You are on page 1of 34

I.

Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng komunidad
Natutukoy ang mga bumubuo ng isang komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Komunidad
Kagamitan: krayola, papel, manila paper, modyul 1
Integrasyon: pagpapahalaga sa kalikasan, sining

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Awit

B. Pagganyak
Buuin ang jumbled letters.
mukodadni

Saan kayo nakatira? Ang Yook ba ang ay isang komunidad?

C. Paglalahad
Tingnan ang larawan ng isang komunidad. Ilarawan ang komunidad.
Ano-ano ang makikita sa komunidad? Isulat ang sagot sa pisara.

D. Pagtalakay
Ano ang kahulugan ng komunidad?
Ano-ano ang bumubuo sa isang komunidad?
E. Paglalahat

Tandaan Mo
 Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na
magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.
 Ang komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, simbahan, sentrong
pangkalusugan, pook libangan at pamilihan.

F. Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase sa pito. Gawin ang nakalaang gawain.

Pangkat I – Panuto: Buuin ang larawan.


Tanong: Ano ito na bumubuo sa isang komunidad?
Pangkat II – Panuto: Iguhit ang inyong paaralan. Kulayan ito.
Pangkat III – Panuto: Tingnan ang larawan, buuin ang jumbled letters upang makabuo ng isang salita.
Pangkat IV – Panuto: Buuin ang jumbled letters. Iguhit ang nabuong salita.
Pangkat V – Panuto: Tingnan ang larawan. Ibigay ang nawawalang mga titik upang mabuo ang salita.
S_ntr_ng Pang_alus_ga_
Pangkat VI – Panuto: Kulayan ang larawan. Isulat kung ano ito na bumubuo sa komunidad.
Pangkat VII – Panuto: I-role play ang sitwasyon. Sagutin ang sumusunod na tanong.
Araw ng Linggo, isinama ka ng iyong ina upang bumili ng bigas, isda, gulay at mga
sangkap sa pagluluto ng ulam. Marami ang nagtitinda tulad ng mga damit, pagkain, laruan at iba pa.

Tanong: Saan kayo pumunta ng iyong Nanay? Kabilang ba ito sa bumubuo sa komunidad?

IV. Pagtataya

Tingnan ang larawan sa Hanay A.Piliin kung ano ito na bumubuo sa isang komunidad.

Hanay A Hanay B

1. a. pamilya

2. b. paaralan
3. c. simbahan

4. d. pook libangan

5. e. pamilihan

f. health center

V. Takdang Gawain
Iguhit sa inyong kwaderno ang mga bumubuo sa komunidad.
I. Nasasabi ang kinaroroonan ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Komunidad
Kagamitan: krayola, papel, manila, modyul 1, Aralin 1.1

Integrasyon: pagpapahalaga sa kalikasan, sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang komunidad?
Ano-ano ang bumubuo sa komunidad?

B. Pagganyak
Saan maaaring matagpuan ang isang komunidad?

C. Paglalahad
Pangkatin ang klase sa anim. Ibigay ang larawan sa bawat pangkat.
Pag-aralan ang larawan. Sabihin ang maaaring kinaroroonan ng isang komunidad.
Iulat ito sa klase.

Pangkat I Pangkat II Pangkat III

Pangkat IV Pangkat V Pangkat VI


D. Pagtalakay
Saan maaaring matagpuan ang isang komunidad?

E. Paglalahat

Tandaan Mo
 Maaaring matagpuan ang komunidad sa
kapatagan, kabundukan,tabing dagat,
talampas, industriyal at lungsod.

F. Gawain
Pumili ng isang lugar na kinaroroonan ng isang komunidad. Kulayan ito. Ipaskil ang ginawa sa
pisara.

IV. Pagtataya
Tingnan ang mga larawan. Sabihin kung saan maaaring matagpuan ang isang komunidad.

V. Takdang Gawain
Magdala ng mga magasin at larawan na nagpapkita ng gawain o tungkulin ng mga bumubuo ng
komunidad: paaralan, barangay hall, health center, simbahan at iba pa.
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”
( Pamilya)
Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad papel, manila paper, Modyul 1
Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Saan maaaring makita o matagpuan ang isang komunidad?

