You are on page 1of 14

Filipino 6

Filipino – Ikaanim na Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 8: Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang
panlapi at salitang-ugat.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Joy C. Reverente
Editor: Vivian U. Bantigue
Tagasuri: Vivian U. Bantigue
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Education Supervisor, CID

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 6
Ikatlong Markahan
Modyul 8 Para sa Sariling Pagkatuto
Nakabubuo ng mga Bagong Salita
Gamit ang Panlapi at Salitang-ugat
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul para sa araling
Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 Modyul ukol sa Nakabubuo ng mga bagong


salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral ay makabubuo ng mga


bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Pagmasdan ang mga larawan. Ano-ano ang ginagawa ng mga tao
sa mga larawan na nasa ibaba? Isulat sa kwaderno o malinis na papel
ang iyong mga sagot.

https://www.google.com/search?q=danci https://www.google.com/search?q=eating+black+and+w https://www.google.com/search?q=singing+black+and+


ng+black+and+white+clipart&tbm=isch&v hite+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwit6LjYtePrAhUGU5 white+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjLz8zFtePrAhUM
ed=2ahUKEwjludTxtePrAhUHg5QKH QKHdIVBdIQ2- 4ZQKHbyuCMEQ2-

https://www.google.com/search?q=sl https://www.google.com/search?q=naglalaba+black+an https://www.google.com/search?q=swimmin


eeping+black+and+white&tbm=isch& d+white+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjN25WMvuPr g+black+and+white+clipart&tbm=isch&ved=2
AhUPR5QKHQ9SDcUQ2 ahUKEwie2uzTvePrAhUSNKYKHUwSBqMQ2
ved=2ahUKEwjujZjUtOPrAhUEMKYKHf
uVBL0Q2-

https://www.google.com/search?q=umaakya https://www.google.com/search?q=nagsusul https://www.google.com/search?q=tu


https://www.google.com/search?q=nagluluto
t+black+and+white+clipart&tbm=isch&ved=2 at+black+and+white+clipart&tbm=isch&ved= matakbo+black+and+white+clipart&tb
+black+and+white+clipart&tbm=isch&ved=2a
ahUKEwiy-6XevuPrAhWTy4sBHeEUDJUQ2 2ahUKEwjujZjUtOPrAhUEMKYKHfuVBL0Q2- m=isch&ved=2ahUKEwip84n2vuPrAhV
hUKEwj6gpPMvuPrAhVCTZQKHdswBdwQ2
cCegQIABAA&oq D9pQKHYXJBnwQ2
BALIK-ARAL

PANUTO: Salungguhitan ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap.

1. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”.

2. Simula pa noon ang kanyang pagtitiyaga ay para sa kanyang pamilya.

3. Ang aking biniling tinapay ay para kay Rico.

4. Labag sa batas ang kanyang pagtatago ng katotohanan.

5. Ang kaniyang nasaksihan ay laban sa kanyang paniniwala.

ARALIN
Handa ka na ba sa bagong aralin sa modyul na ito? Batid ko ngang
handa ka na! Ngunit bago yan ay nais ko munang balikan mo ang iyong
ginawa sa unang pagsubok.

- Ano-ano ang mga salitang iyong isinulat sa iyong kwaderno/papel?


- Alam mo ba na ang mga salitang ito ay nabuo mula sa isa o ilang pantig
at kilos?
-
Suriin natin ang ang mga salitang iyong isinulat.

sumasayaw kumakain umaawit

natutulog naglalaba lumalangoy nagluluto

umaakyat nagsusulat tumatakbo


 Ano ang napansin ninyo sa mga salitang nakasulat?
 Paano nabuo ang mga salitang nakasulat?

 Sa unang salitang nakasulat, alin ang panlapi? Salitang-ugat?


 Sa ikalawang salita? Ikatlo? Panghuli?

 Ano ang salitang-ugat?


 Ano ang panlapi?
 Ano ang tatlong uri ng panlapi?

Salitang-ugat – mga salitang buo ang kilos.


Hal: naglaba
Salitang-ugat : laba

Panlapi – isa o ilang pantig na idinadagdag sa unahan, gitna o hulihan


ng mga salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Hal: naglaba
Panlapi : nag

3 Uri ng Panlapi
1. Unlapi – ito ay matatagpuan sa unahan ng isang salita.

Hal.: maliit

2. Gitlapi – ito ay matatagpuan sa gitna ng isang salita. Ang


karaniwang gitlapi ay “ in “ at “ um “.

Hal.: kinain
tumirik

3. Hulapi - ito ay matatagpuan sa hulihan ng isang salita. Ang


karaniwang hulapi ay “ an “,
“ han”, “ in “ at “ hin “.

Hal.: daanan
agahan
ikutin
purihin
Linangin pa natin ang iyong natutunan mula sa kwento sa ibaba.

Mayroon ka bang lolo? Ano ang iyong masasabi sa kanya?

Ang kwento natin ngayong araw ay may pamagat na, “Si Lolo Jose”.
Basahin at unawain ng mabuti ang nilalaman ng kwento at maghanda para
sa mga katanungan pagkatapos basahin ang kwento.

