You are on page 1of 25

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
MODYUL UNA HANGGANG IKAAPAT NA
1 LINGGO

Alamin Natin

ARALIN 1: Creates shapes by using different body parts

Tungkol saan ang modyul na ito?

Magandang araw! Kumusta? Masaya ka ba?


Maligayang pagsasama sa ating modyul.

Ang pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapalakas ng


Katawan ay makatutulong sa iyo upang maintindihan mo
ang mga ideya at mga konsepto nito. Nakatutulong din ito
upang malinang ang iyong kasanayan sa iba’t ibang
gawaing pampalakasan. Pero bago mo matutunan ang
lahat ng iyon, nararapat munang matutunan mo ang mga
pangunahing aralin.

Sa modyul na ito, matututunan mo ang ibat ibang


bahagi ng ating katawan at mga hugis na nalilikha nito.
Kaya atin ng alamin ang nakapaloob sa modyul na ito.

Alam mo ba na kahanga-hanga ang ating


katawan? Binubuo ito ng ulo, leeg, katawan, dalawang
braso at dalawang hita.

1
Subukin Natin

Basahin ng mabuti ang panuto. Pagkabitin ang larawan


sa tamang bahagi ng katawan.

1. katawan

2. ulo

3. paa

4. kamay

5. balikat

Balikan Natin

Gawin Mo:

Kaya mo bang tumayo nang tuwid?

maglakad, gamitin ang mga braso sa pagbubuhat,

at mga kamay sa paghawak ng mga bagay.

2
Tuklasin Natin

Sa pagpapalakas ng katawan hinati sa apat (4) na


bahagi ang eherisyo.

Gayahin kasama ang nakatatanda o sinumang may


ganap na kaalaman para sa gawaing ito.
Simulan sa ulo, igalaw ang leeg,

Kasunod ay ang katawan,


igalaw ang dibdib pababa sa
beywang,

Sa itaas na bahagi, igalaw


ang kanan at kaliwang
kamay at braso,

Sa ibabang bahagi, igalaw


ang kanan at kaliwang
hita.

Talakayin Natin

Natatandaan mo ba ang awiting “Paa, Tuhod?”


Lapatan ng kilos ang awiting ito.
Panimulang posisyon: Pagdikitin ang mga Paa.
Awitin at gawin ang bilang 1-4 ng tatlong beses.
3
Gayahin:

1. Paa Ituro sa harapan ang kanang


paa. (gawin din ito sa kaliwang
paa)

2. Tuhod Pagdikitin ang kanan

at kaliwang tuhod

at ibaluktot.

3. Balikat Paikutin ang mga balikat.

4. Ulo Paikutin ang ulo.

5. Pumalakpak Ipalakpak ang dalawang


kamay.

4
Pagyamanin Natin

GAWAIN1:

• Ano ang masasabi mo sa gawain?


• Nais mo bang lumikha ng sarili mong kilos para sa
awit?
• Awiting muli ang kanta at lumikha ng kilos.
• Nasiyahan ka ba?
(Ivideo o kunan ng larawan ang inyong ginawa. Humingi
ng tulong sa mga nakakatanda o sa mas nakakaalam
nito).

Gawain 2:

Panuto: Iguhit ang kilos na nalikha mo para sa awit.

1. Paa

2. Tuhod

3. Balikat

4. Ulo

5. Magpalakpakan tayo.

Tandaan natin

Panuto:

Ano ano ang mga bahagi ng katawan na ginamit ninyo


sa pagsasagawa ng gawain sa gawain 1 at 2? (Maaaring
iguhit o isulat ito sa sagutang papel).

5
Isabuhay natin

Panuto: Gamitin ang mga bahagi ng katawan upang


makabuo ng hugis. Ipakita ito sa pamamagitan ng
pagkuha ng larawan o video at ipakita o ipadala sa
inyong guro. (Magpatulong sa mga kasama sa bahay
na nakakaalam sa gawaing ito).
1. Siko 2. Beywang

3. Ulo 4. Paa

5. DalirI

Tayahin Natin

Panuto: Pag-ugnayin ang bahagi ng katawan sa kilos


na kayang gawin nito.
1. Paa

2. Tuhod

3. Ulo

4. Balikat

5. Kamay

6
Napakahusay ng iyong ginawang pag-aaral ngayong
araw na ito. Dahil diyan, narito ang bonus na gawain.

Gawin Natin

Panuto:

1. Magsanay na gawin ang nasa gawaing tuklasin at


suriin para sa pagpapalakas ng iba’t ibang
bahagi ng katawan.
2. Iguhit o idikit ang larawan ng iyong katawan sa
loob ng kahon.
3. Isulat ang pangalan ng bawat bahagi.

