You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region XII
Sangay ng Kidapawan

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO NG FILIPINO V


Ikatlong Markahan
Linggo 7 Araw 1

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
A. Pamantayang Pangnilalaman
napakinggan.

Nakapag-uulat ng impormasyong
B. Pamantayan sa Pagganap napakinggan at nakabubuo ng
balangkas ukol dito.
Nasusunod ang napakinggang panuto
o hakbang ng isang gawain.F5PN-IIId-
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto g-1
Nakapagbibigay ng panutong may 4-5
hakbang.F5PS-IIIg-8
II. NILALAMAN
Pagsunod sa Napakinggang Panuto
Pagbibigay ng Panutong may 4-5
Hakbang
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian K to 12 pahina100
1. Pahina sa Gabay ng Guro
2. Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral
3. Pahina sa Batayang Aklat
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
Learing Resources (LR) portal
B. Iba pang kagamitang panturo Tv, laptap
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Ano ang card catalog at mga uri nito?
pagsisimula ng bagong aralin Ano ang OPAC?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Mahalaga ba ang pagsunod sa


panuto? Bakit? Paano mo maipapakita
ang iyong pagiging masunurin?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Mag laro ng “Sabi ni Pedro” Sabihin sa
bagong aralin mga bata na pakinggang mabuti ang
kuwentong babasahin ng guro.
Ang Kasunduan
(Hinango sa Filipino 6 Yaman ng
Lahing Kayumanggi pp. 22-23)
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sagutin ang nakasaad na mga
paglalahad ng bagong kasanayan #1 katanungan.
1. Ano ang sinabi ng Diyos nang
nagalit Siya sa mga tao dahil sa
kasamaan ng mga
ito?
2. Sino ang taong napili ng Diyos na
iligtas dahil sa kanyang kabutihan?
3. Ano ang ginawa ng buong pamilya
ni Noe noong sila ay naligtas sa
parusa.
4. Ilahad ang kasunduan na binitawan
ng Panginoon kina Noe.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sundin ang ididiktang panuto ng guro.
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Iguhit sa inyong mga kwaderno.
1. Ano ang iniutos ng Panginoon kay
Noe bago Niya parusahan ang mga
masasama
sa mundo? Isulat ang sagot sa loob
ng isang malaking parihaba.
2. Ano ang itinayo nina Noe bilang
handog pasasalamat sa Diyos dahil
sa pagliligtas sa
kanila. Iguhit ito sa loob ng isang
malaking parisukat.
3. Kung kayo si Noe ano-ano ang mga
tagubilin o panuto na ibibigay mo sa
iyong
pamilya upang maging karapat-dapat
kayo sa pagliligtas ng Panginoon.
Magbigay ng 4-5 panuto na dapat
sundin o isakatuparan ng bawat
miyembro ng pamilya.
F. Paglinang sa kabisahaan (Tungo sa Gagawin ng bawat pangkat ang mga
Formative Assessment) panutong kanilang napili at isusulat sa
manila paper para sa pagpapakita sa
kamag-aaral.

Pangkat 1 – Gumuhit ng isang bilog.


Isulat sa loob ng bilog ang pangalan
ng
pangunahing tauhan sa kwento.
Gumuhit ng tatsulok sa ilalim ng bilog.
Isulat sa loob ng tatsulok ang bilang
ng titik na bumubuo sa pangalan ng
tauhan.

Pangkat 2 – Isulat huling buwan ng


taon at ikulong sa kahon ang unang
titik nito.
Bilugan naman ang huling titik.
Pangkat 3 – Gumuhit ng isang paso
na may halamang may tatlong
bulaklak at limang
dahon. Lagyan ng kuwadro ang
iginuhit mong larawan at isulat ang
buo mong pangalan sa ilalim ng
kuwadro.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw- Araw-araw bago pumasok sa


araw na buhay paaralan, anu-ano ang mga tagubilin
sa inyo ng inyong mga magulang?
Isulat ang mga ito sa isang buong
papel at lagyan ng tsek ang tapat ng
bawat isa kung ito ay nasunod at ekis
naman kung hindi naisakatuparan.
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang panuto? Bakit natin dapat
sundin ang mga ito?
Paano ang wastong pagbibigay ng
mga panuto?

I. Pagtataya ng Aralin Isagawa ng mga sumusunod na


panuto
1. Gumuhit ng isang bulaklak. Sa
bawat talulot nito, isulat ang pangalan
ng bawat
miyembro ng pamilya

2. Isulat ang pangalan ng iyong nanay


at tatay sa loob ng parihaba at ang
pangalan ng iyong mga kapatid sa
loob ng bilog. Gumuhit ng linya mula
sa parihaba patungo sa bilog upang
pagdikitin ito. Isulat sa loob ng
tatsulok kung ano ang maaaring
itawag sa inyong lahat.

