You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino III

I. Layunin:

Pagkatapos ng 50 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang


a. natutukoy ang mga salitang diptonggo,
b. nakalalahok sa pangkatang gawain;
c. naipapakita ang pagmamahal sa alagang hayop.

II. Paksang – Aralin

a. Paksa: Pagtukoy sa mga salitang diptonggo


b. Sanggunian: Grade II Batang Pinoy Ako (Wika at Pagbasa sa Filipino) Kagamitan ng
bata pp.07- 10
c. Kagamitan: projector, laptop, cartolina, at mga larawan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawaing guro Gawaing mag-aaral

1. Pagganyak

Magandang umaga, mga bata! Magandang umga din po Bb.


Jesieca Bulauan

Sino sa inyo ang may alagang hayop? Ako po, Ma’am!

Anu-ano ang mga alagang hayop mo,


Mariemel? Ang mga alagang hayop ko po ay
aso, pusa at kambing
Sino pa ang may alagang hayop?
Sige nga, Kiss! Bibe po.

Natutuwa ako at may inaalagaan


kayong hayop!
B. Panlinang na Gawain

1. Tuklasin Mo Paghahawan
ng Balakid

Ngayon mga bata may kwento tayong


babasahin. Ang pamagat ng maikling
kwento ay “Masayang Paligid”
Upang lalo nating maintindihan ang
Masayang Paligid
kwento, tuklasin natin ang ibig sabihin
ng salitang “Masayang Paligid”

Masigla ang lahat.


Mapayapang paligid.
Maaliwalas

Magaling!

Tandaan ang kahulugang nito ay upang


lalo nating maunawaan ang babasahin
nating kwento

2. Pagganyak na Tanong

Bago natin alamin ang kwento, atin munang


basahin ang pagganyak na tanong.

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Sino ang bumati sa mga alagang hayop?
3. Anu- ano ang mga hayop na nabanggit sa kwento?
Ngayon ay babasahin na natin ang kwento.
Handa na ba kayong lahat? Opo!

(Babasahin ang kwento sa


pamamagitan ng powerpoint
presentation)

3. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

1. Ano ang pamagat ng tula? Ang pamagat ng tula ay “masayang


paligid.”

2. Sino ang bumati sa mga alagang hayop? Ang bumati sa mga alagang hayop
ay si Rey

3. Anu- ano ang mga hayop na nabanggit Ang mga hayop na nabanggit
sa kwento? sa kwento ay ang mga aso, pusa
ibon, kambing, baboy at bibe.

Mga bata, ulitin niyo nga ang mga tunog na Aso (aw aw)
ginawa ng mga alagang hayop ni Rey Pusa ( ngiyaw ngiyaw )
Ibon ( twit twit)
Kambing ( mee mee)
Baboy ( oink oink)
Bibe (kwak kwak)

Magaling, mga bata!


.

4. Pagtatalakay

Mga bata, tulungan natin si Rey na


makarating sa kanyang pupuntahan
sa pamamagitan ng pagbuo sa mga salita
na makikita sa mga daan.

Handa na ba kayo? Opo!

(Bubuuin ng mga bata ang mga


tinutukoy na salita)
Basahin nga natin ang mga nabuo niyong salita? Ingay
Aw
Rey
Bahay
Ngiyaw
Bantay
Ikaw
Baboy
Sigaw
Langoy

Ano ang napansin niyo sa mga salita? Kombinasyon ng tunog ng mga


patinig a, e , i, o, u at katinig
w, at y gaya ng aw, iw, ay, ey, oy,
at uy

Tignan nga natin, ang salitang


bahay anong kombinasyon ng tunog
mayroon dito? Patinig a at katinig y po!
Tama!

Ang salitang baboy? Patinig o at katinig y po!


Tumpak!

Magbigay nga kayo na salita na ang


kombinasyon ng tunog ay ang patinig i
at katinig w. Giliw
Sisiw
Baliw

Magaling!

Mga salita naman na ang


kombinasyon ng tunog ay ang patinig u
at katinig y. Giliw
Sisiw

Magaling!
Ang kombinasyon ng tunog ng mga
patinig a, e , i, o, u at katinig
w, at y gaya ng aw, iw, ay, ey, oy,
at uy ay tinatawang nating Diptonggo.

5. Pagsasapuso

Bilang isang mag-aaral,paano niyo


ipapakita ang pagmamahalninyo sa inyong
mga alagang hayop?
 Pinapakain ko ang aking pusa
araw- araw.

 Pinapaliguan ko ang aking alagang


kambing.

 Naglalaro kami ng aking alagang


aso.

Salamat!

Papaano niyo naman maipapakita ang


pagpapahalaga niyo sa inyong pamilya
pagdating ng araw? Mamahalin ko nang buong
puso ang aking pamilya.

Maging tapat ako sa aking


pamilya.  

Maglalaan  ako ng mas maraming


oras sa piling nila.

Magtutulungan at magdadamayan
kami sa mga gawaing bahay tulad
ng paglalaba, paghuhugas ng
pinggan at iba pa.