Sanggunian
● K-12 LM sa MAPEH 1 pah. 1-9
● K-12 LM sa MAPEH 1 pah. 1,2,5,6

7
MODYUL IKALIMA HANGGANG IKAANIM NA
2 LINGGO

Alamin Natin

LAYUNIN: Pagbabalanse gamit ang isa,dalawa ,tatlo


,apat at limang bahagi ng katawan:

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa iba't ibang


bahagi ng ating katawan at kung paano maipapakita
ang pagbabalanse gamit ang isa ,dalawa ,tatlo ,apat
at limang bahagi ng katawan . Sa pamamagitan ng
mga gawain sa ibaba lubos na makikilala at
mailalarawan ang ulo, balikat, leeg, likod, dibdib,
beywang, braso, siko, pulso, kamay, daliri, tuhod,
bukong-bukong, paa, at talampakan. Matutunan din
ang tamang balanse gamit ang isa hanggang limang
bahagi ng katawan at kung paano ang tamang paraan
upang maililipat ang bigat ng katawan sa tuwing may
isinasagawang kilos ang bawat bahagi nito.

PAKSA: Ang ating Katawan

Subukin Natin

Mga salitang hahanapin:


1. Paa
2. Ulo l u l o k
3. Kamay
h e e a a
4. Leeg
5. Hita
i h e o m

t e s g a

a p a a y

8
Balikan Natin

Suriin ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng / ang


patlang kung ang gawain ay nagpapakita ng pagkilos
ng katawan at x naman kung hindi:

_______1. _________2. _____3.

______4. ______5.

Tuklasin Natin

Alam mo ba na kahanga-hanga ang ating katawan?


Binubuo ito ng ulo, leeg, katawan, dalawang braso, at

dalawang hita. Kaya mong tumayo nang tuwid

maglakad ,gamitin ang mga braso sa pagdadala

at pagbubuhat ,pagtutulak at paghila

9
at mga kamay sa paghawak at paghagis ng mga

bagay Ang lahat na ito ay


maisasagawa o maisasakilos ng bawat bahagi ng ating
katawan.

Talakayin Natin

1. Paano mo masasabi na kahanga-hanga ang iyong


katawan?
_________________________________________________

2. Anu-ano ang mga bahaging bumubuo sa iyong


katawan?

3.Batay sa mga larawan na nasa itaas, anu-ano ang


mga gawaing maaaring isagawa ng bawat bahagi
ng iyong katawan? Isakilos ito .
_________________________________________________

Pagyamanin Natin

Sa pagpapalakas ng katawan, hinati sa apat na


bahagi ang pag-ehersisyo.Ang mga sumusunod ay ang
tamang pag-ehersisyo ng bawat bahagi nito.

10
Katulad ng nasa larawan, simulan sa ulo at igalaw ang

leeg, pataas, pababa, pakaliwa at pakanan.


Kasunod ay ang katawan, igalaw ang dibdib pababa sa

beywang. Sa itaas na bahagi, itaas ang kanan

at kaliwang kamay at braso. Sa ibabang

bahagi, igalaw ang kanan at kaliwang hita.

1. Sa ilang bahagi ng katawan hinati ang pag-


ehersisyo?
___________________________________________________
2. Maghanap ng kapareha: Isakilos o isagawa ang
pag-ehersisyo ayon sa inilahad ng larawan:
(Ulo,katawan ,braso at hita )
___________________________________________________

Tandaan natin

Subukan ang mga sumusunod na kasanayan sa


pagbabalanse.

1.
Dalawang braso, isang hita

2. Isang barso, dalawang hita

11
3. Pagtayo sa isang paa na
nakataas ang dalawang
braso at pantay ang balikat.

1. Sa unang larawan,kapag ito’y iyong isakilos saan


malilipat ang bigat ng yong katawan ?
_______________________________________

2. Bakit mahalaga ang pagkaroon ng balanse?


_______________________________________
3. Paano nakakatulong ang pagbabalanse gamit ang
isa, dalawa, tatlo, apat at limang bahagi ng ating
katawan?
_______________________________________

Mahalaga ang pagbalanse gamit ang isa, dalawa,


tatlo, apat at limang bahagi ng ating katawan para
maging balanse at maging pantay ang ating mga
ikinikilos.
Kung hindi balanse ang mga ito, mahihirapan
tayong gumalaw o lumakad ng maayos. Mahalaga ito
upang makagawa ng mga gawain ng maayos at
magkakaintindihan sa mga kilos na ating isinasagawa.
Lagi ring isaisip na sa lahat ng ating pang-araw –araw
na gawain ay ginagamitan natin ng balanse.

