You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

3
LIEZEL T. PANGANIBAN
PAMANTAYANG PAGKATUTO: Nakagagawa ng isang payak na mapang kultural na
nagpapakilala ng kultura ng ibat ibang lalawigan sa
rehiyon.

I.

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. matukoy ang gamit at bahagi ng mapang kultural;
2. mapahalagahan ang kultura ng ibat ibang rehiyon sa anyo ng sayaw; at
3. makagawa ng isang payak na mapang kultural.

II.

PAKSANG ARALIN
Paksa: Mga Likhang Sining at Bagay Pangkultura (Mapang Kultural)
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kultura ng iba ibang rehiyon
Kagamitan: Larawan ng mga sagisag ng bansa at mga sayaw, mapa ng Pilipinas
Sanggunian:
1. Antonio, Eleanor D. et al. KAYAMANAN 3. National Capital Region.
Batayan
at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Rex Book Store, Inc.
Quezon City. 2015. pp. 253-282.
2. Katutubong Sayaw
http://www.ggogle.com/katutubongsayw/ref
3. Mapang Kultural
http://www.google.com/mapangkultural.gamitatbahagi/ref

III.

PAMAMARAAN
1. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng Liban
d. Pagbabalik-aral
2. Panlinang na Gawain
a. Pangganyak
Magkakaroon ng maikling laro ang klase.
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng Sagisag ng Pilipinas.

Kailangang matukoy ng mga mag-aaral kung ano ang mga ito.


Halimbawa:

Sampaguita

Kalabaw

Agila

Sepak
Takraw

Narra

Anahaw

Mangga
Isusulat ng mag-aaral ang kanilang sagot sa answer board na
ibibigay sa kanila ng guro bago magsimula ang laro.
Ang grupo na makakakuha ng tamang sagot ay makakaani ng
puntos.
Ang grupo na may pinakamaraming puntos ang siyang mananalo
sa palaro.
KATANUNGAN:

1. Ano ang mga tinutukoy ng larawan na ginamit sa laro?


2. Magbigay ng dahilan kung bakit naituring na sagisag ng
Pilipinas ang mga ito. Maaaring ilarawan ang mga Sagisag ng
ating bansa.
b. Pangunahing Gawain
Hahatiin ng guro ang klase sa apat na grupo.
Bawat grupo ay makakatanggap ng materyales na nakalagay sa
isang envelope. (naglalaman ito ng tatlong litrato ng sayaw at isang
papel)
SINGKIL

Nagmula sa komunidad ng Lanao del Sur sa


Mindanao

Hango sa alamat ng mga Maranao na


Darangan

Tungkol sa prinsesa na naglalakad sa gubat


kasama ang kanyang mga dama

Ginagamitan ng pamaypay na sumasagisag sa

TINIKLING

Sayaw na ipinangalan sa ibong tikling

Nagmula sa komunidad ng Leyte

Iniilagan ng mananayaw ang kawayan kagaya


ng pag-ilag ng ibong tikling sa mga magsasaka
na nanghuhuli sa kanila

Pabilis ng pabilis kasabay ng tugtog

MAGLALATIK

Nagmula sa Laguna kung saan maraming


pananim na niyog

Ginagamitan ng bao ng niyog na inilalagay sa


likod, dibdib, balakang at hita na pinapatunog
batay sa tugtog

SAYAW SA BANGKO

Nagmula sa Pangasinan

Sumasayaw ang kapareha sa ibabaw ng makitid


na bangko

Kailangang matukoy ng mga mag-aaral kung alin sa tatlong litrato


ang nilalarawan sa nakasulat sa papel. Isa lamang sa tatlong litrato
ang tutugma sa inilalarawan ng nakasulat dito.
Matapos matukoy ng grupo ang litratong inilalarawan sa pahayag
na nakasulat sa papel, kailangang maidikit ito sa pisara kung saan
may nakadikit na mapa ng Pilipinas. Ituturo nila kung saan
nagmula/naging tanyag ang sayaw sa pamamagitan ng pagkakabit
ng tali sa larawan at sa lugar.

