You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
KIDAPAWAN CITY DIVISION
AMAS CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LESSON LOG IN ARALING PANLIPUNAN V


FIRST QUARTER
IKASAMPUNG LINGGO – IKALAWANG ARAW

I. LAYUNIN
a. Pamantayang
Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang
mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng
lahing Pilipino upang mapahalagahan ang konteksto
ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino
at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan
ng Pilipinas

b. Pamantayan sa
Pagaganap Ang mga mag-aaralay naipamamalas ang
pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahalagang konteksto ng
kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga
teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino

c. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Isulat ang 11.2.a. Nasusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba
code ng bawat ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa
kasalukayan
kasanayan)
11.2.b. Nakagagawa ng ilustrasyon ng
pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang
panlipunan ng sinaunang Pilipino sa kasalukayan
11.2.c. Nakikiisa sa mga gawaing may kaugnayan
sa paksa
AP5PRE-11a-1

II. NILALAMAN
Kagawiang Panlipunan ng Sinaunang Pilipino sa
Kasalukuyan

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay Gabay Pangkurikulum, Araling Panlipunan 5, pp.108
ng Guro ng 240
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang- Pamana 5 pp.8-15,
Mag-aaral https://www.scribd.com/document/350469994/Aralin-11-
Mga-Kagawiang-Panlipunan-Ng-Mga-Sinaunang-Pilipino-Lm

3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
5. Iba pang Kagamitang
Panturo Laptop, larawan tsart, metacard, Fact Sheet,
powerpoint presentation

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin at/o 1. Balitaan
pagsisimula ng
2. Balik-aral
bagong aralin
 Ano ang kahulugan ng salitang Islam?
 Ano ang tawag ng mga Muslim sa kanilang
Panginoon?
 Sino si Muhammad?
 Ano ang masasabi mo tungkol sa paniniwala
ng mga Muslim sa kanilang relihiyon?

B. Paghahabi sa layunin
ng aralin Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin


at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ating mga ninuno ay walang mga gusaling


pampaaralan at ang kanilang mga guro ay ang
kanilang mga ___________.
A. Tiya B. Magulang C. Lolo D. Lola

2. Ang karaniwang pinag-aaralan ng mga


kababaihan ay patungkol sa pamamahay. Sila ay
naghahanda para sa _____.
A. Tao B. Pagiging mabuting maybahay
C. Mamamayan D. Kapatid

3. Ang pag-aaral ng ating mga ninuno ay walang


nakatakdang oras. Ang sistema ng edukasyon noon
ay ____________.
A. Pormal B. Di-pormal
C. Di pangkaraniwan D. Pangkaraniwan
4. Sumusulat sila sa mga dahon, balat ng punong
kahoy at biyas ng kawayan. Gumagamit sila ng
kutsilyo, matutulis na bagay at katas na halaman
bilang tinta. Ano ang tawag sa matutulis na bagay?
A. Botoan B. Lubus C Sipol D. Alibata

5. Noong unang panahon ang ating mga ninuno ay


naninirahan sa mga kweba. Pinili nila marahil ang
mga lugar na ito upang maging ligtas sa
____________.
A. Malaking ahas B. Malalakas na bagyo
C. Mga kaaway D. Mga dayuhan

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Ano ang inyong masasabi tungkol sa kalagayang
aralin panlipunan ng mga unang Pilipino?

D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at https://www.scribd.com/document/350469994/Aralin-11-
paglalahad ng bagong Mga-Kagawiang-Panlipunan-Ng-Mga-Sinaunang-Pilipino-Lm
kasanayan #1
ALAMIN MO

Bago pa man dumating ang mga espanyol sa Pilipinas ay


taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang isang mayamang
kulturang maipagmamalaki hanggan sa kasalukuyan. Ang
mga Sinaunang Pilipino ay may natatanging kultura
bago pa man sila makipag-ugnayan sa mga dayuhan.
Nakapaloob sa kulturang ito ay ang mga kagawiang
panlipunan na nagpayabong sa ating sinaunang
kabihasnan.

Panliligaw at Pag-aasawa.

