You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

I. LAYUNIN
Sa patatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang mga salitang kilos sa mga larawan
b. Natutukoy ang mga salitang kilos sa mga pangungusap
c. Nagagamit ang mga salitang kilos sa pangungusap tungkol sa ibat-ibang gawain

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Pandiwa
b. Sanggunian : Yamang Pilipino Textbook, Pahina 30-31
c. Kagamitan: Biswal, larawan, Manila paper, Pentel pen

III. PAMAMARAAN

MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. PAUNANG AKTIBIDAD
1. Panalangin
Tumayo po tayo para sa ating Panginoon, maraming Salamat po sa biyayang
panalangin. pinagkaloob ninyo sa amin sa araw na ito.
Sino sainyo ang gusting manguna Turuan mo kami na matutong making, nang
sa ating panalangin? mabuti sa lahat ng mapag-uusapan at gawain.
Amen
2. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago po maupo, pakiayos ng
inyong upuan at pakipulot kung
may kalat sa ilalim.

3. Pagbati
Magandang umaga sa inyong Magandang umaga po guro!
lahat mga bata?

Kamusta kayo? Mabuti po.

Mabuti naman kung ganon.

4. Pagtala ng lumiban sa klase


Maari ko bang malaman kung Wala po.
sino ang lumiban sa klase
ngayon.

Natutuwa ako dahil narito


kayong lahat ngayon.

5. Paglalahad ng Pamantayan
Habang nasa klase tayo, may mga
panuntunan tayong dapat
sundin.

Una making ng mabuti,


pangalawa iwasan ang ibang
ginagawa, pangatlo tumaas ng
kamay kapag sasagot at pang-
apat maupo ng tuwid.
6. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating pag-
aaralan ngayong araw, tayo ay
magbabalik tanaw muna.

Sino po nakakaalala ng ating Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa


tinalakay kahapon? panggalan.

Tama! At ano naman ang dalawang Pantangi at Pambala


uri ng panggalan?

Mahusay mga bata!

7. Motibasyon
Ngayon araw ay may inihanda akong Opo.
awitin. Gusto nyo bang kumanta mga
bata?

Alam nyo ba ang awiting “Kung ikaw Opo.


ay masaya”?

Tayo na po ang lahat para umawit. “Kung ikaw ay masaya”

B. PAGLALAHAD
Base sa ating inawit, ano ano ang mga Tumawa, Pumalakpak, Pumadyak, at Kumembot
galaw o kilos na ating ginawa?

Tama! Magaling! Yan ay ang mga salitang


kilos na ating ginawa.

Alam nyo ba kung ano ang tawag sa mga Pandiwa


salitang kilos na ating ginawa?

Magaling! Ito ay tinawag na Pandiwa. At


ito ating tatalakayin ngayong araw.

C. PAGTATALAKAY
Ano nga ba ang pandiwa?

Ang pandiwa ay ang salitang nagbibigay-


buhay sa pangungusap dahil nagsasaad
ito ng kilos o galaw ng isang tao, hayop, o
bagay.

Halimbawa:
Naliligo
Naglaro
Naglalakad
Tumakbo
Nagsusulat

1. Si Roberto ay naliligo sa ilog.


2. Si Lina ay nagbabasa
3. Maagang pumasok si Lino sa
paaralan.
4. Sumasayaw ang bata.
5. Si ate ay naghuhugas ng pinagkainan.
Ngayon ay may ipapakita akong mga
larawan at tutukuyin nyo kung ano ang
ginagawa ng tao sa larawan. At gagamitin
nyo ito sa pangungusap.

Naglalaba

Maari mo ba itong Gamitin sa Si nanay ay naglalaba.


pangungusap?

Magaling!

Sumasayaw

Maari mo ba itong Gamitin sa Ang mga bata ay sumasayaw.


pangungusap?

Nagsisipilyo

Maari mo ba itong Gamitin sa Nagsisipilyo si Ana pagkatapos kumain.


pangungusap?

Naglalaro
Maari mo ba itong gamitin sa Masayang naglalaro ang mga bata.
pangungusap?

Magaling!

Tumakbo

Maari mo ba itong gamitin sa Mabilis tumakbo si Pedro.


pangungusap?

Mahusay mga bata! Palakpan natin ang


isat-isa.

D. PANGKATANG GAWAIN
Ngayon ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain.
Papangkatin ko kayo sa dalawa.

Para sa unang pangkat ay may ibibigay


ako sainyong mga salita at pipiliin nyo
dito ang mga salitang kilos at ididikit dito
sa papel.

NAGSUSUKLAY NAGSUSUKLAY

KUMAKAIN KUMAKAIN

MAGANDA NAGLUTO

NAGLUTO

MASIPAG

MATALINO

Para sa pangalawang pangkat pipiliin nyo


sa larawan ang nagpapakita ng
hinihinging kilos.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto
upang tapusin ito.

Naiintidan po ba mga bata? Opo.

E. PAGLALAHAT
Naunawaan po ba mga bata ang ating Opo.
tinalakay ngayong araw?

Kung naunawaan, tungkol saan ang ating Pandiwa


tinalakay?

Ano ang pandiwa? Ito ay ang salitang nagbibigay buhay sa


pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o
galaw.

Magaling! Mabuti at may natutunan kayo


sa araw na ito.

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Tukuyin ang salitang kilos sa pangungusap at salungguhitan ito.

1. Masayang naglilinis si Gina.


2. Hiniram ni Jeny ang aklat ko.
3. Malakas na umiyak ang bata.
4. Nagtago si Lino sa likod ng pinto.
5. Ang bata ay nanood ng palabas.

B. Panuto: Tukuyin ang mga kilos o gawa na pinapakita sa larawan sa hanay. Piliin ang sagot sa
hanay B.
V. TAKDANG -ARALIN
Gamitin ang mga salitang kilos sa pangungusap.

1. Nag-aaral
2. Namasyal
3. Nag-uusap
4. Naglalakad
5. Pumitas
6. Tumungo
7. Lumilipad
8. Naglinis
9. Nagsampay
10. kumanta

You might also like