You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
DIVISION OF NUEVA ECIJA
SDO RIZAL ANNEX
ESTRELLA ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

Asignstura: Filipino 1 Baitang: 1


Markahan: Ikatlong Markahan
Petsa: March 14,2023 Pangkat: Matapat Linggo: ika- 5
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kwentong napakiggan o
nabasa, at
Naipapahayag ang sariling damdamin o reaksiyon tungkol sa kuwento.
Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan/napanood na kwento

Mga Kasanayan sa Pagkatuto • F1PS-IIi-1


• F1PS-IVb-1
• F1PS-IIIg-1
-mailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kuwentong
napakingan o nabasa.
-maipahahayag ang sariling ideya o damdamin tungkol sa kwento,
tekstong pang impormasyon at tula.

II. NILALAMAN
I. Paksang-Aralin

A. Paksa Paglalarawan ng Damdamin ng Tauhan sa Kwento

B. Sanggunian ● MELC Modyul sa Filipino p. 24-27

C. Kagamitang ● Powerpoint presentation, instructional materials (pictures)


Pampagtuturo

D. Values Integration ● Gender and Development


● Pagiging maingat sa pagpapakita ng emosyon/reaksiyon sa iba.

III. PAMAMARAAN
A. Balik Aral at/o Magpakita ng iba’t ibang bagay at ipalarawan ito sa bata.
Pagsisimula ng Bagong
Aralin Mansanas, tsokolate , lapis
Sorbetes, kape,

B. Paghahabi sa layunin Tanungin ang mga bata .


ng aralin
*Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ay makatanggap ng regalo sa
iyong kaarawan?
*Kapag nawala ang alaga mong aso, ano ang mararamdaman mo?
*Anong mararamdaman mo kung masira ng iyong nakakabatang kapatid
ang iyong paboritong laruan?
*Anong mararamdaman mo o magiging reaksiyon mo kung makakita ka
ng malaking ahas?
C. Pag-uugnay ng mga Ipakita at ipagaya sa mga bata ang larawan ng iba’t ibang emosyon o
halimbawa sa bagong damdamin.
aralin Larawan ng masaya, malungkot, natatakot at galit na mukha.

Tuwing kailan tayo nakakaramdam ng saya,?


Kailan tayo nakakaaramdam ng lungkot?
Kailan tayo galit?
Kailan tayo takot?

Ang bawat isa sa atin ay may damdamin. Bata man o matanda, Lalaki o
babae ay parehong nakakaramdam ng pa katuwa, lungkot, pagkagalit , at
iba pa. Hindi natin pwedeng sabihin na “ Ay kasi po bakla siya kaya takot
sya sa dilim. Hindi natin pwede husgahan ang kapwa natin base sa kung
ano ang pinapakita nyang emosyon.

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad Sabihin : Ngayong araw ay tatalakayin nating ang tungkol sa
ng bagong kasanayan Paglalarawan ng Damdamin ng Tauhan sa Kwento.

Ipaliwanag ano ang paglalarawan ng damdamin.

Ipaliwanag ano ang tauhan.

Ilan sa mga halimbawa ng pagpapahayag ng damdain ay ang mga


sumusunod:

pagkatuwa pagkagulat pagkainis pagkagalit pagtatampo


panghihinayang pagdadalamhati pagkatakot pag-aalala

Basahin ang kwentong


“Ang Pangarap ng Pagong” Halaw kay Esposo

Ipaalala sa mga bata ang pmantayan sa pakikinig .

Matapos ang kwento , ipasagot ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang matagal ng pangarap ni pagong?


2. Paano tinulungan ng dalawang ibong ang pagong para makalipad?
3. Sino ang nakakita sa mag kakaibigan habang sila ay luilipad?
4. Ano ang reaksyon o damdamin ng mga tao ng makita ang tatlong mag
kakaibigan na lumilipad?
5. Anong aral ang napulot mo sa kwento?

“Pag-isipang mabuti ang mga desisyon o hakbangin na ating gagawin,


isipin kung ikaw ba ay mapapahamak dito o hindi. Kaya dapat na
maging maingat tayo sa ating mga desisyon at maging maingat din tayo
sa pagpapakita ng ating damdamin sa ating kapwa dahil kung ano ang
ipapakita natin sakanila ay maari silang maapektuhan ”

E. Paglinang sa Pag sasanay


Kabihasnan Hatiin sa dalawang pangkat ang mga bata , Bigyan ang mga bata ng ibat
( Tungo sa formative assessment) ibang larawan ng emosyon, basahin ang bawat pangungusap, patayuin
ang bata na ay hawak ng akmang damdamin dito at ipakita sa klase.

(pagkatuwa, pagkalungkot, pagkagulat, pagkatakot, pagkagalit,


pagaalala)

1. Yehey! Sasama ako sa SM.


2. Bakit mo sinira ang manika ko?
3. Naku! nakalimutan kong patayin ang apoy ng kandila.
4. Sobrang dilim na at wala padin sina nanay ,mag isa ko lamang dito sa
aming bahay.
5. Hindi dumalo ang aking best friend sa aking kaarawan.
6. Malakas na lagabog ang aking narinig habang ako ay nagbabasa.

F. Paglalapat ng aralin sa Pangkatang gawain.


pang araw-araw na Hahatiin sa tatlong pagkat ang klase. Bawat pangkat ay iba ang gagawin .
buhay
G. Paglalahat ng aralin Anu-ano ang iba’t ibang damdamin o reaksyon?

Tandaan:
Ang dadamin ng tauhan sa kuwento ay mailalarawan ayon sa pahayag
na kanyang sinabi. Matutukoy rin ang kanyang iniisip at nadarama. Maaring
ito ay pagkatuwa, pagkalungkot, pagakagulat, pag-aalala, pagkatakot,
pagkainis at iba pa.

IV.PAGTATAYA NG ARALIN Panuto: Pilini sa loob ng kahon ang letra ng tamang damdamin para sa
mga sumusunod na pangungusap at isulat ito sa patlang.
A. Pagkatakot b. Pag-aalala c.pagkatuwa
d. Pag tatampo e. Paghihinayang

___1. Malakas ang buhos ng ulan at nag babadya ang pagbaha.


___2. Nagtakbuhan ang mga tao sa pagsalakay ng mga armadong lalaki.
___3. Hindi ako tumama sa grand prize.
___4. Ang ganda ng regalong manika ni Lola sa akin.
___5. Napansin ng lahat ang damit ng bunso namin pero sa akin ay hindi.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Kumuha ng isang malinis na papel at hatiin ito sa dalawa. Gumuhit ng
PARA SA TAKDANG- dalawang damdamin na iyong naramdaman sa buong araw.
ARALIN AT REMEDITION
PAGNINILAY:
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 85% sa pagtataya.

Prepared by:

KRISTINE MAIDEE A. CLEOFAS


Teacher I

Observer:

AIDA P. QUINDARA
School principal III

You might also like