You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pang-unawa sa napakinggang
tula.
b. natutukoy ang pandiwa sa pangungusap.
c. naisasagawa ang mga kilos sa dula- dulaan .
d. naipapakita ang kahalagahan ng wastong gamit ng pandiwa sa pangungusap.

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Pandiwa
Sanggunian: MELCS Filipino F1WG-lll-g-5.
Kagamitan: powerpoint presentation,larawan,telebisyon,mga prutas,gulay at mga totoong
kagamitan.
Value Integrated: Kahalagahan ng pagkain masusustansya at ehersisyo sa katawan.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng guro Gawain ng mga bata
A. PAGGANYAK
Handa naba kayo mga bata?
Opo.
Meron tayong mga bisita. Para masiyahan
sila mag alay muna tayo ng maikling
programa.

Tayo ay kakanta,tutula at sasayaw. (Ang mga bata ay tutula at kakanta.)

Ano ang ginawa ninyo sa harapan?


Tumula po.
Tama!Ano pa?
Kumanta at sumayaw po.
Mahusay!Magaling mga bata.
Ang ginawa ninyo sa harapan ay may
kaugnayan sa leksiyon natin ngayon.

B. PAGLALAHAD
Meron akong mga larawan dito.

Ngayon mga bata ano ang ginagawa ng bata


sa larawan?
Nagluluto po.

Wasto!Ang nanay na nasa


larawan ay nagluluto ng masarap na pagkain.

Ngayon naman mga bata panoorin ninyo


ako. Sabihin kung ano ang aking ginagawa,
kunin ang wastong salita na angkop sa aking
ginagawa at idikit sa pisara.

Mga anak ano ang aking ginagawa?

Tama!Ako ay naglalakad Naglalakad po maam.


Kunin ang angkop na salita at ibigay sa akin.

Ano naman ang aking ginagawa ngayon?

Magaling!Ako ay lumalangoy. Lumalangoy po maam.

Ngayon mga bata ano ang aking ginagawa?

Wasto!Ako ay nagbabasa. Nagbabasa po maam.

Mga anak, ano ang tawag natin sa mga


salitang ito? Kaninang naglalakad ako ano
ang nangyari sa aking katawan?

Tama!Ako ay gumalaw o kumilos. Gumalaw po.


Basahin muli natin ang mga salita.

Ang mga salitang ito ay tinatawag natin na


pandiwa.

PANDIWA –ay mga salitang nagsasaad ng


kilos o galaw.

Meron akong inihandang tula. Bigkasin


natin nang may damdamin. Pero bago yan
alamin muna natin ang kahulugan ng mga
salitang ito. Gamitin ko sa pangungusap at
idikit ang angkop na larawan sa tabi nito.

Pag alis ng balakid

1. Parada
Boom! Boom! Boom! bata matanda
naglalakad sa kalsada.
2. Selebrasyon
May pacontest ng sayaw,awit at pagtula.
3. Masustansiya
Pagkaing nagpapatangkad, nagpapalakas at
nagpapaganda.
“ANG SELEBRASYON ”
Sa bayan ng Santa Ana at bawat eskwela
ay may pumaparada.
Selebrasyon ay isinasagawa para ipaalala sa
mga bata,matanda at sa lahat ang
kahalagahan ng pagkain ng masusustansiya.

Boom! Boom! Boom! dito


Boom! Boom! Boom! doon
Kahit saan ay may boom! boom! boom!
Para sa buwan ng nutrisyon

May pacontest ng pagluluto,


pagsasayaw,pag-awit at pagtula.
Masustansiyang pagkain ay makikita.
Dapat kainin ng bawat bata.

C.PAGTATALAKAY
Ano ang pamagat ng tula?

Tama!
Sinu-sino ang pumaparada? Ang selebrasiyon po.

Magaling!
Saan ginagawa ang selebrasiyon? Mga bata at matanda.

Saan pa? Sa paaralan po.

Tumpak! Bayan ng Santa Ana.


Sa ating tula, meron bang salitang kilos o
pandiwa na nagamit dito?

