You are on page 1of 4

pS chools Division of Cotabato City

School: J. MARQUEZ ELEMENTARY SCHOOL


Cotabato City District VII Grade Level: I-
OBEDIENCE J. MARQUEZ ELEMENTARY SCHOOL
Teacher: IVY CLAIRE B. GOMEZ Cotabato City Learning Areas: ARAL.PAN.
Teaching Date: April 12, 2023/Week 8/1:30-2:00PM Quarter: 3RD QUARTER
I. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa ng pagkilala nga mga


A. PAMANTAYANG batayang impormasyon ng pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan at ng mga
NILALAMAN
taong bumubuo dito na nakakatulong sa paghubog ng kakayahan ng bawat batang
mag-aaral

B. PAMANTAYAN SA Ang mga mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagpapakilala


PAGGANAP at pagpapahalaga sa sariling paaralan.

C. MGA KASANAYAN SA
Nakakalahok sa mg gawain at pagkilos na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa
PAGKATUTO (Isulat ang code ng
bawat kasanayan) sariling paaralan. (eg. Brigada Eskwela)

II. PAKSANG ARALIN Mga Gawain at Pagkilos na Nagpapamalas ng Pagpapahalaga sa Paaralan

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro


K-12 MELCS Curriculum Guide Araling Panlipunan p. 26
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral

B. Kagamitan tsart, telebisyon, larawan, pisara at yeso

C. Peace Concept Pgmamahal at pagpapahalaga sa pamilya.

III.
Panuto: Masdan ang larawan. Ano-ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan? Isulat
sa iyong sagutang papel.

A. Balik-aral at/o pagsisimula ng


bagong aralin

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Basahin ang talata at alamin ang iba’t ibang gawain at pagkilos para maipakita ang
pagpapahalaga sa paaralan.

Ang “Brigada Eskwela” ay isang programa ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa


programang ito, ang mga magulang, guro at mag-aaral ay nagtutulong-tulong upang
maging malinis at maihanda ang mga paaralan bago magsimula ang pasukan. Ngunit
dahil sa banta ng COVID-19 hindi na muna makikita ang mga ganitong gawain sa
kasalukuyan. Sa halip ay pwedeng magbigay ng mga kagamitan tulad ng alcohol,
face masks, face shield
Samantala kung walang pandemya, narito pa ang ilan sa mga gawain at kilos na
maaaring gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa paaralan.

1. Pakikilahok sa mga programa at proyekto ng paaralan


2. Pagkukumpuni sa mga sirang kagamitan
3. Pagpapaganda ng kapaligiran ng paaralan
4. Paglalaan ng iba pang tulong upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng
paaralan

Panuto: Basahin ang kwento at maghanda sa pagsagot sa ilang katanungan. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

1. Sino-sino ang mga nakiisa sa programa ng paaralan?


2. Ano-ano ang tulong na ginawa ng pamilya ni Luis?
3. Paano magiging matagumpay ang gawain sa paaralan?
4. Mahalaga ba ang pakikiisa ng bawat isa sa mga gawain? Bakit?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagbabahagi ng mga mag-aaral ng kanilang mga kasagutan.


at paglalahad ng bagong kasanayan
#1 Pagtatalakay sa kani-kanilang mga kasagutan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang mga batang Pilipino ay may mga tungkuling dapat gampanan upang maging
paglalahad ng bagong kasanayan #2 maayos, malinis, mapayapa at maunlad ang kanyang paaralan.

Maipakikita ang pagmamalasakit sa paaralan sa pamamagitan ng mga kilos at


gawain upang maging maganda ang kanyang kapaligiran.

Makatutulong ka sa paaralan kung susunod ka sa mga tuntuning kanilang


ipinatutupad. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng disiplina sa sarili.

Ang paglahok, pakikiisa, pagsunod nang maluwag at kusang –loob sa paggawa sa


mga proyekto at programa ng paaralan ay mga katangian ng isang responsableng
kabataan.

Mahalaga ang may maayos at malinis na pasilidad sa paaralan. Isang hamon sa


bawat isa ang pagpapanatili ng kaayusan. Isang gawaing marangal kung may
pagdadamayan at pagtutulungan.
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang nanay ni Kristine ay tumutulong sa pagluluto at paghahanda sa School


Feeding Program.
F. Paglinang sa kabihasnan
2. Kinumpuni ni Tatay Rommel ang sirang upuan sa silid-aralan.
(Tungo sa Formative Assessment)

3. Hinayaan ni Ashley na makapasok ang kanyang aso sa loob ng paaralan.

4. Magaganda ang bulaklak ng halaman ni Ginang Verances kaya pinitas ito ni Rose
Anne.

5. Kusang pinalitan ni Gabby ang pundidong ilaw sa entablado.

Tandaan:

Mga gawain at kilos na maaaring gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa


paaralan.

1. Pakikilahok sa mga programa at proyekto ng paaralan


G. Paglalapat ng aralin sa pang- 2. Pagkukumpuni sa mga sirang kagamitan
araw-araw na buhay
3. Pagpapaganda ng kapaligiran ng paaralan
4. Paglalaan ng iba pang tulong upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng
paaralan

Basahin ang pangungusap. Lagyan ng tsek ( ) kung nagsasaad ng mga gawaing


nagpapakita ng pagpapahalaga sa paaralan at ekis ( ) kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Si Nanay ay pumupunta sa mga pagpupulong sa aming paaralan.

2. Tumutulong si Tatay sa pagkukumpuni ng sirang mesa tuwing Brigada Eskwela.


H. Paglalahat ng aralin

3. Si Ate Kristine ay nagtatanim ng halaman upang ibigay sa aming paaralan.

4. Isang umaga nakita ng aming guro na bukas ang pinto ng silid-aralan at magulo
ang mga gamit.

5. Malungkot si Leslie dahil ayaw pumunta ang kanyang nanay sa paanyaya ng


aming guro.
Panuto: Iayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang sagot. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Tumutulong sa pagluluto ng Feeding Program (y a n a n)

I. Pagtataya ng aralin 2. Nagkukumpuni ng sirang upuan ( a u k y )

3. Nagwawalis sa silid-aralan ( r a l a a-g a m )

4. Nagtatanim ng mga halaman ( e a t )

5. Nagpipintura ng pader ng paaralan ( a t y a t )


J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya ___ bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 80% sa Pagtataya

Prepared by:

IVY CLAIRE B. GOMEZ


Teacher 1

Observed by:

CONCHINITA T. NIMER
Master Teacher 1

You might also like