B. Pagganyak
Sino-sino ang kasapi ng isang pamilya? Ano kaya ang gawain at tungkulin ng bawat isa?

C. Paglalahad
Basahin ang “Doon Po Sa Amin”, p. 19.

D. Pagtalakay
Ano ang gawain ng mga magulang sa kanyang pamilya? Ano ang tungkulin ng mga magulang sa
isang pamilya? Ganito rin ba ang ginagawa ng inyong mga magulang?

E. Paglalahat
Tungkulin ng pamilya na itaguyod ang pangangailangan ng mga anak. Bigyan ng wasto at sapat
na pagkain, tirahan at pananamit.

F. Gawain
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ibigay ang gawain sa bawat grupo. Ipaskil sa pisara ang output. Pag-
usapan ito.
Pangkat I – Iguhit ang iyong pamilya na nagpapakita ng tungkulin at gawain nito.
Pangkat II – I-role play ang tungkulin at gawain ng inyong pamilya.
Pangkat III – Isulat sa manila paper ang tungkulin at gawain ng pamilya sa komunidad. Iulat ito
sa klase.

IV. Pagtatasa
Ilarawan ang gawain at tungkulin ng pamilya sa komunidad. Isulat sa bituin ang tungkulin at sa
puso ang gawain.
Pamilya

V. Takdang Gawain
Ano-ano pa ang bumubuo sa komunidad? Ano ang gawain at tungkulin ng paaralan sa
komunidad?
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”
( Paaralan)
Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad papel, manila paper, Modyul 1
Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang gawain at tungkulin ng mga magulang sa kanilang pamilya?
B. Pagganyak
Saan kayo nag-aaral? Ilarawan ang inyong paaralan. Sino ang namumuno dito? Sino ang inyong
guro? Masaya ba kayo dahil nag-aaral kayo? Bakit?
C. Paglalahad
Basahin ang “Doon Po Sa Amin”, p. 20.
D. Pagtalakay
Ano ang itinuturo sa inyo sa paaralan? Ano ang tungkulin ng paaralan sa komunidad?
E. Paglalahat
Ang paaralan ay may tungkuling ginagampanan. Ito ay ang pagbibigay ng dekalidad na
edukasyon para sa lahat. Gawain ng bawat kasapi nito na magturo ng wastong pag-uugali at
mga gawain.
F. Gawain
Iguhit ang inyong paaralan. Kulayan ito. Isulat sa ibaba ng inyong guhit ang tungkulin at gawain
ng paaralan sa komunidad.

IV. Pagtatasa
Ilarawan ang gawain at tungkulin ng paaralan sa komunidad. Isulat sa bituin ang tungkulin at sa
puso ang gawain.

Paaralan

V. Takdang Gawain
Ano-ano pa ang bumubuo sa komunidad? Ano ang gawain at tungkulin ng simbahan sa
komunidad?
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”
( simbahan)
Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad papel, manila paper, Modyul 1
Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang gawain at tungkulin ng paaralan sa ating komunidad?

B. Pagganyak
Sino sa inyo ang Katoliko? Aglipayan? Iglesia? Born Again? Muslim? Pag-usapan ang sagot ng
mga bata.

C. Paglalahad
Basahin ang “Doon Po Sa Amin”, p. 21.

D. Pagtalakay
Saan kayo nagsisimba? Ano ang ginagawa ninyo sa simbahan? Ano ang tungkulin at gawain ng
simbahan sa ating komunidad?

E. Paglalahat
Tungkulin ng simbahan na magpahayag ng mga salita ng Diyos. Nagtuturo sila ng
mabuting asal sa mga Bata.

F. Gawain
gawin ang gawain sa ibaba.

Sumulat ng Iguhit ang Sumulat ng


salitang larawan ng salitang
naglalarawan sambahan ng naglalarawan sa
sa gawain ng iyong tungkulin ng
sambahan komunidad sambahan
IV. Pagtatasa
Ilarawan ang gawain at tungkulin ng simbahan sa komunidad. Isulat sa bituin ang tungkulin at
sa puso ang gawain.