May kaugalian ang mga unang Pilipino na mag-asawa sa


babae o lalaking nabibilang sa uri ng lipunang kinabibilangan
nila. Ngunit ang ganito’y hindi mahigpit naipinatutupad. Ang
datu ay karaniwan nang nag-aasawa sa pamilyang
nabibilang sa uring datu;ang maharlika ay nag-aasawa ng
maharlika rin, at ang alipin ay nag-aasawa ng gaya rin
niyang alipin. Ngunit gaya ng nasabi na, ang kaugaliang ito’y
hindi lubos na sinusunod. Ang maharlikang may hangad
mag-asawa ng alipin ay hindi pinagbabawalang mag-asawa
rito, atang datung nais mag-asawa ng maharlika ay malaya
ring nag-aasawa ng nais niyang maging asawa. Ang
babaeng hindi asawa ng isang lalaki ngunit may di-
karaniwang kaugnayan doon ay tinatawag na kaibigan, na
kung bigkasin ay kaibigan, na ang ibig sabihi’y kapwa nag
-iibigan.Sa kanilang batas na batay sa kinamulatan at
kinaugalian, ang mga anak sa asawa ay lehitimong tunay,
samantalang ang mga anak sa labas, wika nga, ay hindi
tunay kaya’t hindi maaaring magmana ng ari-arian sa
kanyang ama. Ang pag-aasawa noong unang
panahon ay hindi madali, sapagkat ang lalaki ay
maraming pagdaraanang mga “baitang”, kung baga sa
hagdan, bago maging karapatdapat sa mga magulang ng
babaing pinipintuho. May ugali noon na hangga ngayo’y
sinusunod sa isang liblib na pook ng Pilipinas na ang
nanliligaw ay maglilingkod muna sa mga magulang ng
dalaga sa loob ng ilang buwan o kung minsa’y mga taon.
Mahirap ito, kung sa ngayon, ngunit noon ang mga lalaking
umiibig ay handang magpakasakit at magtiis ng hirap alang-
alang sa kanyang minamahal. Ang lalaki’y nagsisibak ng
kahoy, umiigib, at gumagawa ng ano mang bagay na iutos
sa kanya ng mga magulang ng dalaga. Sa likod ng
mataimtim na paglilingkod na ito ay hindi pinahihintulutang
makipag-usap ang lalaki sa dalaga; mga mata lamang nila
ang nag-uusap at napapahayag ng kani-kanilang
dinaramdam. Walang pagkakataong magkausap
ang dalawa sapagkat mahigpit ang mga magulang na ang
mga mata’y tinatalasan upang hindi sila masalisihan, wika
nga, ng lalaking may kabilisan. Matapos matanto ng mga
magulang ng dalaga na ang nanliligaw ay karapatdapat, ang
pagsang-ayon ng mga yaon ay ipakikilala sa lalaki,
datapwa’t ang ganitong pagsang-ayon ay may kondisyon:
siya’y magkakaloob ng bigay-kaya o dote sa mga magulang
ng dalaga. Ang bigay-kaya ay karaniwan nang lupa, ginto, o
anomang ari-ariang mahalaga. Bukod diyan ay magbibigay
rin ang binata nang pang-himuyat samga magulang ng
dalaga, na maaaring salapi, bilang bayad sa mga araw at
gabi ngpagbabantay at pagpupuyat ng mga magulang
mulang pagkabata hanggang magdalaga. Bukod pa riyan
ay magbibigay rin ang kahabag-habag na binata ng
tinatawag na bigay-suso sa nag-alagang yaya ng dalaga
bilang ganti sa kanyang pagpapasuso rito. At bukod pa rin
diyan ay magbibigay rin ang binata ng himaraw sa ina ng
dalaga bilang bayad sa kanyang pagpapasuso
sa dalaga ng ito’y sanggol pa.

Ang lahat ng ito’y inaayos ng mga magulang ng


dalaga sa kanilang pakikipag-usap sa mgamagulang
ng binata. Kung ang hinihiling ng mga magulang noon ay
hindi maibibigay ng mga magulang ng binata ay
nagkakaroon ng tinatawag na tawaran hanggang sa
pumayag ang panig ng dalaga. Ito’y tinatawag na
pamumulungan o pamamalae. Kapag naayos na ito, ang
kasal ay isusunod.

