You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Concepcion Holy Cross College Inc.


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Academic Year 2021-2202

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA PHYSICAL


EDUCATION 1
Pagbabalanse Gamit ang Tatlo hanggang Apat na Bahagi ng Katawan

Submitted by:
Patricia Grace L. Solomon
BEED 3-A

Submitted to:
Mr. Patrick Gonzales
I. Mga Layunin
Sa loob ng isang oras tatalakayin ng mga mag-aaral ang sumusunod;
a. Pag- usapan kung paano ang tamang pagbabalanse gamit ang iba’t ibang parte o bahagi ng katawan.
b. Ipakita gamit ang isa hanggang apat na bahagi ng katawan sa pagbabalanse.
c. Malalaman ang kahalagahan ng pagbabalanse ng katawan.

I. Paksang Aralin
Paksa: Pagbabalanse gamit ang tatlo hanggang apat na bahagi ng katawan
Saggunian: K to 12 Curriculum Guide, page 12 of 67
Kagamitan: Mga larawan

II. Pamamaraan
A. Paghahanda

1. Pagsasagawa ng pang araw-araw na Gawain


1.1 Pagbati
1.2 Panalangin
1.3 Pag-awit
1.4 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


Pagbabalik - aral
Naaalala niyo pa ba ang natalakay noong nakaraang Opo titser!
araw?

Tungkol saan ito? Tungkol po ito sa apagbabalanse gamit ang bahagi ng


ating mga katawan.

Mahusay mga bata!

Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating pag-aaralan ngayong Okey po titser!
araw, kailangan ko muna ng anim na estudyante na
gustong sumali sa aking palaro. Ang larong ito ay
tatawagin natin itong “Calamansi Relay”. Ang
kailangan niyo lang gawin ay lumakad papunta sa
iikutan niyong upuan habang kagat ang kutsarang may
lamang calamansi na dapat ay hindi mahulog.
Pagdating mo sa pinanggalingan mo ililipat o ipapasa
mo ang calamsi sa kutsara ng kasangga mo na hindi
ginagamit ang kamay sa pagpasa o paglipat ng
calamasi sa kasangga mo hanggang sa lahat kayo ay
matapos. Ang unang grupo na matatapos ay siya ang
magwawagi.

Ang mananalo sa larong ito ay magkakaroon ng Yehey!


premyo.

Paano niyo naisagawa ang pagbabalanse ng inyong Kailangan po namin lumakad ng tuwid para po hindi
katawan sa larong Calamsi Relay? mahulog ang calamsi na nasa kutsara po.

Tama!

Naisagawa ba ninyo ang tamang pagbabalanse ng Opo!


katawan sa inyong ginawang laro?

Nasiyahan ba kayo sa ating laro? Opo!

B. Panlinang na Gawain
Pagmasdan ang mga larawan
Sino ang marunong sainyong magbisikleta? Ako po titser!

Mahusay!

Anong dapat ninyong gawin para makapagbisikleta? Kailangan marunong ka pong magbalanse upang hindi
ka po matumba..
Tama!

Ano namang bahagi ng katawan na ginagamit para Ang dalawang kamay at dalawang paa po.
makapagbisekleta?

Tama!

C. Pagtatalakay
Ang tatalakayin natin ngayong araw ay tulungkol sa
pagbabalanse gamit ang tatlo hanggang apat na bahagi
ng katawan.

Alam niyo ba ano ang ibig sabihin ng “balanse” o Ito po yung kakayahan nating balansehin ang ating
“pagbabalense? mga katawan.

Tama!

Ang balanse ang tawag sa kakayahang makontrol


ang posisyon ng katawan nang nakatigil o
gumagalaw. Maaaring gamitin ang isa hanggang apat
na bahagi ng katawan sa pagsasagawa ng mga ito nang
may kaukulang pag-iingat.

Gamit ang mga bahagi ng katawan, magbigay o paano Tumayo ng tuwid na naka taas ang kaliwang paa.
ninyo maipapakita ang pagbabalanse. ( Ipapakita ng estudyante ang pagbabalanse gamit ang
mga bahagi ng katawan )
Magaling!
Tumayo ng tuwid gamit ang dalawang paa.
Paano maipapakita ang pagbalanse gamit ang
( Ipapakita ng estudyante ang pagbabalanse gamit ang
dalawang bahagi ng katawan?
mga bahagi ng katawan )

Magaling!

Ngayon naman magpapakita ako ng mga larawan at


tukuyin kung ilan ang ginamit na bahagi ng katawan
sa pagbabalanse.

Ang dalawang kamay at isang paa ay nakalapat sa


sahig samantalang ang isang paa ay nakataas.
1. Sa gawaing ito ilang bahagi ng katawan ang iyong Tatlo po.
ginamit upang makapagbalanse? ____________

Tama!

2. Ano-anong bahagi ng katawan ang ginamit sa Dalawang kamay at isang paa po.

gawain ito?___________________________

Tama!

Ang dalawang siko ay nakalapat sa sahig at ang


mga braso ay nakataas ng bahagya. At ang dalawang
tuhod ay nakalapat sa sahig at ito ay nakabaluktot ng
bahagya patalikod.

1. Sa gawaing ito ilang bahagi ng katawan ang iyong Apat po.

ginamit upang makapagbalanse? ____________

Tama!

2. Ano-anong bahagi ng katawan ang ginamit sa Dalawang siko at dalawang tuhod po.

gawain ito?___________________________

Tama!

Ngayon naman kailangan kong ng dalawang


estudyante na gustong bumunot dito sa harapan para
sbukan ang pagbabalanse gamit ang bahagi ng
katawan.

1. Sa gawaing ito ilang bahagi ng katawan ang iyong Apat po titser!


ginamit upang makapagbalanse? ____________

Tama!

2. Ano-anong bahagi ng katawan ang ginamit sa Dalawang kamay at paa po!


gawain ito?___________________________

Tama!

1. Sa gawaing ito ilang bahagi ng katawan ang iyong Isa po titser!


ginamit upang makapagbalanse? ____________

Tama!

2. Ano-anong bahagi ng katawan ang ginamit sa Isang paa po titser!

gawain ito?___________________________

Tama!

D. Paglalahad
Lagi ninyong tatandaan mahalagang matutunan ang
pagbabalanse ng ating mga katawan. Dahil nakatigil o
hindi man tayo gumagalaw mahalagang alam natin
ang pagbabalanse ng katawan natin gamit ang isa
hanggang apat bahagi ng ating katawan.

E. Paglalapat
Lagyan ng tsek ✔ sa patlang bago ang bilang kung ito ay nagpapahayag ng tamang balanse at ekis ✘
naman kung hindi.
_____ 1. Pag-upo ng maayos 1. ✔
_____ 2. Lumakad ng marahan 2. ✔
_____ 3. Humiga ng may pag-iingat 3. ✔
_____ 4. Magmadali sa pag-upo 4. ✘
_____ 5. Biglaang pagtayo 5. ✘
F. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan na ginamit o kasama sa olympic games na nagpapakita ng pagbalanse ng katawan.

You might also like