You are on page 1of 16

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat Markahan – Modyul 13: Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita
sa paggawa ng sariling komposisyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: John Roger Y. Delos Reyes
Editor: Mariciel B. Juson
Tagasuri: Monina J. Cruz / Miriam V. Cencil
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Mariciel B. Juson
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Modyul 13 para sa Sariling Pagkatuto
Paggamit ng mga bagong natutuhang salita sa
paggawa ng sariling komposisyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 – Ikalimang Baitang
ng Modyul 13 para sa araling Paggamit ng mga bagong natutuhang salita sa
paggawa ng sariling komposisyon !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Ikalimang Baitang Modyul 13 ukol sa


Paggamit ng mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling komposisyon !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba‟t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling


komposisyon;

B. nauunawaan ang paggamit ng mga bagong natutuhang salita sa


paggawa ng sariling komposisyon; at

C. nasasagot nang wasto ang mga tanong at mga inihandang


pagsasanay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita upang mabuo ang
komposisyon.
bayanihan interaksyon kinagisnan mapanuri pandemya

Nakakalungkot! Kailangan maging Matapang

Marahil marami sa atin ang nasanay na sa (1) __________ pamumuhay


tulad ng pagpasok sa paaralan, mamasyal sa mall kasama ang pamilya,
pupunta sa simbahan para magsimba, o kaya‟y dadalaw sa bahay nina lolo
at lola. Nakakalungkot dahil sa isang iglap lang nabago na ang takbo ng
pamumuhay natin dahil lamang sa (2) __________. Iba‟t ibang (3) __________
ang maririnig o mababasa sa telebisyon o sa social media tungkol sa
nangyayari sa ating bansa. Kailangan natin maging matapang sa bagong
sitwasyon ng buhay at maging (4) ____________ sa lahat ng pagkakataon.
Nakakatuwang mapakinggan at mapanood sa social media na marami pa
ring mga Pilipino na tumutulong sa kapwa at likas talaga sa atin ang
tinatawag na (5) _____________.

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang mga pahayag ng pangungusap.

_____ 1. Maging matalino sa pagbili ng mga produkto mula sa on-line selling.


_____ 2. Basahin ang mga nilalaman ng ibinebentang produkto bago
tangkilikin.

_____ 3. Inalok ni Edna ng supplementary vitamins si Ella na may


kamahalan ang halaga. Agad binili ito nang hindi pa nababasa
kung saan galing ang produkto.

_____ 4. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Pinoy.

_____ 5. Matindi ang ubo at lagnat ni Elson. Takot siyang pumunta sa


ospital. Uminom na lamang siya ng natirang antibiotic ng kanyang
kapatid.

ARALIN

Basahin nang may pang-unawa ang komposisyon ng isang bata ayon sa


kanyang karanasan.

Ang Karanasan ni Miguel

Hindi lang pala mga eksperto ang may magagawa upang labanan ang
Covid-19. Paano kaya tayo makakatulong para hindi kumalat ang Covid-19?

Sabi ni tatay, ang Coronavirus ay hindi gumagalaw ng mag-isa. Tao


ang naglilipat nito sa pamamagitan ng laway o sipon na tumatalsik kapag
bumabahing o umuubo. Ang tawag daw dito ay transmission kaya
importanteng gumamit ng facemask.

Pwede rin daw malipat ang coronavirus kapag may nahawakang bagay
na natalsikan ng laway o sipon ng taong may Covid-19. Huwag din daw
basta basta hahawakan ang mata, ilong, bibig, at tainga. Kapag lumalabas
si tatay, nagbabaon siya ng alcohol kasi hindi siya makakapaghugas kaagad.
Lahat ng ito ay bahagi ng proper hygiene.

Dahil tao ang nakakapagpasa ng coronavirus, mahalaga rin daw na


bawasan ang paglapit sa isa‟t isa. Kaya kung wala naman kaming
importanteng gagawin sa labas, maglalagi na lang daw kami sa loob ng
bahay o magku-quarantine. Pero hindi lang kami. Ang buong komunidad
ay naka-quarantine din. Ito ay tinatawag na Enhanced Community
Quarantine (ECQ). Pwede naman lumabas para bumili ng mga kailangan
pero dapat may Quarantine Pass.
At kapag nasa labas na, kailangan ng physical distancing. Dapat daw
isang metro o higit pa ang layo ng mga tao sa isa‟t isa, para kapag may
maubo o mabahing, „di ka basta-basta matatalsikan ng laway. Tinatawag
din itong social distancing.

Mga kaibigan huwag na huwag kakalimutan ang facemask,


paghuhugas ng kamay, alcohol, quarantine, at physical distancing. Sana
magawa natin lahat ng ito. Tara, tulong-tulong tayo! Labanan natin ang
covid-19!
Seleksiyong Nabasa/Mapapanood:
https://www.youtube.com/watch?v=iQ1n4XmlK-Y

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang komposisyon?


