You are on page 1of 14

Filipino 6

Filipino – Ikaanim na Baitang


Unang Markahan – Modyul 18: Nakasusulat ng Sanaysay na Naglalarawan.

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Wilfredo E. Angeles
Editor: Vivian U. Bantigue
Tagasuri: Vivian U. Bantigue
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Education Supervisor, CID

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 6
Ikatlong Markahan
Modyul 18 para sa Sariling Pagkatuto
Nakasusulat ng Sanaysay na Naglalarawan.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul para sa
araling “Nakasusulat ng Sanaysay na Naglalarawan.”

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 Modyul ukol sa Nakasusulat ng


Sanaysay na Naglalarawan. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral ay nakasusulat


ng sanaysay na naglalarawan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kung ito ay tama, lagyan
ng tsek (/) at kung ito’y mali, lagyan ng ekis (x)

____1. Pang-abay at pandiwa ang karaniwang ginagamit sa sulating


naglalarawan.
____2. Parang iginuhit ang kayang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang
malantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina. Ang
pangungusap na ito ay isang halimbawa ng naglalarawan.
____3. Ang pagpili ng paksa ay isa sa mga pangangailangan ng sanaysay na
naglalarawan.
____4. Nagtatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng malalaking
bahaging maaring makita lamang sa pananaw ng naglalarawan.
____5. Pumupukaw ng guni-guni ang karaniwang deskripsyon.

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin ang tulang naglalarawan para sa iyong kaibigan na


may kaarawan. Bilugan mga salitang naglalarawan na ginamit sa tula.

Ang araw na ito ay lubhang napakahalaga


Sa isang mabuting kaibigan at may mabuting puso
Laging nakangiti at masayahin
Kaibigan ng lahat kapatid ang turingan

Ang iyong kabutihan ay hinbi matutumbasan


Pagkalooban ka ng magandang kalusugan at matibay na pangangatawan
Mga tao sa paligid nais sa iyong bumati
Pagkat ikaw ay tunay na napakabuti
Ang iyong mabuting puso at mabuting katauhan
Maganda, matalino at taong may puso
Kaya mga tao sayo’y natutuwa
Narito ako kaibigan sayo’y handa kang damayan

ARALIN
Ang Sanaysay na Naglalarawan.
Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na opinyon ng may akda.
Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwang ginagamit sa
paglalarawan.

Mga Pangangailangan sa Epektibong Paglalarawan

PAGPILI NG PAKSA
Piliin ang isang bagay na nais ilarawan.
Lalong mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at hindi
bago sa iyong paningin ang paksang pipiliin.
Ang mga bagay na nakikita sa araw-araw tulad ng ina, kapatid,
guro, punong-kahoy, gusali, palengke hayop na alaga ay maaring
maging paksa ng mabisang paglalarawan.

PAGBUO NG ISANG PANGUNAHING LARAWAN


Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao at pangyayaring
inilalarawan sa nakikinig o bumabasa.
Ang kabuuan muna ang unang nakikintal sa isipan bago ang
bahaging maliliit na nasasangkap sa kabuuan.
May kanya-kanyang katangian ang bawat bagay, tao, pook o
anumang namamasid ng mga tao.
Kung nagmamasid ka sa isang silid ang unang kakintalang
nabubuo ay ang kaayusang karangyaan, kaguluhan, katahimikan o
kalinisan.
Ito ang pangunahin o batayang larawan.

PAGPILI NG SARILING PANANAW O PERSPEKTIV


Nakikita ang pangunahingv larawan dahil sa sariling pananaw.
May sariling pananaw ang bawat naglalarawan mula sa kanyang
kinaroroonan na iba kaysa sa taong nasa ibang panig naman.
Dapat pumili ang sumulat ng sariling pananaw at mula lamang
doon niya ilalarawan ang bagay, pook, tao o ang pangyayaring kanyang
tinatalakay.
Maaaring isalang-alang ang inilalarawanayon sa agwat o layo sa
bagay.
Halimbawa: ang larawan ng isang gusali ay magkaiba mula sa
loob hanggang sa labas nito.

KAISIPAN
Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng maliliit na
bahaging maaring Makita lamang mula sa pananaw na napili ng
naglalarawan.

PAGPILI NG MGA SANGKAP NA ISASAMA


Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo ng pangunahing
larawan ang dapat isama.
Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiba ng bagay, tao, pook,
o pangyayaring inilalarawan sa iba pang uri nito.

BATAYAN SA PAGLALARAWAN
Sa pagbuo ng malinaw na larawan ay may mahalagang
tungkuling ginagampanana ang tamang pagpili ng mga salita.
Samakatuwid, ang kalinawan ng ginagawang paglalarawan ay
mababatay sa mayamang talasalitaan. Bukod sa mayamang
talasalitaan, kailangan ding maging matalas ang pandama(5 senses)
upang makita at maibigay ng taong naglalarawan ang lahat ng mga
katangian ng kanyang inilalarawan.

DALAWANG URI NG PAGLALARAWAN


1. KARANIWANG PAGLALARAWAN
Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa
sa tulong ng mga katangiang ating napag-aralan na.
Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol
sa katangian ng isang paksa at walang kinalaman ditto ang kuro-
kuro at damdamin ng naglalarawan.

2. MASINING NA PAGLALARAWAN
Pumupukaw ng guni-guni ang masining na paglalarawan.
Higit sa nakikita ng paningin ang maaaring ilarawan ng salita sa
tulong ng deskripsiyong masining.
Gumagamit ng mga salitang nagbibigay kulay, tunog, galaw, at
matinding damdamin.

