You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa Filipino V

I. Layunin:
Sa loob ng 50 minutong aralin sa Filipino, 75% ng mga mag-aaral ay
inaasahang:
a) nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang
produkto;
b) naipapaliwanag ang kahalagahan at gamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap; at
c) nakikibahagi sa diskusyon

II. Paksang Aralin: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis
ng isang produkto
Sanggunian: Gabay Pangkurikulum K-12 sa Filipino p. 74
( F5WG-IVd-13.3 )
Pang-apat na Kwarter – Gabay ng Guro at Kagamitan ng
Mag-aaral ay nakuha sa www. Teachershq.com
Mga Kagamitan: Big book, tsart, PowerPoint Presentation, realia,

at mga larawan
Pagpapahalagang Isinanib: Pagiging masipag at huwaran

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Bata


A. Panimulang Gawain
*Panalangin
Mga bata tayo ay tumayo at manalangin.
Ngayon, base sa ating schedule ng pagdadasal, si
Marjorie na ang siyang mangunguna sa pagdadasal
ngayong araw.

Marjorie maari ka bang pumunta sa harapan at


pangunahan ang ating pag-dadasal ngayong araw.
Panginoon, kami ay nananalangin sa
Inyo.
Patawarin niyo po kami sa aming mga
kasalanan
Nawa gabayan Niyo kami ngayon sa
aming aralin
Ito ang aming dalangin sa pangalan ng
Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen
Magandang Umaga mga bata!
Magandang Umaga din po Guro!
Nagagalak akong makita kayo
Kami rin po Guro!
Maari na kayong umupo, mga bata
Maraming salamat po guro.
*Pagtala ng Liban at Di-Liban
Base sa ating tsart ng attendance, sa aking nakikita ay
lahat kayo ay pumasok at walang lumiban sa araw na
ito kaya’t ating bigyan ng palakpak ang ating mga sarili.
(Pumalakpak ang mga Bata)

1. Pagbabaybay
a. Hilaga
b. Sadya
c. Petsay
d. Silangan
e. Huwaran
a. Sa hilaga matatagpuan ang
mga puno ng manga.
b. Sadya malalaki at matatamis
ang mga manggang ito.
c. Bumili ng mga petsay si
Nanay kanina.
d. Sa silangan sumisikat ang
araw.
e. Siya si G. Jonathan, isang
huwaran na tao.
Tapos na mga bata?
Opo, guro
Ngayon, maari niyo bang ipasa papaharap ang
inyong mga papel at ako na ang siyang
magwawasto ng inyong mga papel.
Ang mga sagot sa ating pagbabaybay ay:
a. Hilaga
b. Sadya
c. Petsay
d. Silangan
e. Huwaran
2. Balik-Aral
(pagtutugma ng larawan ng sanhi at bunga
pagkatapos ay gagawa ng pangungusap mula
doon)

Sanhi: Nilobo ni Anna ang mga Lobo.


Bunga: Ito’y nagkahangin at naging
laruan niya.

Sanhi: Naglaro ng putik si Juan.


Bunga: Siya’y naglinis at naligo
pagkatapos.

Sanhi: Gumagawa ng cake


Bunga: Nagawa na ang cake
3. Pagganyak (pag-awit ng isang kanta)

Mga Uri ng Pangungusap Mga Uri ng Pangungusap

Mga uri ng pangungusap eieio Mga uri ng pangungusap eieio


May paturol, may patanong, padamdam, pakiusap o May paturol, may patanong,
pautos eieio padamdam, pakiusap o pautos eieio

4. Paghahawi ng Balakid
(Padlocks)
Magbabasa tayo mamaya ng isang kwento pero
bago iyon ay may mga salita ako dito na ating
tutuklasin para mas lalo nating maiintindihan
ang kwento.

Sino sa inyo ang nakakita na ng isang kandado?


Ako po guro.
Magaling! Ang inyong gagawin ay itutugma
inuo ang mga susi sa kanilang tamang kandado.
Naintindihan mga bata?
Opo guro
Ngayon atin nang simulan.

Masipag - maging aktibo at masikap


sa kanyang mga gawain

Huwaran - pag papakita ng modelo


ng isang tao

 Dako - lugar, lokasyon o katatagpuan

 Taniman - punlaan ng halaman na


malawak

Nagtungo - nangangahulugang
pumunta
Magaling mga bata!

B. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak na Tanong
Magbabasa tayo ng isang kwento mga bata
pero bago iyon ay may katanungan ako rito
na siyang ating sasagutin pagkatapos nating
mabasa ang kwento.

“Paano nagging huwaran si Mang Pedro?


Ano-anong gawain ang nagsasabi na siya’y
huwaran?”