Simbahan

V. Takdang Gawain
Ano-ano pa ang bumubuo sa komunidad? Ano ang gawain at tungkulin ng pook-libangan sa
komunidad?
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”
( pook-libangan)
Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad papel, manila paper, Modyul 1
Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang gawain at tungkulin ng simbahan sa ating komunidad?

B. Pagganyak
Mahilig ba kayong maglaro? Saan kayo kadalasan naglalaro ng inyong mga kaibigan?

C. Paglalahad
Basahin ang “Doon Po Sa Amin”, p. 22.

D. Pagtalakay
Ano ang tungkulin at gawain ng pook-libangan sa komunidad?

E. Paglalahat
Ang pook-libangan ang pinagdarausan ng mga pagtitipon,pagdiriwang at programa ng
komunidad. Gawain nitong panatilihin ang kaligtasan,kalinisan at kaayusan ng lugar at mga
kagamitan.

F. Gawain

1. Ilarawan ang pook libangan na


matatagpuan sa inyong komunidad.
2. Isulat sa bilog ang gawain na ginagampanan ng pook- libangan sa
komunidad.
3. Isulat sa tatsulok ang tungkulin ng pook libangan sa inyong
komunidad.
IV. Pagtatasa
Ilarawan ang gawain at tungkulin ng pook-libangan sa komunidad. Isulat sa bituin ang tungkulin
at sa puso ang gawain.

Pook-
libangan

V. Takdang Gawain
Ano-ano pa ang bumubuo sa komunidad? Ano ang gawain at tungkulin ng health center sa
komunidad?
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”
(health center)
Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad papel, manila paper, Modyul 1
Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang gawain at tungkulin ng pook-libangan sa ating komunidad?

B. Pagganyak
Nagkasakit na ba kayo? Saan dinadala ang mga bata para magpacheck-up o magpabakuna?

C. Paglalahad
Basahin ang “Doon Po Sa Amin”, p. 22.

D. Pagtalakay
Ano ang tungkulin at gawain ng health center sa komunidad?

E. Paglalahat
Ang health center o ospital ay nagtataguyod ng serbisyong pangkalusugan. Nagbibigay ng
libreng gamut at bakuna sa mga mamamayan.

F. Gawain
Iguhit sa kaliwang bituin ang salitang naglalarawan sa gawain na ginagampanan ng health center at
sa kanang bituin ang tungkulin nito. Isulat ang mga sagot sa papel.
IV. Pagtatasa
Ilarawan ang gawain at tungkulin ng health center sa komunidad. Isulat sa bituin ang tungkulin
at sa puso ang gawain.

Health
center

V. Takdang Gawain
Ano-ano pa ang bumubuo sa komunidad? Ano ang gawain at tungkulin ng pamahalaan sa
komunidad?
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”
(pamahalaan)
Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad papel, manila paper, Modyul 1
Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang gawain at tungkulin ng health center sa ating komunidad?

B. Pagganyak
Sino ang pinuno n gating barangay? Ano kaya ang tungkulin niya sa ating lugar?

C. Paglalahad
Basahin ang “Doon Po Sa Amin”, p. 23.

D. Pagtalakay
Ano ang tungkulin at gawain ng pamahalaan sa komunidad?

E. Paglalahat
Ang pamahalaan ay gumagawa ng batas, alituntunin at patakaran para sa kabutihan at
kaunlaran ng komunidad. Hinuhuli ang criminal at pinananatili ang kaayusan at kapayapaan sa
lugar.

