You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino-4

Hunyo 22, 2015


Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ibibigay


Nakapagpapahayag ng damdamin sa katanungang ibinigay
Nasasagot ang mahahalagang detalye sa kwentong binabasa

Pagpapahalagang Pangkatauhan:
Pagpapanatiling malusog na paayanan at malinis na kapaligiran.(Excellence)
Paksang Aralin:
a Kwentong Polusyon Ano ang Solusyon?
b Pagtukoy sa mga detalye ng kwento
Kagamitang Pampagtuturo:, manila paper, pentel pen, plas istrip at laptop,DLP
Sanggunian: Hulip 4, pp.27-31
Pamamaraan:

Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan

Introduksyon:
Pagganyak (APK)

Itatanong:
Ano ang polusyon?
Saan nating ito karaniwang nagagawa o nakikita?

Paglalahad ng Leksyong tatalakayin


. Sasabihin ng guro ang tatalakaying leksyon: Pagtukoy sa tauhan ng kwento

Presentasyon ng mga layunin

Interaksyon
Mag-aaral sa Materyal: Paghahawan ng Balakid

Ibibigay ng guro ang mga salita sa plas istrip, ipapabasa ang mga ito at
pabibigyang ng kahulugan ng bawat matatawag na mga mag-aaral.
Ipaisa-isa ng guro ang mga pamantayan sa pagbasa (tahimik/malakas)
Ibibigay at gawing pamatnubay na tanong habang bumabasa ang Bakit
mapanganib ang polusyon sa hangin?
Ipabasa ang kwento na nasa pahina 25-26

Mag-aaral sa Mag-aaral: Isulat at Iulat mo

Mamimili ang bawat pangkat ng tagapagsulat at tagapag-ulat


Ipapangkat sa apat na grupo ang mga mag-aaral at bibigyan ng tig-iisang
manila paper at pentel pen
Gamit ang istratehiya isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga
kasagutan,

Mag-aaral sa Guro

Tatawag ng piling mag-aaral ang guro na magbibigay ng kanilang ideya at


bibigyang puna ang bawat kasagutan

Integrasyon:
Mastery of the Skill
Ipapasagot ng guro ang sumusunod na katanungan:

Kailan tumatawag ng mga langaw an gating mga basura?


Paanong namamatay an gating mga ilog at dagat?

Pag-uugnay sa dati at bagong natutunan

Tatawag ng piling mag-aaral na mayroong bagong natutunan sa kwento ng


binasa tungkol sa polusyon?

Pag-uugnay sa iba pang leksyon sa ibang asignatura

Pagkukunekta ng guro sa leksyon ng mga mag-aaral sa Science, Pollution

Integration sa Pampahalagang Pangkatauhan


Gabay na Katanungan:

Mahalaga ba ang palaging paglilinis ng kapaligiran?

Ebalwasyon: Maikling Pagsusulit


Panuto: Isulat ang tamang kasagutan:
Magbigay ng mga suhestiyon sa paglutas sa mga suliranin ng polusyon.
Hunyo 23, 2015
Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nasasagutan ang mga pagsasanay sa aklat tungkol ayon sa ibinigay na


gawain
Naipahihiwatig ang damdaming mapagmalasakit at matatag
Nakasusulat ng isang maikling talata na nagpapahiwatig ng pagkakaisa

Pagpapahalagang Pangkatauhan:
Pagpapanatiling malusog na paayanan at malinis na kapaligiran.(Excellence)
Paksang Aralin:
a Pagtukoy sa mga detalye ng kwento
b Pagpapanatiling malusog na paayanan at malinis na kapaligiran
Kagamitang Pampagtuturo: manila paper, pentel pen, aklat, laptop at DLP
Sanggunian: Hulip 4, pp.30-31
Pamamaraan:

Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan

Intoduksyon:
Pagganyak:

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral at itatanong ang sumusunod:


Ang malulubhang sakit sa baga ay dulot din ba ng tnatawag nating polusyon?
Gaano kalaki ng epekto nito sa atin?

