Professional Documents
Culture Documents
Paggamit Sa Malaki at Maliit Na Titik at Bantas.
Paggamit Sa Malaki at Maliit Na Titik at Bantas.
BANGHAY ARALIN
SA FILIPINO 2
(Agosto 29-31 Week 4)
Nilalaman: Paggamit sa Malaki at maliit na titik at bantas.
Pamantayang Pangnilalaman:
Nakatutukoy ng gamit ng maliit at malaking letra sa pagsulat ng pangungusap.
Pamantayan sa Pagganap:
Nagagamit nang wasto ang malaking letra bilang panimula ng isang pangungusap.
Kompetensi:
Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang bantas.
Learning Targets:
Natutukoy ang tamang paraan ng paggamit ng maliit at malaking letra.
Nakasusulat ng malaking letra at maliit na letra.
Nailalagay ang angkop na bantas sa pangungusap.
Transfer Goal:
Mahalagang malaman nila ang tamang gamit ng letra at bantas dahil magagamit nila ito sa pagsulat ng
pangungusap. Ang tamang gamit ng letra at bantas ay lubos ding makatutulong sa pagpapahayag ng
wastong damdamin sa pangungusap.
STAGES ACTIVITIES
(Day 1)
PAGTUKLAS Pagganyak:
Magpapakita ng larawan ng letra at bantas sa mga mag-aaral.
Tanungin ang mga mag-aaral kung saan nila madalas makita ang
mga ito?
(Day 1-2)
PAGLINANG Bigyang-pansin ang sumusunod na pangungusap.
Ang mga bata ay naglalaro.
Kumain kana ba?
Wow, ang sarap ng ulam!
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang napapansin sa mga
pangungusap.
Talakayin sa kanila ang gamit letra at bantas.
(Day 3)
Gawain 1
PAnuto: Tukuyin ang may tamang pagkakagamit ng Malaki at maliit na
PAGPAPALALIM letra. LAgyan ng tsek (/) ang may tamang gamit at ekis (X) kung hindi
tama ang pagkakagamit ng unang letra.
CRITERIA POINTS
Presentasyon 5
Kalinisan 5
Total 10 points