You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

Ikalawang Markahan

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at


mga kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat isa

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at


bahaging ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nakabubuo ng kwento tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng buong pamilya. AP1PAM-IIb-5

II. Nilalaman

Aralin 2: Tungkulin ng mga Kasapi ng Pamilya

III. Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 56-63
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag- Pahina 74-79
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo larawan, tula
IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng Lumiban at di lumiban

B. Balik Aral

Gawain 1: Sino-sino ang mga bumubuo sa isang pamilya? Pumili sa mga larawang ibinigay at ilagay
ito sa loob ng bahay.
C. Pangganyak

 Pagmasdan ang mga larawan, ano ang iyong napapansin na ginagawa ng mga nasa larawan?
(ICT integration – picture flash on screen)

 Makinig sa tulang ipaparinig at bidyo na ipapanuod ng inyong guro na pinamagatang “Ulirang


Pamilya”, at sagutan ang mga itatanong ng guro. (ICT integration – video)

D. Pagtatalakay
 Sagutin:
1. Ayon sa tula, ano ano ang Gawain nina tatay at nanay? Nina ate at kuya?
2. Ano naman ang naitutulong ni bunso sa pamilya?
3. Sa inyong tahanan, ano ang ginagawa ng iyong tatay? Nanay? Ate/Kuya? At ikaw?

 Pagtalakay sa gampanin ng bawat miyembro ng pamilya.

E. Paglalapat

Gawain: Buuin ang hinati-hating larawan na nasa loob ng sobre at tingnan kung sinong kasapi ng
pamilya ito. Pumili ng isa sa inyong mga kagrupo na magbabahagi ng gampanin (ng nabuo ninyong
larawan) nito sa kanilang pamilya.

F. Paglalahat

Tandaan:

 Ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging dapat gampanan upang maging maayos ang
kanilang buhay
 Mahalaga ang bawat kasapi ng pamilya
 Sa isang pamilya napaka-halaga ng pagtutulungan sa mga gawain.

V. PAGTATAYA

Kilalanin kung Tama o Mali ang pahayag. Isulat sa guhit ang iyong sagot.

__________1. Ang bawat kasapi ng mag-anak ay may kani-kaniyang tungkulin.


__________2. Ang bata sa Unang Baitang ay wala pang kayang gawin sa loob ng tahanan.
__________3. Ang sanggol ay nagpapasaya sa pamilya kahit wala pang nagagawa sa tahanan.
__________4. Sina Tatay at Nanay ay nagtutulungan sap ag-aalaga ng anak.
__________5. Sina Lolo at Lola ay walang naitutulong sa pamilya.

VI. TAKDANG ARALIN

Sa inyong kwaderno, sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap kung paano niyo naipapakita ang
pagtutulungan sa inyong pamilya.

You might also like