You are on page 1of 17

PAGGAWA NG KABANATA I

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

● Panimula
● Sandigan ng Pag-aaral
● Paglalahad ng Suliranin
● Balangkas Konseptuwal
● Saklaw at Delimitasyon
● Kahalagahan ng Pag-aaral
● Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya
Panimula
● Pagpapakilala ng Paksa
● Pagpapakita ng mga patunay sa pagkakaroon
ng ganitong suliranin
● Paninindigan ng mga mananaliksik sa
pangangailangan ng pagsasagawa ng
pag-aaral
● Pangkalahatang layon ng pag-aaral
● Pangkalahatang ambag ng pag-aaral
HALIMBAWA

KORELASYON NG PAGGAMIT NG INSTAGRAM SA


SELF-ESTEEM NG MGA PILING BABAENG
MAG-AARAL MULA SA OUR LADY OF PERPETUAL
SUCCOR COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL
MORNING SHIFT
Panimula
● Pagpapakilala ng Paksa
● Pagpapakita ng mga patunay sa pagkakaroon
ng ganitong suliranin
● Paninindigan ng mga mananaliksik sa
pangangailangan ng pagsasagawa ng
pag-aaral
● Pangkalahatang layon ng pag-aaral
● Pangkalahatang ambag ng pag-aaral
Sandigan ng Pag-aaral
Kaligirang kasaysayan ng Pag-aaral
● Dito ipapakita ang mga pangyayari sa kasaysayan
na maaaring kaugnay ng iyong pag-aaral o kung
bakit nabuo ang iyong suliranin.
● Ebidensya na magsasabi na kailangan talagang
dumaan sa isang pag-aaral ang napiling paksa.
● Pag-uugnay ng mga nakalap na impormasyon
● Sa huling bahagi ay magbabahagi ng kaligirang
kasaysayan ng napiling paaralan kung saan
isasagawa ang sarbey.
Paglalahad ng Suliranin
Nakatala rito ang mga tanong na nais masagot ng
mananaliksik - nakaayos ito sa paraang kronolohikal.
Tanong ito na nakaangkla mismo sa
pamagat-pampananaliksik.

Pamagat-pampananaliksik - Paglalahad ng suliranin


Paglalahad ng Suliranin
Gabay sa pabuo ng Paglalahad ng Suliranin.
● Sa pagsulat ng suliranin, ilista muna ang mga aspektong nais
alamin sa buong pag-aaral.
● Bumuo ng isang tanong mula sa mga aspektong nais alamin.
Isang aspekto - isang tanong.
● Siguraduhin na ang mga sagot sa nabuong tanong ay
makatutulong sa buong pag-aaral.
● Depende sa sakop ng pag-aaral ang bilang ng mga tanong.
● Dapat nasasaliksik ang bawat katanungang bubuoin. Kaya
nararapat may batayan ito.
Balangkas Konseptuwal
● Ilalagay rito ang proseso ng pananaliksik na
ginagawa.
● Inilalagay ito sa anyong papigura
● Ipaliliwanag ito sa pamamarang pasulat
● Binubuo ito ng modelong Input-Process-Output sa
wikang Filipino
Paghahanda-Pamamaraan-Kinalabasan
● Nakabase ito sa Paglalahad ng Suliranin
Saklaw at Delimitasyon
Saklaw - bahagi ng, o napapaloob sa kabuoan.
Delimitasyon - pagtatakda o pagtitiyak ng hanggahan.

Delimitasyon

SAKLAW
Saklaw at Delimitasyon
Saklaw - bahagi ng, o napapaloob sa kabuoan.
Delimitasyon - pagtatakda o pagtitiyak ng hanggahan

Inihahanay ng mga mananaliksik sa bahaging ito ang


saklaw at delimitasyon ng magiging pag-aaral.
Inilalahad ang mga sumusunod:
● Kung kailan isinagawa ang pag-aaral
● Kung ano lamang ang saklaw ng paksang
pinag-aaralan
● Respondente ng pag-aaral
● Inaasahang resulta ng pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral

Dito iniisa-isa ng mga mananaliksik ang magiging


tiyak at makatotohanang kahalagahan ng pag-aaral
sa kanyang mga target na paglaanan ng pag-aaral.

-Sino o ano ang makikinabang?


-Paano sila makikinabang?
Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya
Sa bahaging ito, ibinibigay ang kahulugan ng mga
natatanging salita na ginamit sa pag-aaral.
- Konseptuwal na kahulugan. Tumutukoy sa kahulugang
makikita sa mga lehitomong diksyunaryo.
- Operasyonal na kahulugan. Tumutukoy sa kahulugan ng salita
ayon sa pagkakagamit sa pag-aaral. Mga dapat tandaan
● Kasama ang mga akronim
● Naayos ito ayon sa pagkakasunod ng titik sa alpabeto.
● 10 salita lang ang ilalagay
Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya
Bilinggwal. Paggamit ng dalawang (2) magkaibang wika.
DECS. Department of Education, Culture and Sports
Eksperto sa Horticulture. Guro/tagapagsanay sa Horticulture na may sapat na kaalaman sa
pagtuturo at pagsasagawa ng mga kasanayan, at NC holder.
Eksperto sa Wika. Guro na may digri sa Filipino/yunit sa master o doktoral/nagtapos sa
master o doktoral.
Horticulture. Isang sining o kasanayan sa pagbubungkal o pamamahala ng mga lupang
sakahan o taniman.
Juan Dela Cruz. Isa pang tawag sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas, ang mga
Pilipino.
K to 12. Ang bagong kurikulum na kasalukuyang umiiral kung saan magdaragdag ng
dalawang taon sa basic education ng bansa.
Literasi. Kaalaman o pagkatuto
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

● Panimula
● Sandigan ng Pag-aaral
● Paglalahad ng Suliranin
● Balangkas Konseptuwal
● Saklaw at Delimitasyon
● Kahalagahan ng Pag-aaral
● Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya
KARAGDAGANG IMPORMASYON
● Nakasulat sa Aspektong Imperpektibo o Pangkasulukuyan
(Aspekto ng Pandiwa) ang layunin ng pananaliksik.
Halimbawa: “Sinasaliksik ng mga mananaliksik ang…”
● Nakasulat naman ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura
ng pananaliksik sa Aspektong Perpektibo o Pangnakaraan
(Aspekto ng Pandiwa). Halimbawa: “Napatunayan sa…”,
“Ipinakita sa pag-aaral na…”
KARAGDAGANG IMPORMASYON

● Bawal gumamit ng estudyante sa pagsulat ng


pananaliksik.
● Bawal gumamit ng kami. Sa halip, gumamit ng
“ang mga mananaliksik”.

You might also like