F. Gawain
gumuhit na nagpapakita ng paglalarawan sa papel at tungkulin ng Pamahalaang Barangay.

Gawain Tungkulin
IV. Pagtatasa
Ilarawan ang gawain at tungkulin ng pamahalaan sa komunidad. Isulat sa bituin ang tungkulin at
sa puso ang gawain.

pamahalaan

V. Takdang Gawain
Ano-ano pa ang bumubuo sa komunidad? Ano ang gawain at tungkulin ng pamilihan sa
komunidad?
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”
(pamilihan)
Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad papel, manila paper, Modyul 1
Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano ang gawain at tungkulin ng pamahalaan sa ating komunidad?
B. Pagganyak
Sumasama ba kayo sa Nanay ninyo kapag pumupunta siyang bayan upang mamili ng pagkain at
iba pang kailangan sa bahay? Saan kayo pumupunta upang mamili?
C. Paglalahad
Basahin ang “Doon Po Sa Amin”, p. 23.
D. Pagtalakay
Ano ang tungkulin at gawain ng pamilihan sa komunidad?
E. Paglalahat
Ang pamilihan ay may tungkuling tuguan ang pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad
pagkain, damit at iba pa. Gawain nito na magtinda ng pangunahing pangangailangan sa
presyong kaya ng mga tao.

IV. Pagtatasa
Ilarawan ang gawain at tungkulin ng pamilihan sa komunidad. Isulat sa bituin ang tungkulin at
sa puso ang gawain.

pamilihan

V. Takdang Gawain
Ano-ano pa ang bumubuo sa komunidad? Iguhit ang mga ito sa inyong kuwaderno. Kulayan ang
iginuhit.
I. Layunin
Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad
Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad, “ Doon po sa Amin”

Kagamitan: papel at lapis


Integrasyon: Sining

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Ano-ano ang bumubuo sa komunidad?

B. Pagganyak
Ako, Ikaw Tayo ay Isang Komunidad

Ako, ako, ako’y isang komunidad(2x)


Ako’y isang komunidad

Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
(Ulitin ang awit. Palitan ang ako, ng ikaw…at tayo)

Ano ang masasabi mo sa awit?

C. Paglalahad
Basahin at bigkasin ang tula na nasa LM, p. 32-33.

D. Pagtalakay
1. Saan matatagpuan ang komunidad na inilarawan sa tula?
2. Ano-ano ang bawat bumubuo sa komunidad na inilarawan sa tula?
3. Sa kanyang paglalarawan, ano ang mga katangian ng kanyang komunidad?
4. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo ilalarawan ang iyong komunidad?

E. Panlinang na Gawain
Gawin ang Gawin Mo- A at B sa LM, p. 34.
F. Paglalahat
Ang kabuuan ng kinabibilangang komunidad ay mailalarawan ayon sa kapaligiran ng
kinaroroonan nito. May pagkakatulad at pagkakaiba ang mga komunidad sa kapaligirang
pisikal at sa mga bumubuo nito.

G. Paglalapat
Sagutan ang Gawin Mo-C sa LM, p. 34.

IV. Pagtataya
Bumuo ng larawang mapa ng iyong komunidad sa isang papel.
Gamitin ang mga iginuhit na larawan sa “Gawin Mo”.
Ipaskil ang gawa ng mga bata at markahan ito gamit ang rubrics.

3 pts. – Nailarawan nang tama ang kabuuan ng kinabibilangang komunidad sa malikhaing paraan
2 pts. - Nailarawan nang tama ang kabuuan ng kinabibilangang komunidad subalit may kakulangan sa
paraang ginamit
1 pt. - Nailarawan nang tama ang kabuuan ng kinabibilangang komunidad subalit hindi naipakita ang
mga bumubuo at kinaroroonan nito

V. Takdang Gawain
Magdala ng bond paper, crayon, gunting at paste.

VI. Culminating Activity


Magtanghal ng exhibit ng mga picture map na nagpapakita ng kanilang komunidad.
I. Layunin
Natutukoy ang kahalagahan ng komunidad
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng komunidad sa pamumuhay ng tao

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Aking Munting Komunidad


Kagamitan: Modyul 1, Aralin 1.4,larawan ng bawat mag-aaral
Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan
A. Panimula
Awitin “Masaya kung Sama-sama” at “Ako ay Maligaya”.