KATANUNGAN:
1. Ano ang ipinapakita ng mga larawan na inyong idinikit sa
pisara?
2. Base sa mapa, maaari mo bang tukuyin kung saan nagmula o
naging tanyag ang sayaw na nakadikit dito?
3. May ibig sabihin ba ang mga sayaw na ito? Kung mayroon,
maaari mo bang ilahad ang ibig sabihin ng sayaw na ito?
4. Mahalaga ba ang mga sayaw na ito sa mga taong sumasayaw
nito o sa pangkat ng taong pinagmulan nito? Bakit?
5. Ano ang dapat gawin upang maipakita ang pagpapalaga sa
sayaw bilang isang likhing sining?
6. Ano ang inyong reaksyon sa mga taong nagsasabi na hindi na
kailangang tangkilin ang ganitong uri o halimbawa ng mga
sayaw dahil hindi na ito napapanahon?
c. Aralin

Tatalakayin ng guro kung ano ang napapansin o nakikita ng mga


mag-aaral sa harapan, gayundin, kung paano nagamit ang mapa sa
pisara.
Ipapaliwanag ng guro na ang tawag sa mapa na ginamit sa harapan
ay mapang kultural.
Upang maitalakay ng mas malalim ang mapang kultural,
tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang nakikita
nilang bumubuo dito.
Ipapaliwanag o tatalakayin ng guro ang mga bahagi ng mapang
kultural at ang gamit nito.
GRAPHIC ORGANIZER:

MAPANG KULTURAL

GAMIT

BAHAGI

nagpapakita ng mga
kultura na
maipagmamalaki ng ibat
ibang rehiyyon, lalawigan
o munisipalidad sa bansa

Bahagi ng bansa
(rehiyon,
lalawigan,atbp)
Mga kultura na
maipagmamalaki ng
ibat ibang lugar sa
bansa

d. Paglalapat
Bumuo ng isang mapang kultural ngPilipinas. Tukuyin kung saang bahagi
ng mapa o ng bansa kailangang ilagay ang mga sayaw na inilalarawan sa
ibaba.

PANDANGGO SA ILAW
sinasabing nag-simula sa
Mindoro
nahahalintulad sa mga alitaptap
(firefly) sa dapit-hapon at sa gabi
ito ay nangangailangan ng
kasanayan sa pagbabalanse ng
tatlong tinghoy
CARIOSA

Nagmula sa Panay island

ang isang babae ay may hawak na abaniko o panwelo


kung saan siya'y patago-tago sa kanyang napupusuan
na nagsasaad na ibig rin niya ang lalake subalit hindi
pa niya ito masagot ng oo, samantalang gayon din
ang binata na humahabol-habol at nagpapahiwatig na
sinisinta rin niya ang dalaga. Ang sayaw na ito ay
napakaraming bersiyon subalit ang indak ng
pagtataguan ay isang pangkaraniwan na sa kahit saan
mang panig ng Pilipinas.

ITIK-ITIK
popular sa mga Bisaya settlers ng
lalawigan ng Surigao del Norte
ginagaya ng mga mananayaw ang
galaw ng mga itik sa palayan at sa
ilog, katulad ng paglipad at iba
pang galaw ng itik

e. Pagtataya
Pagsusulit (1-10)
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang iyong sagot sa
kahon sa ibaba. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
________ 1. Ano ang tawag sa mapa na nagpapakita ng kultura ng ibat
ibang lugar o rehiyon sa bansa?
________ 2. Batay sa mapang nabuo, ano ang sayaw na nagmula sa
Mindanao, na tungkol sa Prinsesang naglalakad sa gubat kasama ang
kanyang mga dama?
________ 3. Ano ang ipinapakita o nilalaman ng isang mapang kultural?

________ 4. Ano ang sayaw na nagmula sa Pangasinan na ginagamitan


ng bangko sa pagsasayaw?
________ 5. Madaling naipapakita sa mapang kultural ang ________ ng
kultura ng bansa.
________ 6. Ano ang tawag sa sayaw na ginagamitan ng bao?
________ 7. Ano ang tawag sa sayaw na ginagamitan ng kawayan?
________ 8. Madaling naipapakita o natutukoy ang mga kultura ng bansa
tulad ng _______, musika, nobela, tula, laro at iba pa.
________ 9. Bukod sa mga kultura, isang importanteng bahagi ng
mapang kultural ang _______.
________ 10. Ang tinikling, sayaw sa bangko, singkil at maglalatik ay
ilan sa mga likhang sining sa anyo ng ______.

pinagmulan
bangko
sayaw
mapa ng bansa
kultura
Mapang Kultural
Tinikling

sayaw sa
Singkil
Maglalatik
Musika

Essay.
Mas napapadali ba ang paglalahad ng impormasyon katulad ng kultura ng
isang bansa kung gagamitin ang isang Mapang Kultural? Pagtibayin ang
iyong sagot.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________________________________________.
f. Takdang Aralin
Magasaliksik o magtanong sa mga nakatatanda ng mga musikang tanyag
sa ating bansa. Maaaring gumamit ng mga folk song. Gumamit ng isang
Mapang Kultural sa pagpapakita ng mga awiting ito n gating bansa. Isulat
lamang ang titulo ng mga kanta at lagyan ng guhit sa lugar sa mapa kung

saan ito nagmula o naging tanyag. Ilagay ang iyong ginawa sa isang bond
paper.

You might also like