You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

K
Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON


BULUSAN DISTRICT

Kindergarten
GAWAING PAGKATUTO QUARTER 4 – WEEK 36

Content Focus for the Week: Natutukoy at


napapangalanan ang oras at minuto ng kamay sa
orasan.
Pangalan :
Petsa:
Unang Araw

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa oras at
kahalagahan nito.
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELC
• Identify parts of the book.
• Identify/read title of the story.
• Listen attentively to stories/poems/songs.
• Recall details of the story: characters when and
where the stories happened and events in the story
listened to.
• Collect data on one variable through observation
and asking questions.
• Naiuugnay ang larawan sa tamang oras

1
III. MGA GAWAIN

A. Balik-aral
Panuto: Bilugan ang puwedeng alagaan at ikahon ang
mga hindi puwedeng alagaan na hayop.

B. Pag-aralan Mo
➢ Bago Magbasa
• Pagganyak na Tanong
Mayroon ka bang orasan sa bahay?
Tuwing umaga anong oras ka nagigising?

2
Uuwi na si Tatay
Isinulat ni Mary Mae C. Seminiano
Iginuhit ni: Eric F. Dipad

3
Isang araw, maagang
gumising si Mina, agad niyang
inayos ang kanyang hinigaan.

Nagpalit ng damit at sinuot ang


kanyang paboritong relo na
ibinigay sa kanya ng kanyang
tatay.
Itanong:
• Sino ang maagang gumising?

Sa kusina, naghahanda ng
almusal si nanay.
“Magandang umaga Mina,
ang aga mo ata ngayon
gumising,” wika ni Nanay. “Opo
nanay kasi ngayong araw uuwi si
tatay, anong oras po ba siya
darating?” masiglang tanong ni
Mina. “Mamayang ikasampu ng umaga siya darating,”
sagot ni nanay kay Mina. “ Nanay paano ko malalaman
na ikasampu na ng umaga?,” tanong ni Mina sa
kanyang nanay.

4
Itanong:
• Bakit maagang gumising si Mina?
• Anong oras darating ang ama ni Mina?

“Ganito iyon anak ang isang


relo o orasan ay mayroong
labindalawang bilang, may
dalawang kamay, isang
mahaba at isang maikli. Ang
mahabang kamay ay
tumutukoy sa minuto at ang
maikling kamay naman ay
tumutukoy sa oras.” paliwanag ni Nanay.
“Halimbawa, ngayon sa anong bilang nakaturo ang
mahaba at maikling kamay ng iyong relo?” tanong ni
Nanay.
“Ang mahaba pong kamay ay nakaturo sa bilang
labindalawa at ang maikling kamay naman po ay sa
bilang walo, ikawalo na po ng umaga,” magiliw na
sagot ni Mina.

Itanong:
• Ano ang tinutukoy ng maikling kamay ng relo?

• Ano naman ang tinutukoy ng mahabang kamay?

Kumain ng almusal si Mina. At


tinulungan ang kanyang nanay sa
mga gawaing bahay.

5
Nang tingnan ni Mina ang
relo, nakita niya ang maikling
kamay ay nakaturo sa bilang
siyam at ang mahabang kamay
ay sa bilang labindalawa, “Ah,
ikasiyam na ng umaga”, kailangan
ko nang simulan ang paglilinis sa
loob ng bahay,” wika ni Mina sa
sarili. Nagwalis siya sa kusina, at sa
sala at iniligpit ang iba pang gamit na nakakalat. Natapos
niya ang mga gawain sa tamang oras.

Agad na pumunta si Mina sa


balkonahe, upang hintayin ang
pagdating ng kanyang tatay.
“Magbabasa muna ako ng
paborito kong aklat habang
hinihintay ko si Tatay,” bulong ni
Mina sa kanyang sarili.
Habang nagbabasa si Mina,
napansin niya sa relo na
nakaturo na ang maikling kamay sa bilang ng sampu
at ang mahabang kamay sa bilang na labindalawa.
“Naku! Ikasampu na ng umaga, paparating na si tatay!”
Tuwang-tuwa sambit ni Mina.
Itanong:
• Anong oras nagsimulang maglinis si Mina?