Paki ulit nga ang tanong mga bata


“Paano naging huwaran si Mang
Pedro? Ano-anong gawain ang
nagsasabi na siya’y huwaran?”
2. Pagbibigay ng Pamantayan
Ngayon mga bata, bago tayo dumako sa
ating kwento ay may mga pamantayan ako
rito na si yang ating gabay sa pag-aaral na
nais kong sundin niyo upang maging maayos
at hindi magulo ang ating klase. Maliwanag?
Opo, guro
Mabuti! Ngayon ay meron akong mga
produkto dito sa harapan at sila ay may nais
sabihin sa inyo papatungkol sa mga dapat
niyong gawin o ipamalas habang tayo’y nag-
aaral.

Inaasahan ko ang mga iyan sa inyo mga


bata, maliwanag?
Opo, guro

3. Paglalahad
(Ipakita ang larawan ni Mang Pedro at
kanyang bukirin)
Mga bata, anong nakikita ninyo sa larawan?
May isang tao po at mga alaga niya
po.
Magaling! Ang tao sa larawan ay si Mang
Pedro, at kanyang mga alagang hayop at
mga tanim. Tapos, ang bukirin na inyong
nakikita ay kay Mang Pedro din.
Maganda ba ang kanyang lugar mga bata?
Opo, guro
Ngayon, tayo ay magbabasa ng isang
kwentong pinamagatang “Si Mang Pedro,”
ako muna ang siyang mauunang magbabasa
at pagkatapos ko ay kayo naman ang
susunod.
4. Unang Pagbabasa ng Kwento
(Big Book)

Si Mang Pedro
Si Mang Pedro ay isang masipag na magsasaka.
Araw-araw ay nagtutungo siya sa bukid upang tapusin
ang mga gawain.
Sa dakong hilaga ng kanyang taniman
matatagpuan ang maraming puno ng mangga. Ay!
sadyang malalaki at matamis ang mga ito.
Mga gulay naman ang nasa dakong timog. Ano-
ano kaya ang mga gulay ito?
May upo, mabeberdeng petsay, naglalakihang
kalabasa, makikinis at malalaking kamatis at iba pa. Sa
bahaging silangan matagpuan ang kanyang kubo at sa
kanluran naman naroroon ang kanyang mga alagang
hayop.
Tuwing sabado at linggo sumasama ang
kanyang mga anak upang tumulong sa kanya. Isang
huwarang magsasaka si Mang Pedro.

Ngayon mga bata, kayo naman ang


magbabasa ng kwento.

5. Pangalawang Pagbabasa ng Kwento (Big


Book)

Si Mang Pedro
Si Mang Pedro ay isang
masipag na magsasaka. Araw-araw ay
nagtutungo siya sa bukid upang
tapusin ang mga gawain.
Sa dakong hilaga ng kanyang
taniman matatagpuan ang maraming
puno ng mangga. Ay! sadyang
malalaki at matamis ang mga ito.
Mga gulay naman ang nasa
dakong timog. Ano-ano kaya ang mga
gulay ito?
May upo, mabeberdeng petsay,
naglalakihang kalabasa, makikinis at
malalaking kamatis at iba pa. Sa
bahaging silangan matagpuan ang
kanyang kubo at sa kanluran naman
naroroon ang kanyang mga alagang
hayop.
Tuwing sabado at linggo
sumasama ang kanyang mga anak
upang tumulong sa kanya. Isang
huwarang magsasaka si Mang Pedro.

6. Pagsagot sa Pangganyak na Tanong

Naintindihan niyo ba ang kwento mga bata?


Opo guro
Mabuti, ngayon atin nang balikan ang
katanungan natin kanina bago natin binasa
ang kwento.
Ano nga ang tanong natin mga bata?
“Paano nagging huwaran si Mang
Pedro? Ano-anong gawain ang
nagsasabi na siya’y huwaran?”
Ngayon, sino sa inyo ang makakasagot sa
tanong natin kanina?
Yes, James?
Nagiging huwaran po si Mang Pedro
sa pamamagitan ng pagiging isang
mabuting ama sa kanyang mga anak at
pagiging isang masipag na magsasaka.
Magaling James! Bigyan natin siya ng isang
Magaling Clap!

One, two, three (palakpak)


One, two, three (padyak)
One, two, three Magaling! Magaling!
Magaling!
One, two, three (palakpak)
One, two, three (padyak)
One, two, three Magaling! Magaling!
Magaling!

