You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
POLOT ELEMENTARY SCHOOL
POLOT,BALENO, MASBATE

Content Focus:

I. Layunin:
 Tell and describe the different kinds of weather (sunny, rainy,
cloudy, stormy and windy)
 Observe and record the weather daily (as part of the opening
routine)

II. Paksa:

Mensahe: Iba’t Ibang Uri ng Panahon


Sanggunian: MELC Kindergarten
Kagamitan: Video Presentation, Picture
Pagpapahalaga: Pakikinig sa guro habang nagtuturo

Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magandang umaga mga bata.
Magandang umaga rin po.
Bago tayo tumungo sa ating aralin,
ay sabay-sabay muna nating awitin
ang kantang “Magandang Araw”
Magandang araw po! Mahal naming guro
Kami ay bumabati at handang matuto
Sana ang pagkikita’y maging ka iga-igaya
Mahal naming guro, Magandang araw po
Ngayon mga bata, pagmasadan
ninyo ang kalangitan.Ano ang
kundisyon ng panahon natin
ngayon?
( Ang sagot ay depende sa panahon ng
araw na iyon. Ito ay maaaring: maaraw,
maulan, mahangin, bumabagyo o
maulap)

Magaling !

Mga bata handa na ba kayong


makinig.
Opo
Ngunit bago tayo tumungo sa ating
aralin ay anu-ano ang dapat nating
isa alang-alang sa pakikinig. -Ituon ang pansin sa nagsasalita
-makinig ng mabuti
-itigil ang mga Gawain na maaaring
magdulot ng pagkabaling ng atensyon

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

Mga bata narito ang Limang uri ng


panahon na ating nararanasan.

Unang Panahon
Maaraw na Panahon

Ano ang kadalasan nating


nararanasan kapag maaraw o
-Maalinsangan ang panahon
matindi ang sikat ng araw?
-Madaling pagpapawisan
-Madaling mauhaw dahil sa init

Ano naman ang maari nating suotin


at gamitin tuwing maaraw? -Maaring magsuot ng manipis na damit
-gumamit ng payong upang maging
panangga sa init

Ikalawang Panahon
Maulap na Panahon

Ano ang napapansin ninyo sa ating


kalangitan tuwing maulap ang -unti-unting natatakpan ang araw sa mga
panahon? ulap

Anu-ano ang magandang aktibidad


na maaring gawin tuwing maulap -Maglaro sa parke kasama ang mga
ang panahon?
kaibigan

Ikatlong Panahon
Mahanging Panahon

Ano ang inyong napapansin tuwing


mahangin ang panahon? -malakas ang hangin sa kapaligiran

Ano nag magandang laruin tuwing


mahangin ang panahon? -magpalipad ng saranggola

Ikaapat na Panahon
Maulang Panahon

Ano naman ang inyong napapansin


sa kalangitan kapag maulan ang -didilim ang kalangitan
panahon? -bubuhos ang walang tigil na ulan

Ano ang dapat dalhin at suotin -Magdala ng payong


tuwing sasapit ang tag-ulan? -magsuot ng kapote at bota

-hindi po, maari pong magkasakit


Mainam ba ang magpa-ulan? bakit?

Ikalimang Panahon
Bumabagyong Panahon
Ano ang nararansan natin kapag -malakas na ulan, kulog at kidlat
bumabagyo?

Ano ang mainam na gawin kapag -manatili lamang sa bahay kasama ang
bumabagyo? pamilya

Magaling !

1.Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat

Ngayon mga bata, Anu-ano ang


Limang Uri ng Panahon na ating -Maaraw na Panahon
tinalakay? -Maulap na Panahon
-Mahangin na Panahon
-Maulang Panahon
-Bumabagyong Panahon

Magaling !

Ngayon, mayroon tayong mga


larawan ng mga panahon at ang
kailangan ninyong gawin ay
pagsunod sunurin ang mga ito base Opo
sa ating aralin kanina.
Maliwanag ba mga bata?

Una Ikalawa Ikatlo

Ika apat Ika lima

Una Ikalawa Ikatlo

Ika apat Ika lima


2. Paglalapat
Ngayon, Magkakaroon tayo ng laro.
Ito ay tatawagin nating
“Panapanahon” hango sa isang
sikat na laro na “pinoy henyo”.
Ang bawat grupo ay may tig-iisang
minutu upang hulaan ang mga
panahon. Ang tinaguriang lider ng
grupo ang siyang manghuhula. .
Pabilisan lamang sa paghula
habang mga miyembro ay umaakto
upang mahulaan ang sagot.
Ang pinaka mabilis na nakahula
ang siynag panalo.
Opo
Ang bawat hanay ang siyang
magkakagrupo. ( Isa-isang manghuhula ang bawat grupo)
Maliwang ba mga bata?

III. Pagtataya:
Iguhit ang limang uri ng panahon
sa loob ng kahon,

Maaraw na Panahon Maulap na Panahon

Mahanging Panahon Maulang Panahon


Bumabagyong Panahon

Maaraw na Panahon Maulap na Panahon

Mahanging Panahon Maulang Panahon

Bumabagyong Panahon

IV. Kasunduan:
Gumupit ng larawan ng Limang uri
ng panahon at idikit ito sa
kwaderno.

You might also like