3. Sumulat ng 4-5 panuto na maaaring


ipatupad sa loob ng silid-aralan

J. Karagdagang gawain para sa Maglista ng mga panuto na iyong


takdang-aralin at remediation gabay pagkagising sa umaga.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remidediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punong guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Region XII
Sangay ng Kidapawan

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO NG FILIPINO V


Ikatlong Markahan
Linggo 7 Araw 2

I.LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas
sa pagsasalita sa pagpapahayag
A. Pamantayang Pangnilalaman
ng sariling ideya, kaisipan,karanasan at
damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang ulat o panayam
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
sa pakikipagtalastasan. F5WG-IIIf-g-10
II. NILALAMAN
Paggamit nang wasto ang pang-angkop
sa pakikipagtalastasan
F5WG-IIIf-g-10
III.
A. Sanggunian K TO 12 CG PAHINA100
1. Pahina sa Gabay ng Guro
2. Pahina sa Kagamitan ng Mag-
aaral
3. Pahina sa Batayang Aklat
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa Learing Resources (LR)
portal
C. Iba pang kagamitang panturo ALAB FILIPINO 5 pp.153
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Mag ehersisyo
at/o pagsisimula ng bagong Itaas ang mga kamay, Iwagayway.Iikot
aralin ang ulo,baywang at mga tuhod.Lumukso
na limang bese at sabihin” handa na po
ako sa susunod na leksyon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sino sa inyo ang naglalarong online


games? May naitutulong bai to sa inyo?
Bakitmaraming mga baata ang nalulong
sa online?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Papanoorin natin ang pelikulang RPG
sa bagong aralin Metaoia. Italaninyo ang mga obserbasyon
kaugnayng pelikula.Sapat na ang
maikling tala o parirala sa pagsabing
obserbasyon.
Halimbawa
Makulit na bata masayang laro
Mabuting ina kalabang malupit

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagtsek sa mga sagot ng bata.


at paglalahad ng bagong Isulat sa pisara.
kasanayan #1 Makulit na bata masayang laro
Mabuting ina kalabang malupit
Anong kataga ang nagdudugtong ng
salitang makulit at bata, Mabuti at
ina,masaya at laro,kalaban at malupit?
Ano ang tawag ditto? (Pang-angkop)
E. Pagtalakay ng bagong konsepto Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.
at paglalahad ng bagong 1. Maraming mga Pilipinong
kasanayan #2 manggagawa sa ibang bansa.
2. Karamihan sa kanila ay nakapagbigay
ng maayos na pamumuhay sa kanilang
pamilya.
3. Dumaranas ngayon ang ating bansa
ng problema sa hanapbuhay.

Ano ang salitang may salungguhit sa


unang pangungusap? Saang salita ito
ikinabit? Anong titik ang sinusundan ng
salitang ng? Kapag ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa i,ano ang ating
ginagamit ? Bukod sa i, lahat ng salitang
nagtatapos sa patinig ay ginagamitan
natin ng pang-angkop na ng.
(Talakayin ang gamit ng g at na bilang
pang-angkop sa mga sumusunod na
pangungusap)
F. Paglinang sa kabisahaan Punan ng wastong pang-angkop ang
(Tungo sa Formative patlang.
Assessment) 1. Matulin ___ tumakbo si Lydia de Vega.
2. Umiyak ang bata nang minsan__
iwanan ng nanay.
3. Ang mga mag-aral ay matatalino___
bata.
4. Binigyan ko siya ng mababango__
bulaklak.
5. May ibibigay akong sampu__ bulaklak.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Pangkatang Gawain
araw-araw na buhay A- Lagyan ng pang-angkop ang
sumusunod:
1.dahil gusto ____ kumita nang malaki.
2.bata __ malinis
3.namimiligro ___mawalang species
4. binabaril ___ mga ibon
5. kinakatay _____ malalaking isda.
B- Magmasid sa loob ng silid –
aralan.Sumulat ng 5 pangungusap na
ginagamitan ng pang-angkop.

C- Interbyuhin ang isang kapangkat


tungkol sa kanyang kinahihiligan.
Pagkatapos, bumuo ng isang talata
tungkol dito gamit ang mga pang-angkop.