B. Balik-aral
Paano mo ilalarawan ang kinaroroonan mong komunidad?
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong komunidad sa iba?

C. Paglalahad
Basahin “Ang Aking Munting Komunidad” sa LM, p. 37.

D.Pagtalakay
Ano ang katangian ng komunidad na binanggit sa talata?
Ano-ano ang kahalagahan ng komunidad batay sa salaysay ng Bata?
Ano ang maibabahagi mo sa iyong komunidad? Paano mo ito isasagawa?
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa iyong komunidad?

E. Paglalahat
Ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad na dapat pahalagahan.

F. Paglalapat
Gawin ang GAWIN MO- A, B, C sa LM, p. 39-40.

IV. Pagtataya
Basahin ang pangungusap. Lagyan ng tsek ang pangungusap na nagsasaad at nagpapaliwanag sa
kahalagahan ng komunidad at ekis kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.

___1. Ang bawat Bata ay kabilang sa isang komunidad na dapat pahalagahan.


___2. Ang mga tao sa isang komunidad ay patuloy na nagsisikap upang makamit ang kaunlaran.
___3. Kung may kapayapaan at pagkakaunawaan ang bawat kasapi ng komunidad, walang kaguluhang
magaganap.
___4. Ang diwang pagkakaisa ng bawat kasapi ay isang mahalagang sangkap ng komunidad.
___5. Hindi nagtutulungan ang mga tao sa isang komunidad kaya gumanda ang kanilang buhay.

V. Takdang Gawain
Magsaliksik ng mga batayang impormasyon tungkol sa kinabibilangang komunidad. Magpatulong sa
mga magulang sa pagsasagawa nito.
Kopyahin ang tsart sa ibaba.

Pangalan ng Komunidad
Kasalukuyang Pinuno
Wika
Relihiyon
Dami ng tao batay sa 2007 Census
I. Layunin
Nakakukuha ng sumusunod na impormasyon tungkol sa komunidad;
1.1 pangalan ng lugar
1.2 dami ng tao
1.3 pinuno
1.4 wikang sinasalita
1.5 mga grupong etniko
1.6 relihiyon

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Aking Komunidad
Kagamitan: mga larawan, papel, manila paper, krayola, lapis, Modyul 2, Aralin 2
Integrasyon: statistics, populasyon, pagsulat, pagsasaliksik

III. Pamamaraan
A. Panimula
Tingnan ang larawan ng isang komunidad.

Alam mo ba ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong komunidad?


Pag-usapan ang sagot ng mga bata. Iugnay ito sa aralin.

B. Panlinang
Saan maaaring kunin ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong komunidad?
Basahin ang kwento “Ang Aking Komunidad”.
Ang Aking Komunidad
Nakatira ako sa Barangay San Gabriel. Kahit maraming
pamilya ang nakatira rito, malinis pa rin ang kapaligiran. Lahat
ng mamamayan ay tulong-tulong sa pagpapaunlad ng
kabuhayan ng bawat isa. Nagkakaisa ang mga tao rito. Si
Ginoong Manuel Dela Rosa ang pinuno dito.
May iba-ibang grupong etniko sa aking komunidad. May
mga Ilocano, Muslim, Igorot, Tagalog, Pampango at Bicolano.
Iba-iba man ang pinagmulan at wikang sinasalita, kaming
lahat ay pinagbubuklod ng aming pananampalataya sa iisang
Diyos. May Iglesia ni Kristo, Katoliko, Muslim at iba pang relihiyon
subalit hindi ito hadlang sa mapayapang samahan ng bawat
isa sa aking komunidad.

C. Pagtalakay
1. Ano-anong batayang impormasyon ang isinasaad sa kuwento?
2. Mayroon bang pangkat etniko sa iyong komunidad na katulad ng nasa kuwento?
3. Sa anong pangkat ka nabibilang? Anong relihiyon ang kinabibilangan mo?
4. Bakit kailangang malaman mo ang mga batayang impormasyong ito?
5. Ikaw, ano ang kuwento mo tungkol sa iyong komunidad?