Paglalahad ng Leksyong tatalakayin


. Sasabihin ng guro ang tatalakaying leksyon Pagpapanatiling malusog na
paayanan at malinis na kapaligiran.
Interaksyon:
Mag-aaral sa Materyal:

Pasasagutan ang mga pagsasanay sa pahina 30-31

Mag-aaral sa Mag-aaral:

Ipapares ng guro ang mga mag-aaral


Bawat pares ay magpapalitan ng kanilag mga sinagutang pagsasanay.

Mag-aaral sa Guro

Tutulungangang halawin g guro ang mga kasagutan ng bawat mag-aaral at


ipapaliwanag ang mga bawat kasagutan.

Integrasyon:
Mastery of the Skill

Uulitin ang pagtatanong sa mga mahahalagang detalyeng magpapaintindi sa


bawat mag-aaral kung gaanon kahalaga ang pagtutulungan at pagiging
matatag.

Pag-uugnay sa dati at bagong natutunan

Tatawag ng piling mag-aaral na magbibigay ng napagtanto mga sa kwentong


tungkol sa polusyon.

Ebalwasyon:

Pasasagutan ang pagsasanay sa pahina 31 (Karagdagang Gawain)

Hunyo 24,2015
Layunin: Pagkatapos ng aralin, 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nakagagawa ng halimbawang pangungusap


Natutukoy a ang ayos ng pangungusap ayon sa pangungusap na ibibigay
Naihahanay ang mga pangungusap ayon sa ayos nito

Pagpapahalagang Pangkatauhan:
Pagpapanatiling malusog na paayanan at malinis na kapaligiran.(Excellence)
Paksang Aralin: Pagkilala sa Karaniwan at Di-karaniwang Ayos ng
pangungusap
Integrasyon sa Asignatrang Agham: Pollution
Kagamitang Pampagtuturo: manila paper, pentel pen, binilot na papel, laptop at
DLP
Sanggunian: Hulip 4, pp.232-236

Pamamaraan:

Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan

Introduksyon
Pagganyak:APK
Magbibigay ng dalawang halimbawang pangungusap ang guro na kung saan
tutukuyin ng matatawag na mga mag-aaral ang napapansin niyang
pagkakaiba sa dalawa.
Hal.
Nahulog ang bata sa bangin.
Ang bata ay nahulog sa bangin.
Paglalahad ng Leksyong tatalakayin
. Sasabihin ng guro ang tatalakaying leksyon: Karaniwan at Di-karaniwang Ayos ng
pangungusap

Presentasyon ng mga layunin

Interaksyon:
Pangkatang Gawain:
Mag-aaral sa Materyal:

Magbibigay ng isang manila paper na may dalawang hanay na nakasulat (K


kung karaniwan at DK kung di-karaniwang ayos) at pentel pen ang guro sa
bawat pangkat

Mag-aaral sa Mag-aaral

Ipapangkat ng guro sa apat ang mga mag-aaral


Mamimili ang bawat pangkat ng isang tagapagsulat at tagapag-ulat
Magbibigay ng mga halimbawang pangungusap ang guro at ihahanay nila ito
ayon sa ayos
Pag-uulat ng napiling tagapag-ulat ng bawat grupo
Tutukuyin ng ibang grupo kung tama ba o may mali sa mga kasagutan

Mag-aaral sa Guro

Tutulungan ng gurong maunawaan pa ng mga mag-aaral ang paksang :


Karaniwan at Di-karaniwang Ayos ng pangungusap nsa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga ginawa ng bawat pangkat
Pagbibigay ng ilang halimbawa ng pangungusap at ayos nito

Integrasyon:
Mastery of the Skill: Oral na Resitasyon
Itatanong ng guro:

Tatawag ng piling ag-aaral na magsasabi ng ayos ng ibinigay na pangugusap

Integrasyong
Iuugnay ito sa leksyon ng mga mag-aaral sa asignaturang: English
Itatanong:
Papaano nagkakahawig ang mga leksyon sa Filipino at English?