Isabuhay natin

Lapatan ng awiting ‘’Paa, Tuhod ‘’habang isinasagawa


ang gawaing ito.

12
1. paa Ituro sa harapan ang mga
paa(gawin din
ito sa kaliwang
paa)

Pagdikitin ang
kanan at kaliwang
tuhod at ibaluktot
2. tuhod

Paikutin ang

mga balikat
3. balikat

4. ulo Igalaw ang ulo,


iunat ang leeg–
pataas,pababa,
pakaliwa at
pakanan

5.Dalawang Ipalakpak ang


kamay dalawang
kamay

13
Tayahin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga larawan ang gumamit ng apat na bahagi
ng katawan sa pagbalanse?

A B. C. D.

2. Kung iikot mo ang iyong ulo,anong hugis ang iyong


mabubuo?
A. tatsulok C. bilog
B. parihaba D. parisukat

3. Masdan ang larawan.Ilang bahagi ng katawan ang


ginamit sa pagbalanse?
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat

4. Kung ang bigat ng katawan ay nasa paa kapag


nakatayo,nasaan naman ang bigat kapag ikaw ay
nakaluhod?
A. tuhod C. siko
B. kamay D. balikat

5. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa pagsipa


ng bola?
A. kamay C. paa
B. mata D. siko

14
Gawin Natin

Panuto: Pag-ugnayin ang bahagi ng katawan sa kilos na kayang


gawin nito.

1. Braso

2. Hita

3. Ulo

4. katawan

5. paa

Sanggunian
• Google. Com
• Learning Materials pp.1-13
• Budget of Work

15
MODYUL IKAPITO HANGGANG IKAWALONG
3 LINGGO

Alamin Natin

Sa modyul na ito ay ipapakita natin ang paglipat ng


bigat mula sa isang bahagi ng katawan patungo sa
kabilang bahagi. May mga inihandang gawain para
maipakita ang paglipat ng bigat. Sikaping magawa ang
mga inihandang gawain upang mas higit na maunawaan
ang paglilipat ng bigat.

Subukin Natin

Panuto: Lagyan ng √ ang larawan na nagpapakita ng


paglipat ng bigat lagyan ng X kung hindi.
1. pagtayo 2. paggapang

3. paglakdaw 4. paglakad

5. pag-iskape

16
Balikan Natin

Panuto: Gawin ang mga sumusunod. Isulat sa kahon kung


ilang bahagi ng katawan ang ginamit sa pagbalanse.

1. 2.

3. 4.

5.

Tuklasin Natin

Maglaro ng “Sabi ni Pedro”. Sundin ang iniuutos kung


may katagang “Sabi ni Pedro”. Di-susundin kung walang
“Sabi ni Pedro”.

● Sabi ni Pedro, “lumakad”.


● Itaas ang kamay.
● Sabi ni Pedro, “gumapang”.
● Sabi ni Pedro, “mag-iskape”
● Kumaway
● Sabi ni Pedro, “ tumalon pakaliwa at pakanan”.
● Sabi ni Pedro, “tumakbo”.

17
Talakayin Natin

● Nasiyahan ka ba sa paglalaro?
● Kaninong utos ang sinunod mo?
● Sumusunod ka rin ba sa mga utos ng tatay at nanay
mo?
● Anu-ano ang mga utos ni Pedro na sinunod mo?
⮚ paggapang
⮚ pag-iskape
⮚ paglakad
⮚ pagtalon
⮚ pagtakbo
● Anong bahagi katawan ang ginamit mo sa
paglakad?
● Ano ang naramdaman mo habang nagpapalitan
ang iyong mga paa sa paghakbang?
● Naramdaman mo ba kung aling paa ang
nakakaramdam ng bigat?

Pagyamanin Natin

Gawain 1: Paglipat ng Bigat sa mga Pangunahing


Kasanayan sa Pagkilos
Ang paglakad, pagtakbo, pagtalon, paglukso at
paggapang ay mga halimbawa ng pangunahing
kasanayan sa pagkilos. Ang mga ito ay nagpapakita ng
paglipat ng bigat. Ang paglipat ng bigat ay nangyayari
habang nagpapalitan sa paggalaw ang bahagi ng
katawan na ginagamit mo sa pagkilos. Sa paglalakad ay
nagpapalitan sa paghakbang ang magkabila mong paa
at dito nangyayari ang paglipat ng bigat. Ganoon din
ang nangyayari sa pagtakbo, pag-igpaw, paglukso at
pag-iskape.