_____________________________________
2. Ano ang nais iparating ng may akda sa atin?
_________________________
3. Paano nangyayari ang transmission ng coronavirus? __________________
4. Ano ang pag-iingat na binanggit ng may akda? _______________________
5. Paano ka makakatulong upang hindi kumalat ang coronavirus?
_____________________________________________________________

Basahin natin ang mga salita na nakaitim mula sa komposisyon na ng may


akda at ang mga kahulugan nito.

eksperto – mga taong propesyonal na nakapagtapos ng masusing pag-aaral

sa larangan ng medisina o iba pang mga pang-akademikong

larangan.

Coronavirus (Covid-19) - ito ang sakit na kumakalat sa buong mundo na

hindi nakikita

transmission - paglilipat ng virus o sakit sa ibang tao sa pamamagitan ng

pagbahing at pagtalsik ng laway

facemask – ito ang karaniwang ginagamit ng mga tao bilang proteksiyon sa

kumakalat na sakit

Quarantine Pass - ito ang pasaporte na pinapayagang lumabas at bumili

ng mga pangunahing pangangailangan


Enhanced Community Quarantine (ECQ) – ito ang patakaran na limitado
lamang ang mga taong lalabas ng bahay upang makaiwas sa pagtaas ng
bilang ng kumakalat na sakit

Ang mga salitang binasa ay mga salitang bago pa lamang sa ating lahat
mula ng kumalat ang nakahahawang sakit at ito ginamit ng may akda sa
paggawa ng napapanahong komposisyon.

Mahalaga sa paggawa ng sariling komposisyon ang paggamit ng mga


bagong salita sa isang paksa upang makapagbigay ng bagong impormasyon
sa taong nagbabasa nito.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Gumawa ng sariling komposisyon gamit ang mga bagong salita na


nasa loob ng kahon mula sa natutuhang aralin. Sundin ang pamantayan sa
paggawa ng komposisyon.

Puntos Pamantayan sa Paggawa ng Komposisyon


5 Pinakamahusay ang paggawa ng sariling komposisyon
gamit ang bagong salita
4 Mahusay ang paggawa ng sariling komposisyon gamit
ang mga bagong salita
3 Katanggap-tanggap ang sariling komposisyon
2 Mapaghuhusay pa ang sariling komposisyon
1 Nangangailangan pa ng pantulong pagsasanay

eksperto Enhanced Community Quarantine (ECQ)


social distancing facemask COVID-19

_____________________________
(Pamagat)
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang komposisyon na nasa loob ng kahon tungkol sa
karanasan ng isang bata sa panahon ng pandemya. Gumawa ng sariling
komposisyon sa pamamagitan ng pagsulat ng puna o katulad ng karanasan
ng may akda.

Ang Aking Panalangin


Araw ng Lunes. Sabi ni Nanay, wala na daw kaming pasok. Ibinalita
daw sa radyo na bawal lumabas ang mga tao dahil sa kumakalat na sakit na
COVID-19. Masaya ko dahil kumpleto ang aming pamilya. Ngayon lang
nangyari na sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian.

Isang araw, nakita ko na nag-uusap sina tatay at nanay. Narinig ko na


paubos na raw ang aming pera pambili ng pagkain. Hindi pa daw sila
pwedeng pumasok ni ate sa trabaho dahil sa ECQ. Kahit hindi ko
maintindihan yun, nalungkot ako. Nagdasal ako na sana huwag kaming
maubusan ng pambili ng pagkain.

Kinabukasan, dumating sa amin si Kapitan at binigyan si nanay ng


isang plastic ng mga pagkain. Kinahapunan, umuwi si tatay na may
pasalubong na tinapay. Sabi niya nabigyan daw siya ng pera galing DSWD,
SAP daw yun. Kahit hindi ko alam kung ano yun, sumaya ako. Habang
kumpleto kaming kumakain ng hapunan, sabi ni nanay at tatay, “Salamat sa
Diyos!” Sa tuwa ko sumagot ako, Ay, thank you Lord”!

_____________________________
(Pamagat)
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Puntos Pamantayan sa Paggawa ng Komposisyon


5 Pinakamahusay ang paggawa ng sariling komposisyon na may
gamit ng bagong salita
4 Mahusay ang paggawa ng sariling komposisyon na may gamit ng
mga bagong salita
3 Katanggap-tanggap ang sariling komposisyon
2 Mapaghuhusay pa ang sariling komposisyon
1 Nangangailangan pa ng pantulong pagsasanay

Pagsasanay 3
Panuto: Sumulat ng sariling komposisyon na may gamit ng mga bagong
salita batay sa iyong sariling karanasan habang ikaw ay nasa loob ng bahay
ngayong panahon ng pandemya ayon sa batayang tanong:

a. Ano ang ginagawa mo bilang mag-aaral upang makatulong para


hindi kumalat ang COVID-19?

b. Ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa panahon ng


pandemya?