Pagsasanay

Panuto: Kilalanin kung anong pangangailangan ang tinutukoy ng


sumusunod upang maging epektibo sa pagsulat ng sanaysay na
naglalarawan. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

A. PAGPILI NG SARILING PANANAW O PERSPEKTIV


B. KAISIPAN
C. BATAYAN SA PAGLALARAWAN
D. PAGPILI NG PAKSA
E. PAGBUO NG ISANG PANGUNAHING LARAWAN
F. PAGPILI NG MGA SANGKAP NA ISASAMA

_____1. Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiba ng bagay, tao, pook, o
pangyayaring inilalarawan sa iba pang uri nito.

_____2. Kailangan ding maging matalas ang pandama (5senses) upang


makita at maibigay ng taong naglalarawan ang lahat ng mga
katangian ng kanyang inilalarawan.

_____3. Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao at pangyayaring


inilalarawan sa nakikinig o bumabasa.

_____4. Piliin ang isang bagay na nais ilarawan. Lalong mainam kung may
kaugnayan sa iyong kaalaman at hindi bago sa iyong paningin ang
paksang pipiliin.

_____5. Ito ay natatamo sa pamamagitan ng pagpili ng maliliit na bahagi.


Maaring makita lamang ito mula sa pananaw na napili ng
naglalarawan.
MGA PAGSASANAY

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin, unawain at pagsunud-sunurin ang mga sumusunod kung


sa anong pandama ang bawat isa nauugnay. Gawing gabay ang sumusunod:
Isulat ang angkop na bilang sa patlang.
1- Paningin
2- Pang-amoy
3- Panlasa
4- Pandinig
5- Pandama

_____ Nagkalat na mga basura at basyong lata ang karaniwang


masasagasaan sa masikip na daang papasok sa loobang kanyang
pinanggalingan.
_____ Maanghang na ginataang laing, malinamnam na tinapang
kabasi, labanos na sawsawan, tamang-tama sa asim na
sinampalukang manok at matamis na kundol ang aming
dinatnang nakahain sa mesa.
_____ Nakatutulig at sunod-sunod na putok ang narinig na
pumailanlang at kasunod noon ay tilian ng mga kababaihan.
_____ Nadama ko ang di pangkaraniwang init ng kanyang palad at
pananamlay ng kanyang tinig. Idinikit ko ang aking kamay sa
kanyang noo at napatunayan kong siya ay nilalagnat.
_____ Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa pinaghalong
sangsang ng umaalingasaw sa labas at sa nakasusukang amoy na
nanggaling isang malapit na kanal.

PAGSASANAY 2

Panuto: Bilugan ang angkop na pang-uri sa bawat pangungusap.


1. Ang matiyaga sa paggawa ay taong (masipag, masikap, masunurin).
2. (Masipag, Masikap, Masunurin) ang mga sundalong sinanay na
gumawa nang hindi nag-uusisa.
3. Hindi makalakad nang mabilis si Dory dahil sa (masikip, makipot,
mahigpit) ang suot niyang palda.
4. (Masikip, Makipot, Mahigpit) ang daang patungo sa langit ayon sa
Banal na Kasulatan.
5. (Magiting, Matapang, Mapusok) ang lider na matapat na tumutupad
sa kanyang tungkulin sa gitna ng anumang panganib.

Pagsasanay 3

Panuto: Isulat ang KD kung ang uri ng paglalarawan ay karaniwan, at MD


naman kung ito ay masining na paglalarawan.
____1. Pumupukaw ng guni-guni.
____2. Higit na nakikita ng paningin ang maaaring ilarawan ng salita.
____3. Pagbubuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa.
____4. Makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa katangian ng paksa.
____5. Gumagamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw, at
matinding damdamin.

PAGLALAHAT

Ano ang iyong natutunan ?


Natutunan ko na ang mga pangangailangan sa epektibong
paglalarawan ay ang mga _________________, ___________________,
______________________, __________________, _____________________, at
_____________________. Samantalang ang dalawang uri ng paglalarawan ay
ang ____________________at _____________________.

PAGPAPAHALAGA

Inihahalintulad sa isang pintor ang sumusulat ng sanaysay na naglalarawan.


Sa iyong palagay, bakit inihahalintulad sa isang pintor ang sumusulat ng
sanaysay na naglalarawan?

Subukan mong sagutan:


_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Subukang sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan. Maaaring


tungkol sa kaibigan, pamilya, kapaligiran, o kahit na ano pa man. Isaisip ang
mga natutunan sa aralin sa pagsulat ng sanaysay na naglalarawan.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________.
PAUNANG PAGSUBOK
1. / 2. / 3. / 4. X 5. X
BALIK-ARAL
lubhang, mabuti/mabuting, laging, nakangiti, masayahin, maganda,
matalino, handa, natutuwa
Pagsasanay
1. F 2. B 3. E 4. A 5. C
PAGSASANAY 1
1,3,4,5,2
PAGSASANAY 2
1. masikap 2. Masunurin 3. Masikip 4. Makipot 5. magiting
Pagsasanay 3
1. MD 2. MD 3. KD 4. KD 5. MD
PAGLALAHAT
1. Pagpili ng paksa
2. Pagbuo ng isang pangunahing larawan
3. Pagpili ng isang sariling pananaw o perspektiv
4. Kaisipan
5. Pagpili ng sangkap na isasama
6. Batayan sa paglalarawan
PAGPAPAHALAGA
1. Karaniwang paglalarawan
2. Masining na paglalarawan
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Pagsulat ng sanaysay na naglalarawan.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

A. Sanaysay na Naglalarawanwww.slideshare.net soltera 12

B. Mga Blogs sa Internet/Youtube

1. Worksheet made by www.thegomom.com. All rights


reserved.
2. www.google.com
3. https://www.slideshare.net
4. brainly.ph/question/190860

You might also like