D- Field trip
Mamasyal sa loob ng paaralan.Sumulat
ng isang saknong ng tula tungkol sa
iyong namasid habang naglalakbay gamit
ang png-angkop.
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang pang-angkop?
Kailan ginagamit ang pang-angkop na g?
Kailan ginagamit ang pang-angkop na
ng?
Kailang ginagamit ang pang-angkop nan
a?
I. Pagtataya ng Aralin Punan ng pang-angkop ang teksto.
Paraan ng Pagkain
Dumudumi raw ang paligid dahil marami
__(1)__ tao ang hindi marunong kumain
nang wasto.
Si Boyet ay kakaiba __2)__ kumain ng
bubble gum.Ang bubble gum __(3)
nginuya ay hindi niya sa basurahan
itinapon kundi idinikit niya sa ilalim ng
desk o silya.Di ba ito‘y malaki__(4)_.
Si Diana naman ang pinagbalatan ng
kendi ay walang humpay __(5)_
itinatapon sa bag ng katabi kung kaya
malimit silang mag-away.
Ilan lamang ang mga ito sa hindi wastong
paraan ng pagkain ng mga bata.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Region XII
Sangay ng Kidapawan

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO NG FILIPINO VI


Iatlong Markahan
Linggo 7 Araw 3

1.LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
iba‘t-ibang uri ng teksto at napalalawak ang
A. Pamantayang Pangnilalaman talasalitaan.
Naipamamalas ang iba‘t-ibang kasanayan
upang maunawaan ang iba‘t-ibang teksto.
Nakabubuo ng isang timeline ng binasang
teksto, napagsusunod-sunod ang mga
B. Pamantayan sa Pagganap hakbang ng isang binasang proseso at
nakapagsasaliksik gamit ang card catalog o
OPAC
Nasasagot ang mga tanong na bakit at
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto paano F5PB-IIIG-3. 2

