You are on page 1of 5

Aralin 6: Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa

ng Pambansang Kaunlaran
Takdang Panahon : 2 Araw

I. Layunin
Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapang
pangklima.

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Salik na may Kinalaman sa Klima
ng Bansa
Sanggunian : : Learner’s Material,
pp.27–37
K to 12 – AP4AAB-Ie-f-9
Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura at Isports
(1994). Pilipinas

Kagamitan : globo, thermometer, malaking


mapang pangklima ng Pilipinas (ilagay
sa manila paper), at larawan ng takbo
ng hangin kapag may bagyo .

Pagpapahalaga : Pagiging Makabansa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan
Ulat panahon.

Balitaan tungkol sa kalagayan ng Pilipinas .

2. Balik- aral
Ilan ang uri ng klima sa Pilipinas ? Anu-ano ito?

3. Pagganyak
Maghanda ng apat na thermometer na ipagagamit sa bawat pangkat.

Panuto: Pangkatin sa apat ang klase at ipakuha ang temperatura sa silid- aralan, sa
isang silid na may aircon, sa labas ng silid-aralan, at sa bagong kulong tubig.
Ipaliwanag sa mga bata ang wastong paggamit ng thermometer at ang pagsukat ng
temperatura nito. Ipalahad sa klase ang ginawa ng bawat pangkat.
Itanong:
a. Ano ang temperatura ng silid-aralan? ng silid na may aircon? sa labas ng silid-
aralan? sa bagong kulong tubig?
b. Mataas ba ito o mababa?
c. Ano ang nadarama kapag mataas ang temperatura?
d. Ano ang nadarama kapag mababa ang temperatura?

B. Panlinang na Gawain

Gawain A.

Sa tulong ng mapang pangklima, makikita ang kabuuang


pagkakaiba-iba ng klima ng mga lalawigan sa bansa. Pag-aralan
ang mapang pangklima ng Pilipinas sa ibaba.

Mapang Pangklima ng Pilipinas

Unang Uri
kalahating taon ng
tag-araw at tag-ulan

Ikalawang Uri
umuulan sa buong
taon

Ikatlong Uri
maulan at may
maikling panahon
ng tag-araw

Ikaapat na Uri
pantay-pantay
ang dami at
pagkakabahagi ng
ulan sa buong taon

Kung minsan, HILAGA


ang dami ng ulan
bilang isa sa mga
salik na may
kinalaman sa
klima ng bansa ay
may kasama ring KANLURAN SILANGAN
kakaibang lakas
ng hangin. May
mga pagkakataon
din na ang pag-ihip
ng malakas
na hangin ay
nagpapatuloy TIMOG
hanggang sa ito ay
maging isang bagyo. Kadalasang ang mga bagyong nararanasan
sa bansa ay nagsisimula sa Karagatang Pasipiko. Kumikilos nang pakanan papuntang
gitna ang hangin ng bagyo. Tingnang mabuti ang nakalarawan sa itaas. Sundan ang
galaw ng hangin mula sa kanan papuntang gitna.

Mga Babala ng Bagyo

Gumagamit ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical


Services Administration (PAGASA) ng mga babala ng bagyo upang ipaabot sa mga
mamamayan kung gaano kalakas o kahina ang dating ng hanging dulot nito. Ang mga
babalang ito ay may bilang 1 hanggang 4.

Babala Bilang 1. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat
oras sa loob ng 36 na oras

Babala Bilang 2. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60


hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras

Babala Bilang 3. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100


hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras

Babala Bilang 4. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa


185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras.

C. Paglalapat

Gawain A
Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa sumusunod:

Pangkat I – Gumawa ng mapang pangklima sa tulong ng pangkulay. Kulayan ng


pula ang mga bahaging kabilang sa unang uri. Kulayan ng dilaw ang mga
bahaging kabilang sa ikalawang uri. Kulayan ng asul ang mga bahaging kabilang
sa ikatlong uri. Kulayan ng berde ang bahaging kabilang sa ikaapat na uri.

Pangkat II – Sa pamamagitan ng panel discussion pag-usapan ang ibat-ibang uri


ng klima sa Pilipinas at ang epekto nito sa bansa.
Ipakita sa pamamagitan ng tsart ang mga pangalan ng lugar na sakop ng bawat uri
ng klima.

Pangkat III- Manunula

Lumikha ng tula na may kinalaman sa ibat-ibang klima ng bansa. Isulat ito at


itanghal sa klase.
Pangkat IV – Malikhain

Sumulat ng maikling talata kung paano makakasabay sa pabagobagong klima


ng bansa.

Rubric sa Pangkatang Gawain


Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
1. Lahat ng kaanib ay
nakikilahok sa gawain 3
2. Nakasusunod sa panuto 3

3. Malinis ang pagkakagawa


at naaayon sa tema. 3
4. May katamtamang
lakas ng boses 3
5. Malikhain sa presentasyon
ng output 3

Kabuuang Puntos 15

Gawain B.
Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
1–2 Mga hanging monsoon
3–6 Mga uri ng klima at paglalarawan dito
7–10 Mga babala ng bagyo at paglalarawan dito

D. Paghahalaw
Pagbuo ng Konsepto
• Ang temperatura at dami ng ulan ang mga salik na may
kinalaman sa klima ng bansa.
• Ang hanging monsoon ay ang paiba-ibang direksiyon ng
ihip ng hangin kung saan mainit o malamig ang lugar.
• Ang hanging amihan ay malamig na hangin buhat sa
hilagang-silangan.
• Ang hanging habagat ay mainit na hangin buhat sa
timog-kanluran.
• May apat na uri ang klima sa Pilipinas ayon sa dami ng
ulan.
> Unang Uri – may anim na buwan ng tag-araw at
anim na buwan ng tag-ulan
> Ikalawang Uri – umuulan sa buong taon
> Ikatlong Uri – maulan at may maikling panahon ng
tag-araw
> Ikaapat na Uri – pantay-pantay ang dami at
pagkakabahagi ng ulan sa buong taon

IV. Pagtataya

Panuto:
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng sagot.
Ibigay ang hinihinging impormasyon.
1-4 uri ng klima sa Pilipinas
5-6 Ngalan ng lugar na nakararanas ng hanging amihan
7-8 Lugar kung saan madalas makaranas ng hanging habagat
9-10 mga simbolong ginagamit sa mapang pangklima ng bansa.

V. Kasunduan
Panuto: Gumawa ng isang linggong talaan ng temperatura sa inyong lugar
sa tuwing 12:00 ng tanghali. Itala sa tsart gamit ang tsart tulad ng nasa
ibaba.

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo

2. Kapanayamin ang ilang opisyal ng inyong barangay tungkol sa


ginagawa nilang kahandaan tuwing may paparating na bagyo.

You might also like