You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
Baao District
BAAO WEST CENTRAL SCHOOL
AY 2022-2023

BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 1


April 17, 2023

I. LAYUNIN
a. Read grade 1 level short paragraph/story with proper expression
b. Follow 2 to 3 step direction MT1SS-IIId-f-6.1
c. Identify action words in oral and written exercises MT1GA-III-i-2.2.1
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Salitang Kilos
Sanggunian: https://youtu.be/p0dnT99BI6U
Kagamitan: tsart, larawan at https://youtu.be/-ozG4PFFP5A
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat.


Magandang araw po.

Panalangin

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng


Espiritu Santo. Amen. Ang mga bata ay taimtim na
nagdasal.

Pag tsek ng lumiban sa Klase

May lumiban ba sa klase ngayon?

Wala po.
Pagganyak

Sabayan ang kanta at gayahin ang


mga bata.

https://youtu.be/-ozG4PFFP5A

Masaya bang awitin?


Opo.
Ano ang mga kilos na ginaya ninyo?

Jump
Walk
Waddle
Stomp
Magaling. Run

Pangunahing gawain

Ngayon ay magkakaroon tayo ng


gawain.
May ibibigay ako sainyong bola at ang
gagawin niyo ay ipapasa niyo lang ito
ng tuloy-tuloy. Kapag sinabi kong
tumigil, kung sino ang may hawak ng
bola ay pupunta sa harapan at may
ibibigay akong salita sa kanya na
kailangan isadula o ipakita kung
paano ito. Kapag nagawa ng tama ay
may gantimpala na matatanggap.

Naiintindihan ba ang gagawin?

Opo.
Salitang Kilos

naglalaba
takbo
kumain
magsulat
umiyak
sumigaw
kanta
sayaw
lakad

Ang mga nakaupo ay huhulaan kung


ano ang ginagawa ng kaklase nila sa
harap.
Ang mga bata ay masayang
isinagawa ang gawain at lahat ay
naisadula ng tama.
Mahusay at nagawa ninyo ng tama.

Paglalahad

Sa inyong mga ginawa, ano kaya ang


magiging talakayan natin ngayon?
Ang magiging talakayan po natin
ngayong araw ay tungkol sa mga
salitang kilos.
Tama.

Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa


mga salitang kilos at ang tawag dito
ay pandiwa.

Ang pandiwa ay mga salitang kilos o


galaw.

May inihanda akong maikling kwento,


ako muna ang magbabasa
pagkatapos ay kayo naman.
Sa Bakuran

Ako ay si Rica. Ako ay mahilig


magtanim ng mga gulay at halaman sa Ang mga bata ay sabay-sabay na
aming bakuran. Nagwawalis ako binasa ang maikling kwento.
tuwing umaga. Dinidiligan ko rin ang
aking mga tanim para ito ay tumaba.
Kasama ko lagi ang aking alagang aso.
Siya ay laro ng laro at takbo ng takbo
lamang dito. Nakakapagod man pero
ito ang hilig ko.

Magaling mga bata.

Ano kaya ang mga salitang kilos sa


inyong binasa?
magtanim
nagwawalis
dinidiligan
laro
takbo

Mahusay.

Ang mga salitang iyan na ginamit sa


maikling kwento ay halimbawa ng
salitang kilos.

Ano ang nasa larawan?


Babae po na kumakaway.

Ikaway ang mga kamay.

Ang mga bata ay masayang


ikinaway ang kanilang mga kamay.
Magaling. Ito ba ay halimbawa ng
salitang kilos?
Opo.
Tama.

Ano ba ang ginagawa ko ngayon?


Ang ginagawa niyo po ngayon ay
nagtuturo sa amin.

Ako ba ay nagpapakita ng kilos o


galaw? opo.

Ano ang ipinapakita sa larawan?


Ang ipinapakita sa larawan ay
nanay na nagluluto.

Kayo ba ay pwede ng magluto na


kayo lang mag-isa?

Hindi pa po dapat ay makasama pa


kaming nakakatanda o kaya
magulang namin.

Mahusay. Ang pagluluto ba ay


halimbawa ng pandiwa?
Opo.

Ano ang ginagawa ng bata sa


larawan? Ang ginagawa ng bata sa larawan
ay umiinom.

Ito ba ay salitang kilos o hindi?


salitang kilos po.

Ano ang karaniwang iniinom ninyo?


Tubig po o kaya naman ay gatas.
Halika dito Nizel, ipakita mo sa buong
klase kung paano uminom ng tubig.
Si Nizel ay masayang ginawa ang
pag-inom ng kanyang tubig.

Ang larawan sa babae ay nagdidilig


ng halaman.

Kayo ba ay nakapagdilig na rin?


Opo. Sa likod ng ating silid-aralan,
diniligan ko po yung mga tanim na
pechay.

Magaling. Salitang kilos ba ang


pagdilig?
Opo.

Mahusay. Naintindihan na ba kung


ano ang pandiwa?
Opo.

Paglalahat

Ano ba ang salitang pandiwa na


tinalakay natin ngayon?
Ang salitang pandiwa ay mga
salitang kilos o galaw.

Tama. Maaari ka bang makapagbigay


ng halimbawa ng salitang kilos?
Sigaw

Peter, maaari mo bang ipakita kung


paano ang pagsigaw?
(Si Peter ay ipinakita kung paano
ang pagsigaw sa loob ng klase.)

Magaling. May tanong pa ba kayo


tungkol sa ating talakayan natin
ngayon?
Wala na po.

Paglalapat

Ang buong klase ay mahahati sa tatlo

Bawat grupo ay may gagawing kilos.


Unang grupo
Ipakita kung paano ang mga
sumusunod na salitang kilos.

Nagtatawanan
Yakap
Pag-upo
Ang buong klase ay masayang
nagtanghal ng kanilang mga
gawain. Sila ay masayang umawit
Ikalawang grupo at sumayaw
Ipakita kung paano ang mga
sumusunod na salitang kilos.

Kembot
Ikot
Pumalakpak

Ikatlong Grupo
Ipakita kung paano ang mga
sumusunod na salitang kilos.

Takbo
Talon
Sayaw

Ang may pinakamagandang


pagtanghal ay may gantimpala na
matatanggap.

IV. PAGTATAYA
Name: ___________________________________________
Grade & section: ___________________________________

Bilugan ang tamang salitang kilos na ipinapakita sa larawan.


V. TAKDANG-ARALIN

Mag lista ng mga limang (5) salitang kilos na karaniwang ginagawa ninyo
tuwing bakasyon.

Inihanda ni: DANIELA MAE P. ROBOSA


Student Teacher

MARIA LIBIA P. MARTIREZ


Cooperating Teacher

You might also like