You are on page 1of 6

Learning Area Filipino 6 Grade Level VI

W2 Quarter 4 Date

I. LESSON TITLE Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay

II. MOST ESSENTIAL LEARNING Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay


COMPETENCIES (MELCs)
F6PT-IVb-j-14

III. CONTENT/CORE CONTENT Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan

 Natutukoy ang mga salitang magkakaugnay


 Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay
 Nabibigyang halaga ang pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay
upang mapaunlad ang sariling kaalaman, pang-unawa at
pakikipagkomunikasyon

Sanggunian: Alab Filipino 6 pp. 86-87 & p. 170, Landas sa Pagbasa 6 pp. 47-48, DO 31 s.
2020, https://www.youtube.com/watch?v=Jwztq6TlA0Q

IV. LEARNING Suggested


Learning Activities
PHASES Timeframe

A. Introduction

Panimula 20 minuto Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral sa ika-anim na
baitang. Ito ang magsisilbing panukat upang malaman ang antas ng iyong kaalaman.

Inaasahang sa araling ito ay mapapaunlad mo ang iyong kasanayan sa pagtukoy at


pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay upang mas mapalawak ang iyong bokabularyo
at kaalaman.

Suriin ang mga larawan. Sa palagay mo, magkakaugnay ba ang mga ito?
Mahusay! Ang kalabaw, watawat ng Pilipinas, mangga at Narra ay magkakaugnay dahil
ang mga ito ay pawang mga pambansang sagisag ng PIlipinas.

Ang pangkat ay tumutukoy sa grupo o lipon ng mga bagay na may kaugnayan sa isa’t isa.
Ang kaugnayan naman ay tumutukoy sa relasyon o koneksiyon ng mga bagay.

Sa pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay, karaniwang pinagsasama-sama ang


mga salitang may koneksiyon ayon sa uri, gamit, bahagi, katangian o kahulugan ng mga ito.
Maaari ring iayon ang pagpapangkat sa mga salita sa pamamagitan ng pagpapares sa mga
salitang magkaugnay.

Sa pamamagitan ng pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay, mas magiging madali


ang pag-unawa sa kahulugan ng bawat salita. Nagiging mas maayos o organisado, malinaw at
epektibo ang paggamit ng mga salita sa pakikipagkomunikasyon.

Upang madagdagan pa ang iyong kaalaman sa pagpapangkat ng mga salitang


magkakaugnay, maaaring panoorin ang youtube video na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=Jwztq6TlA0Q

B. Development 30 minuto Marahil ngayon ay handa ka na sa ating mga gawaing magpapaunlad sa pagpapangkat ng
mga salitang magkakaugnay. Subukan mong sagutan ang mga ito.
Pagpapaunlad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang tekstong pinamagatang, Ang Pilipino:


Masayahin sa Anumang Sitwasyon, na matatagpuan sa pahina 86-87 ng aklat na Alab Filipino
6. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng sitwasyong kinahaharap ng mga Pilipino?


_____________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga positibong epekto ng pagiging masayahin ng mga Pilipino?
_____________________________________________________________
3. Paano ipinakikita ng mga Pilipino ang pagiging masayahin sa anumang sitwasyon?
___________________________________________________________
4. Nabanggit ang mga salitang tagumpay at pagdiriwang sa iyong binasang teksto.
Magkaugnay ba ang mga ito? Bakit?
______________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ano-ano ang iba pang mga halimbawa ng salitang magkakaugnay
mula sa binasang teksto?
______________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Binubuo ang Hanay A ng mga salitang mula sa tekstong
iyong binasa sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Tukuyin ang salitang kaugnay ng mga ito mula
sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
_______ 1. problema a. pagdiriwang

_______ 2. kalendaryo b. batas

_______ 3. pagbibiro c. pagtawa

_______ 4. mundo d. solusyon

_______ 5. pamahalaan e. tao

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bumuo ng apat na pangkat ng mga salitang magkakaugnay


mula sa kahon. Isulat ang mga ito sa loob ng bawat bahay.

kaarawan anibersaryo barangay lalawigan

problema siyudad pagsubok

lindol piyesta dilubyo

PANGKAT A PANGKAT B

PANGKAT C PANGKAT D
Upang mapaghusay mo pa ang iyong kakayahan, maaari mong sagutan ang mga
pagsasanay sa mga sumusunod na pahina: Alab Filipino 6 p.170 (Pag-usapan Natin) at Landas
sa Pagbasa 6 pp.47-48.