Ebalwasyon:
Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang ayos ng pangungusap ay karaniwan o
tuwid. Isulat ang mga titik DK kung ang ayos ng pangungusap ay di-karaniwan o
kabalikan.
____________1.Nais magbakasyon sa Boracay ang mga bagong dating na turista.
____________2. Ang mga kumot ay donasyon ng mga mag-aaral para sa mga bata sa
ampunan.
____________3. Pinagtitiwalaan ang taong laging matapat sa kanyang kapwa.
____________4. Ang magkapatid ay matiyagang nag-aaral para sa kanilang
pagsusulit.
____________5. Dapat may disiplina ang mga nagmamaneho ng mga pampublikong
sasakyan.
Hunyo 25, 2015
Layunin: Pagkatapos ng aralin, 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a
b
c

Nakagagawa ng isang sanaysay gamit ang Karaniwan at Di-karaniwang Ayos


ng pangungusap
Nakapagpapaliwanag ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng isang
sanaysay
Nakapagpapahayag ng damdamin sa naturang aralin

Pagpapahalagang Pangkatauhan:

Pagpapanatiling malusog na paayanan at malinis na kapaligiran.(Excellence)

Paksang Aralin:

Karaniwan at Di-karaniwang Ayos ng pangungusap


Paraan ng Pagsulat ng isang komposisyon

Integrasyon sa Asignaturang Inglis: Composition


Kagamitang Pampagtuturo: aklat, komposisyon, laptop at DLP
Sanggunian: Bagong Likha 4
Pamamaraan:
Pang-araw-araw na Gawain:
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangungulo sa pagdarasal
Susuriin ng guro ang mga mag-aaral na liban at nahuhuli sa klase
Susuriin ng guro ang uniporme at kaayusan ng mga upuan
Introduksyon:
Pagganyak/APK:
Itatanong:
Sinu-sino ang mahilig gumawa ng sanysay? O magpost sa Facebook?
Papaano ito isinusulat?
Paglalahad ng Leksyong tatalakayin
. Ipagpapatuloy ang leksyong Pagkilala sa ayos ng pangungusap at ang wastong
paraan ng pagsulat ng isang komposisyon.

Presentasyon ng mga layunin

Interaksyon:
Journal Writing
Mag-aaral sa Mag-aaral: Pagsulat ng isang maikling sanaysay

Mamimili ng kapareha ang mga mag-aaral


Bawat pares ay mamimili g tagapag-ulat at tagapagsulat
Bawat pares ay magbibigay ng ideya ng wastong pagsulat ng isang sanaysay
Pag-uulat ng napiling tagapag-ulat sa naturang gawain

Mag-aaral sa Guro

Tutulungan ng gurong maunawaan pa ng mga mag-aaral ang paggawa ng


isang sanaysay
gamit ang ipapakitang halimbawa.

Mag-aaral sa Materyal:

Ipapalabas ng guro ang pinadalang kwadernong magsisilbing jornal ng mga


mag-aaral
Sa loob ng labinlimang minuto, ipapasulat ng guro ang maikling sanaysay ng
mga mag-aaral ayon sa ibibigay na paksa. (Gamit parin ang dalawang ayos
ng pangungusap)

Integrasyon:
Mastery of the Skill at Pag-uugnay sa dati at bagong natutunan

Tatawag ang guro ng piling mag-aaral na siyang magbibigay ng ideya sa


proseso ng paggawa ng sanaysay sa Inglis at kung papaano ito maiuugnay sa
paggawa nito sa Filipino.
Pagbibigay ng iilang ideyang natutunan dati at pangkasalukuyan at
pagkakaiba nito (kung mayroon).

Pag-uugnay sa iba pang leksyon sa ibang asignatura

Iuugnay ang paksa sa aralin ng mga mag-aaral sa Inglis- Journalism

Ebalwasyon:
Pagsulat ng Sanaysay
Paksa: Polusyon

Hunyo 25, 2015

Pista ng Sacred Heart

You might also like