Anu ano ang mga ito? Meron po maam.


Isulat sa pisara ang pandiwa na nakapaloob
sa ating tula.
Pumaparada, pagluluto,pagsasayaw,pag
awit,at pagtula.
Mahalaga ba ang selebrasyong ito?

Bakit? Opo maam.

Dahil nag papaala ito sa ating kinakain na


Maliban sa masusustansiyang pagkain ano masusustansiya.
pa ang nagpapasigla ng ating katawan?

Napakagaling! Napag aralan natin ang Mag ehersisyo po maam.


lokomotor at di-lokomotor.
Ipaikot ang iyong mga kamay. Ano yan
lokomotor o di-lokomotor?
Tama!Lumakad ng tatlong kakbang.
Lokomotor o di-lokomotor Di lokomotor po maam.

Mahusay!
Lokomotor po maam.
D. PAGSASANAY:
Mga anak ngayon meron tayong gagawin.
(Mag-isip,Ibulong,Sagot)

Sabihin kung ito ay pandiwa o hindi.


1. tumatalon
2. maganda
3. tumatakbo pandiwa.
4. nag iigib hindi
5.matangkad pandiwa
pandiwa
Mga anak nag enjoy ba kayo sa ating hindi
ginawa?

Gusto niyo pang maglaro?


opo maam.
May mga salitang pandiwa sa loob ng sobre
na nasa pisara. opo maam.
Kantahin natin ang “Mag isip isip”. Ang
maituro ang pupunta sa harap para kunin ang
salita, basahin at I acting ito.

E. PAGLALAPAT
Naintindihan ba ang ating aralin?

Kung gayon handa na ba kayo sa ating


pangkatang gawain. Opo maam.

Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Bawat


grupo ay bibigyan ko ng gagawin. Basahin Opo maam.
mabuti ang panuto, bigyan ko kayo ng
limang minute para matapos ang iyong
pangkatang gawain.

Narito ang rubriks,tayong lahat basahin natin


ng sabay sabay dahil ito ang iyong gabay sa
inyong Gawain.

Rubriks:
Deskripsyon Puntos
kawastuan ng
ipinakitang 5
impormasyon
.
Kaangkupan
ng tema sa 5
gawain.
Bilis sa 5
pagsasadula.
Kabuuang 15
puntos.

Pangkatang Gawain:
Pangkat 1- Iawit ang mga sumusunod sa
himig na nasa mesa.
Pangkat 2- Isadula ang pamimili sa
palengke .
Pangkat 3- Gumawa ng pangungusap gamit
ang mga larawan lagyan ng angkop na
pandiwa.

F. PAGLALAHAT
Mga bata tungkol saan ulit ang ating
tinalakay?

Tama!Magaling mga bata.


Ano ang ibig sabihin ng pandiwa? Tungkol po sa pandiwa.

Mahusay! mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw


Magbigay ng mga halimbawa ng pandiwa? po.

Kumakain
Lumalangoy
Naglalaro
Naglalakad
Tumpak!Lahat ng inyong sinabi ay tama. Sumasayaw

Mahalaga ba ang paggamit ng tamang


pandiwa sa pangungusap?

Bakit?
Opo maam.

Para hindi malito ang nga nakikinig.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang mga PANDIWA o salitang kilos na sa bawat pangungusap.
1. Si ate ay naghuhugas ng pinagkainan.
2. Magaling sumayaw ang aking tita.
3. Si lola ay nagluluto ng masarap na almusal.
4. Tinutulungan ni Maam Ashie ang matanda na nasa kalye.
5. Ang mga aso ay naghahabulan sa bakuran.

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng limang pandiwa at gamitin ang mga ito sa pangungusap.

Inihanda ni:
Grashiella Mae U. Acebedo
Practice Teacher
Saint Anthony’s College

Iniwasto nina:
Daina Agbayani Elizabeth Gomez
Master Teacher II / CT Master Teacher II

NOTED:

Mary Grace M. Gammad


Principal I

You might also like