C. Engagement 30 minuto Ngayon, siguradong handa kana sa iba pang mga gawain. Pagtibayin pa natin ang iyong
mga natutuhan.
Pakikipagpalihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Base sa iyong sariling kaalaman at mga karanasan, magtala
sa mga patlang ng mga salitang kaugnay ng salitang nasa loob ng bawat kahon.

Halimbawa: nanay – tatay ate kuya

1. papel - _________ _________ _________

2. sapatos - _________ _________ _________

3. tuwa - _________ _________ _________

4. mangingisda - _________ _________ _________

5. paaralan - _________ _________ _________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ang dayagram ng mga salitang kaugnay ng salita sa
gitna.

COVID-19
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Bumuo ng isang talata gamit ang mga salitang
magkakaugnay na iyong itinala sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Gawing gabay ang rubrik sa
ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Kategorya Magaling-3 Maayos-2 Nangangailangan ng


Pagsasanay-1
Nilalaman Angkop at malinaw ang Hindi gaanong angkop at Hindi angkop at malinaw ang
paksa at ang kabuuang malinaw ang paksa at ang paksa at ang kabuuang
nilalaman ng talata. kabuuang nilalaman ng nilalaman ng talata.
talata.
Paggamit ng mga Salitang Wasto ang Wasto ang pagkakagamit Hindi wasto ang
Magkakaugnay pagkakagamit ng lahat ng ilang mga salitang pagkakagamit ng lahat ng
ng mga salitang magkakaugnay. mga salitang magkakaugnay.
magkakaugnay.
Pagkabuo ng mga Walang pagkakamali sa Mayroong ilang Maraming pagkakamali at
Pangungusap estruktura ng mga pagkakamali sa estruktura magulo ang estruktura ng
pangungusap. ng mga pangungusap. mga pangungusap.
Organisasyon ng mga Lohikal at mahusay ang Lohikal ang pagkakaayos Magulo ang mga
Ideya pagkakasunod-sunod ng mga ideya subalit pangungusap at ideyang
ng mga ideya. mayroong mga ideya na inilahad.
hindi ganap na nabuo.
Mekaniks Walang pagkakamali sa May ilang pagkakamali sa Maraming pagkakamali sa
bantas, kapitalisasyon bantas, kapitalisasyon at bantas, kapitalisasyon at
at pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.
D. Assimilation 10 minuto Binabati kita sapagkat napagtagumpayan mo ang lahat ng pagsusulit. Buoin ang mga
Paglalapat pangungusap sa ibaba upang maipahayag ang iyong mga natutuhan.

Tandaan, ang pagpapangkat ng mga salitang __________________ ay ang pagsasama-


sama ng mga salitang mayroong relasyon o _______________ sa isa’t isa. Sa pamamagitan
nito, nauunawaan at nabibigyan ng angkop na ________________ o ibig sabihin ang bawat
salita. Mahalaga ito upang magamit ang mga salita sa pagkakaroon ng maayos at
_________________ na pagpapahayag ng mga ________________ tungo sa mas epektibong
komunikasyon.

Mahusay! Kaunti na lamang ay mapagtatagumpayan mo at matatapos na ang araling ito.

V. ASSESSMENT 20 minuto

(Learning Activity Sheets A. Sagutin ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipinadala ng guro.
for Enrichment,
Remediation or Assessment
to be given on Weeks 3 and
6) B. Magbasa ng isang napapanahong balita sa dyaryo o internet. Magtala ng mga salitang
magkakaugnay. Pagkatapos, bumuo ng sariling talata gamit ang mga ito. Isulat ito sa iyong
sagutang papel. Maaaring gamiting muli bilang gabay ang rubriks sa Gawain sa Pagkatuto
Bilang 6.

Magaling! Napagtagumpayan mo na ang lahat ng mga gawain. Sa susunod na aralin ay


iyong matututuhan ang pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan.

VI. REFLECTION 10 minuto Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na________________________________________.

Nabatid ko na ____________________________________________.

Naisasagawa ko na_______________________________________.

Inihanda ni: CHARLENE G. PERLADO Iniwasto ni: MARIBETH C. RIETA

EPS sa Filipino

You might also like