Tandaan niyo mga bata, pagdating ng


araw at magkaroon na kayo ng inyong
mga sariling pamilya, kailangang
ipakita ninyo kung gaano niyo
pinapahalagahan at minamahal ang iyong pamilya
sa pamamagitan ng mga salita at gawa,
dahil dito naipapakita natin
na pinahahalagahan at minamahal natin sila.

6. Gawain Natin

Ngayon ay igugrupo ko kayo sa apat.


Ang unang grupo ay bibilugan ang mga
magkakatugmang salita sa kantang pambata na
ang pamagat ay “Leron- leron sinta”

Ang pangalawang grupo ay iguguhit


ang kasintunog ng nasa larawan.

Ang pangatlong grupo ay kakantahin ang


patalastas na “Makulay ang buhay” at
sasabihin ang magkatugmang salita sa patalastas.

At ang pang- apat na grupo ay irarap ang ang


tulang “Ang aming mag- anak.”

Kayo ay may limang minuto upang


gawin ito.

Bago tayo magsimula, ano-ano ulit ang Magkaroon ng kooperasyon.


mga pamantayan sa pangkatang gawain? Magtulungan.
Iwang malinis ang lugar na
pagtatraba-huhan.

Kayo ay may limang minuto para gawin


ito? (Pagsagawa ng mga bata)

(Pagwawasto sa output ng mga bata gamit (Pagrereport ng output ng bawat


ang rubrics) pangkat)
7. Paglalahat

Sa ating pangkatang gawain, gumamit tayo ng


mga magkakatugmang salita.
Paano niyo nalaman ang mga salitang magkatugma?

Parehas ang tunog ng pantig.


Pareho ang titik sa dulo.
Magkasintunog sa dulo.

8. Gawin Ninyo

(Pangkatin muli ang klase)Bumuo ng


pangungusap gamit ang magkatugmang
salita.

Pangkat 1 – Puno ng mga salita


Pangkat 2 – Salita sa mga parte ng bahay
Pangkat 3- Pamilya ng mga salita
Pangkat 4 – Salita sa dahon ng mga bulaklak

Basahin ang pamantayan sa


pangkatang gawain? Sumunod sa panuto.

Igalang ang ideya ng bawat isa.

Magkaroon ng kooperasyon.

Makinig at igalang ang bawat


pangkat na magpapakita ng
kanilang nataapos na gawain.

Panatilihing malinis ang lugar.


(Pagwawasto sa output ng mga bata gamit (Pagrereport ng output ng
bawat ang rubrics) pangkat)

9. Pagtataya

Isulat ang titik ng salitang katugma ng nakasalungguhit.

1. Ang batang magalang dangal ng __________.


a. nanay at tatay
b. magulang
c. lolo at lola

2. Ang pagtulong sa kapwa ay tanda ng mabuting _______.


a. gawa
b. asal
c. bata.

3.Ang pagmamalasakit sa kamag-aaral ay bahagi ng ___________.


a. pangaraw- araw na buhay
b. pag- aaral
c. pagtulog

4. Magbiro ka na lamang sa lasing, huwag lang sa bagong _________.


a. gising
b. kaibigan
c. tulog

5. Ang magandang asal natin ay hindi dapat __________.


a. itago
b. isagawa
c. limutin

10. Takdang Aralin

Guhitan ang mga magkatugmang salita sa tula.


PAMILYA

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,


Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina
Para ang pamilya’ y maging masaya.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,


Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos
Dahil walang ibang tutulong sa kanila kundi ang kanilang sarili.

Rubric sa Pagbuo ng mga Pangungusap na Gamit ang Magkatugmang Salita


Pangkatang Gawain

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Mahusay


5 3 1
May isang May dalawa o higit pang
Malinaw na nailahad nakaligtaang sagutin o hindi nasagot o nailahad
Paglalahad ang mga ilahad mula sa nabuong mula sa nabuong
pangungusap pangunggusap pangunggusap

Pagbuo ng Kumpleto at nasa May isang bahagi o di May dalawa o higit pang
Pangungusap wasto ang wasto ang pagkakasulat bahagi na hindi wasto
pagkakasulat ng ng bawat pangungusap ang pagkakaayos ng mga
bawat pangungusap datos o impormasyon sa
graph. pagkakasulat ng
bawat pangungusap

Kooperasyon ng Ang lahat ay mahusay May tatlong hindi Isa lamang ang
Miyembro na nakilahok sa nakilahok sa nakilahok sa pangkatang
pangkatang gawain pangkatang gawain gawain

Total Score
Rubric sa Pagtukoy ng mga Magkatugmang Salita

Pangkatang Gawain

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Mahusay


5 3 1
May isang May dalawa o higit pang
Natukoy lahat ng nakaligtaang sagutin o hindi nasagot o natukoy
mga magkatugmang tukuyin ang sa mga magkatugmang
Pagtukoy salita magkatugmang salita salita

Kooperasyon ng Ang lahat ay mahusay May tatlong hindi Isa lamang ang
Miyembro na nakilahok sa nakilahok sa nakilahok sa pangkatang
pangkatang gawain pangkatang gawain gawain

Total Score

You might also like