5. Comprehension Check-up
Ngayon, ating titignan kung naintindihan niyo
ba talaga ang kwentong ating binasa.

Ang tauhan sa kwento ay si Mang


a. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Pedro.

b. Saan siya pumupunta araw-araw? Pumupunta siya araw-araw sa


kanyang bukirin.
c. Ano-ano ang makikita sa hilaga? Kanluran?
Silangan? At timog ng kanyang bukirin? Sa dakong hilaga ng kanyang
taniman matatagpuan ang maraming
puno ng mangga.
Mga gulay naman ang nasa
dakong timog.
Sa bahaging silangan
matagpuan ang kanyang kubo at sa
kanluran naman naroroon ang
kanyang mga alagang hayop.
6. Talakayan
(Realia at Learner Centeredness)
Ngayon mga bata, ating balikan ang apat na uri
ng pangungusap at ang apat na uri ng Ang apat na uri ng pangungusap po
pangungusap na ito ay? guro ay: paturol, patanong, padamdam
at pautos po.
Magaling! Ngayon, magbigay ng isang
halimabawa ng pangungusap na paturol. Kaming mag-anak ay pumunta sa
Disney Land.
Magaling! Base dito ano ang kahulugan ng
paturol na pangungusap? Ang paturol po na pangungusap ay
nagsasaad ng impormasyon o
nagsasalaysay at nagtatapos sa tuldok.
Mahusay! Ang paturol na pangungusap ay
nagsasaad ng datos,katotohanan at
nagsasalaysay na nagtatapos sa tuldok.

Ngayon, magbigay naman ng isang halimbawa Saan kayo pumunta kahapon?


ng patanong na pangungusap?
Ang pangungusap na patanong ay
Mahusay! Ano naman ang kahulugan ng nagsasad ng katanungan at nagtatapos
patanong na pangungusap? sa tandang pananong.

Magaling! Ang pangungusap na patanong ay


nagsasaad ng isnag katanungan na may bantas
na tandang pananong.

Ngayon, magbigay naman ng isang Wow! Ang ganda ng bahay nila Jose!
pangungusap na padamdam ?

Magaling! Ano naman ang kahulugan ng Ang pangungusap na padamdam ay


padamdam na pangungusap? isang pangungusap na nagsasaad ng
matinding damdamin.

Mahusay! Ang pangungusap na padamdam ay


nagsasaad ng matinding damdamin.
Kunin mo nga ang bag ni Alice.
Ngayon,magbigay ng pangungusap na pautos.
Paki kuha nga yung mga baso sa
Magaling! Paano naman ang pakiusap?
lamesa.

Base dito, ano ang kahulugan ng pangungusap


Ang pangungusap na pautos po ay
na pautos/ pakiusap?
nagsasad ng utos sa mga bata
Mahusay! Sa pakiusap naman ay siya’y gagamit
ka ng paki o maari sa pakikipagusap.

Mahusay!

Ngayon, may larawan akong ipapakita sa inyo, ang


gusto ko ay kilatisin niyo ang produkto ng husto gamit
ang apat na uri ng pangungusap.

Halimbawa:

Paturol: Ang crossini roll ay masarap.


Patanong: Magkano ang crossini roll?
Padamdam: Wow! Ang sarap ng crossini roll.
Pautos: Rosita, bumili ka nga ng crossini roll sa
tindahan.
Naintindihan?
Opo, guro
Ngayon, kilatisan ang produktong ito.
Paturol: Ang whatta tops ay may
cookies and cream flavor.
Patanong: Magkano ang whatta tops?
Pautos: Jessica, pakikuha nga ang
whatta tops sa ref.
Padamdam: Bakit?!!!! Bakit kinain
mo ang whatta tops ko!

Paturol: Ang Delmonte ay naglabas ng


isang bagong inumin at ito ay ang
Four Seasons.
Patanong: Sino ang nagisip ng bagong
lasa na ito?
Padamdam! Wow! May bagong del
monte
Pautos: Mangutang ka nga ng del
monte four seasons kay Aling Nena.

Paturol: Maalat ang lasa ng Datu Puti


soy sauce.
Patanong: Hanggang kailan aabot ang
isang bote ng datu puti soy sauce?
Padamdam: Wow! Ang laki ng toyo.
Pakiusap: Liza, pak kuha nga ang toyo
sa kusina.

Paturol: Ang Bearbrand na ito ay


lasang white tea.
Patanong:Saan ang mas masarap yung
bearbrand noon or yan?
Padamdam: Ah! May bagong flavor
ang bearbrand.
Pautos: Alkin kunin mo nga yung
bearbrand sa ref.
Handa na ba kayong magpangkatang gawain
mga bata?
Opo, guro
7. Presentasyon ng Rubric
Mga bata, ngayon ay magkakaroon tayo ng isang
pangkatang gawain ngunit bago iyon ay ipapakita
ko muna ang rubriks sa paggawa upang inyong
maging gabay at aking magiging basehan sa
pagbibigay ng iskor sa inyong gawa.
ANTAS NG PAGGAWA
PAMANTAYAN 5 3 1
Lubos na Nagpamalas Hindi
nagpamalas ng kahusayan gaanong
ng kahusayan sa paggawa nagpamalas
sa paggawa at ng kahusayan
Presentasyon at pagpresenta sa paggawa
pagpresenta ng at
ng tula/dula/awit pagpresenta
tula/dula/awi ng
t tula/dula/awit
3 o higit
1-2 na
Lahat ng pang
miyembro ay
Kooperasyon miyembro ay miyembro ay
hindi
tumulong hindi
tumulong
tumulong
3 o higit
Lahat ng 1-2 na
pang
Disiplina miyembro ay miyembro ay
miyembro ay
tahimik maingay
maingay

8. Pangkatang Gawain

Pagkatapos ko kayong igrupo, piliin niyo


ang inyong lider, gofer, secretary at
reporter.

