You are on page 1of 4

Rehiyon 12 (SOCCSKSARGEN)

l.Mga Layunin sa Pag aaral:


1. Natutukoy ang rehiyon ng SOCCSKSARGEN at mga lalawigan nito.
2. Natatalakay ang ibat ibang literatura ng rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
3. Naipapakita kung paano magiging inspirasyon ang mga nakilalang manunulat ng
rehiyon sa mga kabataan sa kasalukuyan.

ll. Paksang Aralin


A.Paksa : Rehiyon 12 ( SOCCSKSARGEN)
B. Sanggunian: Aklat
C. Kahalagahan: Pagkamakabayan
D.Kagamitan: Tarpapel, Aklat, larawan at mapa
E. Balyu: Pagpapahalga sa Yaman ng Rehiyon 12

lll. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Balik- aral
Itanong: ano ang tinalakay na rehiyon
kahapon?magbigay ng inyong natutunan
tungkol sa rehiyong tinalakay.
b.Pagganyak
Ipakita ang mapa ng Pilipinas. Ipaturo ang
Rehiyon Xll.
c. Paglalahad:
Sa inyong palagay tungkol saan ang paksang pag-aaralan
natin ngayon araw? Tungkol sa Rehiyon Xll
Magaling mga bata!
d. Pangganyak na Tanong:
• Ano-anu ang inyong nakikita sa mapa?

B. ARALIN:
Pagbasa sa aklat
(Bigyan ng sapat na oras ang mga mag aaral upang
mabasa ang teksto).
e. Pagtatalakay
 Ituro kung saan matatagpuan ang mga lalawigan
na napapabilang sa rehiyon.
 Talakayin ang bawat lalawigan.
 Isunod na talakayin ang mga literatura at mga
halimbawa nito na nag mula sa
SOCCSKSARGEN.
 Talakayin ang mga tanyag na manunulat na
nagmula sa rehiyong ito at kung ano ang kanilang
mga naisulat.
f. Pangkatang Gawain:
A. Pagbibigay ng mga pamanatayan:
• Bago natin simulan ang inyong pangkatang gawain,
anu-ano ang mga dapat nating tandaan sa paggawa ng
isang pangkatang gawain?
Magaling mga bata!?
B. Pagbibigay ng "Pangkatang gawain"
• Ngayon mayroon ako ritong dalawang envelope. Nasa
loob ng envelope na ito ang iyong mga gawain. Ang
kinakailangan ninyong gawin ay basahin at unawain ng
mabuti ang bawat panuto. Bibigyan ko lamang kayo ng
15 minuto para tapusin ang inyong mga ginagawa.
Pagkatapos ay ipaskil sa pisara ang inyong mga gawa.
• Mayroon pa bang mga katanungan?
• Kung wala ng mga tanong maaari na kayong
magsimula.
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat:
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng mga
literatura na nagmula sa SOCCSKSARGEN at magbigay
ng maikling diskripsiyon sa mga literaturang napili.
Pangalawang Pangkat:
Panuto: Ilista ang mga lalawigan na napapabilang sa
rehiyon Xll at ibigay ang kanilang mga sukat,diskripsiyon
at iba pang datos.

Pangatlong Pangkat:
Panuto: Magbigay ng mga Pangalan ng mga
manunulat na naging tanyag sa rehiyon ng soccsksargen.
Itala rin ang kanilang mga naisulat at bigyan ng maikling
diskripsiyon

g. Paglalahat:
• Ano ang mahalagang aralin ang natutuhan niyo
ngayong araw?
h. Pagpapahalaga
Bilang mag aaral paano mo maipapakita ang
iyong pagpapahalaga sa mga literatura at mga manunulat
ng rehiyong SOCCSKSARGEN?

PAGSUSULIT
PANUTO: ibigay ang kahulugan ng akronym na pangalan ng rehiyong SOCCSKARGEN.
SO______________
C________________
C________________
S________________
K_________________
SAR_______________
GEN_______________

PANUTO: Ihanay ang column A sa column B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
COLUMN A A. JAIME AN LIM
1. ISANG MAKATA, B. TULTOL
MANANAYSAY AT C. MASAYANG KUWENTO
KUWENTISTA. MAY AKDA NG D. KUWENTO NG MGA ISDA AT
“THE LIBERATION OF FIDELE IBON
MAGSILANG” E. CHRISTINE GODINEZ- ORTEGA
2. NAGING EDITOR SIYA NG
SAND AND CORALS.
3. MGA KUWENTONG BAYAN NG
MGA MARANAO.
4. TULTOL NA
PINAKAKUYAKUYAD
5. TULTOL A SUDA AGO
PAPANOK

COLUMN B
KEY ANSWER:
PANUTO: ibigay ang kahulugan ng akronim na Pangalan ng rehiyon.
SO uth
C otabato
S ultan
K udarat
SAR anggani
GEN eral santos

PANUTO: Ihanay ang column A sa column B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. A. JAIME AN LIM
2. E. CHRISTINE GODINEZ- ORTEGA
3. B. TULTOL
4. C. MASAYANG KUWENTO
5. D. KUWENTO NG MGA ISDA AT IBON

You might also like