II NILALAMAN
Pagsagot sa mga tanong na Bakit at Paano

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian K TO 12 CG PAHINA 100
1. Pahina sa Gabay ng Guro
2. Pahina sa Kagamitan ng Mag- ALAB FILIPINO5 pp.150
aaral
3. Pahina sa Batayang Aklat
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
Learing Resources (LR) portal
B. Iba pang kagamitang panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Bakit mahalaga ng palagi tayong
at/o pagsisimula ng bagong nagbabasa?
aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pagtapat-tapatin ang mga salitang
magkakasingkahulugan. Sabihin ang
tamamg sagot.
A B
1. Namamasdan a. daan
2. Namukadkad b.tinitinganan
3. Aba c. ilaw
4. Buko d.pagdaan
5. Munti e. matikman
6. Pagtahak f. bubot
7. Landas g. ibigay
8. Tanglaw h. kawawa
9. Igawad i. ibuka
10. malasap j. maliit
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa May nakikita ba akayong kulisap sa inyong
sa bagong aralin kapaligiran? Ano-ano ang mga kulisap ang
nakatutulong sa ating kapaligiran?
Pagbasa ng tula: Kaming Mga Kulisap
Paru-paro: Ako‘y paru-parong inyong
namamasdan
Na lilipad-lipad sa mga bakuran
Kusang dumadapo sa mga halaman
Nagbibigay-kulay sa kapaligiran.
Bubuyog: Hindi man maganda sa aking
kaanyuan
At sadyang maingay kapg lumilipad
Ang abang sarili‘y may tulong na alay
Sa bukong bulaklak upang mamukadkad
Gagamba: Maruming kulisap na ang dala‘y
sakit
Tulad nitong langaw, langgam, lamok,ipis
Kapag sa sapot ko sila ay nadikit
Kusang mamamatay, hindi makaalis
Alitaptap: Alitaptap akong may munting
liwanag
Sa aking paglipad ay kikislap-kislap
Nagsisilbing gabay sa aking pagtahak
At tanglaw sa gabing madilim ang landas
Paru-paro, Bubuyog, Gagamba at
Alitaptap:
Kami‘y ilan lamang sa mga kulisap
Na may karaingat‘t munting pakiusap
Ang Pagmamalupit ay huwag igawad
Sana‘y pagmamahal an gaming malasap
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagsagot sa mga tanong:
at paglalahad ng bagong 1. Sino-sino ang mga tauhan sa tula?
kasanayan #1 2. Ano-anong tulong ang naibibigay ng
paru-paro, bubuyog, gagamba at alitaptap?
3. Ano ang kanilang ipinapakiusap?
4. Paano sila nakatutulong sa ating
kalikasan
5. Bakit kaya sila pinagmamalupitan
E. Pagtalakay ng bagong konsepto Paano mo nakuha ang mahahalang detalye
at paglalahad ng bagong sa binasang tula?
kasanayan #2 Ano-ano ang mga tanong na dapat mong
sagutin upang makuha ang mahahalagang
tala?
Ano ang sinasagot ng tanong na paano?
Ano ang sinasagot ng tanong na bakit?
F. Paglinang sa kabisahaan (Tungo Pangkatang Gawain
sa Formative Assessment) Pangkat I- Iguhit ang mga kulisap na
nabanggit sa tula. Ilarawan ang mga ito.
Pangkat II- Gumawa ng tula na nagsaad
kung bakit mahalaga ang mga kulisap.
Pangkat III-Sumulat ng mga paraan kung
paano makakatulong upang huwag mawal
ang mga mahahaagang kulisap sa ating
kapaligiran.
Pangkat IV-Gumawa ng islogan tungkol sa
kahalagahan ng mga kulisap.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Ang mga kulisap ay bahagi n gating
araw-araw na buhay kalikasan. Ang patuloy nating
pagwawalang pagpapahalaga rito ay
nagbabadya ng pagkaubos ng mga kulisap
na tumutulong upang manatiling ligtas an
gating kapaligiran. Nakita mong naglalaro
ang iyong kapatid at ang mga kalaro nito
ng gagamba. Ano ang nararapat mong
gawin?
H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang mga dapat tandaan sa
pagkuha ng tala sa binasang teksto?
Kapag ang salita /parirala ay
nagpapahayag kung paano ginanap ang
kilos, ito ay isang pang-abay na pamaraan.
Sumasagot ito sa tanong na paano.
Hal. Madiin sumulat ang bata sa papel.
Padabog na isinara ng babae ang pinto.
Kapag ang salita o parirala ay
nagpapahayag ng dahilan, ito ay nagsasabi
ng sanhi. Sumasagot ito sa tanong na
bakit.
Hal. Malakas ang ulan at hangin dahil sa
bagyo
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang tekstoat sagutin ang
sumusunod na katanungan:
Isang araw si Grace ay nagkasakit. Hindi
siya makakain nang ayos. Halos araw-araw
ay maingat siyang inaalagaan ni Lester.
Maagang gumigising si Lester upang
magtungo sa Bagong Palengke ng mga
sariwang prutas at gulay. Ito lamang ang
naiibigang kainin ni Grace. Makalipas ang
dalawang araw ay magaling na si Grace
subalit si Lester naman ang
nagkatrangkaso. Kaya si Grace naman ang
nag-alaga sa kanya. Sinisiguro niya na
maayos na nakakain si Lester at naiinom
ang gamot ng tama sa oras. Kaya naman
hindi nagtagal at gumaling na rin si
Lester.Nagpasalamat sila sa Diyos at hindi
na nila kailangang magpa-ospital. Noog
sumapit ang Linggo ay sama-sama silang
pamilya na nagsimba.
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhans
sa kuwento?______________
2. Ano ang nangyari sa
kanila?________________________
3. Saan at kalian naganap ang
pangyayari?________________
4. Paano sila
gumaling?______________________
5. Bakit sila nagpasalamat sa
Diyos?_______________________
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Region XII
Sangay ng Kidapawan

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO NG FILIPINO V


Ikatlong Markahan
Linggo 7 Araw 4

I. LAYUNIN

Naipamamalas an gang iba’t ibang


A. Pamantayang Pangnilalaman kasanayanupang maunawan ang iba’t ibang
teksto.
Nakagagawa ng nakalarawang
B. Pamantayan sa Pagganap balangkasupang maipahayagang nakalap
na impormasyon o datos.
Nakakukuha ng tala buhat sa binasang
teksto.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipapakita ang pagtanggap ng mga idea
ng nabasang akda/teksto.
F5EP-IIIc-c-10
II NILALAMAN
Pagkuha ng Tala Buhat sa Binasang Teksto
Pagpapakita ng Pagtanggap ng mga Idea
ng nabasang Akda/Teksto

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian K TO 12 C PAHINA 100
1. Pahina sa Gabay ng Guro
2. Pahina sa Kagamitan ng Mag- ALAB FILIPINO 5pp.150-151
aaral
3. Pahina sa Batayang Aklat
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa Learing Resources (LR)
portal
B. Iba pang kagamitang panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Paano mo masasabi na naintindihan mo ang
at/o pagsisimula ng bagong kwentong iyong binasa?
aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sa ating pagbabasa, ano an gating
nakukuha?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Sino-sino sa inyo ang mahilig maglaro ng


sa bagong aralin computer?
Ano-anong impormasyon ang nakukuha
mo?
Maganda ba ang naidudulot nito sa inyo?
Bakit?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Ipabasa ang Teksto sa aklat 150


at paglalahad ng bagong
kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto Ipasagot ang mga tanong sa pp.151 “Pag-
at paglalahad ng bagong unawa sa Binasa”
kasanayan #2 1. Sino ang batang si Nico sa kwento?
Ilarawan si Nico.
2. Ipaliwanag ang larong MMORPG. Bakit
nalululong ang kabataan sa ganitong uri ng
paglalaro ng computer? Payunayan.
Paano ka makakatulong upang maibaling
ang atensyon ng kabataan mula sa
paglalaro ng computer?

