You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
Baao District
BAAO WEST CENTRAL SCHOOL
AY 2022-2023

BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 1


April 19, 2023

I. LAYUNIN
a. Read grade 1 level short paragraph/story with proper expression
b. Identify action words in oral and written exercises MT1GA-III-i-2.2.1
c. Follow 2 to 3 step direction
MT1SS-IIId-f-6.1

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Salitang Kilos
Sanggunian: Bumasa at Sumulat 1 pahina 154
Kagamitan: tsart, larawan , https://youtu.be/p0dnT99BI6U
Integrasyon: ESP – Paggalang at Pagmamahal sa Diyos

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat.


Magandang araw po.

Panalangin

Tumayo ang lahat at manalangin.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng


Espiritu Santo, Amen.

Pag tsek ng lumiban sa Klase

May lumiban ba sa klase ngayon?


Wala po.

Balik-aral

Tungkol saan ang naging huling


talakayan natin? Tungkol po sa magkakatugma.

Tama. Mga salitang magkakatugma o


magkaparehas ang tunog.

Sa salitang papa – mapa – ate , ano


ang dalawang salitang magkatugma?
Ang salitang papa at mapa.

Magaling.
Pagganyak

Sabayan ang kanta at gayahin ang


kung anong kilos ang ginagawa ng
bata sa awitin.

https://youtu.be/d_IvS7qrrPE
Opo.
Masaya bang awitin?

Ano ang mga kilos na ginawa ninyo? Tumawa


Pumadyak
pumalakpak

Magaling at nagawa ninyo ng tama


ang pinapagawa ko sainyo.
Pangunahing gawain

Ngayon ay magkakaroon tayo ng


gawain.

May ibibigay ako sainyong bola at ang


gagawin niyo ay ipapasa ninyo ito ng
tuloy-tuloy. Kapag sinabi kong tumigil,
kung sino ang may hawak ng bola ay
pupunta sa harapan at may ibibigay
akong salita sa kanya na kailangan
isadula o ipakita kung paano ito.
Kapag nagawa ng tama ay may
gantimpala na matatanggap.

Naiintindihan ba ang gagawin mga


bata?
Opo, titser.

Ang mga sumusunod na salitang kilos


ang ipapakita ng mga mag-aaral.

ligo
takbo
tulog
iyak
yakap
kanta
sayaw

Ang mga nakaupo ay huhulaan kung


ano ang ginagawa ng kaklase nila sa Ang mga bata ay masayang
harap. isinagawa ang gawain at lahat ay
naisadula ng tama.

Mahusay at nagawa ninyo ng tama.

Paglalahad
Ang ating aralin ngayon ay may
kinalaman sa inyong mga ginawa. Ito
ay tungkol sa mga salitang kilos at
ang tawag dito ay pandiwa.

Ang pandiwa ay mga salitang kilos o


galaw.

Basahin ninyo ang maikling kwento.

Ang Alaga kong Aso

Ako ay si Carmel. Ako ay may


alagang aso. Pag-uwi ko galing sa
paaralan ay hinahanap ko kaagad ito.
Pinapaliguan ko at pinapakain araw-
araw. Nilalaro at niyayakap ko rin ito.
Mahal na mahal ko ang alaga ko.

Magaling mga bata.

Ano ang pamagat ng kwentong


binasa? Ang pamagat ng kwento ay ang
alaga kong aso.

Sino ang may alaga sa kwento?


Ang may alagang hayop sa kwento
ay si Carmel.

Ano ang alaga ni Carmel? Ang alaga ni Carmel ay aso.

Anu-ano ang mga ginagawa ni Carmel


sa kanyang alagang aso? Pinapaliguan niya po ito.
Pinapakain araw – araw.
Nilalaro at niyayakap

Mahusay.

Ang mga salitang iyan na ginamit sa


maikling kwento ay halimbawa ng
salitang kilos.
magtanim
nagwawalis
dinidiligan
laro
takbo

Paglalahat

Ano ba ang salitang pandiwa na


tinalakay natin ngayon?
Ang salitang pandiwa ay mga
salitang kilos o galaw.

Tama. Maaari ka bang makapagbigay


ng halimbawa ng salitang kilos?
Sigaw

Peter, maaari mo bang ipakita kung


paano ang pagsigaw?
(Si Peter ay ipinakita kung paano
ang pagsigaw sa loob ng klase.)

Magaling. May tanong pa ba kayo


tungkol sa ating talakayan natin
ngayon?
Wala na po.

Paglalapat

Ang buong klase ay mahahati sa tatlo

Bawat grupo ay may kanya-kanyang


gawain.

Unang grupo
Ilagay ang angkop na salitang kilos sa
bawat larawan.

Ikalawang grupo
Ang buong klase ay masayang
Ikatlong Grupo nagtanghal ng kanilang mga
Ipakita kung paano gawin ang mga gawain.
sumusunod na salitang kilos.

IV. PAGTATAYA
Name: ___________________________________________
Grade & section: ___________________________________

Bilugan ang tamang salitang kilos na ipinapakita sa larawan.

V. TAKDANG-ARALIN

Mag lista ng mga limang(5) salitang kilos na karaniwang ginagawa ninyo


tuwing bakasyon.
Inihanda ni: DANIELA MAE P. ROBOSA
Student Teacher

MARIA LIBIA P. MARTIREZ


Cooperating Teacher

You might also like