You are on page 1of 5

Aralin 1.

2: Kahulugan sa Mga Simbolo sa Mapa

I. Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo na ginagamit sa mapa

II. Paksang Aralin


Paksa : Kahulugan sa Mga Simbolo sa Mapa
Sanggunian : CG pp. 63
AP3LAR-Ia-1
TG pp. 2-5
Araling Panlipunan III pp. 2-10
Kagamitan : laptop, projector, larawan ng ibat-ibang
simbolo sa mapa, mga mapa (rehiyon)
Pagpapahalaga : Wastong Gamit ng Mapa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Awit
O Kayliit Ng Mundo

2. Balik-aral
Magpakita ang guro ng isang mapa na may ibat-ibang simbolo.

Itanong:
1. Ano ang mapa?
2. Ano-ano ang mga simbolong makikita sa mapa?
3. Alam nyo ba ang kahulugan ng mga simbolong ito?

3. Pagganyak: Pinoy Henyo


Pumili ang guro ng 5 pares ng mga batang maglalaro. Huhulaan ng
bata ang nakadikit na simbolo sa kanyang sombrerong suot.
Magpapatuloy ang laro hanggang sa masagot ng bata o aabot sa 1
minuto ang laro. Susunod namang maglalaro ang kasunod na pares
hanggang sa matapos maglaro ang 5 pares.

Itanong ang mga sumusunod:


1. Ano ang pamagat ng laro?
2. Ano-anong mga simbolo ang ginagamit sa laro?
3. Alam nyo ba ang kahulugan ng mga simbolong ginagamit?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Bawat pangkat ay bibigyan ng task card at simbolo. Ang bawat
pangkat ay magkakaroon ng brainstorming kung ano ang kahulugan
ng mga simbolong ito. Bago magsimula, ang bawat pangkat ay
hihingan muna ng guro ng mga pamantayan sa pangkatang gawain.
Bibigyan ang bawat pangkat ng tig-5 minuto upang gawin ang
kanilang gawain. Pagkatapos ng itinakdang oras, ang bawat reporter
ay mag-uulat ng kanilang kasagutan.

Pangkat I
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na simbolo.

Pangkat II
Ibigay ang kahulugan ng mga simbolong nakikita sa mapa. Pumili
ng isang kasapi na mag-uulat sa klase ng inyong kasagutan.
Pangkat III
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga simbolo sa Hanay A.

Pangkat IV
Ibigay ang kahulugan ng mga simbolong nakikita sa mapa. Pumili
ng isang kasapi na mag-uulat sa klase ng inyong kasagutan.
2. Pagsusuri
Magkakaroon ng talakayan upang masuri ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano-anong simbolo ang nakikita ninyo?
2. Saan makikita ang mga simbolong ito?
3. Paano ninyo nabuo ang kahulugan ng bawat simbolo?
4. Kung wala sa mga naipakitang simbolo ang mga gagamiting
pananda sa isang lugar, maaari bang lumikha ng simbolo? Bakit?

3. Paghahalaw : Fill in the Blanks


Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng
aralin.

Ano ang mapa?


Ano-ano ang mga simbolong makikita sa mapa?

“Ang ____ ay isang representasyon sa papel ng isan g lugar, kabuuan man o


bahagi man lamang. Ang mapa ay gumagamit ng ibat-ibang _____ na may
kahulugan na dapat malaman. Ang mga simbolong ito ay ______, ______, at
_____.”

4. Paglalapat
Ang Ikatlong Baitang ay magkakaroon ng lakbay-aral sa buong
rehiyon sa susunod na buwan, dahil dito pinag-aralan nila ang ibat-
ibang simbolo na makikita sa bawat lalawigan.

Itala at ibigay ang kahulugan ng ibat-ibang simbolo na makikita sa


mga lalawigan ng:

a. Cavite
b. Laguna
c. Batangas
d. Rizal
e. Quezon
IV. Pagtataya
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na simbolo. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

V. Gawaing Bahay
Bakit gumagamit ng simbolo sa mapa? Paano nakakatulong ang mga
simbolo sa pagbabasa ng mapa?

You might also like