You are on page 1of 50

WEEK 6

Filipino
Pag-ugnay ng Binasa sa Sariling 5
Karanasan
Qua rte r 3
II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCs)

Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan F6PB-


IVa-1
III. CONTENT/CORE CONTENT

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t


ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan.
III. CONTENT/CORE CONTENT

● Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa


III. CONTENT/CORE CONTENT

● Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan


III. CONTENT/CORE CONTENT

● Napahahalagahan ang mga aral at natamong


kaalaman mula sa binasa
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Inaasahang pagkatapos ng araling ito ay


maiuugnay mo ang iyong binasa sa sariling
karanasan.

Ano nga ba ang kahulugan ng sariling karanasan?


IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Ang sariling karanasan ay sitwasyon kung saan


ikaw mismo ay nakaranas ng bagay na tinutukoy.
O kaya ay pinagdaanan mo talaga ang bagay na
tinutukoy at hindi batay sa imahinasyon lamang o
sa buhay ng ibang tao.
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Mayroong mga karanasan na maihahalintulad natin


sa ating nabasa sa iba’t ibang uri ng babasahin. Paano
nga ba maiuugnay ang ating binasa sa ating sariling
karanasan? Basahin natin ang kuwento ng isang
batang kahanga-hanga ang katapatan sa kabila ng
kahirapan.
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Si Tinay Bugayon ay isang batang nagsauli ng


perang nagkakahalaga ng P300,000 na nahulog sa
isang courier. Sa kabila ng kanilang kahirapan,
hindi siya nasilaw sa kinang ng pera bagkus
nangibabaw pa rin ang kanyang katapatan.
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Naranasan mo na rin ba ang ginawa ni Tinay


Bugayon? Sa palagay mo, tama ba ang ginawa
niya? Bakit? Anong kaparehong karanasan ang
maiuugnay mo sa binasang kuwento?
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Sa pag-ugnay ng binasa sa sariling karanasan,


maisasagawa mo ito kung naunawaan ang
kuwento o tekstong binasa at maihahalintulad mo
ang mga pangyayaring naganap sa iyong sariling
karanasan.
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Mahalaga, kung gayon, ang pagkakaroon ng


sensitibong kamalayan o pagiging mulat sa mga
pangyayaring ating mararanasan upang maibalita
natin nang tama at may sapat na detalye ang ating
mga nasaksihan.
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

May dalawang uri ng karanasang maaari nating


paghanguan ng ating mga kasagutan. Una, ang
direktang karanasan o aktuwal na karanasan.
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Ikalawa, ang indirektang karanasan o vicarious


experiences na maaari nating maranasan sa
pamamagitan ng pagbabasa, pakikipanayam,
panood ng pelikula, pagsasaliksik at iba pa.
IV. LEARNING PHASES (A. Panimula)

Gayunpaman, walang pinakamainam na hanguan


o kadluan ng mga kasagutan sa mga katanungang
makakaharap natin sa ating pang-araw-araw kundi
ang personal at aktwal na karanasan. Basahin ang
kaugnay na pagtalakay sa aralin sa Daluyan 6
p.152.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)

Upang mas lalong mapaunlad ang iyong


kakayahan sa bagong aralin, basahin ang sanaysay
sa ibaba at subukang iugnay ito sa sariling
karanasan.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Basahin at unawain ang sanaysay. Pagkatapos,
sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Ang Pakikipagkapwa Tao
Ni Ricardo Cariaga
May kasabihang “Madaling maging tao ngunit mahirap
ang magpakatao.” Malalim ang kahulugan ng
pangungusap na ito. Ang pagpapakatao ay sumasaklaw sa
lahat ng bagay na may kinalaman sa ating pakikihalubilo
sa ting kapwa.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao, nakikilala
natin ang katauhan ng isang nilalang. Walang taong
mabubuhay na mag-isa sa mundo. Kailangan nating
isaisip na tayo’y nabubuhay sa daigdig hindi para
lamang sa ating sarili. Kailangang sikaping
magkaroon ng mabuting pakikipagpalagayan sa ating
kapwa.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Iwasan ang mga bagay na makakasakit sa damdamin
kung ibig nating magkaroon ng maraming kaibigan.
Iwasan ang mahahalay na pananalita.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Ang taong palapintas at mapanira sa kapwa ay hindi
kinalulugdan, manapa’y nilalayuan. Ang taong mapagbuhat
ng sariling bangko at may hangin sa ulo ay kinayayamutan.
Ang marunong makipagkapwa-tao ay dinadamayan sa
anumang kagipitan at pangangailangan. Hindi siya matitiis
na makitang nasa marawal na kalagayan ng mga taong
pinakatunguhan niya nang mabuti.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Walang mawawala sa atin kung pag-ukulan ng
masayang ngiti at malugod na bati ang ating mga
kakilala. Hindi mapipingasan ang ating pagkatao
kung sila’y kakausapin nang walang halong
kapalaluan kahit na may mataas na katungkulan
tayong hinahawakan.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Ang mahusay sa mundo’y talagang ganyan,
magbigay at tumanggap. Hindi maaring tanggap na
lamang nang tanggap, panay na pakabig. Ang wika
nga’y ang hindi mautusan ay hindi rin makapag-
uutos. Kung ano ang ating gawin sa ating kapwa ay
ganoon din ang igaganti sa atin ng kapalaran.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Magiging maligaya at tiwasay ang ating pamumuhay
kung alam nating walang nagagalit sa atin. Ang
payapang buhay ay hinahangad ng lahat. Bakit hindi
natin ito makakamit? Ang lihim ay ang mabuting
pakikipagkapwa-tao. Sa ating sariling mga kamay
nakasalalay ang ating kaligayahang pinapangarap.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
1. Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkapwa-tao?
2. Sino ang may hangin sa ulo at kinayayamutan?
3. Ano ang mararamdaman mo kung mag-isa ka
na langsa mundo?
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
4. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang may
karamay?
5. Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay
mo tungkol sa iyong nabasang teksto?
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Pumili ng sitwasyon sa ibaba na may kaugnayan
sa iyong sariling karanasan. Ipaliwanag kung bakit
ito ang iyong napili. Gawin ito sa iyong malinis na
sagutang papel.
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)

1. Nagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta


ngkalamidad.
2. Tumutulong sa mga gawaing bahay
3. Nakikipagkaibigan sa bagong kaklase 4.
Sumasali sa mga paligsahan sa paaralan
5. Nag-aalaga ng nakababatang kapatid
IV. LEARNING PHASES (B. Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Lagyan ng tsek(/) ang larawan na may
kahalintulad na karanasan
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Subukan nating basahin ang tekstong ‘Bisita’ sa Alab


Filipino 6 p.3-4 at sagutin ang mga tanong sa Pag-unawa sa
Binasa p. 4.
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)

Sa puntong ito, lubos mong matututunan ang pag-


uugnay ng iyong binasa sa sariling karanasan sa
pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.
Maaaring humingi ng patnubay ng iyong
magulang o mga kasama sa bahay kung mayroong
hindi nauunawaan sa bawat gawain.
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Basahin ang maikling kuwento. Pagkatapos,
sagutin ang mga tanong sa ibaba. Punan ang
graphic organizer. Gawin ito sa inyong sagutang
papel.
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Isang hapon habang nag-uusap ang mag-asawang sina
Mang Arnel at Aling Rosel ay hindi sinasadyang
narinig ng anak na si Carmie ang usapan. “Isang
linggo na lang daw ang bukas ng pabrika, mahina na
ang produksiyon at magsasara na muna ito habang
hindi pa natatapos ang pandemya,” wika ni Mang
Arnel.
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
“Paano kaya ito? Mauubos na rin ang ating
naipon, hindi naman tayo nakasama sa ayuda ng
barangay,” nag-aalalang tugon ni Aling Rosel.
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Mawawalan ng trabaho ang kanyang ama at mauubos
na rin ang panggastos nila sa araw-araw. “Hwag kang
mag-alala, may naisip akong negosyo dito sa bahay.
Marunong naman akong magkumpuni ng mga sirang
kagamitan tulad ng telebisyon at electric fan,” sabi ni
Mang Arnel sa asawa.
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
“Ako nama’y magluluto ng meryenda at maaring
mailako sa mga kapitbahay. May-awa ang Diyos,
makakaraos din tayo,” umaasang sagot ni Aling
Rosel. Anong kaparehong karanasan ang
maiuugnay mo sa maikling kuwento?
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

KARANASAN
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Batay sa kuwentong binasa mula sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang 3, sumulat ng isang talata na
may kaugnayan sa iyong sariling karanasan. Isulat
ito sa iyong sagutang papel.
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)
RUBRIKS SA PAGSULAT NG TALATA
5 4 3 2
Nilalaman 1
● Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
● Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
● Wastong gamit ng wika/salita
● Baybay, banta,estruktura ng mga
pangungusap/salitang hiram
Hikayat
● Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
● Pagkakaugnay ng mga idea
IV. LEARNING PHASES (C. Pakikipagpalihan)

5-Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2-Mapaghuhusay pa
1-Nangangailangan pa ng mga pantulong na
pagsasanay
IV. LEARNING PHASES (D. Paglalapat)

Basahin ang pabulang ’Ang Langgam at Ang


Tipaklong’ sa Alab Filipino 6 p.6-7 at sagutin ang
mga tanong upang mapaunlad pa ang kaalaman sa
aralin
IV. LEARNING PHASES (D. Paglalapat)

Panuto: Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa


malinis na sagutang papel.
IV. LEARNING PHASES (D. Paglalapat)

Ang sariling karanasan ay sitwasyon kung saan ikaw


mismo ay nakaranas ng bagay na tinutukoy. O kaya
ay pinagdaanan mo talaga ang bagay na tinutukoy at
hindi batay sa___________________ lamang o sa
buhay ng ibang tao.
IV. LEARNING PHASES (D. Paglalapat)

Sa pag-ugnay ng binasa sa sariling karanasan,


maisasagawa mo ito kung naunawaan ang kuwento o
tekstong binasa at maihahalintulad mo ang mga
pangyayaring naganap sa iyong karanasan.
V. ASSESSMENT

A. Sagutin ang Learning Activity Sheets (LAS) na


ipinadala ng guro.
B. Subukang magbasa ng isang napapanahong balita
sa pahayagan o anumang uri ng babasahin. Iugnay ito
sa iyong sariling karanasan. Ibahagi ang iyong
kasagutan sa kaibigan o kasama sa bahay.
V. ASSESSMENT

Mahusay! Binabati kita sa bagong kaalamang


natutunan. Sa susunod na aralin, inaasahang ikaw
ay makakakuha ng impormasyon sa pamamagitan
ng pahapyaw na pagbasa
VI. REFLECTION

Magsulatsaiyongkwaderno ngiyongnararamdaman
orealisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt:
VI. REFLECTION

Naunawaan ko na ___________________
Nabatid ko na ________________________
Naisasagawa ko na __________________

You might also like