• Anong oras darating ang tatay ni niya?

6
Maya maya, “Beep…beep….
beep.. !”. “Tatay! Tatay!” , tuwang
tuwang sinalubong ni Mina ang
kanyang tatay sabay yakap dito.
“Masayang masaya ako dahil
araw-araw ko na kayong
makakasama ng nanay mo”, wika
ng tatay ni Mina. Sobrang saya
ang naramdaman ni Mina sa pag-
uwi ng kanyang tatay, matagal itong nagtrabaho sa
ibang bansa. Ngayon ay makakasama na nila ito
araw-araw at makapaglalaro na sila nang mahabang
oras.

Itanong:
• Sino ang dumating?
• Bakit masayang-masaya si Mina sa pag-uwi ng
kanyang tatay?

Itanong sa bata ang sumusunod:


1. Sino sino ang tauhan sa kuwento?
2. Bakit maagang gumising si Mina? Anong oras siya
nagising?
3. Anong oras uuwi ang tatay ni Mina ayon sa kanyang
nanay?
4. Ano ang tinutukoy ng maikling kamay ng orasan?
5. Ano ang tinutukoy ng mahabang kamay ng orasan?
6. Anong oras naglinis at natapos si Mina?
7. Anong oras dumating ang tatay ni Mina? Aalis pa ba
ang tatay ni Mina? Bakit?

7
C. Isaisip Natin

Ang orasan ay may labindalawang numero.


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Ang mahabang kamay ay tumutukoy sa


minuto.

Ang maikling kamay naman ay tumutukoy sa


oras.

8
D. Pagsasanay
Gawain 1
Pag-ugnayin ang larawan batay sa kung anong oras nila
ito isinagawa.

ikaanim ng umaga
(6:00)

ikasiyam ng umaga
(9:00)

ikasampu ng umaga
(10:00)

9
Ikalawang Araw
Message for the day : Natutukoy / nasasabi ang
oras na nasa orasan.

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa oras at
kahalagahan nito.

II. Mga Layunin:


• Name the hour and minute hands in a clock.
• Tell time by the hour.
• Natutukoy/nasasabi na ang orasan ay may
mahaba at maikling kamay.
• Natutukoy/nasasabi ang oras na nasa orasan.
• Nakikilala na ang bilang sa orasan ay may
katumbas na oras.

III. MGA GAWAIN:


A. Balik-aral:
1.Book and Print Knowledge

• Ano ang pamagat ng kuwento natin kahapon?


• Sino ang maagang gumising sa kuwento?
• Anong oras darating ang tatay ni Mina?
• Anong bagay ang tinitingnan ni Mina
para malaman ang oras?

10
B. Pag-aralan Mo

Ang orasan o relo ay isang bagay o gamit upang


malaman natin ang oras. Malaki ang naitutulong nito sa
pang araw-araw na gawain ng bawat tao. Ito ay may
dalawang kamay. Mayroong mahaba na siyang
tumutukoy o nagsasabi ng minuto. Maikling kamay na
tumutokoy o nagsasabi ng oras.

11
A. Pagsasanay

Gawain 1
Tulungan si Mina para mahanap ang tamang
daan patungo sa tamang oras ng pagdating ng
kanyang Tatay. Pagkabit-kabitin ang mga linya.

12
Gawain 2
Tingnan ang orasan na hawak ng bawat bata.
Ikahon ang tamang oras na tinutukoy o sinasabi ng
bawat orasan.

11:00 7:00

1:00 6:00

3:00 12:00

13
Gawain 3
Iguhit ang maikli at mahabang kamay ng orasan
para ipakita ang sumusunod na oras.

7:00

11:00

14
Ikatlong Araw
Message for the day: Nakikilala na ang mga bilang
sa orasan ay may katumbas na oras.

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa oras at
kahalagahan nito.

