You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATEMATIKA 2

May 5, 2021
S.Y. 2020 – 2021

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Demonstrate understanding of time, standard measures of length, mass and
capacity and area using square-tile units
B. Pamantayan sa Pagganap
Is able to apply knowledge of time, standard measures of length, weight, and
capacity, and area using square-tile units in mathematical problems and real-life
situations
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
Nasasabi at naisusulat ang oras gamit ang analog clock
(M2ME-IVA-5)

II. PAKSANG – ARALIN


A. Paksa: Pagbasa at Pagsulat ng Oras
B. Sanggunian: K to 12 LM page 232 – 233, K to 12 TG page 328 – 331
www.google.com , www.youtube.com
C. Kagamitan: Video Lesson gamit ang KIneMaster

III. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral

• Magandang araw mga bata! • Magandang araw din po Gng. Brioso!


• Handa na ba kayo para sa ating bagong aralin • Opo, handa na po kami!
ngayong araw?
• Ngunit bago ang lahat, atin munang balikan
ang ating aralin noong nakaraang linggo.

c. Balik-aral
• Babasahin ng guro ang panuto at sasagutan ng • Ang mga mag-aaral ay makikinig at
mga mag-aaral ang gawain sa nakaraang magsasagot habang pinapanood ang video
aralin. lesson

Bumilang ng limahan. Ano kaya ang


nawawalang bilang?

• Mahusay! Magaling mga bata!

• Dumako na tayo sa ating panibagong aralin


ngayong linggo, huwag kalimutang ilabas ang
self-learning module, notebook, papel at lapis
sa inyong pagsagot.

B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
(Pagpapakita ng guro larawan ng mga mag-
aaral ng patungong paaralan)

Mga tanong:
• Mga bata, ano ang ipinapakita ng larawan? • Ang nasa larawan ay mga mag-aaral.
• Saan kaya sila pupunta? • Sila po ay papasok sa paaralan.
• Bakit kailangan ng isang mag-aaral na • Upang matutong bumasa, sumulat at wastong
pumasok sa paaralan? pag-uugali.
• Ano kaya ang mangyayri kapag ang isang • Magkakaroon po siya ng mga kaalaman at
bata ay nag-aaral nang mabuti? mataas na marka. Mararating din niya ang mga
(Maaari pang tumanggap ng iba pang sagot). pangarap niya sa buhay.

• Tama! Ngayon ay may inihanda akong isang


maikling kwento tungkol kay Mario.

• Handa na ba kayo para sa ating kuwento, mga


bata? • Opo, handa na po, Ma’am!

• Simulan na natin!

b. Paglalahad
(Babasahin ng guro ang maikling kuwento sa
mga mag-aaral, papanoorin ang video lesson
para sa picture story.)

Siya si Mario, mag-aaral sa ikalawang


baitang ng Manuel L. Quezon Elementary
School. Siya ay masipag at mabait na bata.
Araw-araw siyang pumapasok sa paaralan.
Maaga siyang natutulog sa gabi upang hindi
siya mahuli sa klase kinabukasan. Lagi niyang
tinitingnan ang analog clock sa kanyang kwarto
upang tingnan ang oras.

Mga tanong:
1. Sino ang batang nabanggit sa kuwento?
2. Ano-ano ang mga katangian niya bilang • Ang batang nabanggit sa kuwnto ay si Mario.
mag-aaral? • Siya ay isang batang mabait, masipag at
3. Bakit gusto niyang matulog ng maaga sa masunurin.
gabi? • Siya ay natutulog nang maaga upang hindi
4. Anong bagay ang nagsasabi sa kanya ng mahuli sa klase.
oras? • Ang bagay na ito ay ang analog clock.
5. Paano natin malalaman kung anong oras
nagigising si Mara? • Sa pamamagitan po ng pagtingin sa orasan.

Narito ang mga gawain ni Mario bago pumasok


sa paaralan.
(Tingnan ang video lesson para sa oras ng
gawain ni Mario)
Mga tanong:
1. Anong oras bumangon si Mario? • Siya ay gumising sa oras na 6:00 a.m.
2. Ano ang kanyang ginawa sa oras ni 6:10 a.m.? • Siya ay naliligo at nagbibihis.
3. Ano ang kanyang ginawa sa oras na 6:30 a.m.? • Siya ay kakain ng kaniyang almusal.
4. Pagkatapos niyang kumain, ano ang kanyang • Siya ay magsisipilyo at magsusuklay ng buhok.
ginawa sa oras na 6:45 a.m.?
5. Anong oras siya maglalakad papuntang • Sa oras na 6:50 a.m. siya ay maglalakad na
paaralan? papuntang paaralan
6. Siya ba ay makakapasok bago ang itinakdang • Opo, dahil maaga siyang nag-aasikaso ng
oras ng kaniyang klase? Bakit? kaniyang sarili sa pagpasok sa paaralan.
7. Mahalaga ba ang pagsunod sa oras bago • Opo, upang hindi mahuli sa klase.
pumasok sa paaralan? Bakit?