D. Paglalahat
 May mga batayang impormasyon ang bawat komunidad na dapat malaman at tandaan tulad ng
pangalan, lokasyon, populasyon, pinuno, wika at mga grupong etniko at relihiyon.

IV. Pagtatasa
Isulat ang letra ng impormasyong tinutukoy ng may salungguhit na salita sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

A. Pinuno D. Dami ng tao


B. Relihiyon E. Pangalan ng lugar
C. Grupong Etniko F. Wikang sinasalita

Ako ay nakatira sa Barangay Betel. Dito ako ipinanganak. Dito rin ako
1. lumaki.

Sina Nika at Carlo ay mga kalaro ko. Si Nika ay Waray at Ilocano naman si
Carlo. Hindi sila lehitimong taga Barangay Betel subalit matagal na silang
2. naninirahan dito.

3. Ang mag-anak na Gonzales ay relihiyosong Kristiyano. Lagi silang


nagsisimba. Sila ay may malalim na pananampalataya sa Diyos.
4. Ang aming Kapitan ay si Ginoong Marlon Paredes. Limang taon na siyang
namumuno sa aming barangay.

Kahit Ilokano ang aking ama at Kapampangan ang aking ina, Tagalog ang
wika sa aming tahanan. Karamihan sa aming komunidad ay Tagalog ang
5. wika.

6. Ayon sa istadistika, ang komunidad ng Betel ay binubuo ng 150 pamilya


noong taong 2000. Sa ngayon, may 300 pamilya na ang naninirahan dito.

V. Takdang Gawain
Isulat sa talaan ang mga impormasyong nakalap tungkol sa inyong komunidad. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.

Pangalan ng Komunidad
Kasalukuyang Pinuno
Wika
Grupong Etniko
Relihiyon

Dami ng tao batay sa 2007 Census


I. Layunin
Nakakukuha ng sumusunod na impormasyon tungkol sa komunidad;
1.1 pangalan ng lugar
1.2 dami ng tao
1.3 pinuno
1.4 wikang sinasalita
1.5 mga grupong etniko
1.6 relihiyon

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Aking Komunidad
Kagamitan: mga larawan, papel, manila paper, krayola, lapis, Modyul 2, Aralin 2
Integrasyon: statistics, populasyon, pagsulat, pagsasaliksik

III. Pamamaraan
A. Panimula
Ano ang tinalakay natin kahapon?
Anong mga impormasyon ang dapat natin malaman tungkol sa ating komunidad?

B. Panlinang
Isulat sa talaan ang mga impormasyong nakalap tungkol sa inyong komunidad.

Pangalan ng Komunidad
Kasalukuyang Pinuno
Wika
Grupong Etniko
Relihiyon

Dami ng tao batay sa 2007 Census

C. Pagtalakay
Ano ang pangalan ng iyong komunidad?
Sino ang kasalukuyang pinuno dito?
Anong wika ang inyong ginagamit?
Mayroon bang grupong etniko sa inyong komunidad? Ano ito? Kasapi ka ba dito?
Ano-anong relihiyon kabilang ang mga tao dito? Ano ang relihiyon mo?
Ilan ang dami ng tao o populasyon sa iyong komunidad?
D. Paglalahat
 May mga batayang impormasyon ang bawat komunidad na dapat malaman at tandaan tulad ng
pangalan, lokasyon, populasyon, pinuno, wika at mga grupong etniko at relihiyon.

E. Paglalapat
Gawin ang Natutuhan Ko-B sa LM, p.44.

IV. Pagtataya
Punan ang mga kahon sa kanan. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Pangalan:
Pinuno
Mga Batayang
Wika
Impormasyon Tungkol
sa Komunidad Relihiyon
Dami ng tao:

V. Takdang Gawain
Maghanda para sa lingguhang pagsusulit bukas.
I. Layunin
Nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Aking Komunidad
Kagamitan: mga larawan, papel, manila paper, krayola, lapis, Modyul 2, Aralin 2
Integrasyon: statistics, populasyon, pagsulat, pagsasaliksik

III. Pamamaraan
A. Panimula
Awit

B. Panlinang
Pangkatin ang klase sa apat.
Ipagawa ang gawain.
Ibigay ang hinihinging impormasyon tungkol sa inyong komunidad.