F. Paglinang sa kabisahaan Ano- anong impormasyon ang nakukuha mo


(Tungo sa Formative sa tekstong binasa?
Assessment)
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Ipagpalagay mong nalulong ka sa paglalaro
araw-araw na buhay ng computer, Paano mo ito ito matitigil?

Pangkatang Gawain
Rubrik
Kawastuhan ng sagot--------------------------5
Kalinawan ng pag-uulat-----------------------5
Oras -----------------------------------------------5

H. Paglalahat ng Aralin Sa iyong pagbabasa, ano-ano ang dapat


mong tandaan?

I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang teksto. Magtala ng limang


impormasyon na nakuha mo sa teksto.

Online Public Access Catalog


Alam mo ba ang OPAC ? Ito ay
nangangahulugang online public access
catalog. Ito rin ay simpleng library catalog
kung saan natutukoy mo ang lokasyon ng
mga aklat , periodicals, audio visual
materials at iba pang bagay na nasa isang
aklatan.
Ano ang kaibahan nito sa card catalog? Ito
ay may access sa internet na nagiging
madaliang paghanap ng mga aklat kumpara
sa mga lumang sistema ( Dewey Decimal
System). Ito ang electronic na version ng
card catalog. Ang paghanap ng aklat ay may
sistema na program na basta i-click mo at
mahahanap mo an lokasyon ng aklat sa
isang aklatan. Malalaman mo rin kung nasa
estante pa ang aklat o may mga nakahiram
na nito.
Wow, ang bilis naman ng proseso! Kaya
dapat ang mga aklatan sa Pilipinas gumamit
na ng ganitong teknolohiya. Pwede kaya ito,
ngayon na.
Subalit ang malaking gastos ng sistemang
ito ang malaking hadlang sa malawakang
paggamit ng OPAC.

(Isinalin sa wikang Filipino mula sa


https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_next-
generation_library_catalogs)
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punong guro at
superbisor?
G. PAnong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Region XII
Sangay ng Kidapawan

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO NG FILIPINO VI


Ikatlong Markahan
Linggo 7 Araw 5

1.LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring panood ng iba‘t ibang uri ng
A. Pamantayang Pangnilalaman
media

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng ulat tungkol sa pinanood


Nakapagbibigay ng ibang wakas para sa
pelikulang napanood at naibabahagi ito
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
sa klase sa isang kakaibang paraan
F5PD-III b-g-15
II. NILALAMAN
Pagbibigay ng Ibang Wakas para sa
Pelikulang Napanood
F5PD-III b-g-15
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian K to 12 CG pahina 100
1. Pahina sa Gabay ng Guro
2. Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral
3. Pahina sa Batayang Aklat
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
Learing Resources (LR) portal
B. Iba pang kagamitang panturo Tv, laptap (Search Gogle Mga kwentong
pambata)
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Baybayin:
pagsisimula ng bagong aralin Metanoia multiplayer online
Massively computer shop shelter
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sino-sino ang mahilig manood ng programa
sa tv? Nakatutulong ba ito sa inyong pag-
aaral?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ngayong ay ating panonoorin ang
bagong aralin pelikulang “RPG METANOIA.”
Pagpapaalala sa mga pamantayan sa
panonod ng tv.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na
paglalahad ng bagong kasanayan #1 baguhin ang wakas ng kwento ,paano mo
ito bibigyan ng wakas?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatang Gawain.
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Manonood kayo ng isang kwentog pambata
at pakatapos ipapakita ninyo kung paano
ninyo ito ibahin ang wakas.
Rubrik
Kagandahan ng pagpapakita------------------5
Kalinawan ns boses------------------------------5
Partisipasyon--------------------------------------5
Oras--------------------------------------------------5
F. Paglinang sa kabisahaan (Tungo sa
Formative Assessment)
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw- Ipasagot sa mga bata ang mga tanong na
araw na buhay Akma sa pinanood na pelikula.
H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang ntutuhan mo sa aralin
ngayon?
I. Pagtataya ng Aralin
J. Karagdagang gawain para sa takdang-
aralin at remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remidediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punong guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like