_____________________________
(Pamagat)
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Puntos Pamantayan sa Paggawa ng Komposisyon


5 Pinakamahusay ang paggawa ng sariling komposisyon na may
gamit ng bagong salita
4 Mahusay ang paggawa ng sariling komposisyon na may gamit ng
mga bagong salita
3 Katanggap-tanggap ang sariling komposisyon
2 Mapaghuhusay pa ang sariling komposisyon
1 Nangangailangan pa ng pantulong pagsasanay

PAGLALAHAT
Panuto: Punan ng wastong sagot ang patlang upang mabuo ang kaisipan ng
ating aralin.
karanasan komposisyon salita mabuti teksto

1. Mahalagang magamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng


sariling ________________.
2. Makinig nang __________ at unawain ang bawat detalye ng tekstong
napakinggan at nabasa upang magkaroon ng ideya sa paggawa ng
sariling komposisyon.
3. Maging bukas ang isip sa babasahing __________ upang mailagay ang
sarili sa sitwasyon.
4. Itala ang mga bagong natutuhang ______ upang magkaroon ng pang-
unawa sa teksto.
5. Ilahad ang sariling __________ na naaayon sa nabasang teksto upang
makagawa ng sariling komposisyon.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Lagyan ng kung ito ay mabuti o kung hindi.


_____ 1. Si Miguel ay isang batang marunong makinig at sumunod sa
kanyang mga magulang.

_____ 2. Sa panahon ng pandemya, pag-iingat sa sarili at sa pamilya ang


dapat gawin upang makaiwas sa nakahahawang sakit na
coronavirus.

_____ 3. Dapat mawalan ng pag-asa ang mga taong nakakaranas ng


ng paghihirap at ng malubhang sakit.

_____ 4. Ang karanasan ni Lito mula pagkabata sa kanyang hilig sa pagsulat


ng mga komposisyon ang kanyang naging inspirasyon upang
magtagumpay sa buhay ngayon bilang kilalang manunulat.

_____ 5. Ang karanasan sa buhay ay siyang nagpapahina sa isang tao


upang lumaban sa hinaharap na krisis.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon upang mabuo ang
komposisyon.

tuldukan pandemya disgrasya kababayan protocol


Maging Ligtas Saanman!

Ang wastong paggamit ng bisikleta ay makasisiguro ng iyong


kaligtasan. Mag-doble ingat para makaiwas sa (1) ________. Laging mag-ingat
at maging ligtas sa pagko-commute. Ugaliing sundin ang (2) _________ para
makaiwas sa COVID-19 at para di tayo makahawa sa iba. Ito ang (3) ________
na kinahaharap ng buong mundo. Alalahanin natin ang mga (4) ________
nating kabilang sa vulnerable groups tulad ng nakatatanda, ang mga may
sakit at mga may maselang buntis. Sa pagsunod nang tama sa mga
nakatataas sa pamahalaan, (5) ___________ na natin ang krisis na ito.
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Paglalahat Panapos na Pagsusulit

1. kinagisnan 1. komposisyon 1. disgrasya


2. pandemya 2. mabuti 2. protocol
3. interaksiyon 3. teksto 3. pandemya
4. mapanuri 4. salita 4. kababayan
5. bayanihan 5. karanasan 5. tuldukan

Balik-Aral Pagpapahalaga

1. Tama 1.
2. Tama 2.
3. Mali 3.
4. Tama 4.
5. Mali 5.

ARALIN (Sagot sa mga Tanong)

1. tungkol sa karanasan ni Miguel


2. maging maingat upang hindi mahawa ng COVID-19
3. ang transmission ay paglilipat ng taong maysakit sa pamamagitan ng
pagbahing o pag-ubo na tumatalsik ang laway sa ibang tao
4. maghugas ng kamay, mag-alcohol, magsuot ng facemask at quarantine sa
loob ng bahay
5. iwasang lumabas ng bahay at ugaliing maghugas ng mga kamay

Pagsasanay 1, 2 at 3

Puntos Pamantayan sa Paggawa ng Komposisyon


5 Pinakamahusay ang paggawa ng sariling komposisyon na may
gamit ng bagong salita
4 Mahusay ang paggawa ng sariling komposisyon na may gamit ng
mga bagong salita
3 Katanggap-tanggap ang sariling komposisyon
2 Mapaghuhusay pa ang sariling komposisyon
1 Nangangailangan pa ng pantulong pagsasanay
Sanggunian

A. Aklat
Patricia Jo C. Agarrado, et al., Alab Filipino – Ikalimang Baitang -
Batayang Aklat, Vibal Group Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City

B. Pampamahalaang Publikasyon
Department of Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurikulum:
Mayo 2016 (F5PN-Ia-4)
Dep Ed Most Essential Learning Competencies (F5PN-Ia-4)

C. Pampamahalaang Publikasyon
https://www.google.com.ph
https://www.youtube.com/watch?v=iQ1n4XmlK-Y

You might also like