You are on page 1of 12

3

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Mga Salitang Klaster

CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Salitang Klaster
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Fauna Kristine S. Formentera
Editor: Maylen F. Sardido, Gemma M. Gutierrez
Tagasuri: Maricel M. Jamero, Jennie T. Calamba, Mark Fil L. Tagsip
Tagawasto: Irene T. Cababat, Merla S. Silva, Myleen C. Robinos
Tagaguhit at Tagalapat: Marco Rigor Jumawan, Greco Dasmariñas,
Lee Wilson C. Precellas, Thonver R. Sampaga, Cherry Lou O. Calison
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero, Cristy C. Epe, Janette G. Veloso,
Beverly S. Daugdaug, Analiza C. Almazan, Mary Joy B. Fortun,
Ma. Cielo D. Estrada, Imelda T. Cardines, Mary Jane M. Mejorada,
Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region XI

Office Address : F. Torres St., Davao City


Telefax : (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address : region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka?

Maligayang pagdating sa modyul na ito. Sa pagpapatuloy ng


iyong pag-aaral, matutuhan mo ang pagbuo ng mga salitang
klaster.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nakapagsasama-sama ng mga katinig at patinig upang
makabuo ng salitang klaster.

Subukin

Tingnan ang bawat larawan. Piliin ang angkop na klaster sa


kahon para mabuo ang salita. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.

pl gr ts br rs

1. ____ ipo 4. ____ inelas

2. ____ ato 5. na_____

3. so___ e

1
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
Aralin

1 Mga Salitang Klaster

Balikan

Isulat sa kuwaderno ang mga pangngalang makikita sa bawat


pangungusap.

1. Sumayaw si Glenda.
2. Maraming plato ang nabasag.
3. Matamis ang bunga ng punong tsiko.
4. Natangay ng alon ang aking tsinelas.
5. Kumikinang ang suot niyang brilyante.

2
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
Tuklasin

Basahin ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na


tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Ang Prinsesa

Sa kahariang Grendan ay may


isang prinsesang nagngangalang
Prezan. Siya ay may magandang
korona.

Isang araw, pinuntahan niya


ang kanyang mga kaibigang sina
Flora at Greg. Niyaya niyang
maglaro sa plasa ang mga ito.

Naglaro sila ng habulan,


trumpo, at tumbang preso.
Talagang naaliw sila sa paglalaro
buong hapon.

3
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
Suriin
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang
sagot ng bawat bilang.

1. Saan naganap ang kuwento?


2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
3. Ano-ano ang kanilang nilaro?
4. Ano ang napapansin mo sa unang pantig ng mga salitang
nakasulat nang maitim?
5. Ano ang tawag sa dalawang katinig na magkasunod sa
isang pantig?

Pagtalakay sa Aralin

Ang salitang klaster ay salitang binubuo ng dalawang katinig na


magkasunod sa isang pantig na kapwa binibigkas. Tinatawag din
itong kambal-katinig.

Makikita ang mga pantig na ito sa unahan, gitna, o hulihan ng


salita.

Halimbawa:

Unahan Gitna Hulihan

tsinelas sobre nars

4
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
Pagyamanin

Isulat sa sagutang papel ang mga salitang klaster.

1. Mainit ang klima sa Pilipinas.


2. Paborito ni Juan ang tsokolate.
3. Masaya si Jane pagkagaling sa eskwela.
4. Ipinamimigay ng guro ang kard sa bawat kuwarter.
5. Ang pagputol ng troso ay ipinagbabawal.

Isaisip

Isulat sa sagutang papel ang angkop na salitang bubuo sa diwa


ng talata.

Ang salitang klaster ay salitang binubuo ng dalawang


____________ na magkasunod sa isang pantig na kapuwa
binibigkas. Tinatawag din itong ______________.

Ang magkasunod na katinig na ito ay maaaring


makikita sa _________, _________, at ___________.

5
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
Isagawa

Piliin sa kahon ang angkop na kambal-katinig upang mabuo ang


salita batay sa larawan. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

pl dr gl rt tr

1. ___ ___ am

2. ___ ___ en

3. ero ___ ___ ano

4. tsa ___ ___

5. ___ ___ obo

6
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
Tayahin

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang ka ___ ___ ng grocery store ay maraming laman.


a. ts b. rt c. pr
2. Magaling kumuha ng li___ ___ ato ang aking kapatid.
a. ts b. kw c. tr
3. Makulay ang ____ ____ aysikel nina Aling Rosa.
a. tr b. pl c. kw
4. Nawala ang sum __ __ ero ni Mang Chito.
a. ts b. br c. kw
5. Sumakay ng ___ ___ ip ang mag-anak.
a. kl b. gr c. dy

Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng mga salitang may klaster mula sa magasin o


diyaryo. Pagkatapos, isulat ito sa iyong kuwarderno.

1.
2.
3.
4.
5.

7
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1 8
Tayahin Isagawa Isaisip Pagyamanin
1. b 1. dr 1. katinig 1. klima
2. c 2. tr 2. kambal-katinig 2. tsokolate
3. a 3. pl 3. unahan 3. eskwela
4. b 4. rt 4. gitna 4. kard
5. c 5. gl 5. hulihan 5. troso
Suriin Balikan Subukin
1. Kaharian 1. Glenda 1. gr
2. Prezan, Greg, Flora 2. plato 2. pl
3. Trompo, habulan, tumbang preso 3. tsiko 3. rs
4. Dalawang katinig 4. tsinelas 4. ts
5. klaster 5. brilyante 5. br
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bagong Filipino 3 sa Salita at Gawa

Batayang Aklat sa Pagbasa 2010

9
CO_Q4_Filipino 3_ Module 1
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like