II. Mga Layunin:


• Write time by the hour.
• Natutukoy/nasasabi ang oras na nasa orasan.
• Naisusulat/nakokopya ang tamang oras.
• Nakikilala na ang bilang sa orasan ay may
katumbas na oras

III. MGA GAWAIN


A.Balik-aral
1.Book and Print Knowledge
Itanong sa bata:
1. Sino ang batang maagang gumising?
2. Bakit maaga at masayang gumising si
Mina?
3. Anu ano ang mga ginawa niya
habang naghihintay sa kanyang
ama?

15
B.Pagsasanay

Gawain 1

Isulat ang oras sa ibaba base sa ipinapakita ng orasan.

16
Gawain 2
Lagyan ng linya mula sa orasan sa kaliwa papunta sa
tamang oras sa kanan.

8:00

7:00

12:00

17
Ika-apat na Araw

Message for the day: Nasasabi / Natutukoy ang


pasunod-sunod na oras ng personal na gawain
sa araw-araw.

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa oras at
kahalagahan nito.

II. Mga Layunin:

• Tell time by the hour.


• Natutukoy/nasasabi ang oras na nasa orasan.
• Naisusulat/nakokopya ang tamang oras.
• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa
kwentong binasa.

III. MGA GAWAIN


A.Balik-aral
1. Book and Print Knowledge
Itanong sa mga bata:
• Bakit maagang gumising si Mina?
• Anong oras darating ang kanyang tatay?
• Bakit tayo gumagamit ng orasan?

18
B. Pag-aralan Mo
Ipakita sa mga bata ang mga larawan. Tanungin ang
bata kung ano ang kanyang naaalala batay sa
kuwentong pinakinggan.

19
C. Pagsasanay
Gawain 1
Isulat ang bilang 1, 2, 3 at 4 sa loob ng maliit na kahon
ayon sa tamang pagkakasunod sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.

20
Gawain 2

Iguhit ang mga kamay ng orasan upang maipakita


ang tamang oras.

1:00

6:00

11:00

21
Ikalimang Araw

Message for the day: Nasasabi / Natutukoy ang


pasunod-sunod na oras ng personal na gawain sa
araw-araw.

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang aralin sa araw na ito ay tungkol sa oras at
kahalagahan nito.

II. Mga Layunin:


• Napagsusunod-sunod ang mga
pangyayari sa kwento.
• Naisusulat/nakokopya ang tamang oras.
• Nakikilala na ang bilang sa orasan ay may
katumbas na oras.
III. MGA GAWAIN
A.Balik-aral
1. Book and Print Knowledge
• Sino ang bida sa kuwento natin ngayong Linggo?
• Anong mahalagang kagamitan ang ginagamit ni
Mina upang matukoy ang oras?
• Mayroon din ba kayong relo o orasan sa bahay?
• Ano ang kahalagahan sainyo ng relo o orasan?

22
B.Pag-aralan Natin:
Basahin sa bata:

Ang relo o orasan ay isang kasangkapan na


ginagamit upang matukoy, maitala at masabi ang
oras sa pamamagitan ng paghahati nito sa mga oras,
minuto, at segundo ng bawat araw.
Ito ay mahalaga sa ating pang-araw araw na
buhay upang mapasunod sunod natin ang mga
gawain ayon sa kahalagahan nito.

C.Pagsasanay
Gawain 1-2
1. Isulat ng pasunod-sunod ang mga bilang na makikita sa
isang orasan.
2. Gumuhit din sa gitna ng orasan ng isang mahaba at
isang maiksing kamay.
3. Kulayan ng dilaw ang maiksing kamay at lila naman ang
mahabang kamay.

23
24

You might also like