Ang Kasal.
Ang paraan ng pagkakasal ay iba-iba ayon sa katayuan ng
isang tao sa lipunan.Sa mga may dugong mahal, wika nga,
ang panliligaw ay dinaraan sa tagapamagitan.Pagkatapos
na maayos ng mga magulang ang tungkol sa pag-aasawa
ng kanilang mga anakay ipakukuha ang nobya sa isang
tagapamagitan. Pagdating sa paa ng hagdan ng bahay
nglalaki ang dalaga ay magkukunwang nahihiya at hindi
agad papanhik. Dudulutan siya ng ama ng lalaki ng isang
regalo at siya’y papanhik na. Pagkapanhik ay hindi tutuloy sa
kalooban ng bahay hangga’t hindi siya nadudulutan ng isa
pang regalo. Pagkapasok sa loob ng bahay ay hindi uupo
ang dalaga at bibigyan na naman siya ng isa pang regalo.
Hindi kakain o iinom ang dalaga hangga’t hindi nadudulutan
ng regalo. Pagkatapos nito, ang dalaga’t binatang ikakasal
ay iinom sa isang tasa. Sa bahaging ito ay ipahahayag ng
isang matandang lalaki namagsisimula na ang seremonya.
Isang matandang babaing may tungkuling pagka-pari
anglalapit sa ikakasal, pagdadaupin ang kanilang mga
kamay sa ibabaw ng isang pinggang bigas,
at kasabay ng isang hiyaw ay ihahagis ang bigas sa mga
panauhin. Ito’y gagantihin ng malakas na hiyawan ng mga
panauhin at ang kasal ay tapos na.Sa mga mahadlika, ang
paghahagis ng bigas ay hindi ginagawa, samantalang sa
mga alipin ang pagkakasal ay nagsisimula at natatapos sa
tanong ng lalaki na “Pakakasal ka baga saakin?” At kung
umoo ang dalaga ay inaaring kasal na sila.

Ang Edukasyon

Di pormal ang edukasyon ng ating mag ninuno. Edukasyong


pangkabuhayanang tinuturo ng Ama sa mga anak na lalaki
at pantahanan naman ang mga kababaihan. Sakabuuan,
ang kanilang pagtutro ay upang ihanda ang kanilang mga
nak na maging mabuting ama at ina ng tahanan.Sa kabila
ng mga paghahandang iyan, napatunayang napakahalaga
ng edukasyong Pilipino para sa ating mga ninuno. Ayon sa
mga pagsusuri ni Padre Chirino,isang Kastilang manunuriat
mananaliksik, ang halos lahat ng babae at lalaki ay
marunong bumasa at sumulat ngkatutubong alfabeto. Ang
sinaunang katutubo ay may alpabetong kilala sa
tawag na alibata. Ito ay binubuo ng labimpitong
simbolo na kumakatawan sa mga titik. Tatlo lamang ang
patinig at labing-apat angkatinig. May kaibahan kaya ito sa
kasalukuyang alpabeto?

Ang pamilyang Pilipino

Ang pamilya ay kinikilalang pinakamaliit ngunit siyang


pinakamahalagang pangkat ng lipunan. Ang isang
pangkaraniwang pamilyang Pilipino ay binubuo ng ama, ina
at mga anak. Patriarka ang pamilyang Pilipino dahil ang ama
ang kinikilalang puno, tagapagbigay ng mga
pangangailangan at tagapagtanggol ng kanyang mgaanak.
Ang ina, sa pag-aaruga ng kanyang mga anak. Mataas ang
pagtingin at pagkilala sabawat pamilya. Ang lipunan ay lubos
na umaasa sa kagandahang-asal at pag-uugali ay dapat na
matutuhan at malinang sa loob pa lamang ng isang tahanan.

Ang Paglilibing at Pagluluksa

Iba’t aba ang paraan ng paglilibing n gating mga ninuno. Ang


bawat paraan ay ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Isang
paraan ay ang pagsisilid ng buto sa isang gusi o urna. Ang
takip ng gusi ay sumasagisag sa kalagayan o katayuan sa
buhay ngnamayapa, gayundin ang kasarian nito. Ang ilan
naman sa namamatay ay inililibing sa yungib o gubat.
Karaniwang isinasama ang mga kagamitan tulad ng
paboritong damit at alahas nito. Putiang kulay ng pagluluksa.
Ang pagluluksa ay may akmang katawagan ayon sa
kasarian.Larao kung datu, Morotal kung babae at
Maglahi kung lalaki.

Mga Tanong:

1. Paano pinaghahadaan ang pag-aasawa sa


sinaunang lipunan ng ating mag ninuno?