8. Ano-ano ang mga makikita ninyo sa orasan? • Ito ay may maiksi at mabang kamay at mga
bilang upang malaman natin ang oras.
(Tatalakayin ng guro ang wastong pagbabasa
at paggamit ng orasan sa mga mag-aaral)

c. Pagtalakay
(Ang guro ay magpapakita ng isang analog
clock sa pamamagitan ng video lesson)

• Mga bata, panoorin ang video lesson na aking


inihanda para sa inyo.

Mga tanong:
1. Anong uri ng orasan ang ipinakita sa • Ito ay isang analog clock.
video?
2. Ano-ano ang mga makikita sa analog • Ang makikita dito ay isang maiksi at mahabang
clock? kamay kasama na din ang mga bilang.
3. Ano ang katumbas ng maikling kamay sa • Ang maikling kamay ay nagsasabi ng oras at
orasan? hindi pinapalitan ang numero.
4. Ano naman ang katumbas ng mahabang
• Ang mahabang kamay naman ay nagsasabi ng
kamay sa orasan?
minuto at may katumbas na bilang ang mga
numero nito.
5. Paano isusulat ang oras na ipinapakita ng
• Ang oras ay isinusulat sa kaliwang bahagi at sa
analog clock?
kanang bahagi naman ang minuto. Gumagamit
ng tutuldok (:) sa pagitan nito.

d. Pagsasanay
A. Mga bata, ating subukan ang inyong • Ang mga mag-aaral ay manonood at
natutunan sa pagbasa at pagsulat ng oras magsasagot sa kanilang sagutang papel or
gamit ang analog clock. kwaderno.
Isulat sa iyong sagutang papel ang
ipinapakitang oras sa bawat analog clock.
(ipapakita ng guro sa video lesson)

1. Ika-1 ng hapon.
2. Sampung minuto makalipas ang ika-
siyam ng umaga.
3. Ika –tatlo at kalahati ng hapon.
4. 15 minuto makalipas ang ika-11 ng
umaga.
5. Tatlumpong minuto makalipas ang ika-
walo ng gabi.
B. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.
Bilugan ang wastong sagot na nagsasabi sa • Ang mga mag-aaral ay manonood at
oras nito. magsasagot sa kanilang sagutang papel or
(Ang mga mag-aaral ay titingin sa analog kwaderno.
clock na ipinapakita sa video lesson)

1. Si Ben ay nagdidilig ng halaman tuwing


hapon sa oras na 4:30 p.m.
2. Kakain ng tanghalian sila Ada at ang
kanyang pamilya sa oras 11:30 a.m.
3. Ang mga mag-aaral sa pangkat rosas ay
uuwi sa ganap na 5:45 ng hapon.
4. Nagsasagot ng modyul si Lito mula sa
oras na 9:00 ng umaga.
5. Si Fe ay natutulog ng 8:30 ng gabi
upang hindi siya mapuyat.

e. Paglalahat

• Mga bata, paano natin binabasa at isinusulat


ang oras gamit ang analog clock? • Ang analog clock ay may maiksi at mahabang
kamay. Bawat buong ikot (clockwise)ng
mahabang kamay ay katumbas ng 1 oras. Ang
oras ay isinusulat sa kaliwang bahagi at sa
kanang bahagi naman ang minuto. Gumagamit
ng tutuldok (:) sa pagitan nito.
f. Paglalapat
Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang
mga tanong ukol dito.

Mga tanong:

• Isulat sa analog clock ang oras na


mamimili sina Karen. • (Isasagawa ng mga mag-aaral sa kanilang
papel)
• Anong oras sila kumain ng almusal?
• Sila ay kumain ng 6:00 ng umaga.
• Mabuti ba sa bata ang nag-aalmusal?
Bakit? • Opo, upang magkaroon ng lakas sa buong
araw.

• Anong oras nais ni Karen na bumalik? • Ika 1:00 ng hapon dahil siya po ay gagawa ng
Bakit? gawaing bahay sa Matematika.

• Ano ang nararamdaman mo kapag • Masaya po dahil ako ay nakakatulong sa aking


inuutusan ka ng iyong mga magulang? magulang sa gawain.
Bakit?
g. Pagtataya
Basahin at isulat ang oras na ipinapakita sa
bawat orasan.

1. 2. 3. • Ang mga mag-aaral ay manonood at


magsasagot sa kanilang sagutang papel or
kwaderno.
________ ________ ________

4. 5.

__________ _________

h. Takdang-Aralin

Dahil alam niyo na ang wastong pagbasa at


pagsulat ng oras, kayo ngayon ay gagawa ng • Ang mga mag-aaral ay manonood at
isang diary tungkol sa inyong gawain sa loob magsasagot sa kanilang sagutang papel or
ng isang araw. Isulat sa loob nito ang oras at kwaderno.
mga gawain na katumbas nito. Maaring lagyan
ng larawan at disenyo ayon sa inyong nais. Ito
ay ipapasa sa iyong guro bilang output sa
inyong aralin.

Inihanda ni:

ORLYN C. BRIOSO
Teacher III

You might also like