang upuan.
Halimbawa: Ang paboritong salumpuwit ni Lola Basya ay ang gawa sa plastik na
malambot para sa puwitan nito na gawa ni Lolo Tasyo.

Paliwanag: Ang salitang puwitan ay nagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ng salitang

“salumpuwit”.
2.) Hunsoy
-Ito ay isang sigarilyo na mataba at hindi nauubos dahil ang lalagyan ay isang
bakal.
Halimbawa: Ang ginamit sa pagtatabako ni lola ay ang hunsoy na biniling regalo ni
Marco para sa kanya.
Paliwanag: Ang salitang pagtatabako ay nagkaroon ng kaugnayan sa salitang “hunsoy”
kaya’t nagkakaroon ka ng ideya kung ano ang kahulugan ng salitang “hunsoy”.

3.) Badhi
-Guhit sa palad ng tao at palatandaan ng kapalaran.
Halimbawa: Tinignan ng manghuhula ang badhi sa kamay ni Judy.
Paliwanag: Ang salitang kamay sa pangungusap ay nagbibigay kontektwal na
kahulugan ng salitang “badhi”.

Ngunit, sa wikang Filipino ay may mga paraan din ng pagbibigay kahulugan sa salitang
di-lantad. Ito ang word association o pagbibigay ng kaugnay na salita sa isang salita.

Ang word association isang uri ng laro ng pagbibigay o pag-uugnay ng salita mula sa
pinagbabatayang salita na makakatulong sa pagpapakahulugan (Jane Basto, 2014).

Halimbawa: magaling

pantas matalino

mahusay

iskolar

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

Kahulugan ng salitang pantas ay: ang ibig sabihin ng pantas ay isang salita na
nagpapahiwatig na maalam, dalubhasa o eksperto.

Paliwanag: Kung hindi mo pa naunawaan ang salitang “pantas” ay matutulungan ka sa

mga suhesyon na salita sa gilid o mga salitang ma-associate sa ibinigay na salita. Sa
pamamagitan nito, magkakaroon ka ng kontektwal na ideya kung ano ang kahulugan ng
nasabing salita.

Tandaan: Sa pagbibigay ng kahulugan ng mga salitang di-lantad ay kadalasan

nauugnay rito ang kasingkahulugan ng salita.

PANGMIDYANG SANGGUNIAN
(Your Techno-time)

gdag na impormasyon, panoorin ang bidyo sa inyong flash drive na may file name na: Bidyo 28 – Salitang Di-Lantad ang Ka

PANLINANG NA GAWAIN
(Your Practice Test)

Gawain A:
Piliin ang salitang di- lantad na magkakaugnay ang kahulugan na nasa loob ng
pangungusap. Isulat sa nakalaang patlang sa ibaba.
1. Tinitiyak ng pamahalaan na lalabanan ang kahirapan upang masugpo ang
kurupsiyon.
___________________ ______________________
2. Hindi dapat iasa ang pag-unlad ng isang tao, nasa kamay ng bawat isa ang
progreso.
___________________ ______________________
3. Mawawalan ng saysay ang batas kung hindi sinusunod ang polisiya.
___________________ _______________________

Gawain B:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salita sa tulong ng iba pang kaugnay nito. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.
1. walang habas walang tigil walang pagsasaalang-alang

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

2. pighati sakit hapis lumbay

3. hungkag walang laman butas marupok

PAGTATAYA
(Your Final Task)

PANGALAN:__________________________BAITANG AT SEKSYON: __________________

GURO: EMIE D. AMPONG (EDA) PETSA NG PAGPASA: ________________

Gawain A:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ito sa nakalaang
patlang. At bilugan ang salita sa loob ng pangungusap na may kaugnay sa kahulugan
nito. (dalawang puntos bawat bilang)

1. Tigalgal ang naging reaksiyon ni Charles habang gulat na nakatingin sa

insidente ng sinasakyang bus ng kasintahan nito.
_______________________________________________________________

2. Itinuring niyang kapatid ang kanyang mga katoto.

_______________________________________________________________

3. Ang unang ampang ng bata ay hinihintay na makita ng mag-asawa kaya’t labis

ang pagsasanay nito sa anak sa paglakad.
_______________________________________________________________

Gawain B:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang pagtutuunan ng pansin. Isulat ang sagot sa
loob ng kahon. (dalawang puntos bawat bilang)

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

1.
salipawpaw

sasakyang panghimpapawid lumilipad

Kahulugan:

2. agatat

bakas bakas

Kahulugan:

3. alpas

malaya bakas

Kahulugan:

PAGPAPAHALAGA
(Your Thoughts)

Paano nakatutulong ang word association sa pag-unawa sa isang di-pamilyar na

salita?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Cor Jesu College – Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10

You might also like