You are on page 1of 4

District of Delfin Albano

Banghay Aralin sa Kindergarten


Unang Markahan
Ika-pitong linggo
Gamit ng Iba’t ibang Bahagi ng ating Katawan

I. LAYUNIN
A. Content Standard 1. Ang bata ay nagkakaroon ng pag-unawa sa kanyang kapaligiran at
naiiugnay dito ang angkop na paggalaw ng katawan.
2. bahagi ng katawan at gamit nito.
B. Performance Standard 1. Ang bata ay nakapagpapamalas ng tamang pagkilos sa lahat ng
pagkakataon na may paggalang at pagsasaalang-alang sa sarili at sa iba
2. Malayang nakapagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin,
saloobin at ideya na may kabuluhan o katuturan
C. Learning Competencies (KSA) 1. Nasasabi ang gamit ng mga ibat ibang bahagi ng katawan (PNEKBS-
Id-2)
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Gamit ng mga ibat ibang bahagi ng katawan

B. Sanggunian K-12 Kindergarten Curriculum Guide, Page 22


K-12 Most Essential Learning Competencies, Page 7
Kindergarten Module 13-14 : Marami Tayong Nagagawa
Gamit ang Iba’t ibang Bahagi ng ating Katawan
C. Kagamitan Laptop, Pictures
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain  Panalangin
 Ehersisyo
 Panahon
 Kamustahan
 Attendance
B. Balik-Aral Kumusta mga bata?

Sana ay nasa mabuti kayong kalagaan.

Noong nakaraan ay pinag aralan natin ang iba’t ibang bahagi ng ating
katawan.

Anu-ano ang mga bahagi ng ating katawan?

Magpakita ng mga larawan at ipatukoy kung ano ang pangalan o tawag


ng mga ito.

C. Pagganyak Ituro ng buong sigla ang awit na “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo” sa mga
mag-aaral.

Ulit-ulitin ang awit hanggang kanilang matutunan.

Ipadama at ipaunawa sa kanila ang nilalaman ng awit.


PAA, TUHOD
Paa, tuhod, balikat, ulo
Paa, tuhod, balikat, ulo
Paa, tuhod, balikat, ulo
Magpalakpakan tayo.

1. Anu-anong mga parte ng katawan ang nabanggit sa awit?


2. Anu-ano ang iba pang parte ng ating katawan?
3. Anong parte ng ating katawan ang hindi natin nakikita?

D.Gawain sa Pagkatututo Ngayon ay aalamin natin ang iba’t-ibang gamit ng ating katawan.

Basahin: Ako ay may katawan. Marami akong kayoing gawin gamit ang
katawan.
(Ipabasang muli ito sa mga bata.)

Itanong: Anu-ano ang magagawa natin gamit ang ating katawan?

Sabihin: Isa-isahin ang mga bahagi ng katawan at kung ano ang


magagawa natin gamit ito.

E. Pagtuturo at Pogmomodelo Itanong: Anong bahagi ng katawan ito?


(Ipakita ang larawan ng mukha ng isang bata)
(ulo)
Itanong: Ano ang magagawa natin gamit ang ating ulo?

Sabihin ang ibat-ibang gawain o kayang gawin ng ulo.

Itanong: Anong bahagi ng katawan ito?


(Ipakita ang larawan ng mata )

Sabihin ang ibat-ibang gawain o kayang gawin ng ulo.

Ulitin hanggang matapos ang lahat ng larawan ng iba’t-ibang bahagi ng


katawan.

Mayroon din tayong mga bahagi ng ating katawan na hindi natin


nakikita dahil ito ay nasa loob ng ating katawan.

Ipakita larawan at tukuyin at sabihin ang naitutulong ng mga ito.

Sabihin muli: Ako ay may katawan. Marami akong kayoing gawin


gamit ang katawan.

H. Paglalapat Sabihin: Sabihin kung anong bahagi ng katawan ang ginamit sa mga
sumusunod na larawan/gawain.

Isa-isang ipakita ang mg larawan at itanong kung anong bahagi ng


katawan ang ginamit sa mga sumusunod na larawan/gawain.

1. Pagsusulat-kamay
2. Pagtakbo_ paa
3. Pakikinig ng musika: tenga
4. Pag amoy ng massarap na pagkain-ilong
5. Pagkain- bibig
I. Paglalahat Tandaan:
Ang iba’t-ibang bahagi ng ating katawan ay nagtutulungan upang
magamit ito sa ibat-ibang paraan.

Naigagalaw natin ang mga bahagi ng ating katawan.


IV. Pagtataya/Panapos na Gawain Para sa mga gawain:

Gawain 1: Pliin at bilugan sa hanay B ang bahagi ng katawan na iyong


ginagamit sa mga gawain sa hanay A.

Hanay A Hanay Ba

Gawain 2: Tukuyin ang larawan na sinasabi sa kaliwa. Kulayan ang


sagot.

1. Ito ay tumtibok-tibok

2. Nabibigay hugis ng
ating katawan.

3. Imbakan ng pagkain

4. Tumutulong sa paghinga

V. Takdang Aralin Panuto: Gupitin ang mga larawan ng puso, baga, at tiyan. Idikit ito sa
hugis ng tao.
Prepared By:
GROUP 4 KINDERGARTEN TEACHERS

DOLORES O. LUIS ERIZA MAE D. BUCCAT


Maui ES Kinder Teacher San Isidro ES Kinder Teacher

Checked:
QUALITY ASSURANCE TEAM

JOSIE GUTING SHIRLEY ACORDA LEONA DOMINGO


Principal I Master Teacher I Head Teacher III

MARITES C. BAGAIN CAROL LAINE CABADING NERISSA MAE


OBEDOZA
Teacher III Teacher III Teacher III

You might also like