Si Lolo Jose

Mahusay. Matalino. Matulungin at mapagmahal. Siya ang aking lolo


Jose. Kilala siya sa mga naturang paglalarawan noong kanyang kabataan
hanggang sa kasalukuyan. Iginagalang siya ng kaniyang mga ka-nayon hindi
lamang sa kung sa ano ang mayroon siya kundi dahil sa husay niyang
makisama. Naging takbuhan siya ng kanyang mga ka-nayon sa panahong
walang-wala ang mga ito. Hindi man mayaman si lolo Jose ngunit malaki ang
puso niya sa mga katulad niya na nangailangan din minsan.

Mga Tanong:

1. Sino ang taong inilarawan sa kwento?


__________________________________________________________________
2. Bakit kaya siya iginagalang?
__________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga sinasabi tungkol kay lolo Jose?
__________________________________________________________________
4. Tutularan mo rin ba ang tulad ni lolo Jose? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Balikan naman natin ang mga tanong na nasa bilang 3. Basahin at
pansinin ang mga salitang nasa kahon na nabanggit sa kwento.

mahusay matalino matulugin

mapagmahal makisama takbuhan

mayaman

 Ano ang napansin ninyo sa mga salitang nakasulat?


 Paano nabuo ang mga salitang nakasulat?
 Ano ang pinagsama upang makabuo ng bagong salita?
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
PANUTO: Pagsamahin ang panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang
bagong salita.

1. in + kalmot = ____________________________

2. Maka + Diyos = ____________________________

3. um + usok = ____________________________

4. han + basura = ____________________________

5. ma + dahon = ____________________________

PAGSASANAY 2
PANUTO: Tukuyin at isulat ang salitang-ugat at panlapi sa mga
sumusunod na salita sa tsart.

Bagong Salita Salitang-ugat Panlapi


1. lumikha
2. Makatao
3. dumihan
4. malambing
5. kinanta
PAGSASANAY 3
PANUTO: Lagyan ng salungguhit ang panlapi at isulat ang salitang ugat
na ginamit sa bawat salita.

1. sumusunod = __________________

2. nagtamo = _________________

3. niluto = _________________

4. tawagin = _________________

5. sinama = _________________

PAGLALAHAT

PANUTO: Punan ang bawat patlang ng mga natutunan mo sa araling ito


upang mabuo ang talata.

Ang _________________ ay mga salitang buo ang kilos.


Ang _________________ ay isa o ilang pantig na idinadagdag sa unahan,
gitna o hulihan ng mga salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.

Ang _________________ ay matatagpuan sa unahan ng salitang kilos.

Ang _________________ ay matatagpuan sa gitna ng salitang kilos. Ang


karaniwang gitlapi ay “ in “ at “ um “.

Ang _________________ ay matatagpuan sa hulihan ng salitang kilos.


Ang karaniwang hulapi ay “ an “, “han”, “ in “ at “ hin “.
PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Tukuyin at isulat ang bagong salitang mabubuo sa
pamamagitan ng pagsasama ng salitang-ugat at panlapi.

Salitang-ugat Panlapi Bagong Salita


1.punta nag

2. sama um

3.tulog na

4.inom In

5.hasa In

PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang salita
sa pangungusap.

1. ______inom siya ng gatas kaya naging mahimbing ang tulog niya


kagabi.

2. Bantay_____ mong mabuti ang iyong nakababatang kapatid.

3. Ikaw ang naatasang _____bura ng pisara ngayon.

4. Sabay-sabay na ______awit ng mga bata ang kantang pamasko.

5. Napili naming na magkita sa isang kain______.


PAUNANG PAGSUBOK
1.nagsasayaw 2.kumakain 3.umaawit 4.natutulog
5. naglalaba 6.lumalangoy 7.nagluluto 8.umaakyat
9.nagsusulat 10.tumatakbo
BALIK ARAL
1.Ayon kay 2.para sa 3.para kay 4. Labag sa 5.laban sa
PAGSASANAY 1
1.kinalmot 2.Maka-Diyos 3.umusok 4.basurahan 5.madahon
PAGSASANAY 2
Salitang-ugat Panlapi
1.
likha um
2.
tao maka
3.
dumi han
4.
lambing ma
5.
kanta in
PAGSASANAY 3
1.sumusunod = sunod
2.nagtamo = tamo
3.nagluto = luto
4.tawagin = tawag
5.sinama = sama
PAGLALAHAT
1.salitang-ugat 2.panlapi 3.Unlapi 4.Gitlapi 5.Hulapi
PAGPAPAHALAGA
Salitang-ugat Panlapi Bagong salita
punta nag nagpunta
sama um sumama
tulog na natulog
inom in ininom
hasa in hasain
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1.Uminom 2.Bantayan 3.magbura
4.inawit 5.kainan
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Online o Elektronikang Pinagmulan

https://www.slideshare.net/mariavictoriaomos/salitang-ugat-at-panlapi
https://prezi.com/n5cbsu2zdw96/panlapi-at-salitang-ugat/

You might also like