Ngayon tayo ay magbibilang ng 1 hanggang


3 na siyang magtatakda ng inyong grupo
(counting)

Group 1 tumayo pumili na ng isang lider,


gofer, secretary at reporter

Group 2 kayo’y pumili din at Group 3 kayo


rin ay pumili.

Bago kayo pumunta sa inyong mga grupo


naririto ang inyong mga gawain:

Unang Pangkat- Gumawa ng


isang munting dula-dulaan
papatungkol sa pagkilatis ng isang
produkto na gumagamit ng apat na uri ng
pangungusap

Pangalawang Pangkat- Gumawa ng isang


tula papatungkol sa kahalagahan ng apat na
uri ng pangungusap sa pangingilatis ng
produkto

Pangatlong Pangkat- Gumawa ng


isang kanta papatungkol sa pangingilatis ng
isang produkto

9. Saloobin
Ating balikan ang kwentong ating binasa
kanina, “Si Mang Pedro,” ano-anong moral ang
inyong natutunan sa kwento?
Ang natutunan po namin ay maging
masipag at maging huwaran kahit sa
simpleng gawain lang po guro.
Magaling!
10. Paglalahat
Ngayon mga bata, ano ulit ang apat na uri ng
pangungusap?
Ang apat na uri ng pangungusap po
guro ay: paturo, patanong, pasalaysay
at padamdam.
Mahusay! Ngayon, ano-ano naman ang gamit ng
mga ito?
Ang paturol na pangungusap ay
nagsasaad ng datos,katotohanan at
nagsasalaysay na nagtatapos sa tuldok.

Ang patanong naman ay nagsasaad ng


katanungan at nagtatapos sa tuldok.

Ang padamdam naman ay


nagpapakita ng masidhing damdamin.

Ang pautos naman ay isang


pangungup na nagsasaad ng kilos at
magulo.
Mahusay!
Ano-ano namang mga pangungusap ang inyong Paturol: Ang larawan ay isang bote ng
magagawa sa pagkilatis nitong produkto na ito? shampoo na head and shoulders.

Patanong: Gaano katagal aabot ang


isang bote ng head and shoulders.

Pautos/Pakiusap: Neneng kunin mo


nga ang shampoo sa may aparador.

Padamdam: Hay! Bat ang konti ng


laman ng shampoo?!
Magaling!
11. Paglalapat
Panuto: Isulat sa patlang ang PA kung ang pangungusap ay isang halimbawa ng pangungusap na
paturol, PD kung padamdam, PK kung pautos/pakiusap at PT kung patanong.

______1. Kulay rosas ang kahon ng hard copy na papel.


______2. Gaano kakapal ang hard copy na papel?
______3. Pakiusap nga pagbalik mo, bilhan mo din ako ng ganyang papel.
______4. Ate! Ate! Nahulog ang mga papel mo!
______5. Saan mo nabili yang papel na iyan?

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang PA kung ang pangungusap ay isang halimbawa ng pangungusap na
paturol, PD kung padamdam, PK kung pautos/pakiusap at PT kung patanong.

______1. Matigas ang kandadong master.


______2. Magkano ang pinambili mo diyan sa kandadong iyan?
______3. Wow! Ang gandang kandado naman iyan.
______4. Paki usap pabili nang ganyang kandado pagpunta mo doon.
______5. Hala! Naiwan ko ang susi sa loob.

V. Kasunduan
Direksyon: Sa isang buong papel, magtala ng limang lugar sa Pilipinas na gusto niyong
puntahan at ilista ang mga produktong makikita doon.

Ngayon tayo ay tumayo at


manalangin.
Zepharine, maari mo bang
pangunahan ang pagdadasal?

Panginoon, kami ay nananalangin sa Inyo.


Patawarin niyo po kami sa aming mga
kasalanan
Nawa gabayan Niyo kami ngayon sa aming
aralin
Ito ang aming dalangin sa pangalan ng
Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen
Paalam mga Bata! Paalam po guro!

Inihanda ni :

_____________________
Student – Teacher

Iniwasto ni:

Cooperating Teacher

Pinagtibay ni:

SINGASING G. VALDEZ
Principal

You might also like