18
Panuto: Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng
paglipat ng bigat.

1 2 3 4 5
Gawain 2: Paglipat ng bigat sa mga araw-araw na
gawain

A B
Kaya mo bang bigyan ng kwento ang dalawang
larawan? Ano ang dala ng batang lalaki? Nasubukan mo
na bang magbuhat ng isang timbang tubig? Bakit niya
kaya inilipat ang timba sa kabila niyang kamay? Maaaring
nabibigatan na ang bata sa pagbuhat ng timba kaya
naman inilipat niya ang bigat sa kabilang kamay.

Kapag tayo ay nakakaramdaman ng pangangalay o


bigat ay inililipat natin ang bagay na dala natin sa
kabilang kamay na malaya o walang hawak. Maliban sa
pag-igib ng tubig, ano pa kayang ginagawa natin sa
araw-araw na nagagamit natin ang paglilipat ng bigat?

Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng


paglipat ng bigat.

1 2 3

4 5

19
GAWAIN 3: Paglilipat ng Bigat sa Pag-eehersisyo
Ang pag-eehersisyo ay nakabubuti sa ating katawan.
Lalo na sa panahon ngayon na may pandemya.
Kailangan nating mas palakasin pa ang ating katawan.
Ang paglilipat ng bigat ay nagagawa rin natin sa pag-
eehersisyo. Kaya naman simulan na nating gawin ang
mga simpleng ehersisyo. Sundan ang mga larawan. Gawin
ang ehersisyo nang sampung ulit.

Bilugan ang bilang ng mga ehersisyo na iyong nagawa.


1. Ilagay ang kamay sa beywang at ipaling ang
katawan sa kaliwa at sa kanan.

2. Ilagay ang kamay sa beywang at ipihit ang katawan


sa kaliwa at sa kanan.

3. Pagdikitin ang dalawang paa at ilagay ang kamay sa


beywang. Igalaw ang katawan pakaliwa, pakanan,
paharap at balik sa puwesto.

20
4. Tumayo nang tuwid. Abutin ng dalawang kamay ang
sahig. Itaas ang isang kamay habang nakahawak sa
sahig ang kabilang kamay. Gawin habang
nagpapalitan ang kamay.

Tandaan Natin

Naipapakita ang paglipat ng bigat sa pagpapalitan


ng paggalaw ng magkabilang bahagi ng katawan. Sa
mga gawaing-bahay ay nagagawa rin natin ang
paglilipat ng bigat. Ginagawa natin ang paglilipat ng
bigat para hindi tayo makaramdam ng pagod o
pangangalay. Mahalaga na marunong tayong
magbalanse sa paglilipat ng bigat para maiwasan natin
ang bumagsak at masaktan.

Isabuhay Natin

Iguhit ang paborito mong gawaing-bahay na


nagpapakita ng paglipat ng bigat.

21
Tayahin Natin

Kulayan ang kung ang gawain ay nagpapahayag ng


paglipat ng bigat.

1. Naglalaro ng luksong-lubid si Mona.


2. Gumagapang sa sahig si Mawel.
3. Nakaupo si Karl sa kama.
4. Ikinembot ni Elsa ang kanyang beywang
pakaliwa at pakanan.
5. Umigpaw si Meng sa nakaharang na kahoy sa
kalye.

Gawin Natin

Magpatulong kay tatay sa paggawa ng tiyakad na bao.


Gamitin ito para maramdaman ang paglipat
ng bigat. Magdikit ng sarili mong larawan habang
pinaglalaruan ito katulad ng halimbawa sa ibaba.

Sanggunian:
• Annex-C K-12 MELCS p. 240
• https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learners-material-in-pe-and-health-q1q4
• https://www.youtube.com/watch?v=4zu66lO9gmk&t=3s
• https://www.freepik.com/free-vector/happy-brunette-girl-standing_5702079.htm
• https://clipartstation.com/clipart-make-bed-3/
• https://www.123rf.com/clipart-vector/dishes.html?sti=nb7k8uiqczgysntw4b|
• https://www.dreamstime.com/stock-photo-pouring-water-image24415050

22
Development Team
WRITERS
MARY ANN S. MORTERO
SORAIDA TATIL PIALAGO
MARIA FE FRAGINAL

EDITORS & EVALUATORS


ROSALYN MAGBOO
REMELINE A. FRANCISCO
RONALDO VELASCO
CYRIL D. PURPURA
EVANGELINE MANOSCA
JOHN REY C AMANO

LAYOUT ARTIST & ILLUSTRATORS


MA. CRISTINA JAVIER
CAMILLE JEWEL L. GARCIA
MELANIE D. GATANELA

MANAGEMENT TEAM
DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
SHOJI GERONA, EPS – MAPEH
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

PRINTING SPONSOR

CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

23

You might also like