Pangkat 1 – pangalan ng komunidad


Kasalukuyang pinuno
Pangkat 2 - Wika
Grupong etniko
Pangkat 3 - relihiyon
Dami ng tao

C. Pagtalakay
Iulat ang mga sagot ng bawat grupo.
Talakayin ito ng klase.

D. Paglalahat
May mga batayang impormasyon ang bawat komunidad na dapat malaman at tandaan tulad ng
pangalan,lokasyon, populasyon, pinuno, wika at mga grupong etniko at relihiyon.

C. Pagtatasa (Oral)
Sagutin
Ano ang pangalan ng ating komunidad?
Sino ang ating kasalukuyang pinuno?
Anong wika ang sinasalita dito?
Anong relihiyon ng mga nakatira dito?
Ano ang populasyon ng ating komunidad?
I. Layunin
Naibibigay ang mga sagisag o simbolong makikita sa kapaligiran ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: “Komunidad ng San Isidro”
Kagamitan: mga larawan, krayola, lapis, Modyul 2, Aralin 2
Integrasyon: sining

III. Pamamaraan
A. Panimula
Ipakita ang larawan ng isang komunidad.
Ano-anong sagisag o simbolo ang nakikita mo sa larawan?
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.
Iugnay ito sa araling tatalakayin.

B. Panlinang
Tingnan ang mapa ng San Isidro.
Pag-aralan ito.

K K
A
A
L
L Y
Kalye Ilang-ilang
Y E
E
K G S
U
R M
Kalye Rosas
O RosasSampagita
A
M
S
E
A L
S A

T
C. Pagtalakay
1. Ano-ano ang nakikita mong simbolo sa komunidad ng San Isidro?
2. Ano kaya ang kahulugan ng bawat simbolong iyong nakikita sa mapa?
3. Bakit mahalagang malaman ng naninirahan sa komunidad ang kahulugan ng bawat simbolo?
Paano ito makatutulong sa bawat isa?

D. Paglalahat
 May mga makikita kang simbolo sa kapaligiran ng
komunidad. Ang mga simbolong ito ay may kani-
kaniyang kahulugan. Ginagamit itong
pagkakakilanlan ng isang komunidad.

E. Paglalapat
Sagutan ang Gawin mo sa p. 48 ng LM.

IV. Pagtataya
Ibigay ang mga simbolo na makikita sa mapa.

V. Takdang Gawain
Magdala ng krayola at bond paper para sa gawain bukas.
I. Layunin
Nailalarawan ang mga simbolong makikita sa kapaligiran ng komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: “Komunidad ng San Isidro”
Kagamitan: mga larawan, krayola, lapis, Modyul 2, Aralin 2
Integrasyon: sining

III. Pamamaraan
A. Panimula
Muling ipakita ang larawan ng isang komunidad.
Ano-anong sagisag o simbolo ang nakikita mo sa larawan?

B. Panlinang
Ipakita sa mga bata ang mapa ng komunidad ng San Isidro.
Pag-aralan ang mga simbolo o sagisag nito.
Ilarawan ang bawat simbolo na makikita sa mapa.

C. Pagtatalakay
Ano-ano ang nakikita mong simbolo sa komunidad ng San Isidro?
Ilarawan ang bawat simbolo o sagisag.

D. Paglalahat

 May mga makikita kang simbolo sa kapaligiran ng


komunidad. Ang mga simbolong ito ay may kani-
kaniyang kahulugan. Ginagamit itong
pagkakakilanlan ng isang komunidad.

