You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02-Cagayan Valley
Schools Division of the City of Ilagan
Ilagan East District
ILAGAN EAST INTEGRATED SPED CENTER
City of Ilagan, Isabela

Teacher: JACQUELINE M. DELA ROSA Date: July 24, 2019


Level: Kindergarten Time : 8:00 – 9:00 AM

BANGHAY – ARALIN

I. LAYUNIN:
a. Natutukoy ang mga bagay na malambot at matigas.
b. Nasasabi na ang kamay ay ginagamit na pandama.
c. Naipapaliwanag ang kahulugan ng mga bagay na ginagamitan ng kamay.

II. PAKSANG ARALIN

Ako ay may Pandama

Sanggunian : TG p.109
CG p. 33 of 36
Integrasyon : Matematika
EPP
Music & Arts

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
Balik-aral sa gamit ng ilong at mata.

B. Pagganyak
Pag-awit ng Awiting: Sampung Mga Daliri

Tanong:
1. Anong Sampu ang tinutukoy sa awitin?
2. Saan makikita ang mga daliring ito?

C. Pagtalakay sa Aralin
1. Ipakita ang larawan ng kamay
Tanong: Ano ang kayang gawin ng mga kamay na ito?
2. Ipakita at ipahawak sa mga bata ang mga bagay na nasa loob ng kahon / tray.
Tanong: Ano ang masasabi ninyo sa mga bagay na nahawakan ninyo?
3. Pagtukoy sa mga bagay na __________ (sorting)

Malambot Matigas
(Mga aktuwal na bagay) ((Mga aktuwal na bagay)
Hal. Hal.

4. Bakit ninyo nasabi na ang mga bagay na ito ay malambot? matigas?


D. PAGLALAHAT:
1. Pangkalahatang Gawain:

Panuto: Bilugan ang mga bagay na malambot at i-ekis ang mga bagay na matigas.

2. Pangkatang Gawain:

Pangkat I – Puzzle (malambot / matigas)


Pangkat II – Objects sorting (malambot / matigas)
Pangkat III – Pagkulay
Pangkat IV – Puzzle (kamay)
Pangkat V – Food Decoration

E. PAGPAPAHALAGA:
Ipanood ang inihandang bidyo.
Tanong: Anu-ano ang mga bagay na nagagawa ng ating mga kamay?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Kulayan ng pula ang kahon kung ang bagay ay malambot at itim kung ang bagay
ay matigas.

V. ASSIGNMENT:

Magdala ng tig-isang kalamansi at kendi.

You might also like