You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa M.S.E.P.

-V
(SINING)

I.Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga bata ay inaasahang:
C- Matukoy ang dalawang uri ng hugis sa mga bagay na matatagpuan sa paligid
P- Makaguguhit ng mga bagay na makikita sa kapaligiran na may likas at di-likas na hugis
A- Maisa- isa ang mga bagay na matatagpuan sa kani-kanilang bahay na may likas at di-likas
na hugis

II. Paksa
Pangunahing Kaisipan- Kaalaman sa Disenyo at Biswal na Pandama
Paksang Kaisipan - Hugis
Kagamitan - Mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang hugis, konkretong bagay tulad
ng bola, dahon, bulaklak, papel atbp
Biswal na materyal

III. Pamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Pagganyak/ Panimula

Magandang hapon sainyo mga bata. Magandang hapon din po saiyo maam.

Ngayong hapon bago natin simulan ang


ating aralin inaanyayahan ko muna ang
lahat na tumayo para sa panalangin at
sa pagkanta ng isang awitin

 Panalangin
 Aawit ng awiting “Minamahal Ang mga ibon na lumilipad
ng Diyos” Minamahal ng Diyos
Di kumukupas(2x)
Huwag ka ng malungkot kaibigan

- Ang mga puno na lumalaki


- Ang mga prutas na masasarap
- Ang mga bulaklak nanamumukadkad
- Ang mga isda na lumalangoy
- Ang mga bata na mababait
(…minamahal ng Diyos, di kumukupas (2x),
huwag ka ng malungkot kaibigan)
 Magtse- tsek ng attendance

Ngayon mga bata, mula sa kantang Ibon


inyong inawit banggitin ang mga Puno
minamahal ng atingPanginoon. Isda
Prutas
Bulaklak
Bata
Sa tingin niyo meron ba silang kanya-
kanyang hugis? Opo.
Anu- ano kayang mga hugis meron ang
mga iyon?

Yan ang ating aalamin mula sa


tatalakayin nating aralin ngayong
hapon.
Handa na ba kayong makinig mga bata? Opo.

B. Pag-isipan/ Pag-usapan

Ngayon dumako na tayo sa ating aralin.

Para sainyo mga bata, ano ang ibig Ito ay ang linyang pinagtagpo ang dalawang
sabihin ng Hugis? dulo.

Maituturing ba nating elemento ng Opo.


sining ang hugis?

Ngayon mgabata, pansinin niyo May bilog, biluhaba, tatsulok, parisukat, at


sainyong harapan ang larawang idinikit irregular na hugis
ko sa unahan. Ano- anung mga hugis
ang nakikita ninyo?

Mayroong dalawang uri ng hugis. Ang


likas na hugis o “organic shape” at di-
likas na hugis o “geometric shape”.
Masasabing likas an hugis ang isang
bagay kung ito ay tila gumagalaw at
may buhay samantalang di-likas na
hugis naman kung ito ay walang buhay,
matigas tingnan at walang galaw.

Diba madali lamang nating matutukoy


ang mga bagay na may likas at di-likas
na hugis.

May ipapakita akong mga bagay.


Sabihin niyo kung ito ay likas na hugis
o di-likas na hugis.

Dahon

Likas na hugis
Bola

Di-likas na hugis

Watawat

Di-likas na hugis

Puno

Likas na hugis

Bahay

Di-likas na hugis

Bulaklak

Likas na hugis

C. Paglalagom

Ang mga bagay na nakikita natin sa


ating paligid ay may mga hugis.
Naaayon ito sa dalawang uri: ang likas
na hugis o “organic shape” at di likas
na hugis o “geometric shape”. Ang mga
bagay na may buhay tulad ng mga
bulaklak at dahon, prutas, mga puno at
hayop, mga kabibe, alapaap at iba pang
mga bagay na nakikita sa kalikasan ay
maituturing nating likas na hugis.
Samantalang ang mga bagay na ginawa
ng tao na walang buhay tulad ng
pinggan, bola, mga aklat, pera at iba pa
ay mga halimbawa ng di likas na hugis.
IV. Pagtataya/ Pagsubok

Gawain 1

Likas na hugis ang isasagot kung sa tingin niyo ang tinutukoy na bagay ay may buhay
samantalang Di-likas na hugis naman kung ito ay walang buhay.

1. Papel Di-likas na hugis


2. Plato Di-likas na hugis
3. Isda Likas na hugis
4. Watawat Di-likas na hugis
5. Ulap Likas na hugis
6. Mansanas Likas nahugis
7. Kahon Di-likas na hugis
8. Mangga Likas na hugis
9. Pera Di-likas na hugis
10. Hapag Di-likas na hugis

Gawain 2.
Sa isang buong papel gumuhit ng isang bagay na makikita niyo sainyong kapaligiran. Lagyan
ito kung anong uring hugis ang ginuhit, akmang kulay at pangalan.

V. TakdangAralin

Magtala ng limang mga bagay na may likas na hugis at limang di-likas na hugis na matatagpuan
sa inyong mga tahanan.

You might also like