D. Pagtatasa
Ilarawan ang mga simbolo.
V. Takdang Gawain
Iguhit sa kuwaderno ang mga simbolong makikita sa iyong komunidad.
I. Layunin
Naipapaliwanag ang kahulugan ng bawat simbolo

II. Paksang Aralin


Paksa: “Komunidad ng San Isidro”
Kagamitan: mga larawan, krayola, lapis, Modyul 2, Aralin 2
Integrasyon: sining

III. Pamamaraan
A. Panimula
Ano-anong simbolo ang makikita mo sa isang komunidad?
Ilarawan ang bawat simbolo.

B. Panlinang
Ipakita ng larawan ng mga simbolo.
Pag-usapan ang kahulugan ng bawat simbolo o sagisag.

C. Pagtalakay
Ano ang kahulugan ng bawat simbolong iyong nakikita sa mapa?
Bakit mahalagang malaman ng naninirahan sa komunidad ang kahulugan ng bawat simbolo?
Paano ito makatutulong sa bawat isa?

D. Paglalahat
May mga simbolo kang makikita sa kapaligiran ng komunidad. Ang mga simbolong ito ay may
kani-kaniyang kahulugan. Ginagamit itong pagkakakilanlan ng isang komunidad.

E. Paglalapat
Sagutan ang Gawin C p. 50.

IV. Pagtataya
Pumili ng sagisag o simbolo na nasa tsart at ipaliwanag ang kahulugan nito.

V. Karagdagang Gawain
Sagutan ang Natutuhan Ko sa LM , pahina 51.
I. Layunin
Nakapaglalarawan ng sariling komunidad na nagpapakita ng mga katangian at batayang
impormasyon nito sa malikhaing paraan

II. Paksang Aralin


Paksa: Larawan ng Isang Komunidad
Kagamitan: manila paper, pandikit, gunting, lumang diyaryo, Modyul 2, Aralin 2.3
Integrasyon: sining, Filipino

III. Pamamaraan
A. Panimula
Ipagawa ang larong “Pinoy Henyo” tulad ng Pinoy Henyo. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
Gamitin ang salitang kaugnay ng komunidad tulad ng paaralan, sambahan, health center at iba pa sa
pahulaang isasagawa. Isagawa lamang ang laro sa loob ng 3 minuto.
Iugnay ang larong ito sa gagawing larawang mapa ng kinabibilangang komunidad.

B. Panlinang
Basahin ang talata.

Larawan ng Isang Komunidad

Ang bawat komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao. Ang bawat pangkat ay
may kani-kaniyang katangiang taglay na nakatutulong sa mamamayan. May nagtitinda,
may nagluluto ng mga kakanin habang ang iba naman ay abala sa paglilinis ng kanilang
tahanan at kapaligiran. Sa isang panig ng komunidad ay may nagtutulungan sa
pagtatanim ng mga gulay. Sa paaralan, masayang nag-aaral ang mga kabataan.

Ito ay ilan lamang sa mga katangian ng isang komunidad. Salat man sa


karangyaan, mayaman naman sa mga taong may pagmamahalan at pagtutulungan.
Tingnan ang larawan ng mapa. Ilarawan ito.

C. Pagtalakay
1. Anong mga impormasyon ang nakikita mo sa larawan ng komunidad?
2. Anong katangian mayroon ang komunidad na ito?
3. Paano inilarawan ang nasabing komunidad?
4. Paano mo ihahambing ang iyong komunidad sa inilarawang komunidad?

D. Paglalahat
Sa paglalarawan ng kinabibilangang komunidad, kailangang maipakita ang mga batayang
impormasyon at ang mga katangian na nagpapakilaladito. Maaaring isagawa ang paglalarawan sa iba-
ibang malikhaing paraan tulad ng pagguhit, mosaic, paggamit ng molding clay at iba pa.

E. Paglalapat
Sagutan ang Gawin Mo A at B sa LM, p. 55-56.

IV. Pagtataya
Gumawa ng paglalarawan ng mga batayang impormasyon at mga sagisag na nagpapakilala sa
iyong komunidad gamit ang mga lumang dyaryo. Ipaskil ito.

You might also like