2. Sa paanong paraan ipinakita ng ating mag ninuno


ang pagpapahalaga sa edukasyon?

3. Paano isinasagawa ang paglilibing noon ng mga


sinaunang Pilipino?

E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at Pangkatang Gawain
paglalahad ng
Pangkatin ang klase sa limang (5) pangkat.
bagong kasanayan
Bibigyan ang bawat pangkat ng activity card /
#2 envelop at nakasulat doon ang mga dapat gagawin
ng mga bata sa pangkatang gawain.

Gawain 1
Iguhit sa mga kahon sa ibaba ang halimbawa o simbulo ng
mga konseptongnasa loob ng bawat kahon.

Pag-aaral Panliligaw

Kasal Ugnayan sa Pamilya

Gawain 2
Pangkatin ang mga bata. Ipasuri ang
pagkakapareho ng kagawiang panlipunan sa
pamamagitan ng Venn Diagram

F. Paglinang sa
Kabihasan Pag-uulat ng mga bata ng kanilang ginawang
(Tungo sa Formative awtput.
Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na Pagpapahalaga
buhay  Ano ang nadarama mo tungkol sa lalagayang
Panlipunan ng mga unang Pilipino?
 Paano mo ito maipamamalas sa iyong
kapwa?

H. Paglalahat ng Arallin Pagkakapareho ng kagawiang panlipunan


 Mataas ang pagtingin at pagpapahalaga ng
lipunan sa mga kababaihan.
 Ang karapatan at tungkulin sa pamayanan
ng mga babae at lalaki ay magkapareho.
Pagkakaiba ng Kagawiang Panlipunan
 Ang kayarian ng mga tahanan ng mga
sinaunang Pilipino at ngayong kasalukuyan
ay may pagkakaiba.
 Iba ang paraan ng Edukasyon ng mga unang
Pilipino sa kasalukuyan.
 Iba‟t iba ang antas ng kalagayan sa lipunan
ng mga tao noong unang panahon sa
kasalukuyan
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong , piliin
at isulat ang titik
ng tamang sagot.

1. Ang ating mga ninuno ay may magandang


kagawian na ipinamana sa atin na hanggang
ngayon ay atin pa ring ginagawa. Ano ito?
A. Mataas na pagtingin at pagpapahalaga sa mga
kababaihan.
B. Pagiging masipag sa pagluluto.
C. Pagiging mahusay sa paggamit ng sandata.
D. Kahusayan sa paggawa ng mga kagamitang
pandigma.

2. Noon pa man ay may paraan na ng edukasyon


ang ating mga ninuno. Sa kasalukuyan ay patuloy
pa rin ang pag-aaral ng Pilipino. Bagaman magkaiba
ang sistema ng edukasyon noon at ngayon
masasabing ang mga Pilipino ay mahuhusay . Ano
ang sistema ng edukasyon noong unang panahon.
A. Pormal B. Di- Pormal
C. Mataas na edukasyon D. Katamtamang pormal

3. Ang mga babae at mga lalaki sa lipunan ay may


karapatan at tungkuling ginagampanan. Ano ang
masasabi mo sa karapatan at tungkulin noon at
ngayon ng mga Pilipino?
A. Magkapareho B. Magkaiba
C. Hindi pantay D. Magkahawig

4. Ang mga alipin ang pinaka mababang uri. Sila ay


naging alipin dahil sa sumusunod maliban sa isa.
Alin sa mga ito?
A. Nadakip sila sa digmaan.
B. Ipinanganak sila ng mga magulang na alipin.
C.Kaparusahan sa isang kasalanan
D. Kapabayaan sa mga gawain.

5. Ang mga unang ninuno natin ay marunong


sumulat. Gumagamit sila ng balat ng kahoy, mga
dahon ng halaman, at katas ng halaman ang
ginagamit na tinta. Matutulis na bakal at dulo ng
kutsilyo ang ginagamit na panulat. Ano ang tawag
sa matutulis na bagay?
A. lapis B. Sipol C.Lubus D. pakpak ng manok
J. Karagdagang gawain
para sa takdang-aralin Magtanong sa matatanda tungkol sa uri ng
at remediation pamahalaan ng mga unang Pilipino.

Mga Tala
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

CELIA MYRNA M. FILIPINAS


Master Teacher II

Iniwasto ni:

ARNEL P. CIPRIANO
Principal I

You might also like